Hinawakan ni Jahann ang kamay ko at iginiya ako pabalik sa bahay namin.
“Si Alyanna…” pigil ko sa kanya. “Please, follow her…” pakiusap ko kay Jahann habang patuloy rin ang pag-iyak ko. Nasasaktan ako sa naging reaksyon ni Alyanna pero hindi ko siya pwedeng sisihin sa bagay na iyon.
Wala naman ako sa posisyon na magalit sa kanya.
“I’ll take you home first…” ani Jahann sa akin na hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Umiling naman ako sa kanya. “No, follow her… she’s mad and… she’s hurt. We have to make sure that nothing bad will happen to her…” sagot ko naman sa kanya sa pagitan ng mga hikbi ko.
“Baby…”
I wiped my cheeks and looked at him. “I’m fine. Please, Jahann…” alam ko na ako pa rin ang gustong unahin ni Jahann sa ngayon, ang kalagayan ko, ang kapakanan ko. He’s always like that, he always puts me first.
Kaya ngayon, gusto ko na unahin niya si Alyanna.
“Uuwi na ako…” paalam ko sa kanya at naglakad pabalik sa bahay namin. Basang-basa na ako ng ulan at nanunuot na rin sa balat ko ang lamig dahil sa hangin na dala ng ulan. Kinagat ko ang labi ko para pigilin ang sarili ko sa pag-iyak habang humahakbang pauwi sa bahay namin.
Nang makauwi ako ay mabilis akong naglakad papunta sa kwarto ko, naabutan ko si Ate Mildred na naroon at tinitignan si Nikolai.
“Ma’am? Basang-basa ka po, saan ka po ba nanggaling?” lumapit ito kaagad sa akin matapos kunin ang tuwalya at ibinalot sa akin. “Maligo ka muna para hindi ka magkasakit. Nanunuod lang kayo kanina, ah?” takang-tanong pa nito.
“I…” nag-iwas ako ng tingin sa kanya. I cleared my throat. Pakiramdam ko ay kapag nagsalita ako ay basag ang tinig ko. “I’ll just take a bath…” halos walang boses kong sabi bago pumasok sa loob ng banyo.
Nang masara ko ang pinto ay tsaka ko pinakawalan ang iyak na kanina ko pa pinipigil. Napaupo ako sa sahig habang yakap ang mga binti ko.
I am scared…
I am really scared right now.
I am scared that they will hate me… they will hate us.
Si Nikolai…
I am scared to lose Jahann again.
I closed my eyes and bit my lip hard.
I never wanted Alyanna to get mad at me… I never wanted them to get mad…
I tried to stop it, too… but I really can’t.
Patuloy ang paghagulgol ko habang nakayakap lang sa mga binti ko.
Hindi ko rin alam kung gaano ako katagal na nasa banyo bago ko naipon ang lakas ko para maligo na rin. I tried to calm down while I’m under the shower. Hindi pwedeng paglabas ko ay umiiyak ako. Tiyak na magtataka si Ate Mildred.
Paglabas ko ng banyo ay wala na si Ate Mildred sa loob. Mabilis lang akong nagbihis at naupo sa gilid ng kama ko habang nakatingin kay Nikolai.
“You’re too young to be in the mess I did…” mahinang sabi ko sa kanya bago ngumiti ng malungkot.
Hindi mawala sa isip ko na pwedeng itakwil kami ni Mommy… ni Daddy…
I remember what I said to Lean before… but their story is different.
Napalingon ako sa pinto nang may kumatok mula roon. Mabigat ang paghinga na tumayo ako at lumapit doon para buksan iyon. I saw Lean and Airi.
Agad na kumunot ang noo ni Lean sa akin. “Che? Are you okay?” she asked me while examining me. I don’t feel okay, so maybe I don’t look okay.
“Yeah…” mahinang sabi ko sa kanya. “Bakit pala kayo nagpunta rito?” tanong ko sa kanilang dalawa. Ang alam ko ay naiwan sila sa AVR nang umalis ako.
“Is Aly here? She’s not in her room, she’s not answering her phone…” ani Airi sa akin. “We thought she’s here with you…” she added.
Napatitig naman ako sa kanya.
Hindi pa rin pala siya nakakabalik… si Jahann din kaya?
“She’s not here…” sabi ko sa kanilang dalawa.
“Hay nako! Maybe she’s talking to Leo again. Ang kulit talaga ni Aly!” natatawang ani ni Lean bago hinawakan ang braso ko. “Let’s go? Balik na tayo para manuod. Wala man lang Anderson doon, nakakahiya naman sa amin,” natatawang sabi ni Lean bago hinila ako papalabas.
I smiled a little before following them.
Pagpasok namin ay naabutan namin na naroon ang mga lalaki. Naupo na lang ako sa gilid at sumandal. Wala akong naiintindihan sa pinag-uusapan nila dahil nakatingin lang ako sa may bintana na naroon.
Malakas pa rin ang ulan.
Iniisip ko kung nakauwi na ba sila Jahann at Alyanna. Kung nagkausap na ba silang dalawa… kung ayos lang ba si Alyanna.
I heaved a sigh.
Hanggang sa matapos silang manuod at mag-aya na matulog ay hindi na bumalik si Jahann at Alyanna. Hinatid ko na lang sila sa mga kwartong gagamitin nila bago ako naglakad papunta sa kwarto ko.
Pinatay ko na lang din ang ilaw bago naglakad papunta sa kama ko. Humiga ako para ipahinga ang pagal na katawan pero hindi ko naman din magawang makatulog.
Kung ano-ano ang nasa isip ko tungkol sa nangyari.
Who would’ve thought that things would be this messy between us? Between our family…
Huminga na lang ako ng malalim bago ipinikit ang mga mata at pinilit na matulog. Alam ko na mahaba pa ang lalakbayin namin ni Jahann.
This is only the beginning…
Kinabukasan ay nauna pa akong magising sa alarm clock ko. Marahan akong bumangon at napansin kong gising na si Nikolai. Maaga rin itong nagising dahil maaga itong natulog kagabi.
“Mama…” he called me. I smiled at him.
“Good morning, baby…” I walked towards his crib and carried him. “Bumibigat ka na, ah…” I kissed his cheek. “How’s your sleep?” I asked him.
Nikolai just gave me a cute giggle as a reply. Inaabot din nito ang pinsgi ko habang nakangiti.
Napalingon ako sa labas at nakita kong madilim pa rin ang langit. Mukhang magtutuloy-tuloy pa rin ang pag-uulan ngayon.
Nakauwi na kaya sila?
Umiling na lang ako bago muling lumingon kay Nikolai. “You want to eat? Mama doesn't have a class today…” sabi kong muli sa anak ko bago naglakad papalabas ng kwarto. Kapag ganitong wala kaming pasok ay ako talaga ang nag-aasikaso kay Nikolai. Hinahayaan ako ni Ate Mildred pero nakaalalay pa rin siya sa akin.
Napalingon ako sa pinto ng kwarto ni Alyanna. May kung anong nagsasabi sa akin na kumatok at kausapin siya pero alam ko na hindi niya ako gustong makita ngayon.
Naglakad na lang papunta a kusina. Naabutan ko roon si Ate Mildred kaya ibinigay ko na muna si Nikolai sa babae para makapaghanda ako ng almusal nito at pati na rin ng mga kasama namin.
Nikolai was making sounds when Jahann walked in the kitchen.
“Morning, baby,” he said, looking at Nikolai. He looked at me and smiled. “Morning, Creep.”
“Jahann…”
Mukhang maaga rin itong nagising ngayon. Lumapit siya sa akin at kinuha ang hawak ko at ito na ang nagpatuloy sa pagluluto. Lumapit naman ako sa kanya.
“How’s Alyanna…?” I asked him, almost a whisper. Nilingon ko si Ate Mildred na abala sa pagpapakain kay Nikolai.
Jahann looked at me and smiled a little. “She went home alone last night,” he replied. Sinabi niya sa akin na hindi niya naabutan si Alyanna kahapon kaya umuwi na lang din siya. Hindi na nga lang din niya kami naabutan kagabi dahil nasa kwarto ko na ako nang makarating siya.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. “I know you’re scared…” he said while looking at me. “But now that I am here, Creep, you won’t be alone. I won’t leave you again. You and Nikolai.”
Napalingon ako sa kinauupuan ni Ate Mildred dahil naroon lang ang babae. Naririnig nito ang sinasabi ni Jahann.
Nakita kong nakangiti siya sa aming dalawa. Kumunot naman ang noo ko. She’s smiling at us. Ibig bang sabihin nito ay alam nito ang tungkol sa aming dalawa?
Jahann held my arms and made me face him again. “You won’t leave me, too, right?” he asked me. His voice was soft and sweet at the same time.
Nangilid ang luha sa mga mata ko at tumango sa kanya. Niyakap ko naman siya ng mahigpit at ibinaon ang pisngi sa dibdib niya.
I am scared, but I love him…
Natatakot ako, pero natatakot din akong mawala si Jahann sa akin… sa amin ni Nikolai.
I felt his lips on my head as he hugged me tight. He’s fighting for me, I should do the same for him.
Si Jahann na ang nagpatuloy sa pagluluto kaya naman tinulungan ko na lang siyang ihanda ang lamesa. Nang matapos kami ay pinatawag ko na lang sa kasambahay namin ang mga kaibigan at pinsan namin.
Nakaupo na ako at hinihintay sila habang paisa-isa silang dumarating sa komedor.
“Where did you go last night?” tanong ni Airi kay Jahann bago naupo sa tabi nito. “Morning, Cherinna…” bati niya sa akin. I smiled a little.
Naupo naman sa tabi ko si Lean habang bakante ang upuan sa kanan ko para kay Alyanna.
“Jahann cooked? Wow, ha. Namiss ko luto mo,” sabi ni Lean bago naglagay ng pagkain sa plato nito.
Jahann just gave her a small smile. Naglagay na rin ako ng pagkain sa plato ko. They’re still talking while eating. Pinag-uusapan nila kung ano ba ang magandang panuorin mamaya dahil hindi pa rin sila uuwi.
Maya-maya ay nakita ko si Alyanna na pumasok sa dining room.
“Alyanna…” I called her. Tumayo rin ako nang makita ko siya.
Nilingon naman nila si Alyanna na nasa pinto.
“Aly, kain na tayo. Sarap ng luto ni Jahann, oh.” aya ni Keij sa babae. Alyanna looked at him and rolled her eyes. Naglakad ito para kumuha ng gatas at baso.
“Aren’t you going to eat?” lakas loob na tanong ko sa kanya. Naglakad ako papalapit sa kanya. “Nagluto si Jahann at--”
“Cherinna,” Jahann called me. As if stopping me from talking to Alyanna.
Hindi ko kaya na hindi kami okay ni Alyanna kaya gusto ko siyang makausap. Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang nagyayari.
I looked at Alyanna. “Let’s eat?” aya ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya para ayain siya ngunit binigyan niya ako ng matalim na tingin.
“Don’t touch me,” she said sharply.
I reluctantly pull my hand. I looked at her and she’s still looking at me. “Don’t act nice,” she said before getting her milk and walking out of the kitchen.
I bit my lower lip and looked away.
“Anong nangyayari? Bakit may sumpong ‘yun?” tanong ni Keij sa akin. I turned my back on them and wiped my cheeks.
“She’s not feeling well, that’s why,” sabi ko na lang sa kanila bago muling naupo para kumain.
Halos hindi ko na nagalaw ang pagkain ko hanggang sa matapos ang mga kasama namin. Kol was looking at me, maybe he’s curious about what happened. Hindi ko naman nasabi sa kanya na alam na ni Alyanna ng totoo.
Matapos silang kumain ay naiwan ako, si Jahann at si Kol sa dining room. Nagpaalam sila na maliligo na muna dahil makikipaglaro ang mga ito kay Nikolai.
“She knows already?” tanong ni Kol sa amin. Hindi ko alam kung para ba ito sa akin o kay Jahann. Nilingon ko siya at tinanguan, ngumiti ako ng malungkot.
“What’s your plan?” he asked, looking at Jahann. Nakasandal si Jahann habang nakatingin sa baso nito. He smiled a little.
“Do I have to change my plan just because Alyanna found out about me and Cherinna?” he asked him. Kumunot naman ako. May plano ito?
Kol shrugged and looked at me. “Are you ready?” he asked me.
Hindi ako nakasagot sa kanya. Napalingon na lang ako nang hawakan ni Jahann ang kamay ko. “You don’t have to be ready, just hold my hand and fight with me…” he said. “You’re worth my fight, Cherinna. Ilalaban kita,” ani Jahann na parang siguradong-sigurado siyang malalampasan namin ang problemang ito.
Marahan akong tumango at pinsil din ang kamay niya.
I may not be as courageous as him, but I love him so much to just give him up. Mahal na mahal ko siya para isuko ko siya ng ganoon na lang.
Kol just shrugged before fishing out his phone from his pocket. Nag-excuse lang ito sa amin bago sinagot ang tawag at lumabas na rin.
Napalingon ako kay Jahann. “What plan were you talking about earlier?” I asked him. Hindi naalis sa isip ko na may plano ito at hindi ko alam ang tungkol doon.
He smiled as he kissed my hand. “I won’t let you go. That’s the plan.”
“Jahann.” Sinimangutan ko ito. How can he be so calm? Hindi ba siya natatakot na malaman nila mommy?
Tanghali na ng dumating sila Mommy. Nanggaling ito kina Lola at doon nagpalipas ng gabi kasama si Daddy. Wala namang problema sa mga ito na naroon sina Theon dahil pamilya naman namin sila.
“Cherinna, can you call Alyanna?” utos sa akin ni Mommy. Napatingin naman ako sa kanya. “Bakit ba hindi niyo siya kasama rito?” naiiling na dagdag nito.
“Uhm… okay po…” tumayo na ako at naglakad paakyat ng bahay namin para tunguhin ang kwarto ni Alyanna. Mabilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad.
Pakiramdam ko ay huminto ang paghinga ko nang kumatok ako sa kwarto ni Alyanna. “A-Alyanna…” mahinang tawag ko sa kanya. Hindi ito sumagot kaya kumatok akong muli, mas malakas.
“Alyanna… Mommy is calling you…” sabi kong muli.
Napapitlag naman ako nang buksan niya ang pinto at tumingin sa akin.
“Mom is calling you and--”
“I heard you already,” she said coldly before walking away. Naiwan naman akong nakatayo sa labas ng kwarto niya. Hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil sa nangyayari sa amin ni Alyanna.
Sumunod na lang ako sa kanya pababa ng sala. Naupo ito sa sofa katabi ni Airi habang nakatingin sa akin.
Naupo ako sa tabi ni Kol. Naupo naman si Jahann sa tabi ko.
I saw Alyanna scoff.
Napayuko na lang ako.
Parang sa bawat sandali na naroon kaming lahat, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung sasabihin ba ni Alyanna kina Mommy ang nakita nito.
“Are you sick, Alyanna?” tanong ni Mommy rito nang mapansin na tahimik ito at nasa gilid lang.
“Kanina pa ‘yan, Tita. May sumpong,” ani naman ni Keij na natatawa.
Muli kong tinignan si Alyanna. She looked at me and grimaced.
“No, mom. Nasusuka lang ako,” sabi niya habang nakatingin sa akin. “Nakakadiri kasi,” dagdag niyang muli.
Napaiwas ako ng tingin at kumuyom ang kamay para pigilin ang sarili na mapaluha.
“Why? May nakain ka bang iba?” Nilingon kami ni Mommy. “Kayo, okay lang ba kayo?” she asked us. Sumagot naman ang mga kasama namin.
“What’s wrong, Alyanna?” she asked her again. “Uminom ka na ba ng gamot? Ano bang nakain mo?” lumapit pa ito sa babae. Tinawag nito ang kasambahay para ikuha si Alyanna ng gamot.
“Baka kung ano-ano kasi ang kinakain niyo, ha!” napapailing na sabi ni Mommy rito. “Bakit ka ba kasi nasusuka?” tanong na muli ni Mommy sa babae.
“Why don’t you ask Cherinna and Jahann, mom?” she said sarcastically.
Pinanlamigan ako ng katawan sa sinabi nito. Napaangat ako ng tingin sa kanya. She wasl looking right to us.
“Alyanna…” I uttered her name.
“Huh? Why? What’s wrong?” Mom asked us. Nilingon niya kaming dalawa ni Jahann.
Parang may kung anong dumagan sa dibdib ko dahil sa tingin ni Alyanna.
Talaga bang sasabihin na niya ngayon? Ganoon ba siya kagalit sa akin? Sa amin ni Jahann…?
Napayuko na lang ako.
Maybe, this is it. Kailangan ko ng lakasan ang loob ko ngayon. I was about to say something when I heard Jahann’s voice.
“I’m in love with Cherinna.”
Napalingon ako kay Jahann nang magsalita ito. He tightened his jaw while looking at Alyanna.
Jahann…
Nakita ko ang pagkawala ng ngiti sa mga labi ni Mommy.
Yeah, I think this is it.