Played by Fate 2: Serpentine Fate Chapter 11

Nakatingin lang ako kay Jahann habang abala ito sa pakikipaglaro kay Nikolai. It was as if he like what he’s doing. Hindi naman na ako tumutol sa gusto niyang gawin dahil binabara lang niya ako tungkol sa pagdalaw ni Ian.

Napalingon ako kay Ian na nakaupo sa tabi ko at pinanunuod si Jahann at Nikolai. Kanina ay nilapitan niya ang anak ko para makipaglaro pero sinungitan lang ito ni Jahann kaya nakuntento na lang si Ian na panuorin ang dalawa.

“He liked playing with Niko,” kumento ni Ian. Tumango naman ako sa kanya. Hindi naman alam ni Ian ang totoo kaya hindi na ako nagpaliwanag sa kanya. Sa lahat naman, si Kol lang ang nakakaalam ng totoo at mas mainam na iyon kaysa malaman pa ng iba.

Kung ‘yung hindi nga magkamag-anak, nahirapan na silang intindihin, paano pa kaming dalawa ni Jahann?

“He missed his time playing with him before. Nasa New York siya noon, diba?” sabi ko na lang kay Ian na ikinatango niya sa akin. Kahit naman kasi sabihin ko kay Ian, hindi ko sigurado kung maiintindihan niya ba ako.

Maya-maya ay tinawag ako ni Jahann kaya naman nagpaalam na muna ako kay Ian at lumapit kay Jahann at Nikolai.

“Gutom na siya?” tanong ko kay Jahann habang nakatingin sa anak ko na itinataas ang kamay na parang inaabot ako.

“Not really, he just want you here and not there,” sabi naman ni Jahann sa akin. Tinignan ko siya at sinimangutan.

Alam ko naman na nagseselos siya. Sinabi niya iyon sa akin kanina pero wala naman siyang dapat na ikaselos kay Ian. He’s just here because of Nikolai. Gusto man niya ako o hindi, alam ko naman na hindi na magiging kami at malinaw naman iyon kay Ian.

“Are you gonna cook our lunch today?” tanong ko na lang sa kanya sa halip na pansinin pa ang sinabi niya sa akin. Wala sina Alyanna ngayon dahil nagyaya si Lean na lumabas kaya sinamahan na muna niya.

“Yes, kaya paalisin mo na ang bisita mo,” sagot niya naman sa akin. Tinitigan ko naman siya ng masama. “Jahann,” tawag ko sa kanya. “Wala namang ginagawang masama si Ian, eh,” sabi ko sa kanya.

“Pagtanggol mo pa,” sagot ni Jahann na nilalayo sa akin si Nikolai kapag hinahawakan ko ang kamay ng anak ko. Hindi ko naman mapigilang matawa.

“Para kang bata, mas baby ka pa kay Nikolai, eh,” puna ko sa kanya.

He shrugged and looked at me. “Baby mo pa rin,” sagot niya naman sa akin.

“Jahann!”

Tumingin siya sa akin at ngumiti. “What?”

“Siraulo ka,” saway ko sa kanya. I don’t know what’s with him and he’s saying things like that out loud. Hindi na ba niya iniisip ang sasabihin nila Mommy kung sakali?

Mabuti na lang talaga at wala ang mga kasama namin ngayon dito sa bahay.

“Take care of Nikolai now, I’ll prepare our food,” lumapit siya sa akin at inabot sa akin ang anak ko. Tumango naman ako sa kanya.

“Behave, Creep,” ani Jahann na kinakunot ko ng noo sa kanya. “Don’t feed him here, okay?” sabi nito bago tumayo at naglakad papasok sa kusina.

Napailing na lang ako sa kanya at hinayaan siyang magluto. Tila iyon naman ang hinihintay ni Ian dahil nang makaalis na si Jahann ay lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.

“Finally, time with Daddy Ian, Niko…” nakangiting sabi niya bago hinahawakan ang kamay ng anak ko. I just smiled a little. Kung meron man akong gusto kay Ian, iyon ay sobra siyang maalaga kay Nikolai.

He’s really treating him as his own.

Pero kagustuhan ko pa rin na kung lalaki na si Nikolai at makakapagsalita, Daddy Ian ang tawag nito sa lalaki. Hindi daddy lang gaya ng nirerequest ng lalaki.

“What’s with Jahann? Parang ayaw niya akong palapitin sa inyong dalawa ni Niko,” ani Ian habang nakatingin kay Nikolai. Parang gusto ko namang matawa dahil pansin pala nito ang bagay na iyon.

“You know him, he still doesn’t like what happened…” palusot ko na lamang sa kanya dahil hindi ko naman pwedeng sabihin na nagseselos si Jahann sa kanya kaya ayaw nitong palapitin si Ian. “Plus, he still can’t believe na may anak na tayo,” dagdag ko pa para maging convincing ang sinasabi ko.

“I understand him, he’s protective of you, and I am, too, Sunshine,” he smiled at me. Ngumiti na lang din ako sa kanya at inasikaso na si Nikolai. I excused myself and went up to his room to feed him.

Kung doon ako magb-breastfeed ay tiyak na magrereklamo na naman si Jahann sa akin.

Husto namang tulog na si Nikolai nang pumasok na si Ate Mildred sa loob. Sinabihan niya ako na tapos ng magluto si Jahann at pinatatawag na ako. Ibinilin ko naman na sa kanya si Nikolai at nagsabi na kung sakaling magising ay tawagin ako kaagad nito.

Dumiretso na ako sa kusina para tulungan si Jahann na maghanda pero nagulat ako nang makita kong naroon si Airi at kausap ni Jahann.

“Hi, Che!” bati niya sa akin bago lumapit at bumeso sa akin. Ngumiti naman ako ng tipid sa kanya. Nilingon ko si Jahann, umaasang maintindihan niya ang piping tanong ko kung bakit naroon si Airi ngayon pero hindi ito kumibo.

Nilingon ko na lang ulit ang babae. “Hi, Airi,” bati ko sa kanya. “Kumain ka na ba?” tanong ko muli rito. Hindi ko alam kung may usapan ba silang dalawa ni Jahann dahil akala ko ang plano ng lalaki ngayon ay makasama si Nikolai.

“Actually not yet,” she smiled at me. “I went here because I bought Nikolai some clothes,” masiglang sabi ni Airi. “I’m sorry, I know, nakakagulat but, I went to the mall and saw cute onesies and I thought of Nikolai…” nilingon nito si Jahann. “That grumpy man over there told me I should not bother, but I couldn’t help it,” natatawang sabi nito sa akin.

Ngumiti na lang ako ng tipid sa kanya. “Thank you, Airi, pero dapat ay hindi ka na nag-abala pa,” sabi ko sa kanya bago kami sabay na naglakad papunta sa lamesa.

“Hindi naman abala, eh,” tumingin siya sa akin. “Actually, I volunteer myself as a ninang of Nikolai,” dagdag niya pa sa akin.

Hindi pa naman namin napapag-usapan ulit nila Mommy ang tungkol sa binyag ni Nikolai dahil noong pinlano namin iyon, nagsabi si Daddy sa amin na kailangan na munang umuwi ni Jahann.

“That’s good, then. May ninang na si Nikolai maliban kina Alyanna,” ani Ian na nilapitan ako at inakbayan ako at ngumiti kay Airi.

Tinignan naman ito ni Airi at ngumiti ng tipid.

Awtomatiko naman akong napalingon kay Jahann na hindi ko makitaan ng kahit anong ekspresyon ang mukha.

“Let’s eat, I’m hungry,” sabi nito bago naupo sa pwesto nito. I just heaved a sigh before I walk towards the vacant chair in front of Jahann when he stopped me. “Sit beside me,” ani Jahann sa akin. Napalingon ako kay Airi na naupo sa tapat na silya imbes na sa tabi ni Jahann.

“Pero, Ja—“

“Sit beside me, Creep,” sabing muli ni Jahann. Tumungo na lang ako at naupo sa tabi niya.

“Can you stop being so grumpy?” natatawang sabi ni Airi sa lalaki bago lumingon sa akin at ngumiti. “You know, Che, way back in New York, lots of girls are trying to get his attention, but Jahann is so snob, he didn’t talk any of them,” nakangiting sabi ni Airi.

Nilingon ko naman siya. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin ang bagay na iyon. Kung anong purpose niya sa pagsasabi sa akin na walang pinansin si Jahann sa New York.

“She knows it, Airi,” seryosong sabi ni Jahann na nilagyan ako ng pagkain sa plato ko.

“I heard Iris went to New York to follow you, Jahann, hindi mo rin siya pinansin ‘dun?” tanong ni Ian habang nakatingin sa lalaki. Well, nalaman lang din namin na sumunod si Iris kay Jahann noon, hindi pa naman namin nakakausap si Iris tungkol doon.

“It’s none of your business, Montenegro,” Jahann replied.

“I remember that girl,” sabi ni Airi na natatawa. “She was the one following you around, right? I honestly don’t like that girl,” she grinned. Nagsimula na rin siyang kumain.

Hindi ko mapigilan na hindi tignan si Airi. Unlike what I feel towards Iris, it’s different with Airi. Naiinis ako sa kanya sa kakadikit niya kay Jahann, I admit, nakakaramdam ako ng selos, pero hindi katulad kay Iris, hindi ko nagagawang magalit kay Airi.

Hindi ko rin maintindihan kung ano ba iyon. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at bibihirang kumibo. Halos si Airi lang naman ang nagsasalita at kinakausap si Jahann.

Jahann is at ease with Airi.

Nagseselos ba ako kay Airi?

I think so…

Hindi ko talaga malaman sa sarili ko kung paano ko ba aayusin ang takbo ng utak ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba akong bumalik si Jahann o hindi.

I was fine before.

Noong wala siya, alam ko na wala na talaga kaming pag-asa na dalawa. Alam ko na hindi kami pwede at hindi na magiging kaming dalawa.

I was doing okay.

He came back and everything became disoriented again. Nararamdaman ko na naman ang takot ko, nararamdaman ko na naman ang pangamba na baka malaman nila ang totoo…

Nararamdaman ko na naman ang pagmamahal ko sa kanya.

I saw my mom’s reaction before when they found out I was pregnant. Kung malalaman nila Mommy ang totoo ngayon, hindi ko na alam kung ano pang magagawa ko para patawarin nila akong lahat.

“A penny for your thoughts, Sunshine?” tumabi sa akin si Ian sa may garden sa labas. Matapos kasi kaming kumain ay nagpaalam na lang akong lalabas ako dahil nagpatulong si Airi kay Jahann sa camera nito.

Umusog naman ako ng kaunti at huminga ng malalim. “Nothing, I’m just thinking about—“

“Nikolai’s father?” putol niya sa sasabihin ko. Nilingon ko naman si Ian nang nakakunot ang noo. Ngumiti siya sa akin. “Ang alam naman nilang lahat, ako ang tatay ni Nikolai, diba? Wag mo ng isipin ‘yung lalaking ‘yun,” sabi niya sa akin bago inabot ang kamay ko at hinawakan iyon.

Marahan ko namang binawi iyon at saka sumandal. “I saw disappointed my mom was before, Ian… I just don’t want to do something that might disappoint her again…” I tasted something bitter in my mouth.

I said it myself, I don’t want to disappoint my mom, but here I am… still madly in love with Jahann.

Si Kol lang naman ang tanging may alam ng nararamdaman ko. He’s the only person I can confide my feelings with.

Lumingon ako kay Ian na nakatingin din sa akin. I used him too much. Sobra na ang inako niya ang anak ko para lang hindi na magtaka sina Mommy pero kung gagamitin ko pa siya para sa pansarili kong interes, sobra na iyon.

“Yes, Sunshine?” he smiled at me. “May dumi sa mukha ko o gwapong-gwapo ka na naman sa akin?” natatawang sabi niya kaya hindi ko na rin napigilan ang matawa at itinulak ang pisngi niya papalayo sa akin.

“Ang kapal ng mukha mo, ha?” natatawang sabi ko sa knaya bago napalingon sa pinto at nakita si Jahann na naroon. Nag-iwas naman ako kaagad ng tingin sa kanya.

“Sorry to disturb you, but I think you should go now, Montenegro,” ani Jahann na ikinakunot ko ng noo.

“What? It’s still early and—“

“Our dad called and we’ll have dinner outside. Cherinna will go with me and I won’t let you stay here without any of us,” putol ni Jahann sa sasabihin ni Ian bago tumalikod at pumasok na sa loob.

Dinner outside?

Labag man sa kalooban ni Ian ay wala naman itong nagawa dahil tumawag din si Aly sa akin tungkol sa sinasabi ni Jahann. Nagpaalam na lamang ito kay Nikolai bago umalis ng bahay namin.

I was on the way to my room to get ready when someone pulled me and dragged me to the library.

Pilit kong hinihila ang braso ko sa kanya pero mahigpit ang hawak niya sa akin.

I looked at Jahann. “What do you think you’re doing?” asik ko sa kanya nang makapasok na kaming dalawa sa loob. Isinandal niya ako sa pinto at tumingin siya sa akin.

“What do you think you are doing, Creep?” he asked me, emphasizing the word you. Napailing na lang ako sa kanya. “Ano na namang problema mo?”

“Why are you holding hands with him?” tanong niya sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

“I wasn’t holding hands with him! Hinawakan niya ang kamay ko at—“ I frowned. “I know you’re jealous of him, but you can just pull me whenever you want, Jahann. Ano ka ba?” sabi ko sa kanya bago marahan siyang itinulak.

Hindi ba siya nag-iisip? Paano kung may nakakita sa ginawa niya? Anong iisipin nila?

“You know I’ll do everything to win you back, right?” biglang sabi niya na ikinalingon kong muli sa kanya. His jaw tightened as he looked at me.

“Jahann…” huminga ako ng malalim at yumuko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago muling tumingin sa kanya.

“Alam natin pareho na hindi ito tama, diba? We both know that—“ my eyes widened when he claimed my lips and presses me against the door.

“Jahann!” I pushed him away, I bit my lower lip and looked away. “You can’t just kiss me whenever you want and—“

“I love you, Creep.”

I looked at him and he was staring back at me.

“I love you, and it will always be you. Just you.”

Fuck. I’m doomed.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.