The result will be out by Saturday.
May ilang araw pa kaya naman pilit kong inaalis na lang na muna sa isipan ko ang bagay na iyon. Pagbangon ko ay nag-ayos na ako para sa pagpasok ko. Tulog pa rin si Nikolai kaya naman naligo na muna ako.
Madalas naman na tuwing umaga ay kinukuha ni Ate Mildred si Nikolai para paarawan pa rin sa umaga.
Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako at kinuha ang bag ko. May exam ako ngayon at hindi pa ako nakapag-aral. Iniisip ko na magbabasa-basa na lang ako habang nasa biyahe at break time tutal naman ay sa hapon pa ang exam namin.
Bitbit ang bag at libro ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba.
Magmula nang malaman ng lahat ang tungkol sa amin ni Jahann, tila nawalan ng buhay ang bahay namin.
Hindi ko pa ulit nakikita si Mommy, si Alyanna naman ay hindi ako kinakausap hanggang ngayon. Sinusubukan ko magreach out sa kanya pero alam ko na masama pa rin naman ang loob niya sa akin kaya hindi ko siya masisisi.
Naabutan ko sa sala si Nikolai at si Ate Mildred.
I smiled when I saw him. Things are hard but I still have him. Si Nikolai naman din ang dahilan kung bakit hindi ako sumusuko at hindi ako pinanghihinaan ng loob. Hindi ako pwedeng sumuko para sa anak ko.
“Good morning…” bati ko sa bata na sinuklian ako ng matamis na ngiti. Nakakain na ito at kasalukuyang naglalaro. “Dahan-dahan ka sa paglalakad mo, ha?” sabi ko rito.
Nilingon ko naman si Ate Mildred na hawak si Nikolai. “Kumain na sila Mommy?” tanong ko sa kanya.
“Umalis po ang Mommy niyo. Hinatid ni Sir. Doon daw muna siya sa Lola niyo dahil walang kasama ngayon,” sagot nito sa akin. Napatango na lang ako ng marahan.
Lola is living with Tito Thunder and Tita Rain.
Maybe Mommy just wants some space away from us…
“Si Alyanna? Kumain na ba siya?” tanong kong muli bago tumayo at binitbit ang gamit ko na inilapag ko sa couch.
“Hindi pa po. Nasa kwarto pa niya siya, eh.”
“Padalahan na lang siya ng pagkain, ha?” ngumiti ako ng tipid dito bago nilingon si Nikolai. “Aalis na si Mommy. See you later, okay?” I smiled at him before kissing his head.
“Ikaw, hindi ka ba muna kakain?” pigil niya sa akin. Umiling naman ako. “Hindi na. Bibili na lang ako,” sagot ko bago naglakad papunta sa pinto.
“Hindi ka ba magpapahatid kay Jahann?” habol nitong tanong sa akin. Nilingon ko naman ito at saka nginitian. “Hindi na. Magtataxi na lang ako,” sabi ko sa kanya bago tuluyan ng lumabas ng bahay.
Hindi naman din naging matagal ang paghihintay ko sa taxi dahil nakasakay agad ako. Wala pa naman din masyadong traffic kaya nakarating ako agad sa school.
Habang naglalakad ay nagring ang phone ko kaya naman tumabi na muna ako para hindi makaharang sa iba bago sagutin ang tawag.
I saw Jahann’s name on the screen. Napangiti ako. Alam ko na manenermon ito.
“Hello…?” sagot ko sa tawag niya. Yakap ko ang libro ko habang nasa may gilid ako.
“Why didn’t you wait for me? Ako na sana nagdrive sa’yo diyan,” sagot nito sa akin. Kahit na hindi ko nakikita ay alam kong nakakunot ang noo ni Jahann ngayon.
“Nandito naman na ako and I’m safe and okay,” sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagdating ng sasakyan ni Kol kaya ngumiti ako at kumaway rito.
“Even so, baby,” Jahann scoffed. Hindi ko mapigilang matawa sa kanya. He’s really cute when acting up.
“Just pick me up later, then?” sabi ko sa kanya habang nakatingin sa sasakyan ni Kol. Naunang bumaba si Keij na lumapit sa akin.
“Yes, I will. Take care, okay?” paalala nya sa akin.
“I will. See you later, Jahann.”
Kumunot ang noo ni Keij, marahil ay nagtataka kung bakit hindi ko kasama si Jahann ngayon.
“I love you, Cherinna…” he said softly. I could feel the sincerity in his voice. He’s always like that when he’s saying he loves me.
“I love you, too…” sagot ko naman sa kanya bago nagpaalam at ibaba na ang tawag.
“Bakit wala si Jahann?” tanong sa akin ni Keij bago kinuha ang dala kong libro.
“Susunduin na lang niya ako mamaya,” sagot ko naman sa kanya. Si Theon daw ay kasama ni Lean kaya hindi nila kasama. Wala namang may alam sa kanila kung nasaan si Enzo.
“Alam na ba nila Tito Hunter ‘yung nangyari…?” tanong ko kay Keij habang naglalakad kami. Umiling naman ang lalaki.
“Wala namang nasasabi sila Mommy, eh. Baka hindi pa,” he shrugged.
“They’re still going to find out, though.”
Nilingon ko si Kol. “It’s not something you can keep, Cherinna. Just brace yourself, you’ll be fine…”
Ngumiti ako ng tipid sa kanya. May point naman ang sinabi ni Kol sa akin. He’s been there from the start. Hindi man niya sabihin sa akin ng diretso na malalaman at malalaman ng lahat ang totoo, lagi niya naman akong sinasabihan na lakasan ko ang loob ko. Iyon naman talaga ang kailangan kong gawin.
“Dito na ako, see you later,” sabi ko sa kanilang dalawa bago kinuha ang libro kay Keij. Nagmamadali na akong umakyat sa classroom namin at naupo. Nagsimula na rin akong magreview para sa exam namin.
Mabilis lang naman lumipas ang oras at natapos ang exam namin. Hindi na ako nakakain kanina ng almusal at tanghalian dahil mas pinili ko na lang na magreview kaya naman gutom na ako nang matapos ang exam namin.
“Cherinna, babalik na ba si Jahann dito sa school? Pwede mo ba kaming ipakilala sa kapatid mo?” tanong sa akin ng mga kaklase ko. Kumunot naman ang noo ko sa kanila. Gusto nila si Jahann?
Hindi naman bago ang bagay na iyon sa akin dahil kahit naman kina Kol ay gusto nilang makipagkilala…
“Uh…”
“Creep,” tawag ni Jahann sa akin mula sa labas ng classroom. Halata namang kinilig ang mga taong nandoon nang makita si Jahann sa labas.
“Uh, sige. Bye,” paalam ko bago kinuha ang gamit ko at lumabas na at nilapitan si Jahann. “Akala ko naman sa parking mo ako hihintayin,” sabi ko sa kanya nang makalapit ako.
Ngumiti naman siya sa akin. Kinuha niya ang libro at bag ko mula sa akin.
“Ako na sa bag ko…” awat ko sa kanya. Hinayaan niya naman ako at sabay kaming naglakad pababa. May mga nakakasalubong kaming tumitingin kay Jahann. Sinundan ko naman ng tingin ang mga babaeng iyon.
“Creep, kung saan-saan ka tumitingin,” sabi niya sa akin bago hinawakan ang braso ko at hinapit ako papalapit sa kanya.
“Jahann…”
“Just look at me, okay? Don’t look at other people,” he smirked. Napailing na lang ako habang natatawa. Sabay na kaming dalawa na nakarating sa parking lot. Mas mauuna na matatapos ang klase ko kaysa sa iba kaya naman kung tutuusin ay pwede na akong umuwi na.
“Kumain ka ba?” tanong ni Jahann sa akin bago ilagay ang gamit ko sa sasakyan.
Umiling ako sa kanya. “May exam kasi kami kanina, nagbasa na lang ako kaysa kumain…” sagot ko bago pumasok sa sasakyan niya. Nakita ko ang pagsimangot sa mukha ni Jahann nang sumakay na rin ito.
“Kumain na muna tayo,” sabi ni Jahann sa akin bago nagsimulang magmaneho. Nilingon ko siya habang lulan kami ng sasakyan niya. “Nakausap mo na ba si Alyanna?” tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung siya rin ba ay hindi kinakausap ng babae ngayon.
“Kanina,” he shrugged while driving. Nasa daan ang tingin niya habang nakikipag-usap sa akin.
Napatango na lang ako sa kanya.
“Baby, she loves you. She feels bad, but I don’t think she can be mad at you for a long time.” Hinawakan ni Jahann ang kamay ko at pinisil iyon.
Huminga na lang ako ng malalim at tumango. Hindi ko naman pwedeng iexpect na magiging maayos agad ang lahat ng ganoon lamang. Kailangan naming maayos muna ang mga bagay-bagay.
Jahann parked his car outside a restaurant. Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinawakan ang kamay para makalabas.
Sabay na kaming pumasok sa loob ni Jahann.
Siya na rin ang pinaorder ko ng pagkain habang nagmamasid ako sa paligid. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang Daddy ni Airi na naroon.
“That’s Airi’s dad, right?” tanong ko kay Jahann sabay turo sa lalaki na may kausap.
Nilingon naman ito ni Jahann. “Yeah, that’s Tito Hugh,” sabi naman ni Jahann bago tuming sa akin. “He owned this restaurant,” dagdag niya.
“Talaga…?” napangiti ako ng tipid. Maybe he’s this close to them already. Ngumiti si Jahann sa akin at hinawakan ang kamay ko matapos mabigay ang order namin.
“You’re close to Airi’s family, no?” tanong ko sa kanya habang nakatingin. Simula nang makilala ni Jahann ang babae, parang naging parte na talaga ito ng buhay ng lalaki. Ganoon naman din si Airi.
He chuckled and reached for my cheek and gently caressed it. “I really love it when you’re jealous, Creep.”
I rolled my eyes. “Hindi kaya ako nagseselos,” sabi ko naman sa kanya.
With Iris before, he easily shrugged her off. With Airi now, it’s like he became a part of our group. Hindi ko naman pinagdadamot ang group namin sa iba… it’s just…
“Ah, hindi ba? So, okay lang magdinner ako sa kanila mamaya?” tanong ni Jahann sa akin. Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya.
“Anong sabi mo?” tanong ko habang nananatiling nakakunot ang noo. Magdidinner siya sa kasama sina Airi at pamilya nito?
Jahann laughed while looking at me. “You’re not jealous, right? So, it’s okay, baby.”
I looked at him and frowned. “Magpakabusog ka,” sagot ko bago sumandal at tumingin sa labas ng restaurant.
Jahann reached for my hand and gave it a soft squeeze. “I love you,” he softly said. “That was just a joke, I was just teasing you. I’ll stay in your room later.”
Mabilis akong napalingon kay Jahann.
“Ano? Sa kwarto ko?” takang tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin. “Babantayan ko kayong dalawa ni Nikolai,” dagdag niya bago hinalikan ang kamay ko. “Masama ba ‘yon?” tanong niya sa akin.
Hindi naman kung tutuusin… pero sa nangyayari ngayon, kung makikita siya ni Alyanna sa loob ng kwarto ko, mas hindi na naman ito magiging okay…
Umiling ako sa kanya.
Ngumiti naman si Jahann sa akin. Dumating na ang order namin kaya sabay na kaming kumain na dalawa.
“Jahann?” napalingon ako nang may tumawag sa kasama ko. Lumapit ang Daddy ni Airi sa aming dalawa. He smiled at Jahann.
“Good afternoon, Tito Hugh. This is Cherinna,” pakilala niya sa akin. Ngayon ko pa lang siya nakaharap ng personal dahil laging nasa loob lang ako ng sasakyan.
“Hello po, good afternoon,” bati ko naman sa lalaki.
He smiled at us. “Nakaorder na ba kayo? Do you want anything else? Sagot ko na ‘yung inorder niyo ngayon,” sabi nito bago tinapik ang balikat ni Jahann. “You’re taking care of Airi and that means a lot to me,” dagdag nito.
Tinignan ko naman si Jahann. Ngumiti lang ito ng tipid bago ako nilingon.
Matapos makipag-usap ito sa amin ay bumalik na ito sa ginagawa nito. Naupo na akong muli at tumingin kay Jahann.
“He likes you…” wala sa loob na sabi ko.
Natawa naman si Jahann habang nakatingin sa akin. “He does.”
Sinimangutan ko naman siya.
“Kahit gusto ka niya para kay Airi, sorry sila. Sa akin ka na, no.”
Nagpatuloy na ako sa pagkain. Hinawakan ni Jahann ang kamay ko tsaka ngumiti. “I am yours, baby. I assure you that…”
I am yours, too…
We talked while we’re eating. Pinag-uusapan namin ay tungkol kay Nikolai kung ano ba ang magiging plano namin sa kanya, kung sakali ay ano ang course na bagay rito…
Alam ko na matagal pa iyon at marami pa kaming pagdadaanan pero masaya lang ding isipin para may panghawakan ako at patuloy na lumaban.
Gaya ng sinabi ng Daddy ni Airi, hindi na kami pinagbayad nito kaya naman nagpasalamat na lang din kaming dalawa ni Jahann.
Hawak ko ang tiyan ko habang naglalakad. “I’m so full…” natatawang sabi ko kay Jahann. He chuckled and kissed my head. “Hindi ka nagpapagutom dapat kasi,” sabi niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya.
Pinauna ko na siyang pumunta sa sasakyan niya nang magring ang phone ko. It was Kol who’s calling me.
“Hello, Kol?” sagot ko sa tawag niya. Nilingon naman ako ni Jahann at kumunot ang noo. Marahil ay nagtataka kung bakit ako tinawagan ni Kol.
“They know…”
Nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi ni Kol. Napatingin ako kay Jahann na agad namang lumapit sa akin.
“What’s wrong?” tanong niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita kaya naman kinuha nito ang phone ko at ito na ang nakipag-usap kay Kol.
“It’s me. What happened?” he asked him while looking at me. Hindi ito nagsalitang muli, nakatingin lang sa akin.
Sabi ni Kol ay alam na nila… alam na ng mga magulang niya rin ang nangyayari.
Hindi ko alam kung bakit ba tila ako kinakabahan sa nangyayari ngayon. parang may tumatambol sa dibdib ko…
Nilingon ko si Jahann. I saw him heave a sigh. “Okay. Yeah, I understand. Thanks,” iyon lang at ibinaba na nito ang tawag.
“What… What did he say…?” I asked him.
Jahann looked at me and smiled a little, he reached for my hand and squeezed it gently.
“Jahann…”
“Tito Hunter and Tito Thunder are coming to our house tonight. They will talk to us.”
Para akong pinanlamigan dahil sa sinabi nito. Napatingin lang ako sa mukha niya.
“Don’t be scared. I won’t let you go. I will fight for us…”
He pulled me in a hug and kissed my head.
Pero… hindi ko alam kung bakit pero natatakot ako.
It feels like… something will happen tonight…
I closed my eyes and prayed for more strength.