Kinabukasan ay nauna pa rin akong nagising sa mga kasama ko sa kwarto kahit na hindi ako agad nakatulog. Jahann and I stayed in the living room last night. We just talked, mostly about me and Nikolai, hindi naman siya masyadong nagkwento ng tungkol sa nangyari sa kanya noong nasa New York siya at hindi ko naman na siya pinilit pa.
Napakunot ang noo ko nang makita ko si Jahann, Kol at Enzo na nasa kusina at nagluluto. Pasimple akong pumasok sa loob para tignan silang tatlo.
Hindi sila nagkikibuan. They were all silent while they’re cooking. Hindi ko tuloy mawari kung nagkakaintindihan ba silang tatlo.
“Why are you three here?” I asked them. Nilingon naman ako ni Jahann at ngumiti sa akin. Ibinigay nito kay Enzo ang hawak at naglakad papunta sa direksyon ko.
“Good morning, Creep,” bati niya sa akin.
“Good morning, too,” I smiled. “Good morning, Enzo and Kol,” bati ko sa dalawa na sinagot lang ako ng tango. They’re always like that so it’s not news to me, to us.
“Why did you wake up early? Did you have a good sleep?” tanong ni Jahann sa akin bago ako iginiya papunta sa lamesa. He walked away and grabbed a mug, he turned his back on me and when he turned to me, he’s already holding a mug with hot chocolate in it.
“Thank you…” I smiled a little. “I slept well. Maaga lang talaga ako nagigising and actually, late na nga. It’s 9 am already…” natatawang sabi ko sa kanya. “What are you cooking?” tanong ko naman kay Jahann bago sumimsim sa ibinigay niya sa akin.
“Kol was craving for tuyo, Enzo was craving for omelette and we can’t let Keij or Theon do the cooking, so we just did it ourselves,” Jahann shrugged and looked at Kol and Enzo. Napailing naman ako.
Pinilit kong tumulong sa kanila pero hindi naman din nila ako pinayagan kaya naman pinanuod ko na lang sila. It’s actually fun watching them, hindi sila kasing ingay nila Keij pero hindi naman din sila boring kasama.
Halos patapos na silang magluto nang isa-isang bumaba na ang mga kasama namin. Naupo na lang na ako sa gilid, tumabi naman sa akin si Jahann at sa kabila si Alyanna.
“Kamusta naman ‘yung maglalakad daw ng maaga para maenjoy ang paligid?” tanong ko sa kanila. I was about to get the plate with garlic rice when Jahann extended his arm and reached it for me. Ito na rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko.
“Someone knocked at our door kasi last night! Si Theon siguro ‘yun!” reklamo ni Alyanna. “Imbes makatulog kami agad, hindi tuloy namin nagawa,” dagdag pa nito.
“Tangina neto, oh. Ayaw paawat,” asar naman ni Keij sa lalaki.
Napailing na lang ako dahil napuno na naman kami ng ingay ngayon. We just continued to eat and we planned to go out later. They mentioned we’re gonna walk later. Maghahanap daw sila ng marerentahan ng bike pero kung wala ay maglalakad na lang. Wala namang nagreklamo sa aming lahat.
Matapos kaming kumain ay naligo na rin ako at nagpalit ng damit. I just wear a plain black spaghetti strap top and white shorts, I partnered it with my black and white sneakers. I also braided my hair before going out.
I stayed in the living room while waiting for others. Tinawagan ko na rin muna si Ate Mildred para makamusta si Nikolai. She left a message last night that Nikolai is okay. Alam ko naman din kasi na hindi naman ito pababayaan ni Mommy kaya naman kampante ako kahit na hindi ko kasama ang anak ko.
“Wala pa sila?”
I looked back when someone asked me. I saw Enzo and he walked towards me and sat on the other side of the couch. Umiling ako bilang sagot sa kanya.
Sa labas na namin plano mananghalian. Kakakain lang naman din namin kaya sa tingin ko ay mamaya pa kaming hapon kakain, pero depende pa rin sa mga kasama namin.
“You sure you’re gonna wear that outside?” Enzo asked me after a few minutes. I creased my forehead as I looked at him. “What do you mean?” I asked. Napalingon ako sa suot ko at disente naman iyon sa paningin ko.
It’s not like I’m showing cleavage because I am not.
“Your brother might not like it,” he shrugged and leaned on the couch, and closed his eyes. Napasimangot na lang ako sa kanya dahil sa diin ng pagsabi niya ng salitang brother.
Aside from Kol, hindi naman ako sigurado kung may alam si Enzo. Yes, close sila nila Jahann pero hindi ko naman alam kung ano ba ang alam ni Enzo tungkol sa amin, kung may alam ba ito o wala.
Ilang sandali pa ay nagbabaan na ang mga kasama namin. Jahann frowned when he saw me. Kahit naman sina Alyanna ay spaghetti strapped top ang mga suot at disente namang tignan ang mga ito.
“Let’s go?” aya ni Keij sa amin. Tumango naman kaming lahat at sumunod na sa kanya sa paglabas. Magkahawak ang kamay ni Lean at Theon habang naglalakad. Si Keij at Alyanna naman ang nag-aasaran habang naglalakad kami.
I sighed heavily as we walked on the side. Pataas at pababa ang mga daan doon kaya naman nakakahingal at nakakapagod pero parang wala lang iyon sa mga kasama naming lalaki.
“Sabi niyo kasi magrerent ng bike! Pawis na pawis na ako,” reklamo ni Alyanna.
“Wala nga marentahan, tsaka para matunaw ‘yung bilbil mo, Aly,” pang-aasar ni Keij dito bago tumawa. Natawa naman din kami rito nang tumakbo ito papalayo kay Alyanna.
“Kapal ng mukha mo, Keij,” irap ni Alyanna rito.
“You want water?” tanong ni Airi kay Jahann na naglalakad sa gilid ko. Nasa kabilang side niya si Airi. Inabot nito ang bottled water sa lalaki.
“No, I’m good. You, Creep? Water?” alok naman niya sa akin. Umiling naman ako at tipid na ngumiti.
I continued to walk and follow the others. Nakasabay ko na si Kol na naglalakad. Hinihingal na ako, parang sa kanila ay normal na lakad lang ang nangyayari.
“You’re too obvious,” Kol muttered. Nilingon ko naman siya at tinaasan ng kilay. “Obvious saan?” tanong ko. Inirapan ko na lang ito at nagpatuloy kami sa paglalakad.
Pinilit ko na lang na huwag lumingon sa likod at magpatuloy sa paglalakad. Nakikisali na lang ako sa usapan nila Alyanna. May mga nadadaanan kaming makakainan pero naghahanap pa rin sila Keij ng iba kaya panay pa rin ang lakad namin.
“Can we just eat here? Ang sakit na ng paa ko kaya,” ani Lean bago lumingon kay Theon. “Dito na lang tayo,” dagdag pa nito. Tumango naman si Theon at sinabihan si Keij na doon an lang kami sa tila kubo kumain ng tanghalian.
Wala naman ng nagawa si Keij nang lahat kami ay pumasok na sa loob.
Maaliwalas ang paligid at hindi na ganoon kapolluted ang hangin. Per kubo ang mga lamesa kaya naman namili kami ng mas malaking kubo dahil marami kami.
Naupo na lang na ako sa gilid at sumandal. Parang gusto ko na lang magpamasahe ng paa mamaya.
“Pwede bang kayo na lang bumalik mamaya tapos sunduin niyo na lang kami?” sabi ni Alyanna sa mga kasama namin.
“Galing mo ah, chicks ka ba?” tanong ulit ni Keij dito.
“Alam mo ikaw, isusumbong na kita kay Tito Hunter, napaka walanghiya mo sa amin, ah,” ani Alyanna bago hinampas si Keij. Hindi naman namin napigilan na matawa.
Nasa may dulo ako at katabi ko si Alyanna, Jahann was on the other side and he’s beside Airi. Pinilit ko na lang din na huwag lumingon sa kanya.
Lumapit sa amin ang waiter para kunin ang order namin. Nakasandal lang ako at hinayaan ko na lang na sila ang umorder. May mga inihaw, sabaw at kung ano-ano pa sila at wala namang problema sa akin kung ano ang piliin nila.
“Kayo po, Miss, may gusto po kayo?” untag sa akin ng lalaki.
Napalingon ako sa kanya at umiling. “No, I’m good. Thank you…” tipid akong ngumiti sa lalaki bago inabot dito ang menu nilang hindi ko naman din nagamit.
“May mga shake po kami rito, baka gusto niyo pong i-try ang mango shake namin, ‘yun po ang best seller namin at--”
“She said no.”
Napalingon ako kay Jahann na seryoso ang mukha habang nakatingin sa lalaki. Tumango naman ito ng marahan bago naglakad papalayo.
“What was that?” tanong ni Airi sa lalaki. “Nagtatanong lang naman ‘yun, eh,” dagdag pa nito. Hindi naman nagsalita si Jahann.
“Sungit mo talaga kahit kailan,” kumento rin ni Alyanna. Kung ano-ano ang pinag-uusapan nila habang naghihintay kami sa pagkain namin. Paminsan-minsan ay sumasali ako sa usapan nila.
Maya-maya lang ay bumalik na ang waiter dala ang order namin. I thanked him and he smiled. My dad once told me that a simple thank you can make them happy, it means we appreciate them, that’s why whenever we’re eating outside, I make sure to thank the staff who’s serving us.
Pagtingin ko kay Jahann ay nakasimangot ito sa akin. I rolled my eyes and started eating. Kausap ko si Alyanna nang mapansin ko si Jahann na nilalagyan ang plato ko ng ulam. Nilingon ko siya at tila balewala sa kanya na nakatingin ako at pinagpatuloy ang ginagawa.
“Ako rin, snob. Gusto ko ‘yan,” sabi ni Alyanna sa lalaki nang marahil ay mapansin nito ang ginagawa ng lalaki. Tumango naman si Jahann at nilagyan na rin si Alyanna ng pagkain.
Jahann paid for our food after.
Matapos kaming kumain ay tumayo na muna ako para magbanyo. Mahaba ang lalakarin namin pabalik. Hindi ko naman alam kung sasakay na ba kami o maglalakad lang ulit.
Wala pa man, nauna na kami mag-alay lakad.
Pagbalik ko sa lamesa namin ay si Jahann na lang ang nandoon. Kumunot ang noo ko at lumingon. “Nasaan na sila?” tanong ko sa kanya bago muling umupo.
“Looking for ice cream,” he said while looking at me.
“Bakit ‘di ka sumama sa kanila?” tanong ko naman sa kanya bago sumandal. “Airi’s with them and--”
“How many times do I have to tell you that I love you for you not to think I like her?” he asked me bluntly.
“Jahann!” pinanlakihan ko naman siya ng mata.
“Creep, I don’t give a damn if they’ll hear me. I am just keeping it because I know you’re not ready yet, you know?” he sighed. “Tapos magseselos ka pa? You have no idea how much I wanted to pull you and kiss you when you walked out on me earlier,” he frowned.
“You want water?” I rolled my eyes.
“Kayo po, Miss, may gusto po kayo?” he frowned.
I looked at him and couldn’t stop myself from laughing. “What? What was that?” napapailing na tanong ko sa kanya. Nagseselos siya roon? Hindi ko naman kilala ‘yun.
“Ngayon natatawa ka diyan,” he scoffed and shake his head.
“Cute mo, no?” I teased him and smiled a little.
Maya-maya ay bumalik na ang mga kasama namin. Binilihan na rin kami ni Alyanna ng ice cream at nag-aya silang maglakad na ulit.
“May simbahan dito, diba? Punta tayo…” aya ni Lean sa amin.
“Baby, hindi pa ako nagpopropose gusto mo na magpakasal agad?” pang-aasar naman ni Theon sa kasintahan.
“Kapag si Enzo sinapak ka, tulog ka, ‘pre.” ani naman ni Keij na nauuna sa paglalakad. Napailing na lang ako habang naglalakad at kumakain ng ice cream.
Napasinghap naman ako nang hilahin ako ni Jahann at ipuwesto sa gilid niya nang may dumaan na sasakyan. Napalingon ako sa kanya nang hawakan niya ang braso ko. Hindi naman siya nagsalita, sa halip ay nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
Nasa dulo kami kaya naman walang nakakakita nang hinawakan na ni Jahann ang kamay ko. He intertwined his fingers on mine and I could feel the warmth of his palm. That familiar warmth I longed to feel. He squeezed my hand a little.
It was like assuring me that he’s there and I should not be afraid because he won’t leave me and he’s here to stay…
Ganoon na lang ang saya naming lahat nang makarating kaming lahat sa simbahan. Bumili sila Kol ng kandila bago kami pumasok sa loob.
Jahann was beside me and when I looked at him, his eyes were closed and it looked like he’s praying.
I heaved a sigh and kneeled. I closed my eyes.
I’m sorry… I’m sorry if what happened was not right… I know hindi Mo gusto kung ano ang naging desisyon ko… namin… and all I can ask is for You to give me and Jahann strength. If what’s happening to us is Your will, I know kahit gaano kahirap, malalampasan namin… pero kung hindi ito ang gusto Mo, I will understand…
I just hope you’ll still give me strength to endure the pain…
I opened my eyes and smiled a little. I turned my face to Jahann and he smiled at me.
Nauna na kaming lumabas na dalawa para hintayin ang mga kasama namin.
Lumapit ako sa mga nagtitinda nang bulaklak nang marinig ko ang boses ni Jahann na tinawag ang pangalan ko.
Next thing I knew, I was on the floor and my foot was aching.
“Are you okay?” Jahann asked me. Hawak niya ang likod ko habang nakatingin sa akin.
“Sorry, Ate. Hindi ko sinasadya. Nag-aaral pa lang kasi akong magbike…” ani ng batang lalaki na tila natatakot habang nakatingin sa amin. Napalingon ako sa paligid at nakita ko ang bike nito na nakatumba.
May mga sugat din ang bata sa tuhod nito at sa braso.
Tumingin ako kay Jahann at hinawakan ang kamay nito. “I’m good… help him.”
Kumunot ang noo nito bago lumingon sa bata. Mukhang doon niya pa lang napansin na may sugat din ito. Agad namang umalalay si Kol sa bata nang makalapit ang mga ito sa amin.
“What happened?” Alyanna asked me.
“It was an accident…” sagot ko na lang sa kanila. Si Kol na ang nakipag-usap sa mga tindera na naapektuhan dahil natumba ang mga pinaglalagyan ng mga ito ng paninda. Si Enzo naman na ang nakipag-usap sa bata.
Jahann helped me get up.
“Wait, wait…” hinawakan ko ang braso niya ng mahigpit nang makaramdam ng kirot sa binti ko. I bit my lip when I looked at him.
“Can you stand?” he asked. He shook his head and before I could respond, he carried me on his back.
“Jahann…” I looked at him.
“Hold onto me tight. Don’t let go, okay?” he said before holding my legs. I bit my lip and nodded a little.
“We’ll go ahead. Let’s just meet at the house,” Jahann told them before he started walking. Iniwan na namin sila roon sa tapat ng simbahan.
“Jahann, we can call a cab naman!” ani Alyanna pero hindi na ito pinansin ni Jahann at naglakad na ito habang pasan-pasan ako.
“Hey… you can put me down…” mahinang sabi ko sa kanya. Totoo naman ang sinabi nila Alyanna na pwede naman kaming sumakay na lang para mas mapabilis kami pero tumanggi ang lalaki.
“Jahann…” I called his name.
“Hmm?” He looked at me, he continued walking with me on his back. Parang wala lang dito na pasan niya ako.
I rest my chin on his shoulder while my arms are hugging him.
“We can call a cab…” I whispered to his ear.
“Shh… just enjoy the free ride,” he said and smiled at me.
“What did you pray for back there?” usisa ko sa kanya habang naglalakad siya. Mamaya ay sasabihan ko pa rin siya na sumakay na lang kami para mas mabilis kaming makabalik.
“I asked for His forgiveness, and I asked for His blessing, as well…” he said. “I asked for His forgiveness because I don’t have any plans to stop now, Creep.”
I looked at him and smiled a little.
“I’m gonna win you back and I’ll fight for you… I will fight for us.”
I filled my lungs with air and hugged him.
“I love you, Creep. Always have, always will.”
I kissed his cheek and smiled at him.
I love you, too, Jahann. I love you, too…