Played by Fate 2: Serpentine Fate Chapter 14

“You’re not gonna swim?” I asked Jahann. Nakaupo lang siya sa gilid habang nakatingin sa mga kasama namin. Kanina pa siya inaaya nila Alyanna pero hindi siya nagpapaunlak sa mga ito.

“You know I am fine here, right?” natatawang sabi ko sa kanya. Nakasuot ako ng oversized shirt at shorts habang kumakain ng chips sa gilid. Hindi ako sumama na magswimming dahil malamig at wala akong planong sipunin.

Itong mga kasama lang namin ang matitibay ang loob. Kahit na malamig na ang panahon ay nakuha pa ring lumusong.

“I know, and I am more than okay when I am with you, so I will stay here.”

I smiled a little and shook my head. Malayo naman ang mga kasama namin kaya tiyak akong walang nakakarinig kay Jahann.

Hindi ko nga rin alam kung bakit ba ang casual niya lang sabihin ang mga ganoong bagay sa akin samantalang may mga kasama kami.

Is he not afraid to get caught?

Alam ko na kapag nalaman nila ang tungkol sa amin, magkakagulo kaming lahat. Hindi ko alam paano ko i-eexplain sa kanila kung paano nangyari iyon, paano nabuo si Nikolai. They will surely be mad at me… at us.

Hindi iilang beses akong na-tempt na umoo na sa kanya.

For countless times, I thought of just biting the bullet to be with him, but it’s not that easy. Hindi naman kasi sa aming dalawa lang umiikot ang mundo. Maraming tao ang maapektuhan.

“Hey, aren't you going to join us?” tanong ni Airi kay Jahann. Umahon pa ito mula sa pool at lumapit sa aming dalawa. Naupo ito sa tabi ko.

“You two are really closer, no? Buti hindi nagtatampo si Alyanna,” natatawang sabi niya bago lumingon sa babaeng nabanggit.

Napangiti na lang ako ng tipid. Mula pagkabata naman, alam ni Alyanna na kami talaga ang malapit ni Jahann.

“Alyanna is close to Cherinna, she’s close to me. No need to be envious.” Nagkibit-balikat naman si Jahann bago kinuha ang chips na kinakain ko. “Too salty. Drink water, Creep.” Inabot niya sa akin ang isang baso na may lamang tubig.

I rolled my eyes. “Hindi naman maalat masyado kaya,” sagot ko naman sa kanya. Hindi pa rin naman niya ibinalik sa akin ang chips, sa halip ay ibinigay niya iyon kay Keij.

“He’s always like that,” nakangiting sabi ni Airi. “I remember noong nasa New York pa kami, he hates it when the restaurant is serving too salty food. Sinusungitan niya pa ang waiter,” napapailing na natatawa si Airi.

I just smiled a little. Nakatingin ako kay Jahann na pilit hinihila ni Keij sa pool pero hindi niya magawa dahil hinila rin siya ni Theon pababa.

“You know… I’m envious of you.”

Natigilan ako at lumingon kay Airi na nakakunot ang noo. “What? Why? Wala namang nakakainggit sa akin.”

Nilingon niya ang mga pinsan ko at kaibigan ko na nag-aasaran at nagtatawanan. “You have this…” she smiled a little. “Growing up, aside from my mom and dad, all I have is my Auntie. Sila lang ang kasama ko and I never experienced this. That’s why I am really happy to be part of your circle of friends.”

Tinignan ko lang si Airi. She looks sincere. Hindi ko lang alam kung maaawa ba ako sa kanya o ano. She’s actually pretty. Very pretty. That’s why I can’t understand why she doesn't have friends like what she’s claiming.

Natawa ito habang nakatingin sa mga kasama namin kaya naman napalingon na rin ako. Yakap-yakap ni Keij si Jahann at pinipilit na tumalon sa pool.

Hindi ko rin napigilang matawa dahil nagpupumiglas si Jahann kay Keij.

Tumayo naman si Airi at lumapit sa kanila. Hinawakan nito ang kamay ni Jahann at hinila ito kaya naman nahulog silang dalawa sa pool. Malakas ang tawa ni Keij pagtapos.

“Sus, kay Airi lang pala gusto sumama!” pangangantiyaw ni Keij habang tawa ito ng tawa. Tumalon na itong muli sa pool at hinahampas ang tubig papunta kina Jahann at Airi.

“Gago!” narinig kong sabi ni Jahann sa mga ito bago umahon.

Kinuha ko naman ang towel na nasa gilid at inabot ito sa kanya nang makalapit siya sa akin. “Are you okay?” tanong ko sa kanya. Mahinang tango naman ang sagot nito sa akin.

“Mas giginawin ka kung ‘di ka pa maliligo or sasama sa kanila,” sabi kong muli bago umupo. Nakasimangot naman siyang tumabi sa akin.

“Basa ka!” tinapik ko ang braso niya nang sumandal siya sa akin.

“Hug me, then? Para hindi ako ginawin.”

Nilingon ko siya at pinanlakihan ng mata. “Ikaw talaga!” I rolled my eyes. “Hinihila ka ni Keij, ayaw mong sumama. Nung si Airi na…”

“Nung si Airi na, ano?” he asked me. I saw him smirking.

“Wala,” I shrugged. Tumayo na rin ako para lumapit sa mga kasama namin. Naupo ako sa may gilid ng pool habang nakababad ang mga paa sa pool.

“Sana nag-foot spa ka na lang sa Cyan’s, diba?” natatawang sabi ni Lean sa akin nang lumapit sila sa akin. Nang makita nila akong lumapit ay akala nila na lalangoy na rin ako.

“Malamig, eh. Giginawin ako.”

Nasa kabilang gilid ng pool sina Enzo, Kol, Theon at Keij. Si Jahann naman ay naiwan na sa inuupuan ko kanina habang nakatingin lang sa amin.

“Pangit ka-bonding ni Theon, ampota.” Reklamo ni Keij nang lumapit siya sa amin.

“At bakit?” taas ang kilay na tanong ni Lean dito.

“Mukhang nagayuma mo, eh. Tinuturuan ako manligaw. Tangina, sinong liligawan ko? Damo?” reklamo pa rin ni Keij. Hindi naman namin napigilan na hindi matawa.

Imposible naman kasi na walang maligawan si Keij. Sadyang ayaw lang nitong manligaw at ayaw magseryoso. “Why not? Mukha namang tumino si Theon,” sabi ko sa kanya.

“Because he found his true love,” sagot naman ni Airi na nasa tabi ni Alyanna. “Ikaw naman din siguro kapag nahanap mo na true love mo, titino ka, eh,” natatawang dagdag pa ng babae.

“Nako, kawawa lang babae kay Keij,” iiling-iling naman na sabi ni Alyanna.

Panay pa rin ang asaran nila habang nag-iinuman sila. Umahon na silang lahat at nasa may gilid na lang kami habang nagkukwentuhan.

“Pero seryoso nga, hindi ka pa nililigawan nito ni Jahann, Airi?” tanong ni Lean sa babae bago tumingin kay Jahann. “Ang hina mo naman!”

“No, no. We’re just friends!” ani Airi na natatawa.

“Ganyan din sabi ni Theon noon. Bago hinarot si Lean at--aray!” napakamot si Keij nang batuhin ito ng lata ng beer.

“Tangina, laro na lang tayo. Sadista ‘tong Enzo na ‘to,” sabi ni Keij. Napailing na lang kami sa kanya at sumang-ayon na lang sa gusto niyang gawin.

“Oh, wala namang ibang laro rito, spin the bottle na lang, no? Hindi naman tayo pwedeng mag-adult dice at baka ilibing ako ng pamilya ko ng wala sa oras.”

“Siraulo ka talaga, kadiri ka!” asik ni Alyanna sa lalaki. Pinagtulungan na lang naming linisin ang lamesa para makapaglaro na.

One simple rule. Kung kanino tumapat ang ulo ng bote, iyon ang gagawa ng either consequence o dare, ang matapatan naman ng kabila ang magbibigay ng order.

Paikot ang lamesa namin. Magkatabi si Kol, Enzo, Keij, Alyanna, Airi, Theon, Lean, ako at si Jahann.

“Game na, game na!” ani Keij na napaka-excited. Halatang nakainom na ito dahil namumula na ang pisngi nito. Napailing na lang ako habang nakasandal sa inuupuan ko.

Si Keij na ang nagpaikot ng bote.

Tumapat ito kay Lean at Enzo. Hindi namin mapigilan ng matawa nang mapamura si Lean. Si Enzo ang magbibigay sa kanya ng dare.

“Don’t you dare ask me to break up with him, huh?” she frowned.

Enzo shrugged.

“Game na. Anong dare mo sa kanya?” tanong ni Keij kay Enzo na may halong siko pa rito.

“Not a dare, just a question,” panimula ni Enzo. “Are you happy?” he asked.

I smiled a little. Alam ko naman na kahit pa against noon si Enzo sa kakambal nito, tanggap na nito ngayon ang nangyari.

Theon held her hand and squeezed it. Lean turned her face to Theon and smiled. “Yes, I am happy, and actually… I don’t regret what I did. He makes me happy,” dagdag pa nito.

“Pangit mo rin ka-bonding!” pang-aasar ni Keij sa mga ito. Hindi naman namin napigilan na asarin si Lean.

Kita naman din talaga sa kanila na masaya silang dalawa. Hindi ko mapigilan na hindi tignan ang kamay nilang dalawa. They’re free now. Alam na ng lahat ay pinaglaban naman din nilang dalawa ang pagmamahalan nila.

What happened to them was not easy. Marami silang pinagdaanan. I saw what happened and I actually told Lean they will be okay.

Sana kaya ko rin sabihin sa aming dalawa ni Jahann ang bagay na iyon.

They both fight for each other. Si Theon kay Lean, si Lean kay Theon… and now, they’re happy… but their story isn’t as complicated as ours…

Hindi naman biro na magkagusto ka sa… sa kapatid mo.

This is insane. It’s crazy.

Magkagusto nga lang, nakakaloko na.

Paano pa ang nagkaanak kaming dalawa?

Paano ko ipapaliwanag sa kanilang lahat ang tungkol sa bagay na iyon? I have no idea…

I hope maintindihan nila ako pero hindi ko pwedeng ipilit sa kanila na tanggapin dahil kahit saan ko tignan, mali ang nangyari.

Maling-mali.

Huminga na lang ako ng malalim at kumunot ang noo ko nang magsalita si Keij. Pinagpapatuloy na pala nila ang larong nasimulan.

“Kung ‘di mo type si Jahann, kiss mo nga.”

Napatingin ako kung kanino napatapat ang bote at kay Airi iyon nakaturo. Napalingon ako kay Jahann na nasa tabi ko na nakakunot ang noo at masama ang tingin kay Keij.

“Shut up, Keij. You’re drunk,” ani Jahann sa lalaki.

Natawa naman si Alyanna. “Gago ka talaga, Keij.”

Inabot ko ang baso sa gilid para uminom ng tubig. Nakita ko si Kol na nakatingin sa akin at nakangiti ng maliit. I rolled my eyes.

“Mag-CR lang ako,” paalam ko sa kanila at tumayo na. Naririnig ko pa rin ang asaran nila nang maglakad ako papasok.

I have no idea if they will notice that I just used that as an excuse to get away. Wala naman akong ibang plano na makita si Jahann na nahahalikan ng iba.

I filled my lungs with air.

Hangga’t hindi klaro kung ano ang mayroon kaming dalawa, I can’t fully say I own him…

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na rin ako. Napakunot ang noo ko nang tumigil na sila maglaro at wala na rin doon si Jahann at Airi. Napalingon ako sa paligid pero hindi ko sila nakitang dalawa.

Tahimik akong naupo na lang ulit sa pwesto ko. They’re now talking about life after graduation. Keij mentioned he wants to manage their business. Sa kanila naman talaga ipapamana iyon kaya nakakatuwa na naiisip na nito kung ano ang plano nito sa buhay. Si Theon naman ay plano na pumasok sa firm ni Tita Rain.

Si Enzo ay sa company nila Tito Blue. Si Lean ay gusto pa rin i-pursue ang modelling niya.

Maya-maya pa ay bumalik na si Airi kasunod si Jahann. Nilingon ko ang lalaki pero hindi ito nagsalita. Naupo lang ito muli sa tabi ko.

“How about you and Ian, Twin?” tanong ni Alyanna sa akin maya-maya. “Wala na ba talagang chance na magkabalikan kayo? Sayang naman ‘yun…” dagdag niya pa.

I smiled a little. “We’re friends now and that’s fine. We’ve talked about it and he understands,” I shrugged.

“Or you like someone, too?” tanong ni Airi sa akin habang nakakunot ang noo. “Do you like someone?” She teased me. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. “What?” natatawang tanong ko. “Where did that come from?” Nilingon ko si Jahann na nakatingin sa akin.

May sinabi ba siya kay Airi? Wala naman siguro. Hindi naman si Jahann ang tipo ng tao na magsasabi ng ganoong bagay.

“Enough with that love life talk,” ani Enzo para ibahin ang usapan. “It’s getting late,” tumayo na ito.

“Magpapari ka ba?” tanong ni Keij habang nakasimangot dito pero tumayo na rin naman. Halos alas dos na rin namang umaga kaya tama lang din ang pag-aaya ni Enzo na matulog na sila. Hindi naman na nagreklamo ang mga kasama namin.

Mga nakainom na rin naman sila kaya mabilis na lang silang makakatulog pero maglilinis pa raw muna sila ng katawan.

I heaved a sigh before I started cleaning the table. Kumuha ako ng malaking plastic para roon ilagay ang mga kalat namin.

They’re planning to walk outside tomorrow. Gusto lang daw nilang magsight-seeing. Kol suggested we should just rent a bike and they all said yes.

Nakaakyat na silang lahat kaya naman ako na lang ang naiwan sa ibaba.

“You’re thinking I kissed Airi,” ani Jahann na nasa likod ko pala. Hindi ko alam na nagpaiwan pa siya, akala ko ay umakyat na rin siya kasama ang iba. Nilingon ko ito at muling ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko. Hindi ko naman alam kung ano ang nangyari dahil umalis ako.

“Creep.”

“Hmm?” Tumayo ako ng tuwid matapos kong malinis ang lamesa, pagharap ko ay ang lapit ng mukha ni Jahann sa akin.

“Hey…” napaatras ako ngunit nahawakan ni Jahann ang likod ko at hinapit akong muli papalapit sa kanya.

“You’re jealous of Airi,” he said. “I don’t love her, you know that.” Diretong sabi ni Jahann sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Pinilit ko namang mag-iwas ngunit sinundan lang ako ni Jahann ng tingin.

“I’m not jealous of her,” I rolled my eyes.

“It’s obvious, you know? You can’t deny it…” he smiled a little.

“Hindi ako nagseselos kahit pa asar-asarin ka ni Keij sa kanya, no!” pinanlakihan ko siya ng mata bago naglakad papasok sa kusina.

Sinundan naman ako ni Jahann at tinulungan akong maghugas ng pinggan. Kunot noo akong nakatingin sa kanya. Sinabihan ko siya na ako na ang gagawa noon pero hindi naman niya ako pinakinggan kaya hinayaan ko na lang siya.

Nakasandal lang ako sa gilid habang nanunuod sa kanya.

“Maybe Airi likes you,” sabi ko habang nakasimangot sa kanya.

Jahann chuckled and turned his face on me. “You’re just making yourself jealous, Creep.”

“Are you sure you don’t like her? You care for her, you even invited her here…”

Matapos si Jahann sa ginawa ay naglakad siya papalapit sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pinisil ito.

“I don’t understand why you’re jealous of her. We’re just friends, nothing more,” he explained. His eyes speak sincerity.

I frowned at him.

“But why did you invite her here?” I asked him again. Hindi ko naman kasi talaga alam bakit ba niya inimbitahan si Airi na makasama namin. Not that I don’t want her here, I’m just really… jealous...

“Because she’s just a friend… I love you, Creep. You know that…” he said softly. He smiled a little and pressed his lips on my forehead.

“I love you so much that it hurts…”

He looked at me and claimed my lips.

I smiled against his lips and responded to his kisses.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.