“I’m in love with Cherinna.”
Parang tumigil ako sa paghinga nang sabihin ni Jahann ang mga salitang iyon. It was like a bomb that had finally exploded.
I heard Lean gasped with Jahann’s revelation. Hindi ko magawang lingunin ang mga kasama namin dahil na rin sa hiya na nararamdaman ko ngayon.
I am ashamed of the fact that we could’ve talked about this privately, we could’ve talked about this as a family, but that didn’t happen.
Nandito silang lahat.
Nakatingin si Jahann ng diretso kay Mommy nang magsalita siya. It was as if it was just a normal thing to say. It was as if he’s been preparing himself to say those words.
Napalingon ako rito na halatang nabigla sa narinig niya mula kay Jahann. Nawala ang kaninang matamis na ngiting ibinibigay niya sa amin. I saw her eyes get filled with confusion.
Kahit si Alyanna ay halatang nabigla sa sinabing iyon ni Jahann. Bakas sa mukha nito ang gulat na sinabi ni Jahann ang bagay na iyon. Mukhang hindi nito inakala na sasabihin ni Jahann ang mga iyon kay Mommy.
“What…?” Mom asked Jahann before looking at me, she’s obviously surprised and confused. “Is that some kind of a joke, Jahann?” umiling si Mommy bago lumingon kay Alyanna. “Right, Alyanna? That was just a joke, right?” she asked her. Hindi naman nakasagot ang babae rito. Nilingon lang ni Alyanna si Jahann bago lumingon sa akin.
“That was just a joke, Jahann, right?” she asked again with disbelief in her eyes.
“Why would I joke about that, Mom? I’m in love with her and--”
“Jahann!” pigil ni Mommy sa sasabihin ni Jahann. Napaangat ako ng tingin kay Mommy at bakas ang galit sa mukha nito. Nag-iinit ang mga mata ko habang nakatingin kay Mommy, nilingon ko rin ang mga naroon na halatang kinakabahan din sa nangyayari ngayon.
They’re all here. Ang mga pinsan namin, kaibigan, pati si Airi!
Hindi ko naman lubos akalain na kapag umamin kami ay naroon silang lahat.
Tahimik lang si Kol at Enzo, hindi kumikibo ang mga ito samantalang si Keij naman at tumingin sa akin, halatang gustong magtanong nito sa akin.
“Tita, just calm down,” ani Theon kay Mommy ngunit sinamaan ito ni Mommy ng tingin kaya napayuko na lang din ito. Alam nito kapag ganoon na ang tingin ni Mommy ay seryoso ito kaya naman lalong nakakatakot. Kahit naman kasi sina Tito Thunder and Tito Hunter ay tumatahimik kapag si Mommy na ang nagagalit.
Nararamdaman ko ang pagtingin nilang muli sa akin, siguro ay may mga tanong na sa isip nila tungkol sa amin ni Jahann. Alam ko naman na nakakagulat talaga ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi magtatagal, kailangan kong mas ipaliwanag sa kanila ang totoo.
We owe it to them, too.
I closed my eyes hard and bit my lip. Alam kong nakatayo pa rin si Jahann at nakatingin kay Mommy. Gusto ko siyang awatin, gusto ko siyang sabihan na tumigil na…
Pero kung mas patatagalin namin, mas lalo lang kaming mahihirapan.
“It was not a joke, Mom,” Jahann said again. I bit my lip harder.
“Are you insane, Jahann? Naririnig mo ba ang sarili mo?” nagtaas na ng boses si Mommy at hindi ko napigilang mapapitlag dahil doon.
“What’s happening here?” I heard dad’s voice. Napatingin kaming lahat sa kanya. Nakakunot ang noo niya nang lumapit siya kay Mommy. “What’s happening, Ai?” he asked Mommy again.
Mommy faced him and looked at Jahann after. “He’s saying he’s in love with Cherinna!” Nilingon ako ni Mommy. “How about you? Are you gonna say you’re in love with Jahann, too?” pinanlakihan ako ng mata ni Mommy.
“Mommy…” mabilis ang pagtibok ng puso ko habang nakatingin dito. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko, mabilis ko namang pinalis iyon mula sa pinsgi ko.
Tiyak na mas magagalit si Mommy kapag nakita niya akong umiiyak.
“Ai,” hinawakan ni Daddy ang braso ni Mommy. He looked at her and sighs a little. “We’ll talk about this, okay? Calm down,” he said softly.
“How can I calm down?” kumunot ang noo ni Mommy bago muling tumingin sa amin ni Jahann. “Love, they’re in love with each other! Naiintindihan mo ba ‘yun?” tanong niya kay Daddy.
Dad nodded at her. Hinawakan nito ang kamay ni Mommy bago tumikhim at nilingon ang ibang mga kasama namin na naroon. “Will you please leave us for the meantime? You can stay in the guest rooms,” ani Daddy sa mga ito.
Tumango naman sila Kol dito. Nagtayuan na rin sila at naglakad papunta sa hagdan para umakyat ng kwarto. Nakita ko ang paglingon nila sa amin bago tuluyan kaming iniwan sa living room.
“Mildred, bring Nikolai to Cherinna’s room,” utos ni Daddy sa babaeng hawak ang anak ko. Tumango naman ito at tumalima sa sinabi ni Daddy.
Nang maiwan kaming lima sa living room, tinignan kami ni Daddy. Seryoso ang mukha ni Jahann. He looked like someone who’s ready for his battle, like someone who’s ready to give his all.
“Tell me what happened,” dad asked us, calmly.
“I already told you, Mikael! They’re in love with each other! That’s absurd!” muli kaming binalingan ng tingin ni Mommy. May talim sa mga tingin niya sa amin.
Hindi naman ako nakakibo. Jahann stayed silent while looking at them. Hindi ko man lang siya nakitang yumuko o ano. Hinaharap niya ang mga ito.
“I heard you, Ai. I want to know their side,” he said while looking at Mommy. He turned his head in our direction.
Kumuyom ang kamay ni Mommy habang nakatingin sa amin ni Jahann.
“I’m in love with Cherinna, dad,” Jahann muttered. He reached for my hand and pulled me closer to him. I looked at him. I bit my lip to stop myself from crying.
“This is not happening…” I heard mom say this before she looked at our dad. “This is not happening, Mikael…” kumuyom ang kamay nito at tumalikod sa amin.
“Mommy…” tumayo si Alyanna at lumapit dito.
“How could you fall in love with Cherinna? She’s your sister for God’s sake, Jahann! Hindi ka ba nag-iisip? Hindi mo ba naiisip ‘yun?” muli siyang humarap sa amin at tinignan kaming dalawa.
“Look at you both! Naiisip niyo ba ang ginagawa niyo?!” naihilamos niya ang mga palad sa mukha niya dahil sa frustration na nararamdaman niya. Nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Mommy habang nakatingin sa amin.
I remember the time when they found out that I am pregnant.
Binigyan ko sila noon ng dahilan para madisappoint sa akin, at inuulit ko ang bagay na iyon ngayon.
“Mommy…” humakbang ako papalapit. “I’m sorry…” hindi ko napigilang mapahikbi habang humahakbang ako papalapit sa kanya.
Alam ko na wala naman silang ibang gusto kundi maging maayos kaming tatlo nila Jahann at Alyanna pero sa amin ay ako nang ako ang nagbibigay sa kanila ng dahilan para malungkot, masaktan, madisappoint…
Hindi ko man gustuhin na gawin, I always end up hurting and disappointing them.
“I’m sorry…” hinawakan ko ang kamay niya ngunit umiling siya sa akin.
“You fell in love with Jahann, too?” she asked while she’s stopping herself from crying. Hinawakan ni Daddy ang braso ni Mommy ngunit nagpumiglas ito.
“Mikaela.”
Mommy looked at Daddy. “Ano? You want me to be understanding about this? I can’t! Naririnig mo ba kung ano ‘yung nangyari, Mikael? They’re in love with each other!” mabilis niya ring pinalis ang luha sa mga pisngi niya bago lumingon sa akin.
“It’s not Cherinna’s fault, Mom. I was the one who fell in love with her first,” naglakad si Jahann papalapit din sa amin. “Don’t blame her for that, because it’s my fault,” he added.
Nilingon ko si Jahann.
Alam ko naman na hindi magiging madali ang lahat, hindi ko lang nagawang ihanda ang sarili ko sa bagay na ito kahit na ilang beses kong insip na darating kami sa sitwasyon na ito.
“Ikaw, alam mo ba ‘yung tungkol sa kanila?” bumaling si Mommy kay Alyanna.
“No, mommy…” ako ang sumagot para kay Alyanna. “Hindi niya alam… walang may alam…” sabi ko habang umiiling.
Wala akong balak na idamay na kahit sino sa sitwasyon ito. This is on us. Sa amin ni Jahann.
Mom looked at me again, I saw the disappointment written all over her face. “Kayo lang? Kayo lang dalawa?” she asked before looking at Jahann, too. Hindi kumibo si Jahann pero nakatingin siya kay Mommy.
“Hindi ba kayo nag-iisip dalawa, ha?” tanong niya sa amin. “Hindi ka ba nag-iisip, Cherinna?” she asked me directly.
Napayuko ako habang patuloy ang paghikbi. “I’m sorry, Mommy…” tanging nasabi ko sa kanya. Wala naman akong ibang masasabi kundi humingi ng tawad.
Nang nalaman ni Alyanna ang tungkol sa amin ni Jahann, alam ko na hindi magtatagal ay malalaman na nila Mommy ang totoo. Ayokong sumama ang loob ko kay Alyanna dahil hindi ko naman siya pwedeng pilitin na huwag na muna sabihin kina Mommy.
What we did was wrong. This is wrong, and I know that.
“Nagkulang ba kami ng daddy niyo sa inyo? Paano niyo nagagawang gawin ‘to?” she asked us again, sobbing.
Mas dumiin ang pagkagat ko sa labi ko nang marinig ko ang pag-iyak ni Mommy. Hindi ko kailanman gusto siyang makita na umiiyak dahil nasasaktan siya.
“Mikaela, calm down,” hinawakan ni daddy ang kamay ni Mommy. Alam kong hindi rin okay kay Daddy ang nangyayari. I know he’s disappointed as well. Hindi man siya magreact ngayon ng katulad kay Mommy, alam ko na hindi rin okay si Daddy sa nangyayari.
“No…” Mom told him before walking towards me. “Can you tell me? Saan kami nagkulang sa inyong dalawa ni Jahann?” tanong niyang muli sa akin. Napailing na lang ako bilang sagot.
Hindi naman sila nagkulang sa amin. They’re giving us everything we need. They accepted me despite what I did before. Hindi sila ang may mali.
“Mali ba ako sa pagpapalaki sa inyo? Sa iyo?” she asked me while crying. “May mali ba akong nagawa sa inyo?”
Umiling akong muli sa kanya. “No. Mom, I’m sorry--”
Natigilan ako nang maramdaman ko ang palad ni Mommy sa pisngi ko.
“Then how could you do this?!” tanong niya sa akin. I felt the anger in her voice. Nag-init din ang pisngi ko dahil sa lakas ng pagsampal niya sa akin.
“Mikaela!” tawag ni Daddy kay Mommy bago hinawakan itong muli.
“Nagkukulang ba kami sa inyo? Pinatawad kita noon! And now this, Cherinna? How could you do this?!” malakas na sabi nito habang nakatingin sa akin. Matalim ang tingin niya sa akin.
“It’s not her fault! It’s mine!” hinawakan ako ni Jahann bago siya tumayo sa harap ko at harangan ako para hindi ako malapitan nila Mommy. “Stop blaming Cherinna. She pushed me away, I stayed with her! It’s not her fault!”
“It’s both your fault,” sagot ni Mommy kay Jahann. “Hindi kayo nag-iisip! Hindi niyo naiisip kung anong mangyayari sa mga ginagawa niyo!”
Napatungo na lang ako habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko. Jahann was still holding my hand. I know that he’s scared that I will give him up… alam ko na may pangamba siya na hindi ko siya papanindigan. Natatakot din siya na bibitaw ako sa kanya ngayon na alam na nila Mommy ang totoo.
“How did this happen?” I heard dad’s voice. Hindi siya nagtaas ng boses sa amin. Alam namin na understanding talaga si Daddy pero hindi ko naman gustong abusuhin iyon.
“Paano niyo nasikmurang magkagustuhan? Hindi ba malinaw sa inyong dalawa na magkapatid kayo?” tanong ni Mommy muli sa amin. “Hindi man lang ba kayo natakot sa ginagawa niyo?” dagdag nito na tanong.
Hindi nagsalita si Jahann. Mas hinigpitan niya lang ang hawak sa kamay ko, na para bang sinasabi niya na hindi niya ako pababayaan.
“Cherinna, I accepted what happened before. Nabuntis ka, tinanggap namin! Nag-aaral ka pa pero nabuntis ka na, tinanggap ko! Tinanggap namin! And now, this?” I heard her say it again. Hindi ko naman siya masisisi na sabihin iyon dahil iyon naman ang totoo.
Hindi naging madali kina mommy na matanggap ang nangyari kahit pa tanggap na ng mga ito si Nikolai ngayon.
Hindi ako nakakakibo, tanging mga hikbi ang lumalabas mula sa akin.
Dad sighed heavily. “Jahann, explain what happened. How did you two end up falling in love with each other?” tanong ni Daddy kay Jahann.
“I am so disappointed, Mikael,” I heard mom’s voice.
Huminga ng malalim si Jahann bago tumingin sa kanila. “I don’t see anything wrong with falling in love with Cherinna.” Diretsong sabi nito sa mga magulang namin.
Napaangat ako ng tingin sa kanya. I know he’s really up for it, but I didn't expect him to be this straightforward now. Mas lalong magagalit sila Mommy dahil sa sinabi niya.
“Jahann!” saway ni Alyanna sa babae pero hindi ito pinansin ng lalaki.
“Anong sabi mo? You don’t see anything wrong?” tanong ni Mommy sa lalaki. “Are you out of your mind, Jahann? Nababaliw ka na ba talaga?” singhal nito sa kanya. Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Jahann.
“What do you mean by that? How could you say there’s nothing wrong with it?” dad asked Jahann. I saw his jaw tightened.
“Wala naman talagang mali. Mahal ko si Cherinna.”
Napasinghap ako nang maging si Jahann ay sinampal ni Mommy.
“How could you say there’s nothing wrong? Magkapatid kayo! Hindi ba iyon malinaw sa’yo? Hindi ba malinaw na mali ang ginagawa niyo?” muling sabi ni Mommy sa amin. I saw the anger on her face. It was so obvious that she’s mad at us.
Jahann turned his face on her. Hindi man lang nito ininda ang sampal na ibinigay ni Mommy sa kanya.
“She’s not my sister, how could that be wrong?” Jahann asked them.
Natigilan ako sa tanong niya sa kanila. Nakita kong pati si Alyanna ay nabigla sa sinabi nito. Tila kahit na ito ay hidi naiintindihan ang sinabi ni Jahann.
“What… What are you saying…?” I asked Jahann, he gave me a fleeting look. Napalingon ako kay Daddy. Nakatingin siya kay Jahann na parang hinihintay ang sunod na sasabihin nito.
“Anong sinasabi mong hindi mo siya kapatid, Jahann?” tanong din ni Alyanna sa lalaki.
He looked at Mommy and smirked a little.
“How could it be wrong when I am not a real Anderson?” he asked. I saw a tear escape his eyes.
“What…?” halatang maging si Mommy ay nabigla sa tanong ni Jahann. Nilingon niya si Daddy na nakatayo sa likod niya. “What… What does that mean, Mikael?” she asked him.
“It means I am adopted. Right, dad?” Jahann looked at Daddy. “So, yes. I don’t see anything wrong because I am not a real Anderson.”
“Jahann…” hinawakan ko ang kamay niya. Ano ang sinasabi niya? Wala siyang kahit anong nabanggit sa akin.
“Mikael, what’s happening?” Mommy’s asking Daddy. Mas naging visible ang kalituhan kay Mommy habang nakatingin kay Daddy. “Anong sinasabi ni Jahann?” dagdag na tanong nito.
“Hindi niyo ako anak. Hindi ko kapatid si Cherinna.” He smiled a little.
Anong ibig niyang sabihin na ampon siya? Paano nangyari iyon?
“I am not a real Anderson,” he said as he squeezed my hand.
Is this for real?