Halos hindi ako kumikibo habang nasa daan kami ni Jahann. Naisip ko naman na ang pagkakataon na ito. Hindi naman nawala sa isip ko ang tsansa na malalaman nila Tito Thunder at Tito Hunter ang nangyayari.
They’re our family. Imposibleng hindi nila malaman ang sitwasyon namin ngayon.
“Creep,” hinawakan niya ang kamay ko at pinisil. Pilit niyang pinagagaan ang loob ko dahil alam niya na talagang natatakot at kinakabahan ako sa pwedeng mangyari ngayong gabi.
“I’m… I’m scared…” mahinang sabi ko sa kanya. Kinagat ko ang labi ko bago tumingin sa labas. Kaming dalawa ni Jahann, walang kasiguraduhan…
Walang kasiguraduhan kung ano ba ang kahahantungan naming dalawa kahit pa ipaglaban ko siya at ipaglaban niya ako. Wala kaming magagawa kung talagang hindi kami papayagan ng tadhana na magkasama.
“I understand and it’s normal…” Jahann smiled a little. “Maybe it’s about time for everyone to know about us…”
I looked at him. Alam ko na sa aming dalawa, mas si Jahann talaga ang matapang at gustong sabihin na sa lahat ang tungkol sa amin…
Hindi ko magawa ang bagay na iyon dahil natatakot ako. Inuunahan ako ng takot sa kung ano ang sasabihin nila… pero kung tutuusin ay ako naman ang may kagagawan nito.
“Can we…can we buy some water first? Sa may convenient store…” sabi ko kay Jahann. Tumango naman ito at nagmaneho na papunta roon. Wala na rin kasing laman ang tumbler ko kaya naisipan kong bumili na lang ng tubig bago umuwi.
Jahann removed his seatbelt so I stopped him.
“Ako na lang, hintayin mo na lang ako rito…” sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo niya sa akin. “Mabilis lang ako…” kinuha ko na ang wallet ko at lumabas na rin ng sasakyan. Naiwan naman na si Jahann sa loob at hinihintay ako.
Kumuha na muna ako ng dalawang mineral water at kumuha rin ako ng mga candies na nakita ko roon. Dinala ko na iyon sa cashier at inabot na rin ang card ko.
“Ma’am, declined card po,” sabi sa akin ng cashier na ibinabalik ang card ko.
“Huh? Pwede pong pakitry ulit?” tanong ko sa kanya. Tinignan ko ang wallet ko para i-check kung may pera pa ako pero barya na lang ang laman nito na hindi pa yata aabot ng 20 pesos.
“Ayaw po talaga, eh. May ibang card ka po ba? Or gusto niyo pong i-cash?” tanong muli sa akin ng cashier bago ibinalik sa akin ang credit card ko.
Napayuko naman ako dahil nakita kong may kasunod akong lalaki. “Wala kasi akong cash…” I gave my other card to her.
Wala pa naman sa limit ang credit card ko… hindi naman din ako umaabot sa limit talaga…
“Ma’am, ayaw rin po…” muli niyang ibinalik ang card ko sa akin. Napakagat ako sa labi ko. My cards are not working…?
“Sorry… ibabalik ko na lang ang mga ito…” sabi ko sa babae bago lumingon at humingi na rin ng pasensya sa lalaki.
“I’ll just pay for it,” sabi nito na ikinakunot ng noo ko. He removed his hoodie and looked at me. “Huwag mo ng ibalik.”
“Huh? No. Wag na. Tanong ko na lang sa kasama ko kung may pera siya… sorry…” itinabi ko sa gilid ang pinamili ko at muling humingi ng pasensya sa cashier bago naglakad papalabas.
I knocked on Jahann’s window. Ibinaba naman iyon ni Jahann na kunot ang noo.
“What’s wrong, baby?” he asked.
“May cash ka…?” napayuko ako. “Hindi kasi inaaccept ang cards ko, eh…” siguro ay ipinaputol iyon ni Mommy. Ito at si Daddy lang naman ang makakagawa nun dahil sila naman din ang nagbigay sa amin nun.
Bakas ang pagtataka sa mukha ni Jahann ngunit inabutan niya pa rin ako ng pera.
“Sorry…” sabi ko bago naglakad papasok pero hinarang ako ng lalaking naroon kanina. Inabot niya sa akin ang plastic bag na may laman ng binibili ko kanina.
I looked at him. He looks familiar but I couldn’t remember where I saw him…
“Here,” inabot niya sa akin ang plastic bag. “Don’t pay for it, just say hi to Tito Kerko for me,” sabi nito bago ngumiti at naglakad na papunta sa sasakyan nito.
“Huh?” Kumunot ang noo ko dahil kilala niya si Daddy. “Who are you?” I asked him. He looked back and smiled. “Leo. Leo Saavedra,” he said before getting inside his car. Napalingon naman ako kay Jahann na nakatingin lang sa akin. Ibinalik ko sa kanya ang pera niya nang makasakay ako.
“Who’s that?” he asked while looking at me.
I shrugged. “He said Leo Saavedra,” sagot ko sa kanya. Napatingin ako sa orasan at halos alas-sais na ng gabi. Sabi ni Kol ay 7 pm sila magpupunta sa bahay.
Parang gusto ko na lang sabihin kay Jahann na huwag na kami umuwi para lang makaiwas sa sitwasyon na iyon pero alam ko naman na hindi naman din namin matatakbuhan ang sitwasyon na ito.
“Creep…”
I looked at him and smiled a little. “Naisip ko lang na… na hindi naman tayo pwede umiwas sa mangyayari. Tayo rin naman may kagagawan nito kung tutuusin…” napayuko ako. “Mommy is really upset and disappointed in us.”
“She’ll understand us eventually…” hinawakan ni Jahann ang kamay ko at pinisil iyon ng marahan. Dinala niya iyon sa mga labi niya at hinalikan. I looked at him and tried to smile.
Hindi nagtagal ay nasa daan na kaming muli at tinatahak ang daan pauwi. Jahannn parked his car next to Dad’s car. Lumabas na rin naman ako at pumasok sa loob.
Napalingon ako nang may dumating na sasakyan. It was Tito Thunder’s car. Napaiwas ako ng tingin ngunit nanatili kami sa labas ng bahay ni Jahann upang salubungin sila.
Naunang lumabas si Theon na agad na lumingon sa amin. Pinagbuksan naman nito ng pinto ang mommy nito kaya lumabas na rin si Tita Rain at huli, si Tito Thunder.
“Good evening, Tito,” bati ni Jahann dito. “Tita Rain,” he also acknoweledge her.
Ngumiti naman si Tita Rain sa amin. Hinawakan nito si Tito Thunder sa braso bago naglakad patungo sa amin.
“Is your mom inside?” Tito Thunder asked us.
“I think so, Tito. Kakauwi lang kasi namin…” parang may tumatambol ngayon sa dibdib ko dahil na rin sa paraan ng pagtitig sa akin ni Tito Thunder. Alam kong alam na ng mga ito ang tungkol sa amin ni Jahann.
Hindi pa lang sila nagsasalita sa ngayon pero alam ko na mamaya, iyon ang pag-uusapan.
“How about Hunter?” he asked again.
Umiling naman ako. Hindi ko pa nakita ang sasakyan nito sa garahe namin kaya sa palagay ko ay wala pa ang lalaki.
“Okay.” He looked at Tita Rain. “Let’s go inside, sweetheart,” sabi nito bago nagpatiuna na sa pagpasok sa bahay namin.
I looked at Theon, he walked towards us and tapped Jahann’s arm. “It’s gonna be okay,” he smiled a little before he walked towards our house.
Huminga ako ng malalim at napatingin kay Jahann. Inabot nito ang kamay ko at pinisil iyon. “We’ll be fine, baby,” he said.
Alam ko na pinipilit ni Jahann palakasin ang loob ko dahil alam niya na pinanghihinaan ako lalo kung alam ko na nagagalit si Mommy, pero gusto ko ring ipaalam sa kanya na hindi ko siya iiwan. Hindi ko siya bibitawan…
I smiled a little. “I won’t let you go…” I told him.
Huminga ako ng malalim bago kami magkasabay na pumasok sa loob ng bahay.
Nasa living room na sila Tito Thunder at naroon na rin sina Mommy at Daddy. Si Alyanna ay katabi naman ni Theon.
Mom looked at me but didn’t say a word.
“Good evening, Mommy, Daddy…” lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi. Mom moved her head away when I kissed her cheek.
I just smiled sadly.
They served coffee and juice to Tito Thunder and Tita Rain. Nagsabi si Daddy na doon na rin magdidinner ang mga ito ngayon.
I don’t think we can still eat later after we talk though…
“Sit down, Jahann, Cherinna. We’ll just wait for Hunter so we can start talking about what’s happening.” Tito Thunder leaned on the couch and looked at us. Napatango naman ako at naupo na lang din. Tumabi naman sa akin si Jahann.
Nakikita ko si Mommy na sumusulyap sa amin ni Jahann pero hindi pa rin siya kumikibo. Tito Thunder and Daddy were talking about something else.
Napalingon kami nang pumasok na sina Keij sa bahay kasunod si Kol at ang mga magulang nito.
“Hi, good evening,” bati ni Tita Zyline sa amin. Tito Hunter smirked and walked towards Mommy. He hugged her and kissed her head. “Ano, namomroblema ka na?” pang-aasar nito. Mom rolled her eyes on him.
“Hunter,” Dad acknowledged him and he nodded at him.
“Stop nodding your head and just sit so we can start,” sabi ni Tito Thunder na tinignan si Tito Hunter.
“Bakit mo inagahan ng punta? Ngayon magrereklamo ka?” naupo ito sa tabi ni Tita Zyline. Marahan namang tinapik ni Tita Zyline ang hita ni Tito Hunter.
Tito Thunder looked at Daddy. Si Lola lang ang wala roon dahil sabi ni Tito Thunder ay hindi na muna nila iinvolved ito ngayon dahil baka hindi maging maayos ang nangyari.
Dad nodded and looked at us.”They know that Jahann and I had a DNA test,” panimula ni Daddy. Wala ni isang kumikibo sa amin. Si Alyanna ay nakasandal lang habang nakatingin kay Daddy. Si Kol naman ay nakayuko at si Keij ay tumitingin sa kung sino ang nagsasalita. Theon’s sitting beside his mom.
Hindi naman din kumikibo si Jahann na nananatiling nakaupo sa tabi ko.
“The hospital called and it’s possible to have the results tonight,” dagdag pa ni Daddy.
“I just want to understand why you think you’re adopted, Jahann?” Tito Thunder asked Jahann. They all looked at Jahann. Sa ganitong pagkakataon, hindi talaga madalas na inaawat nila Tita Rain ang mga asawa nila.
“Maybe you’re all wondering why you’re all here and why we’re not settling it in private, we’re family, I don’t think this should be kept private,” dagdag ni Tito Thunder bago muling tumingin kay Jahann. “Bakit mo naisip na ampon ka at bakit ka nag-insist ng DNA test?” he asked him again.
“Why not, Tito?” Jahann asked him. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Tito Hunter habang nakatingin kay Jahann. “We should all know the truth, right?” He looked at Daddy.
Napailing na lang si Mommy dahil sa sinabi ni Jahann. Hinawakan ni Daddy ang kamay ni Mommy.
Alyanna rolled her eyes.
“What’s your truth? I’m curious.” Tito Hunter asked Jahann. Ngumisi ito habang nakatingin sa lalaki. “Ano ‘yung sinasabi mong totoo para maging gulo ngayon sa pamilya niyo?” dagdag niyang tanong.
“I am adopted,” diretsong sagot ni Jahann sa kanila.
Napalingon ako sa lalaki bago napatingin sa mga kasama namin. Kumunot ang noo ni Tita Rain and Tita Zyline dahil sa sinabi ni Jahann.
“Stop saying that,” Mom said while looking at him.
Napakagat ako sa labi ko at napayuko.
“I don’t understand why you’re insisting you’re adopted,” Tito Thunder shook his head and sighed heavily. “Ano pang nangyayari sa inyo?” he asked before looking at our parents.
Ibig sabihin ay hindi pa nila alam ang tungkol sa amin? Ang DNA test lang talaga ang pinunta nila ngayon? Tito Hunter and Tito Thunder are really protective of Mommy. Possibleng nakita nila kung gaano ka-upset si Mommy kaya ngayon ay naroon sila.
Mom clenched her fist. Napaiwas ito ng tingin bago pinawi ang luha na nasa pisngi nito.
Tito Thunder looked at her and creased her forehead. “What are you not telling us?” He asked before looking at Daddy. “What’s happening, Kerko?” mas dumiin ang boses ni Tito Thunder nang tanungin si Daddy.
“Are we gonna guess here?” Tito Hunter asked him too. “Mikaela Michelle,” he called mom’s name.
Jahann looked at them. “It’s because I am in love with Cherinna.”
Parang may bombang sumabog sa kanila nang magsalita si Jahann. Natahimik si Tito Thunder at Hunter. Maging ang mga asawa nila ay halatang nabigla sa sinabi nito. Hindi naman nagsalita si Daddy, lumingon lang ito sa amin.
Si Tito Thunder ang unang nagsalita habang nakatingin kay Jahann. “What did you say? You’re in love with Cherinna?” tumingin siya sa akin at kumunot ang noo. “What happened? How did it happen?” lumingon ito kay Daddy. “Alam mo ‘to?” he asked him.
Tumayo ito at huminga ng malalim.
“Tangina. “
“Thunder,” saway ni Tita Raun sa lalaki.
“You’re saying you’re adopted because you’re in love with Cherinna?” he laughed mockingly. “Are you out of your mind?” tanong niya ulit kay Jahann.
Jahann looked at him.
“Anong pagpapalaki ginagawa mo sa anak mo, Kerko?” tanong naman ni Tito Hunter kay Daddy. Napakagat ako sa labi ko dahil alam ko na masisisi nila si Daddy sa ginawa namin ni Jahann.
“Don’t blame him, Tito. It’s not his fault that I fell in love with Cherinna.”
Gusto kong hawakan ang kamay ni Jahann at sabihan siya na huwag na siyang sumagot-sagot sa kanila pero alam ko naman din kung bakit iyon ginagawa ni Jahann.
Tumayo na rin ito. “I know this is really hard to accept and understand. I tried finding out the truth. Dad adopted me from Child’s Hope. I am not an Anderson, and I am in love with Cherinna.”
“From where?” Tito Thunder looked at him. “Anong nalaman mo sa Child’s Hope?” he asked him again.
Tito Hunter looked at me.
“I was from Child’s Hope. He adopted me to replace his real son,” sabi naman ni Jahann. “That’s the truth. So I asked for a DNA test to prove it!”
Tumayo naman na rin si Mommy at malakas na sinampal ang pisngi ni Jahann. “Do you hear yourself, Jahann? Naririnig mo ba kung ano ‘yung sinasabi mo?” puno ng pait na sabi ni Mommy habang nakatingin sa kanya. “Until now, iniisip mong ampon ka! Nababaliw ka na ba?”
“Mikaela,” hinawakan ni Daddy ang braso nito.
“Pinipilit mo ‘yan dahil sinasabi mong mahal mo si Cherinna? Magkapatid kayo! Ano ba roon ang hindi malinaw sa inyong dalawa?” muling sabi ni Mommy sa amin.
“Mika…” even Tita Rain reached for Mom’s arms.
She looked at me while she’s crying. “Magkapatid kayo, hindi niyo ba iyon naiintindihan?” tanong niyang muli sa amin.
I bit my lower lip. I know things will be really hard but… I know I should fight alongside Jahann.
“Mommy…” tumayo na rin ako at tumingin sa kanya. “Mahal ko po si Jahann…” sabi ko sa kanya. Nag-iinit na rin ang mga mata ko kaya hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.
She looked at me and shook her head. “You don’t know that. Ian, you should be with Ian! May anak kayo at--”
“Nikolai is my son.”
“What…?” natigilan si Mommy at napatingin sa amin ni Jahann. “Nikolai… is your son?”
“Tangina,” napailing na lang si Tito Thunder. Napalingon ito kay Daddy. Umiling naman ito sa kanya.
“What the fuck is happening to your family, Kerko?” napailing na lang din si Tito Hunter. Napalingon ako kay Alyanna na nakayuko lang at hindi tumitingin sa akin.
“It’s not his fault, Tito… it’s ours and…” napayuko ako at patuloy ang pagpatak ng mga luha ko. “And I am really sorry…”
“What’s your plan now?” nakatingin sa amin si Tito Thunder. “What you did is so fucked up, Cherinna, Jahann. Are you aware of that?”
Napatango naman ako sa kanya. Alam ko naman na napakahirap ng sitwasyon namin talaga ni Jahann. Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong unahin ngayon dahil sa nangyayaring ito.
“Mikael…” humawak si Mommy kay Daddy. “Nikolai… anak nila si Nikolai…”
Ramdam ko sa bawat salita ni Mommy ang sakit at dismaya dahil sa nalaman niya. Noong nalaman nila na may relasyon kami, hindi na nila matanggap iyon. Marahil ay higit lalo ngayon.
“Calm down, Ai…” he hugged her tight and looked at them. “I’ll just bring Mikaela to our room,” paalam nito sa amin.
“No…” pigil ni Mommy bago lumingon sa amin. “I want to know… what we did wrong…”
Umiling ako sa kanya. “Wala, Mommy…” hindi ko na rin napigilan ang paghagulgol dahil sa nakikita kong kalagayan ni Mommy. She’s really affected because of what happened to us.
“What is it?” Tito Thunder said while looking at the door. Pumasok naman ang kasambahay namin na may dalang envelope.
Jahann looked at it. Hinawakan nito ang kamay ko.
“May nagpadala po, Sir,” inabot nito ang envelope kay Daddy. Napalingon naman sila Tito rito.
“DNA test result?” Tito Hunter asked him. Tumango naman si Daddy.
Kinuha iyon ni Mommy at mabilis na binuksan sa kabila ng patuloy na pag-iyak. Kinuha nito ang papel na naroon at binasa iyon.
“Ai…”
She looked at us after reading it.
Mabilis ang tibok ng puso ko at paraang bumibigat ang paghinga ko sa bawat sandali na hindi namin nalalaman ano ang laman nito.
Kinuha ni Tito Hunter ang papel at tinignan iyon.
“Positive,” ani Tita Zyline kaya naman napatingin kami sa kanya.
“What?” lumingon sa akin si Jahann bago lumapit at kinuha ang papel mula kay Tito Hunter at tinignan ito. Umiling ito.
“No…” tumingin ito sa akin. Nakita ko ang pamumula ng mga mata nito. “No… hindi. Hindi tayo magkapatid. Hindi tayo dapat magkapatid,” ani Jahann sa akin. Lumapit naman ako sa kanya at hindi ko napigilan na humagulgol.
Jahann’s crying while looking at me.
“That can’t be…”
Tahimik ang lahat dahil sa nalaman namin mula na rin sa DNA test.
We know the truth now…
Magkapatid talaga kami…
Kaya hindi talaga kami pwede…
Kahit naman ako ay sobrang nasasaktan ngayon na malaman na talagang hindi kami pwedeng dalawa ni Jahann. Kahit na ano pa ang gawin naming dalawa.
Kumuyom ang kamay ni Jahann. “It can’t be…” umiling itong muli bago lumingon kay Daddy.
Masakit na malaman na ngayon matatapos ang lahat sa amin ni Jahann dahil na rin sa kadahilanan na magkapatid talaga kaming dalawa. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero para na rin akong naestatwa habang nakatingin kay Jahann.
I sniffed and looked at him. I tried to smile but I ended up sobbing again.
I really love him…
“What is it this time?” Tito Hunter walked towards the door. Napaiwas na lang ako ng tingin kay Jahann dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya ngayon.
His eyes speak of pain and frustration.
“What are you doing here?” tanong ni Tito Hunter sa kung sinuman ang kausap nito. Lumapit naman na rin si Tito Thunder doon.
“I don’t think this is the right time, Hugh,” sabi nito sa lalaki na sinabihan na umuwi na.
“I know I came unannounced, but I have to talk to Kerko and Mika,” narinig naming sabi nito. Naglakad ako papalayo kay Jahann at naupo.
“Hindi pwede bukas yan?” tanong ni Tito Hunter. Napamura na lang ito bago pinapasok ang lalaki kasama si Airi na namumugto rin ang mga mata.
“What are you doing here, Alcantara?” Dad asked Airi’s dad. Nag-iwas ako ng tingin nang sulyapan ako nito.
Hindi ko rin malaman kung bakit sabay-sabay naming hinarap ang lahat na yata ng problema namin ngayon.
“I’m sorry, this may cause confusion to you… and to Mika…” simula ng daddy ni Airi.
“What is it?” Tito Thunder asked him.
Muli akong sinulyapan ng daddy ni Airi. “We need to talk about Cherinna.”
Kumunot ang noo ko at napatingin dito. Ako? Tungkol sa akin?
Tito Hunter’s jaw tightened. He looked at Tito Thunder.
“What is it, Alcantara?” Dad asked him again.
Maging si Jahann ay nakatingin sa lalaki.
“What do you need from Cherinna?” tanong ni Jahann dito. Tumayo ito para humarang sa akin. Ang ibang kasama naman namin ay hindi na rin nakapagsalita dahil sa nangyayari ngayong gabi.
Airi’s dad sighed before looking at me. “I believe Cherinna is my daughter.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Napatayo ako at tumingin sa kanya.
Anak niya ako? Paano?
“What…?” Mom asked him, confused. “What are you talking about, Hugh?” she looked at Daddy who’s looking at Airi’s dad. He tightened his jaw.
Umiling ito at tumingin kay Mommy. “This is really hard to understand right now and I hate saying this now, but I don’t think I should wait for tomorrow to tell this thing to you and your family…”
“Ano bang pinagsasabi mo?” tanong ni Tito Hunter na masama ang tingin sa lalaki.
He sighed before looking at me.
“Cherinna. She’s my daughter. Airi is your real daughter.”
“What?” Alyanna looked at me. “What was that?” she asked again.
“Cherinna is adopted, she’s my daughter,” Airi’s dad said.
Napalingon ako kay Jahann.
What’s happening…?
Ako ang ampon…?
Ako ang totoong hindi Anderson…
Ako pala talaga iyon…
I felt Jahann hold my hand. I looked at it and smiled a little.
I am adopted… ako pala talaga iyon.