“Mukhang kumpleto ang tulog mo, ah?” ani Keij kay Jahann nang bumaba ito at magpunta sa kusina. Kahit naman ako ay nagulat na gising na ito at nakapagluto na ng almusal para sa lahat. Enzo and Kol didn’t help him because we went to the kitchen together.
He’s not moody in the morning, either. It was like he inhaled some happy gas or something…
“Bakit mukhang masaya ka, Jahann?”Dumampot ito ng isang bacon strip atsaka kinagat ito habang nakatingin kay Jahann. “Naka-eight hours ka?” tanong pa rin nitong muli.
“Why don’t you just sit down and eat, dela Cruz?” he asked Keij instead.
Napailing na lang ako bago tinulungan si Jahann na maghain. Mamayang hapon ay uuwi na kami dahil may pasok na kaming lahat kinabukasan.
“Dami natin dela Cruz dito,” ani naman ni Keij na naupo na.
“Whatever you say,” Jahann said before pulling a chair for me. Sila na ni Kol ang kumuha ng mga plato at utensils.
“Can we at least ride a bike before we go home later?” tanong ni Alyanna sa amin. Tumango naman ang mga kasama ko. We used to bike around the subdivision. Hindi na nga lang namin magawa ngayon dahil sa kanya-kanyang priorities.
“I’ll just stay here…” I smiled at Alyanna. Hindi pa rin naman okay ang paa ko kaya magpapaiwan na lang ako rito at aasikasuhin ang mga dadalhin ko.
“Ay, shit… oo nga pala,” napasimangot si Alyanna. “Masakit pa rin ba ang paa mo?” tanong niya sa akin. Umiling naman ako bilang sagot. Nakainom na rin naman ako ng gamot at inaalalayan naman ako ni Jahann kaya sa tingin ko ay mabilis lang namang gagaling ito.
Tumahimik ito na tila nag-iisip. Napangiti na lang ako bago naglagay ng kanin sa plato ko. Napalingon naman ako kay Jahann nang lagyan nito ng ulam ang plato ko.
“Hey, that’s enough. Ang dami…” puna ko sa lalaki.
“Nahahalata sino ang favorite mo, Jahann…” ngumisi si Keij sa lalaki. “Wag ganon, kuya ka, eh. Dapat pantay. Kung ako si Alyanna, magtatampo ako…” tila nangongonsensya na dagdag pa nito bago tumingin kay Alyanna na tila kinukumbinsi ang babae na gumatong sa sinabi niya.
“Hindi ako kasing babaw mo, Keij,” she rolled her eyes.
“If you’re envious, ask your brother to put food on your plate,” Jahann chuckled before putting the plate back. Napalingon naman kami kay Kol nang tignan ito ni Keij.
“You have two hands, use it,” ani Kol bago pa nakapagsalita ang kakambal nito. Hindi naman namin napigilan ang pagtawa dahil dito.
Ako na lang na ang naglagay sa plato ni Alyanna. Alam kong hindi naman mababaw si Alyanna para isipin ang sinasabi ni Keij pero ayaw ko rin naman na mapansin niya na hindi namin siya iniintindi. Alyanna may be a brat but she’s really sweet.
“What if umangkas ka na lang kay Kol?” tanong ni Alyanna sa akin habang kumakain ito. Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya bago tumingin kay Kol.
Sinabi ko naman na kanina na magpapaiwan na lang ako, hindi ba malinaw iyon?
“No, no. I’m okay. Hindi naman kailangan at--”
“She’ll go with me,” putol ni Jahann sa sasabihin ko. Napansin ko ang marahang pagtawa ni Kol. Tinignan naman ito ng masama ni Jahann pero tila wala lang iyon sa lalaki. Sanay naman na sila sa isa’t isa.
Matapos kaming kumain ay sina Alyanna at Lean ang naghugas ng mga pinagkainan habang si Keij at Theon naman ang naghanap ng mga bike na magagamit namin.
“How’s your leg?” Jahann asked me while we’re at the couch. Yumukod siya para hawakan ang paa ko at dalhin iyon muli sa lap niya.
Hindi ko mapigilang mag-init ang mga pisngi dahil sa ginawa niya.
For Pete’s sake, Airi is with us!
“It...it’s getting better, I think…” I moved my leg to get Jahann’s attention but he didn’t look at me, instead he started massaging my leg. “Does it hurt?” he asked again. It was as if he’s not aware that Enzo, Kol and Airi are there with us!
“You’re lucky to have a brother like Jahann,” ani Airi habang nakatingin sa aming dalawa ni Jahann. May kung anong bakas ng lungkot ang dumaan sa mukha ng babae kaya naman napakunot ang noo ko.
“You mentioned last night you’re really not an only child, right?” Enzo asked Airi. Mas kumunot naman ang noo ko dahil hindi ako na-aware sa bagay na iyon. Maybe I was too occupied by Jahann.
“Hmm?” lumingon siya kay Enzo at tumango. “Yeah, I had a brother,” she shrugged and smiled sadly. “Kaso, wala na siya, eh. We lost him,”ani Airi bago lumingon kay Jahann.
“I’m sorry to hear that…”
Napatingin si Airi sa akin at umiling. “Oh, no… no… he’s not dead. We just… literally lost him. My mom and dad gave up already, it’s been years, too…”
Hindi ko alam na ganoon pala ang problema nila sa pamilya. We all thought she’s an only child. Nang mag-open siya sa amin ngayon, nalaman namin na it was her Auntie’s fault, that’s why her parents can’t do anything about it. Pinalabas na lang ng mga ito na solong anak si Airi.
“That’s why I am so envious of you, Cherinna, but it’s not a bad envy, okay?” she laughed softly. “I’m just envious that you have a big family…” she added.
“You’re already part of our circle…” I softly said. Napalingon ako kay Jahann. Tipid siyang ngumiti sa akin na tila sinasabi niya na masaya siya sa sinabi ko. Hindi naman siguro kasi tama na mainis ako sa kanya o magselos…
Pero hindi ko pa rin naman maiwasan na magselos kay Airi. Unlike me and Jahann, they can go out without thinking what will happen later…
Theon and Keij came back with bikes they rented. We’re planning to just drive around since we’re going home later. Tanging helmet lang ang kasama na nirentahan na mga bikes kaya naman nang makalabas na at makapagsuot nito ay kanya-kanya na silang labas at pagbike.
“You can just go with them and leave me here,” sabi ko kay Jahann habang isinusuot niya sa akin ang helmet. Wala naman talagang kaso sa akin kung hindi ako makakasama dahil sa paa ko.
“Ouch!” tinignan ko siya nang pinitik niya ang noo ko.
“You’re coming with me, okay? No buts,” sabi nito bago inisuot ang helmet sa sarili. I rolled my eyes and helped him with his helmet.
Hinawakan niya ako para makaangkas ako sa bike na gagamitin niya. Nilingon ko siya at nginitian. May upuan sa frame ng bike kaya naman doon ako pumuwesto.
I could feel his body on mine while he’s biking.
“What?” he smiled when I looked at him again. Ngumiti naman ako sa kanya at saka umiling. “Nothing, I am just happy…”
Mas lumaki ang ngiti ni Jahann pagtapos.
I am really happy. Masaya ako sa mga oras na ito na kasama ko si Jahann. Masaya ako na nagagawa namin ang bagay na ito. He’s being more open to show what he feels towards me.
Alam kong nagiging unfair ako sa kanya pero kahit na hindi ko mapakita ng sobra, alam kong mahal ko siya. Mahal na mahal…
Mga dalawang oras din kaming nagbike bago napagdesisyunan na umuwi na para makakin ng tanghalian at makauwi ng hapon.
I was in our room checking my things when Jahann opened the door. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay pumasok na ito sa loob ng kwarto namin at naupo sa tabi ko.
“What is it?” tanong ko sa kanya matapos isara ang zipper ng pouch na may laman ng toiletries ko. Inilagay ko iyon sa may bag ko bago muling humarap sa kanya.
Pagharap ko ay may nakatapat na sa akin na isang necklace na hawak-hawak ni Jahann. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. “Anong meron?” tanong ko. He gave me one before and I am keeping it.
He just smiled and opened the locket. It was a heart-shaped locket pendant with diamonds on it.
I saw Nikolai’s photo and his photo.
“Jahann…”
“This is for you,” he gently said. “You have me and Nikolai wherever you go,” he smiled and wore the necklace on me. Napahawak ako sa pendant nito na ramdam ko ang lamig na dumidikit sa balat ko.
“I can’t… I can’t accept this. Ang mahal nito…” sabi ko sa lalaki ngunit tila hindi nito narinig ang sinabi ko dahil nakatingin lang ito sa akin. “Jahann, I said I can’t accept this. Masyado itong mahal at--”
“At masyado kitang mahal kaya ayos lang…” putol niya sa sasabihin ko. “Why do you think I am working for Dad and Lola while studying? To be able to provide for you and Nikolai, of course…” he smiled. “It looks good on you,” he leaned forward and kissed my forehead.
I smiled a little and hugged him tight.
“Thank you…” I said softly.
“I love you…” he said sweetly. I hugged him tighter. I rested my head on his chest and closed my eyes.
I missed this…
Afternoon came and we’re all ready to go home. Matapos nilang mailagay ang mga gamit namin ay sumakay na kami ng sasakyan. Si Enzo na ang magdadrive pabalik. Sa pinakadulo ako ng sasakyan naupo at sinamahan naman ako ni Jahann. In front of us are Keij and Theon, then Alyanna, Lean and Airi. Sa harap si Kol na katabi ni Enzo.
Tahimik lang ang lahat sa pagbiyahe pabalik. Maybe they’re all tired?
Napalingon ako sa tabi ko nang maramdaman ko ang pagsandal ni Jahann ng ulo niya sa balikat ko. I smiled a little while watching him sleep. I just leaned my head on his and held his hand while he’s sleeping.
I’d lie if I say I don’t want to freeze this moment. I am with him… I am happy…
Jahann really makes me happy.
I heaved a sigh and squeezed his hand gently. Napakunot ang noo ko nang maramdaman ko rin ang pagpisil niya sa kamay ko. Iginalaw ko ang ulo at tinignan siya, iginalaw niya ang ulo at marahan akong hinalikan sa balikat bago umayos ng upo.
“Wala namang nakatingin sa amin dahil nasa dulo kami at pulos tulog ang mga kasama namin. Kung makatulog para namang napakalayo ng biyahe namin pauwi.
Nauna na naming maihatid sina Lean, Enzo, Kol, Keij at Theon dahil iisang subdivision lang silang lahat.
Pinalipat naman na ako ni Jahann sa harap dahil ito na ang magmamaneho. Sunod naming inihatid si Airi. Jahann went down and talked to Airi’s dad. Nakatingin lang ako sa kanila mula sa bintana.
“Ex ni Mommy ‘yan?” Alyanna asked me. I looked at Airi’s dad. I smiled a little. “Ang alam ko, hindi. Hindi naman daw niya sinagot, diba?” I told Alyanna.
“Mas gwapo si Daddy,” natatawang sabi nito bago muling umayos ng upo. Matapos lang ang ilang minuto ay bumalik na si Jahann sa sasakyan.
“What was that, snob? Bakit ka kinausap?” Alyanna asked Jahann.
Nilingon naman ito ni Jahann. “Nothing, he just thanked me for bringing Airi home,” he said before looking at me. “Your seatbelt, Creep,” he said.
“He likes you for Airi?” usisa ni Alyanna kay Jahann. Napalingon naman ako sa lalaki.
“I’m not courting Airi and I don’t have any plans to do that, Alyanna.”
“Bakit nagsusungit?” she rolled her eyes at him again.
Hindi na lang ito sumagot at nagmaneho na pauwi sa bahay. Wala ng kumikibo sa amin hanggang sa makarating kami sa bahay. Jahann looked at me when he saw Ian’s car.
“He’s still here?” he asked. I shrugged. Hindi ko naman alam kung nakaalis na ba siya o ano dahil hindi naman ito nagmessage sa akin.
Bumaba na kami ng sasakyan at nagpatulong na sa kasambahay na ibaba ang gamit namin.
“Mommy!”
Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Ian na naroon at karga si Nikolai. I smiled when I saw Nikolai. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanila.
Kumunot naman ang noo ni Ian nang makita ang paglalakad ko. “What happened to you?” he asked. Umiling lang ako at sinabi ko na okay lang naman ako.
“Hello, baby…” I smiled at Nikolai. Mas lalo akong napangiti nang magsabi ito ng Mama. Dumadaldal na rin ito pero hindi pa lang namin maintindihan ang sinsasabi. Mom said we should not do baby talking. Mas lalo raw kasing hindi makakapagsalita ng maayos si Nikolai.
“Hi, Jahann, Aly…” bati ni Ian sa mga kasama ko. Napalingon naman ako kay Jahann na seryoso ang ekspresyon ng mukha.
“It’s getting dark. You shouldn't have brought him outside.” Ani Jahann kay Ian. Lumapit ito at kinuha ang bata sa lalaki. “I’ll bring him inside,” sabi ni Jahann at diretso nang pumasok sa loob.
Napailing na lang ako at tinignan si Ian. “Sorry about that,” I told him. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya bago pumasok sa bahay.
Naabutan ko si Jahann na nakaupo sa carpet at nakikipaglaro kay Nikolai. I smiled at the sight of them. Nikolai was giggling while Jahann’s teasing him and playing with him. Kung kanina ay seryoso ang mukha ni Jahann, ngayon ay mukhang ang saya-saya nito.
Naupo na lang ako sa couch na malapit sa kanila at pinanuod silang dalawa ni Nikolai.
“He likes having you around, Jahann,” puna ni Ian sa lalaki. Jahann looked at him and shrugged. “We’re all glad you’re back,” dagdag pa ni Ian.
“Are you? Really?” Jahann asked sarcastically.
“Jahann…”
He looked at me and frowned. Ibinaling na lang nitong muli ang atensyon kay Nikolai.
He knows that Nikolai is his but he can’t say it outloud. Alam ko na nahihirapan si Jahann sa sitwasyon pero alam ko naman din na naiintindihan niya kung bakit hindi pa namin pwedeng sabihin sa lahat.
It’s not as easy as ABC. Hindi namin pwedeng basta sabihin sa mga magulang namin na si Jahann ang tatay ni Nikolai.
It will create a big mess.
I heaved a sigh.
“Are you okay?” Ian asked before touching my forehead. Nakita ko ang paglingon ni Jahann sa amin.
“I’m okay, napagod lang siguro,” sabi ko na lang sa lalaki. Ngumiti naman sa akin si Ian bago hinawakan ang kamay ko at pinisil iyon. I just smiled a little.
“Can we talk outside, sunshine?” he asked me after a few minutes. Kumunot naman ang noo ko nang tignan ko siya. He seemed uncomfortable. Parang may gusto itong sabihin na kung ano.
“Uhm… okay…?”
Inalalayan niya akong tumayo bago kami naglakad papunta sa labas. Sinabihan ko naman si Jahann na babalik din ako pagtapos at sinagot niya lang ako ng tango.
Naupo ako sa bench sa labas at tumabi naman si Ian sa akin. Nilingon ko siya at tila pa rin siya balisa at hindi kumportable.
“What’s bothering you?” I asked him.
He heaved a sigh and looked at me. “You know what I feel for you, right?” he asked. Nagtataka man sa tanong niya ay tumango ako. Hindi ko rin alam kung ano ba ang pag-uusapan naming dalawa.
“I won’t lie, Cherinna. I still love you…”
“Ian…” I am out of words. Hindi ko naman kasi alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Matagal ko nang nasabi sa kanya na magkaibigan na lag kami.
I am thankful for what he did, but we’re just friends. Hanggang doon na lang.
“I know you love someone else…” he said. Natigilan ako sa sinabi niya at nilingon ang lalaki. He was looking at me and he smiled sadly. “And now he’s back, I know that you don’t really need me now…”
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko mahanap ang tamang salita para sumagot sa mga sinasabi ni Ian.
Paano niyang nalaman? May nakapagsabi ba sa kanya?
Paano…
“When I said I’ll be Nikolai’s father, I knew this thing would happen…” he said softly before holding my hands and squeezed it. “And I am not mad at you. Never will be mad at you.”
“Ian…”
He nodded and smiled sadly.
I bit my lower lip to stop myself from crying. Alam kong hindi naman deserve ni Ian na masaktan dahil sa akin.
“I know Jahann is his father… and I know you’re in love with your brother…”
I looked at him and felt my tears run down on my cheeks.
“I know he’s Nikolai’s dad…”
I bit my lip harder and nodded my head.
Yes, He’s my son’s father.