Played by Fate 2: Serpentine Fate Chapter 12

I start kissing him back. Parang may mga sariling isip ang mga kamay ko at niyakap si Jahann. This feels so wrong in many levels, but hell… it feels so right to be with him.

I felt him smile against my lips, he pinned me more on the wall… lumayo siya ng kaunti sa akin at tinignan ako sa mukha. “You have no idea how much I missed kissing you…” mahinang sabi ni Jahann sa akin.

Pakiramdam ko naman ay nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. I bit my lower lip and looked at his lips. I missed him, too. Siguro ay kung maririnig ako ng ibang tao, sasabihan nila ako na nababaliw na ako dahil sa nararamdaman ko.

Alam ko naman. This is crazy. I am crazy.

But what can I do? Aminin ko man o hindi, alam ko sa sarili ko ang totoo…

Mahal ko pa rin si Jahann. Hindi ako tumigil na mahalin siya kahit pa nagkalayo kaming dalawa.

He smiled a little. “Just like before, a lot of things are running inside your head…” he moved his hand and caressed my cheek. “Can you at least for one second… just focus on me? Just on me, Creep…”

“I am focusing on you…” I pouted a little. I am really focusing on him… hindi ko lang naman din kasi maiwasan mag-isip ng ibang bagay tungkol sa aming dalawa…

“Can you stop hanging around Montenegro? He’s such an eyesore.”

“Jahann!” pinanlakihan ko siya ng mga mata. “Wala naman kayang ginagawang masama sa’yo ‘yung tao. He’s just doing his part, hindi ko siya pwedeng pagbawalan dahil magtataka sila Mommy, isa pa, dahil na rin kay Nikko.” I looked at him. Isa pa iyon sa mga iniisip ko. Minsan ay nagpapakita siya ng sign na alam na niya ang totoo, kung minsan naman ay parang napaka inosente niya at wala siyang alam sa mga nangyayari.

He scoffed and pecks on my lips. “Reasons. Pasalamat ka mahal kita.”

I smiled at little at him. “Thank you, then.” Kahit papaano, masaya ako na ganito kami ni Jahann ngayon. Hindi ko alam kung gaano katagal pero masaya ako na ganito kaming dalawa ni Jahann sa ngayon. Ineexpect ko naman noon na hindi niya ako papansinin… hindi naman niya talaga ako pinansin noon, pero ngayon… we’re almost back to normal…

“Not funny, Creep.” Nakasimangot na sabi niya sa akin. I just smiled at him. Nagkusa na ako na yakapin siya at isandal ang pisngi ko sa dibdib niya. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

“You know that Alyanna will kill us both if we stay here, right?” nakangiti kong sabi sa kanya.

He groaned and kissed my head. “Fine.”

I looked at him and smiled. “Let’s go?” tanong ko sa kanya. Tumango naman siya bago mabilis na nagnakaw ng halik na naman sa akin. Hinampas ko naman siya ng marahan sa braso bago kami lumabas ng library.

Sabay na kami ni Jahann nagpunta sa restaurant na sinabi ni Daddy. Habang nasa biyahe kami, hawak-hawak ni Jahann ang kamay ko na para bang may aagaw sa akin mula sa kanya.

Nang makita ko naman sila Mommy ay naglakad ako papalapit sa kanila at humalik sa pisngi nito maging sa Daddy namin. Nandoon na si Alyanna na ngiting-ngiti sa akin. “Dito ka, twin!” aya niya sa akin.

Nakita kong napasimangot si Jahann pero wala naman itong ibang nagawa nang maupo ako sa tabi ni Alyanna.

“What is it? You’re smiling and it’s scary,” natatawang sabi ko sa kanya. She rolled her eyes and looked at me. “Mom and Dad agreed that we should do a welcome party for Jahann!” tumingin siya kay Jahann kaya naman pati ako ay napatingin sa lalaki.

“What?” tanong ko kay Alyanna. Hindi ba masyado ng late? Ang tagal ng nandito ni Jahann, eh.

“You don’t have to bother yourself, Aly,” ani Jahann sa katabi ko. Napalingon ako kay Alyanna na bahagyang napasimangot naman. Alam ko naman na gusting-gusto ni Alyanna mag-organize ng mga ganito.

“But I want to! Dumating ka dito ng ganoon ganoon lang kaya. Siyempre we want to formally have a welcome party for you! Diba, twin?” nilingon ako ni Alyanna at pinisil ang braso ko na parang sinasabing umoo ako sa kanya.

“Uhm…” napatingin ako kay Jahann na napasimangot dahil alam naman niyang hindi ko matatanggihan si Alyanna. “Yes?” I bit my lower lip.

“See? Even Cherinna agreed to the idea!” ani Alyanna kay Jahann. “Kaya wala ka ng magagawa, okay? We’ll have the welcome party for you!”

“Bahala ka sa buhay mo,” sagot ni Jahann sa kanya.

“Jahann is really like you, love. Napaka sungit!” natatawang sabi ni Mommy kay Daddy. “I’m actually happy that Jahann is really like you, though.” Our mom smiled at Jahann. “Kasi, kahit na topakin ang daddy niyo, once he fell in love, ilalaban niya talaga… diba, love?” she smiled sweetly at Daddy.

“I fell in love with the right person that’s why I have all the reasons to fight for that love, Ai. Wag mong pakiligin ‘yung sarili mo, trabaho ko ‘yan.” Sagot naman ni Daddy sa kanya.

Napangiti naman ako sa kanilang dalawa. Their love is so pure… lagi naming napag-uusapan ni Alyanna noon na nakaka-inggit ang mga magulang namin dahil kitang-kita namin na mahal na mahal nila ang isa’t isa.

In this world, it’s rare to find someone who will love you for who you are. Who will love your imperfections and won’t make that as a reason to leave you…

Kumain na lang kaming lima. Alyanna mentioned Ian won’t be able to make it dahil nagpasama si Kevyn dito. Wala namang kaso sa akin ang bagay na iyon dahil okay na rin na kaming lima lang ang magkakasama sa ngayon.

“Are you courting Airi? Sabi niya kasi hindi mo naman siya girlfriend, Jahann.” Tanong ni Alyanna kay Jahann habang kumakain kami. Napalingon ako kay Jahann nang nag-angat ito ng tingin.

“She’s not my girlfriend and stop putting malice on us, Alyanna.”

“I’m just asking, you know?” she rolled her eyes. “I heard that her dad is mom’s…. uhm… fling?” she chuckled. “Her dad was mom’s fling back then. Ang cute lang kasi, hindi natuloy ang love story nila, pero kayo ang magtutuloy…”

Napalingon ako kay Alyanna.

“Stop making stories in your head, Alyanna. That’s not gonna happen,” sagot ni Jahann sa katabi kong babae at nagpatuloy sa pagkain.

“Malay mo naman…” nagkibit balikat naman siya bago lumingon sa parents namin. “Daddy, wala ka bang ex na may anak na lalaki na ka-age namin?” tanong niya sa mga ito.

Hindi ko na narinig ang sagot ni Daddy kay Alyanna dahil napako na ang tingin ko kay Jahann na tahimik na kumakain.

Kung minsan talaga, bigla na lang may bagay na magbibigay sa akin ng dahilan para mag-isip… gaya ng sinabi ni Alyanna.

Ganoon na ba kababaw ang isip ko ngayon? Kanina lang, sinasabi ni Jahann na mahal niya ako, pero ngayon, natatakot na naman ako sa pwedeng mangyari. Hindi ko na rin alam kung hanggang kailan ba ganito ang isip ko.

“Don’t think about what Alyanna said, Creep,” ani Jahann nang nasa sasakyan niya na kaming dalawa. Sa kotse na nila Daddy sumabay si Alyanna kaya kasabay ko na naman si Jahann ngayong pauwi na kami.

“Hindi ko naman iniisip,” tanggi ko sa kanya bago tumingin sa labas.

“I should be pissed at you right now. You still don’t trust me,” he chuckled.

Mabilis ko siyang nilingon. “Of course I trust you!” malakas na sabi ko sa kanya. Napahalukipkip na lang ako sa gilid at inirapan siya. “I just…” I sighed heavily. “I just don’t like it when she’s teasing you with someone but I can’t stop her because I am not your girlfriend and—“

“Be my girlfriend, then.”

Napatingin ako sa mukha ni Jahann na sobrang seryoso.

“What?” Alam ba nito ang sinasabi nito?

He smiled a little. “Be my girlfriend again, Creep.”

Napatingin lang ako sa kanya. I know he’s serious about it, and I am so tempted to say yes…

“Don’t turn me down. I won’t take no for an answer. I won’t ask you to say yes now, Creep.” He smiled at me.

I smiled a little. I know things won’t be easy… but I am hoping and praying that in the end, things will be okay.

Pag-uwi namin ng bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko para makapaglinis ng katawan, pagtapos ay nagpunta naman na ako sa kwarto ni Nikko at nahiga sa kama na naroon. Tulog na tulog na ang anak ko at hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang nakatingin sa mukha nito.

He’s starting to look like Jahann…

Napalingon ako sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Jahann. Nakasuot ito ng white shirt at pyjamas. Kumunot ang noo ko sa kanya.

“What are you doing here?” mahinang sabi ko bago nilingon ang anak ko.

“I’ll sleep here,” diretsong sagot niya sa akin. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. “Are you crazy? Go back to your room!” anas ko sa kanya.

Tila wala namang narinig si Jahann at nahiga sa kama. Napatingin na lang ako sa lalaki habang nakatingin din siya sa akin.

“You’re unbelievable!” irap ko sa kanya at naupo na lang sa may kama.

“I just miss you so bad…” sabi niya sa akin. “Nagpaalam naman ako kay Mommy na ditto ako matutulog dahil matagal akong wala. Hindi ko alam na nandito ka rin.”

“Of course, I am here. Anak ko kaya si Nikolai.”

“I know,” ani Jahann bago inunanan ang braso niya at lumingon sa akin. “It’s a shame I wasn’t around when you gave birth to him…”

I looked at him, he smiled sadly. “I was an ass…” he shrugged and chuckled. “But I am happy that you’re his mother, Creep. I know you did a great job and you’re doing your best every day for him.”

I smiled at him. “Thank you, Jahann…” I looked at Nikolai and smiled at little. “I’ll go back to my room. Stay here and take care of Nikolai,” tumayo na ako at hinalikan ang noo ng anak ko nang hawakan ni Jahann ang kamay ko.

“How about me? You’re not gonna kiss me?”

Natawa naman ako ng marahan bago yumuko at humalik sa noo niya. “Go to sleep now, okay?” ngumiti ako sa kanya at akmang lalyo na nang hilahin niya ako at halikan sa mga labi.

I smiled against his lips and kissed him back. Ako na ang naunang nagbawi at tumingin sa kanya. “Good night, Jahann…”

“Good night, Creep.”

Lumabas na ako pagtapos at nagtungo sa kwarto ko para matulog.

Kinabukasan ay nagising ako ng maramdaman kong may nakayakap sa akin. Agad kong nilingon iyon at nakita ko si Jahann na natutulog sa likod ko.

“Jahann!” agad akong bumangon dahilan para mabitawan niya ako. He’s really sleeping! Beside me!

“What? What time is it?” he asked hoarsely.

Agad kong kinuha ang unan at hinampas siya. “What were you thinking? What are you doing here in my room?” tanong ko sa kanya. Sumimangot naman si Jahann sa akin. “I was so sleepy. Your room is next to Nikolai, you didn’t lock your door, Creep.”

“Doesn’t mean you can sleep here, though,” I rolled my eyes. I looked at the time. Halos alas-otso pa lang naman ng umaga.

“I already did,” he smiled at me. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi gwapo si Jahann kahit pa bagong gising ito.

He looked so good! Magulo ang buhok nito at ang mga mata nito ay halatang inaantok pa. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

“I’ll wash up. Bumangon ka na diyan dahil baka may makakita sa’yo rito sa kwarto ko, Jahann.” Tumayo na ako at itinali ang buhok.

“You’re so scared, Creep.”

I looked at him. “I am, because I am happy to have you… and…”

Jahann hugged my pillow and looked at me. “And I promise you I’ll win you back.”

I smiled a little. “Yes.”

Hindi na ako muling nagsalita at nagpunta na ako sa banyo para maghilamos. Alam ko naman na may nakahanda ng almusal sa ibaba pero gusto ko pa rin na malaman kung may maitutulong ako sa kanila.

Paglabas ko ng banyo ay nakaupo na si Jahann sa kama ko at nakatingin sa akin na tila inabangan ako sa paglabas ko. “Maghihilamos ka ba?” Tanong ko sa kanya bago humarap sa salamin para maglagay ng cream sa mukha ko.

Umiling siya at niyakap ako mula sa likod.

I looked at our reflection and smiled. “Hmm?” hinawakan ko ang kamay niya.

“I love you, Creep…” masuyong sabi niya sa akin. Napangiti ako lalo at pinisil ang kamay niya. “You have to go back to your room, Jahann.”

“I love you… and I’ll win you back. You and Nikolai.”

Napatingin ako sa kanya sa salamin. He’s looking back at me.

“You’re both mine.”

“Jahann…”

“You and Nikolai… you’re mine.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.