Marahan kong iginalaw ang katawan ko nang maramdaman kong may nakayakap sa akin mula sa likuran ko. I have no idea what time it was but it was still raining outside.
My body is aching and we’re under the blanket and he’s still hugging me.
Sa palagay ko nga ay hindi man lang niya ako binitiwan sa buong magdamdag na magkasama kami. Nakayakap lang siya sa akin at wala naman akong reklamo sa bagay na iyon.
I feel safe around Jahann’s arms. I don’t know why but I really feel like I am home whenever he’s hugging me.
I tried moving his arm on me but he just pulled me closer and hugged me tight. I smiled a little. Sinubukan ko siyang tignan ngunit mas hinigpitan lang ni Jahann ang yakap sa akin.
“Hmm…” I moaned a little.
I felt him kiss my shoulder as he pulled me closer and hugged me tighter.
“Jahann…” saway ko sa kanya bago hawakan ang kamay niya at marahan iyong pinisil. I felt him chuckling before he made me turn around to face him.
“It’s already morning…” I said softly while looking at him. His eyes were still closed as he nodded at me.
I moved my hand and caressed his cheek. “Hmm? We need to go home, Jahann…” masuyong sabi ko naman sa kanya.
Napangiti ako nang ikunot nito ang noo bago iminulat ang mga mata at tumingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
“I can’t wait to wake up everyday and see you the first thing in the morning, Creep…” he said before he pecked on my lips.
I smiled against his lips and kissed him back. I wrapped my arms around his neck while responding to his kiss.
“Hmm…” he moaned sexily as he moved to be on top of me again.
“Jahann… no…” I cupped his face and smiled at him. “We need to go home…” I told him.
He scoffed but nodded at me. He moved his head and pecked on my lips again before getting up. Inabot ni Jahann ang damit nito at isinuot bago tumayo.
He looked at me while he’s wearing his shirt. “Are you hungry?” he asked me before he checked his phone. “Alyanna was calling,” he said.
Inabot ko naman din ang phone kong nasa lamesa. May mga tawag nga ito sa akin at may messages din. Wala kaming klase ngayon dahil na rin sa bagyo.
“Baka nakauwi na siya?” Sabi ko kay Jahann bago naupo at kinipkip ang kumot upang itakip sa dibdib ko. Malamang ay tuyo na rin naman ang damit kong nilabhan ko kagabi kaya may maisusuot na ako pag-alis namin.
“Maybe,” he said before putting his phone down. “What do you want to eat?” he asked me again. I looked at him and hugged the pillow. “Hmm… pancakes and bacon?” I replied.
Tumango naman si Jahann sa akin bago muling tumayo. “Go, take a bath. We will go home after.”
Lumabas na ito ng kwarto kaya naman naiwan akong mag-isa sa kama niya. Nararamdaman ko pa rin ang sakit ng katawan ko lalo na sa gitnang bahagi ng katawan ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang braso ko at nakita ko ang pamumula ng braso ko. I smiled a little and shook my head. I will be needing a jacket to hide these marks.
Kinuha ko ang damit na binigay sa akin ni Jahann at isinuot iyon bago inayos ang kama nito. Itinali ko lang ang buhok ko at lumabas na rin ako pagtapos para kunin ang damit kong susuotin.
Nadaanan ko si Jahann na nagluluto. He just smiled at me and continued on with what he’s doing.
Nang makuha ko na ang damit ko ay nagpunta na ako sa banyo para maligo. Since I don’t have my things with me, I used Jahann’s things.
While I was under the shower, I couldn’t stop myself from thinking about what happened. I bit my lip and closed my eyes. I heaved a sigh and washed my body.
I know that what happened is not an accident. Pareho naming ginusto ni Jahann ang bagay na iyon.
HIndi magtatagal, alam ko na kailangan naming sabihin sa kanila ang totoo. Kailangan naming ipaalam ang totoo sa aming dalawa ni Jahann.
Am I ready? No….
I don’t think I will be ready…
Pero alam ko na hindi ako pababayaan ni Jahann. Hindi niya kami pababayaan ni Nikolai, at nagtitiwala sa ako sa kanya. Naniniwala ako sa kanya.
Mataapos akong maligo ay sinuklay ko na ang buhok ko bago ako lumabas ng kwarto. Nakahanda na ang pagkain at hindi ko nakitang naroon si Jahann.
Marahil ay naligo na rin ito. Nagtimpla na lang ako ng kape para sa kanya at sinubukan kong timplahin ang lagi niyang tinitimplang chocolate sa akin.
Naupo na lang ako habang hawak ang phone ko at hinihintay si Jahann.
I cleared my throat when I saw Alyanna’s name on my screen. Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tawag nito sa akin.
“Hey, Alyanna…” I greeted her.
“Twin, you’re with Jahann, right?” she asked. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. Paano niya naman nalaman na kasama ko si Jahann? Did she call him last night?
“Uh…” I cleared my throat again. Napalingon ako nang pumasok naman si Jahann sa kusina, bagong ligo ito. Kumunot ang noo niya nang tignan ako, tila nagtatanong kung sino ang kausap ko.
“Uhm, yeah. He’s here…” I told Alyanna and put the phone on loudspeaker.
Napailing naman si Jahann nang makita ang pangalan ni Alyanna sa phone ko.
“What is it?” he asked Alyanna while putting food on my plate.
“Thank you,” I mouthed. He just nodded at me.
“Can you buy us ice cream? Since walang pasok bukas, Lean will stay at our house. Si Airi rin,” sagot naman ni Alyanna sa lalaki. Napatingin si Jahann sa akin at nagkibit-balikat naman ako.
“Alright, anything else, brat?” he asked Alyanna again. Hinawakan niya ang kamay ko ay pinisil iyon dahil marahil nakita na niya napasimangot ako.
“Nothing na. Papunta na rin naman sina Keij dito. Bye!” After that Alyanna ended the call.
Hindi naman ako kumibo kaya tinitigan ako ni Jahann.
“Hmm? Why are you staring?” I asked him before eating the pancake.
He chuckled softly and kissed my hand. “You’re still jealous of Airi after what we did, Creep?” He teased me. Binawi ko naman ang kamay ko sa kanya at nagpatuloy sa pagkain.
“Let’s buy what that brat needs first before we go home. How about you? Do you want anything?” Jahann asked me while he’s eating.
“Hmm…” umiling naman ako at tumingin sa kanya. “I just want you, and you’re mine… right?” I smiled a little.
Jahann smiled at me and nodded his head. “Yes, baby. Just yours,” he replied.
Matapos kaming kumain na dalawa ay si Jahann na muli ang naghugas ng pinagkainan namin. Nang masiguro niyang maayos na ang lahat sa loob ng unit niya ay inaya niya na akong lumabas.
Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kaming dalawa. Si Jahann na rin ang nagbukas ng pinto ng sasakyan niya at inalalayan akong makapasok sa loob.
Dumaan kaming dalawa sa convenience store para bumili ng mga ice cream na request ni Alyanna.
Kumuha ako ng strawberry and rocky road flavor ice cream at inilagay iyon sa may basket na hawak ni Jahann.
“What ice cream does Airi want?” I asked him.
Jahann smiled and pecked on my lips. “In case I know what she likes, you’ll get jealous again. Alam ko na ‘yan, Creep,” he replied.
Napanguso naman ako sa sinabi niya.
“Okay, I’ll just get double dutch?” I shrugged before getting that flavor.
Kumuha na rin ako ng mga chocolates para sa kwarto ko dahil kailangan ko na rin magrestock. Si Jahann naman ang kumuha ng mga chips dahil alam niya na raw na kailangan iyon nila Alyanna.
Nang nasa cashier na kami ay naramdaman ko ang kamay ni Jahann sa bewang ko. Nilingon ko naman ito at seryoso na naman ang mukha niya.
“What’s wrong?” I asked him. He shook his head as a reply. Inabot niya ang card niya sa lalaking cashier nang hindi man lang nagsasalita.
Si Jahann na rin ang nagbuhat ng mga pinamili namin papunta sa sasakyan niya. Nakasunod lang ako sa kanya at tinulungan ko na siyang maglagay ng mga iyon.
“Problema mo?” I asked him when we’re inside his car already. Bigla na lang siyang nanahimik. Sinimangutan lang ako ng lalaki.
Inabot ko ang kamay niya at pinisil iyon. “Sinusumpong ka na naman?” natatawang pang-iinis ko sa kanya. I leaned towards him and kissed his cheek.
“I love you…”
When we arrived at home, our friends and cousins were already there. Lumabas lang si Enzo para tulungan si Jahann na ipasok ang mga pinamili namin kanina.
“Hi, Jahann,” Airi greeted Jahann when we got inside. I looked at him. He nodded at Airi and walked straight towards the stairs and went to his room.
“I’ll just check on Nikolai,” paalam ko naman sa kanila na kasalukuyang nasa may sala at kumakain ng pizza. Nakasalubong ko naman si Ate Mildred at sinabi nito na nasa kwarto ko si Nikolai kaya dumiretso na ako roon.
Naabutan ko si Jahann na naroon na sa loob at nakaupo habang nakatingin kay Nikolai. Ngumiti ako at tumabi sa kanya. Isinandal ko ang ulo sa balikat niya at hinawakan ang kamay niya.
“He’s growing fast…” I softly said. Minsan ay parang gusto ko ring pahintuin ang oras dahil parang ang bilis niyang lumaki. I still want to take care of him, play with him.
“Yes… and he’ll grow with me by his side from now on…” he said before kissing my head.
Ngumiti ako at tumango sa kanya. Nilingon ko naman siya at hinalikan sa pisngi. “We have to join them later, okay?” sabi ko sa kanya na sinagot niya naman ng tango.
Alam ko na gusto pa ni Jahann na manatili sa kwarto namin ni Nikolai pero sinabihan ko na siya na lumabas na dahil baka may makakita pa sa aming dalawa roon. Labag man sa loob niya ay sinunod naman niya ako at lumabas na ng kwarto ko.
Nagpalit na rin ako ng t-shirt at shorts bago lumabas ng kwarto para samahan sina Alyanna.
Lumipat na sila sa AVR kaya naman doon na ako nagpunta. Pagpasok ko ay nakaupo na ang mga ito at naroon na rin ang mga pagkain na binili namin.
Katabi ni Enzo si Kol habang nakasandal naman si Keij sa kakambal nito. Si Alyanna ay katabi naman ni Airi dahil nakayakap si Theon kay Lean.
Naupo na lang sa isang couch at nakinuod sa kanila.
“I’m really thankful they suspended the class…” ani Alyanna sa amin.
“You just hate studying, that’s why,” Enzo replied. Napangiti naman ako.
Hindi lang naman siguro si Alyanna ang nag-iisang taong masaya kapag suspended ang klase.
“Akala namin hindi ka na susulpot, Jahann,” ani Keij sa lalaki nang pumasok ito. Tumabi sa akin si Jahann at isinandal ang katawan sa akin. Marahan ko naman siyang tinulak kaya napasimangot ito.
They were all watching while eating. Nag-order na lang din si Kol at Enzo ng pagkain namin ngayong gabi. Mom and Dad were outside so we all assumed they would eat outside.
“Do you want something else?” Jahann asked me after they ordered. Napalingon naman ako sa lalaki bago umiling. “No, those are okay na,” I told him. He nodded a little.
“Ako, hindi mo tatanungin, snob?” tanong ni Alyanna kay Jahann.
“You ordered for everyone already. You want something else?” he asked her. Umiling naman si Alyanna sa kanya. “I thought so,” he said.
Lumingon sa akin si Alyanna. I just smiled at her.
“Bakit mo pala hinahanap si Jahann kanina, Airi?” tanong ni Alyanna sa babae.
Nilingon naman ni Airi si Jahann. “Ah, it’s nothing important. My dad just wants to talk to Jahann about something,” she replied. “He’s asking when he can visit us,” she added.
I tried not to look at Jahann when Airi said those words. Pinigilan ko rin ang sarili ko na magreact dahil alam kong magiging obvious ako kapag ginawa ko iyon.
“I’ll just visit him this week,” Jahann replied to Airi.
“Alright, I’ll tell him that…” ani Airi naman na lumingon sa akin. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya.
“Meet the parents na ba?” Keij teased them.
“Kilala naman na siya ng parents ko, Keij,” natatawang sabi ni Airi sa lalaki.
I bit my lip and heaved a sigh.
They are just friends, Cherinna…
Dumating na ang mga pagkain na inorder namin kaya naman nagsimula na kaming kumain. Si Airi at Lean ang naghahanap ng movies na papanuorin namin habang si Kol at Enzo naman ang nag-aabot ng pagkain namin.
“You used Jahann’s guest room, Twin?” tanong sa akin ni Alyanna maya-maya. Natigilan naman ako at napatuwid ang likod. “It’s a good thing Jahann was there to pick you at the school, hindi ka na nagcheck in sa hotel…” she added.
“Yeah… sinundo niya ako kasi dahil may inasikaso rin siya sa school…” sabi ko naman sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang tila naman bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tanong ni Alyanna sa akin.
Hindi naman na muling nagtanong si Alyanna at kumain na kami ng hapunan.
We are watching while eating. Pinag-uusapan din nila kung saan sila nagsipagpunta kahapon at saan sila nagstay dahil hindi pala nakauwi ng bahay si Keij at Theon.
“Excuse me, I will just check on Nikolai,” paalam ko sa mga kasama namin bago ako tumayo at nagpunta sa kwarto ko. Tulog pa rin si Nikolai at may mga nakahanda naman na siyang breastmilk sa may fridge.
I stared at his face and heaved a sigh.
Ayokong isipin na may alam si Alyanna pero hindi ko maiwasan na hindi kabahan dahil sa sinabi nito sa akin.
Pwedeng nagtanong lang siya dahil curious siya… lagi naman siyang ganoon.
“It’s okay, Cherinna…” I softly said to myself.
Matapos kong tignan si Nikolai ay lumabas na rin ako ng kwarto at bumaba para kumuha ng tubig.
Naabutan ko si Jahann na naroon at may kinukuha rin sa refrigerator.
Hindi na ako nagsalita at kumuha na lang ako ng tubig at uminom.
“He’s still sleeping?” Jahann asked me. Tumango naman ako sa kanya. Sumandal ako sa lamesa at tumingin sa kanya.
“You’re worried about what Alyanna said?” he asked me and walked towards me.
“Aren’t you?” I asked him back. Hindi ko alam kung bakit ba hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Alyanna sa akin. Hindi ko alam kung may alam na ba siya o wala.
“Baby, I told you, I will fight for you, right?” he said before cupping my face. “I will fight for us, I will never give up on us. Never again,” he looked at me and kissed my head.
I bit my lower lip and nodded my head. Huminga ako ng malalim at isinandal ang pisngi sa dibdib ni Jahann.
“I don’t want to lose you again…” I whispered as I hugged him tight.
“You won’t, baby…” he said while he’s rubbing my back. “I love you, Cherinna. I really do, baby. So, trust me, okay?” He held my chin and lifted it a little and pecked on my lips.
“I love you, too…” I smiled a little.
“Let’s go back?” aya niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at humarap na sa pinto.
Bumukas ang ilaw at nakita ko si Alyanna na nakatayo roon.
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
“What the fuck? May relasyon kayo?” she asked her, shocked.
Napalingon ako kay Jahann na nakatingin din kay Alyanna. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.
She looked at our hands and back to us again.
She laughed mockingly. “You’ve got to be kidding me!”
Iyon lang at naglakad paalis si Alyanna.
I bit my lower lip.
What the hell just happened? Damn!