Played By Fate (Book 1) Chapter 15

TANGHALI na ako nagising kinabukasan dahil kahit anong posisyon ang gawin ko sa kama ay hindi ako dinadalaw ng antok. Halos alas-kwatro na yata nang tuluyan akong magapi ng antok at naka-ilang baso na din ako ng gatas. Pakiramdam ko tuloy ay gatas na ang tumatakbo sa katawan ko at hindi na dugo. Wala kaming pasok ngayon kaya naman wala namang kaso na tanghali magising. Hindi din magagalit si Daddy dahil alam naman niya na galing kami sa party kagabi.

Matapos akong maghilamos at magsuklay ay bumaba na ako para kumain. Naabutan ko si Aly na nasa may dining room. Hindi ko na ineexpect na kasalo ko pa sa pag-aalmusal sila Mommy at Daddy dahil malamang ay maaga namang nagising ang dalawang iyon. May box ng cereal doon at gatas sa ibabaw ng lamesa. Halatang may hang-over pa si Aly. Duda nga ako kung alam niya na magkakasama kaming umuwi kagabi at pinahirapan niya kaming dalawa ni Jahann.

“Are you okay?” tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin na tila wala pa rin sa sarili. Natawa naman ako bago nagsalin din ng cereal sa bowl na naroon at nilagyan iyon ng gatas at tumabi sa kanya. Hindi ko mapigilan maghikab.

Sumandal ako at saka hinalo-halo lang ang laman ng bowl na nasa harap ko.

“Nakailang shot ba ako kagabi?” tanong sa akin ni Aly. Namumungay ang mga mata nito at bakas na kulang na kulang pa sa tulog.

“I don’t know,” kibit-balikat na sagot ko sa kanya. “Swerte mo, hindi ka nakita nila Daddy,” sinundan koi yon ng mahinang pagtawa.

“Ugh!” she grunted. “If they saw me, malamang grounded ako for like…” she paused for a while. “2 months?” ipinilig niya ang ulo at tumingin sa akin.

Napangiti na lang ako. Kung may iniiwasan man kami, iyon ang ma-grounded.

“And I won’t help you if that happens.”

Natigilan naman ako nang biglang magsalita si Jahann. Umayos ako ng upo at nakita ko siyang naupo sa may harap ko. “You’re wasted, Alyanna. That would be the last time I will let you drink…” seryosong sabi nito sa kakambal ko.

Sunod-sunod naman ang ginawa kong pagsubo sa pagkain sa harap ko para lang ma-divert ang isip ko.

I don’t even know why do I have to divert my mind!

“Matitiis mo ba ako, Jahann?” ani Aly dito na naglalambing.

He smirked at her. “Watch me.”

Napasimangot naman si Aly na nagsimula na din kumain.

“Creep…”

“Ha?” bigla akong napaangat ng tingin sa kanya at ‘di ko napigilam masamid sa gulat.

“Uso magdahan-dahan…” sabi nito bago ngumiti sa akin.

“Gutom ako, eh…” sagot ko na lamang sa kanya bago ako nagyuko.

“Hinatid ka ba ni Ian kagabi?” tanong ni Aly sa akin. Nilingon ko naman siya at saka ako umiling.

“Magkakasama tayo kagabi na umuwi, Aly,” si Jahann ang sumagot dito.

“I saw the two of you dancing last night. Bagay talaga kayo ni Ian, Twin,” ani Aly na nakangisi na sa akin.

“Stop it, Aly. Ang aga mo na namang nababaliw…” sabi ko dito bago itinuon na ang atensyon sa pagkain.

“We’ll go to Tito Thunder’s house later.”

Sabay naman kaming nag-angat ng tingin ni Aly kay Jahann. Nakasandal ito at naka-krus ang mga braso sa may dibdib.

“Utos ni Dad, okay?” he rolled his eyes.

Damn, Cherinna.

Kailan pa naging sexy sa paningin mo ang pag-ganon ni Jahann?!

“Ugh!” hindi ko mapigilang mapaungol ng mahina.

“Okay ka lang, Creep?” tanong ni Jahann sa akin. Tinitigan ko naman siya.

“Why?” muling tanong niya sa akin nang hindi ako magsalita.

Nag-iwas ako ng tingin. “Wala. Maliligo na ako,” paalam ko sa kanya bago tumayo. Malalim ang bawat paghinga ko habang naglalakad papunta sa kwarto ko.

Pabagsak akong humiga sa kama ko at tinitigan ang kisame na napapalibutan din ng glow in the dark stars. Sabi ni Mommy sa akin, pareho kami noon. Hirap ding makakita sa dilim kaya naman pinalagyan niya ng glow in the dark stars ang kwarto ko.

Muli, huminga ako ng malalim.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Aly. Dumiretso ito sa akin at dinaganan pa ako.

“What?” tanong ko sa kanya. Umiling naman siya sa akin. “Iniwanan ko na si Jahann ‘dun. Kausap niya kasi si Iris…” sagot naman nito sa akin.

Natigilan ako.

“Tinawagan niya si Iris?” tanong ko bago umalis sa pagkakadagan ni Aly at umupo ng maayos.

Umiling ito. “Asa pa tayong tatawagan ni Jahann ‘yun?” sinundan niya ito ng pagtawa. “She called him,” kibit-balikat na sabi ni Aly. “He’s entertaining her. That means he likes her, right? And bagay naman silang dalawa, eh… dagdag pa ni Aly bago kinuha ang unan ko at niyakap iyon.

Hindi naman ako nagsalita.

Kung gusto niya si Iris, ano naman ‘yung post niya? Halata naman ng lahat na gusto ni Iris si Jahann.

Umiling-iling ako bago tumayo na. “Maliligo na ako. Bumalik ka na sa kwarto mo at mag-asikaso. Mamaya magsusungit na naman ‘yong si Jahann,” sabi ko kay Aly habang naghahanap ng maisusuot. Kung sa bahay nila Tito Thunder kami magpupunta, malamang ay nandoon si Lola.

“Eh, di sasabihin ko ikaw ‘yung matagal mag-asikaso para hindi siya magsusungit,” ngumisi si Aly sa akin. Tinitigan ko siya ng masama. “Oo na,” pinaikot nito ang mga mata bago tumayo. “Sama ka ng sama kay Jahann, ang sungit mo na din tuloy,” sabi nito bago naglakad papunta sa pinto.

“Baliw,” sagot ko naman sa kanya.

“But seriously…”

Nilingon ko si Aly na may sasabihin pa yata.

“I think Jahann likes someone…” sabi nito bago ngumiti. “Okay lang naman, diba? Masasanay din tayo na hindi na laging available si Jahann…” nagtuloy na si Aly sa paglabas ng kwarto ko at naiwan akong nakatayo sa loob ng kwarto ko.

Masanay na may kahati kay Jahann?

Hindi naman madali iyon lalo pa’t nasanay kami na hindi kailanman nagkaroon ng kahati sa atensyon ni Jahann.

Naligo na lang ako at nag-ayos bago bumaba. Nasa may living room si Jahann at may ginagawa sa laptop nito kaya naupo na lang ako sa may sofa na naroon at sumandal.

Malapit na ang birthday namin ni Aly pero wala pa akong maisip na iregalo dito. Hindi mahirap bilhan si Aly ng regalo. Mahirap dahil halos lahat naman ay mayroon na ito. Tinignan ko si Jahann na seryosong nakatingin sa laptop nito.

“Jahann…” untag ko dito. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin.

“Hmm?” sagot niya bago muling ibinalik ang tingin sa screen ng laptop nito.

“May regalo ka na kay Aly?” tanong ko dito. Muli, nag-angat siya ng tingin sa akin na tila tinatanong kung bakit ako nagtatanong ng ganoon sa kanya.

Huminga ako ng malalim bago tumayo at umupo sa tabi niya. Agad namang isinara ni Jahann ang laptop nito.

“Jahann…” hinawakan ko ang braso nito at hinila-hila.

“What’s your problem, Creep?” tanong niya bago pinitik ang noo ko.

“Aray, ah!” pinanlakihan ko siya ng mata. Hinawakan ko ang noo ko bago muling tumingin sa kanya at ngumiti. “Wala ka pang gift for her, right?” sabi ko dito. “Samahan mo ako. Bibili din ako, eh…” sabi ko sa kanya bago muling hinawakan ang braso niya. “Pwede ka naman magpaalam kay Lola mamaya na aalis tayo tapos—“

“Hindi mo ba ako tatanungin kung may regalo na ako para sa’yo?” putol niya sa sinasabi ko.

Ngumiti lang ako at umiling. “Kahit ano naman ay okay sa akin, eh…” sagot ko sa kanya. I’m not expecting anything, actually. Mas iniisip ko pa kung anong ireregalo ko kay Aly kaysa sa matatanggap ko.

Hindi naman kumibo si Jahann pero tumango siya sa akin. “Sasamahan mo na ako mamaya?” tanong ko ulit sa kanya.

“Oo na…” sagot nito na tila napipilitan lang.

Pwede namang kay Ian ako magpasama pero mas mabuti na ring si Jahann ang kasama ko. Isa pa, alam kong hindi din papayag si Jahann kung sakali.

Ilang minuto pa kaming naghintay ni Jahann bago bumaba si Aly na nakaayos na rin.

“Nasaan ba sila Dad?” tanong ko nang makasakay na kami sa sasakyan ni Jahann. “Lumabas sila ni Mom kanina. Didiretso na ‘yun kila Tito mamaya,” sagot ni Jahann bago binuhay ang sasakyan. Tumango na lang ako sa kanya.

Wala kaming kibuang tatlo sa sasakyan habang nasa biyahe kami. Si Aly ay naka-suot ng malaking sunglasses at sigurado akong tulog ito.

Si Jahann naman ay seryoso lang din sa pagmamaneho.

Kung tama ang iniisip ni Aly na may nagugustuhan si Jahann, malamang ay si Iris nga iyon. Ipinilig ko ang ulo habang nakatingin pa rin kay Jahann.

“Tao ako, Creep. Di ako alien,” ani Jahann na hindi ako nililingon. Napasimangot naman ako bago umayos ng upo at sumandal.

“What’s on your mind?” tanong nito habang nasa daan pa rin ang tingin.

“You…” sagot ko.

Nilingon niya naman ako.

“And Iris…” dagdag ko.

Ibinalik niya ang tingin sa daan.

“You’re going to court her na?” tanong ko kay Jahann. Iniwas ko na din ang tingin sa kanya at tumingin sa labas.

“I’m too busy to court her,” sagot nito. “Sa inyo pa lang ni Aly, kulang na kulang na oras ko, makakapag-girlfriend pa ba ako?” tanong niya sa akin.

Hindi naman na ako nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa bahay ni Tito Thunder. Kung tutuusin ay may punto si Jahann. Kapag may problema kami ni Aly o may kailangan kami, laging si Jahann ang tatawagan namin o kaya ay itetext, at never pa kaming pinabayaan ni Jahann.

Naabutan naming nandoon na si Keij at Kol sa bahay ni Tito Thunder. Hindi naman na nakakapagtaka iyon dahil sa iisang subdivision lang nakatira ang mga ito.

“Tagal niyo naman,” ani Keij na nakaupo sa may sofa na naroon at nakataas pa ang mga paa.

“Bahay mo, Keij?” tanong ni Aly na naupo sa tabi nito.

“Hey, guys. Do you want anything? Juice, water…” alok ni Theon sa amin.

Tawa naman ng tawa si Keij, “Bait mo, ah?” puna nito kay Theon.

“Tangina mo,” Theon mouthed. Natawa na lang din kami.

Magkatabi kami ni Jahann habang nasa tabi ni Keij si Kol at si Aly.

“Mabuti naman at kumpleto kayo…”

Napatingin ako sa nagsalita. Agad kaming tumayo ni Aly at lumapit kay Lola.

“Lola!” niyakap ito ni Aly. “Malapit na birthday namin!” nakangising sabi nito. Natawa na lang ako. Again, ang obvious ni Aly.

“I know. And I’m actually going to ask you kung ano ang gusto niyo ni Cherinna…” sabi naman niya sa amin. Inaya siya ni Aly na maupo kaya naman tumayo na rin si Jahann at nagmano kay Lola. Ganoon din si Keij at Kol. Si Theon ay tahimik lang na nakaupo. Inaasar-asar naman ito ni Keij. Well, lahat naman kami ay takot kay Lola. Not that she’s strict or what pero kapag si Lola kasi ang nagsabi sa mga parents namin na i-grounded kami o di kaya’y i-cut ang allowance namin dahil ang pasaway namin, wala kaming magagawa. At si Theon ang suki sa ganoon ni Lola. Unang apo daw kasi.

“Lola. May pupuntahan kami ni Cherinna ngayon,” paalam ni Jahann bago pa man ako nakaupo. Nilingon ko naman siya agad. Pinanlakihan ko ng mata. Pwede namang maya-maya, bakit ba nagmamadali ‘to?

“Saan kayo pupunta?” kunot-noong tanong ni Aly kay Jahann.

“Gusto daw ni Cherinna ng milk tea, eh…” sabi naman ni Jahann na hinila na ang braso ko. “Babalik din kami mamaya,” dagdag pa nito bago ngumiti kay Lola.

Kailan ko naman sinabi na gusto ko ng milk tea?

Nilingon ko naman agad si Lola at nakita kong ngumiti ito kay Jahann. “Okay, sige. Mag-iingat kayong dalawa. And be sure to be back later. Pupunta din dito ang parents niyo,” paalala nito sa amin. Tumango naman si Jahann dito bago hinila ako ulit.

Si Jahann talaga pinaka- favourite ni Lola sa aming lahat. Kahit si Aly ang pinaka-nakakausap niya dahil napakadaldal ni Aly, at si Theon ang lagi niyang kasama, si Jahann pa rin ‘yung favourite nito.

“Sana sinabi mo na lang nagugutom ka kesa ako pa ‘yung idinahilan mo…” ismid ko kay Jahann nang makapasok ako sa sasakyan niya. Sinuot ko na lang din ang seatbelt ko.

“Para namang maniniwala sila? Mas kapani-paniwala kaya kapag ikaw ang gutom,” sagot naman nito bago binuhay ang makina ng sasakyan nito. Tinitigan ko naman siya ng masama. Nakita ko ang bahagyang pangngiti niya.

“Baliw…” sumandal na lang ako at tumingin sa labas habang papunta kaming dalawa sa mall. Hanggang ngayon naman ay hindi ko pa din alam kung ano ba ang bibilhin kong regalo para kay Aly.

“Don’t think too much. Madali lang naman isipan si Aly ng regalo. Mas mahirap ka pa ngang bilhan…” natatawang sabi ni Jahann sa akin. Nilingon ko siyang muli. Sinulyapan niya naman ako at saka ngumiti. Ibinalik niya ang tingin sa daan habang nananatili akong nakatingin sa kanya.

“Nahihirapan ka?” tanong ko sa kanya.

Sumeryoso ang mukha ni Jahann.

“Sobra.”

Ako naman ang natawa sa kanya. “Hindi naman halata, Jahann…” sabi ko na lamang bago tumingin sa labas. Hindi na ako kumibo hanggang sa makarating kami sa may mall at maipark ni Jahann ang sasakyan niya. Magkasabay kaming naglalakad habang tumitingin-tingin sa stores na naroon.

“Just buy her a make-up set,” ani Jahann na nakahawak sa may siko ko.

“Paano kung ‘yun din ibibigay sa kanya ng iba?” tanong ko naman dito.

“I already talked to them. Ikaw na sa make-up set para kay Aly,” sagot naman nito.

“You’re really making my life a lot easier!” ngumiti ako sa kanya bago ako na ang humila para maghanap ng make-up set para kay Aly. Pinipilit pa ni Jahann na siya na lang ang magbabayad pero hindi na ako pumayag. Kung siya pa ang magbabayad ng mga iyon, parang wala din akong regalo kay Aly.

“Tara na?” aya ko sa kanya nang mailagay na naming sa sasakyan niya ‘yung binili ko. Tumango lang siya bago sumakay sa sasakyan nito.

Nilingon ko si Jahann habang nagmamaneho ito.

“Nagugutom ka?” tanong ko sa kanya. Nilingon niya lang ako at di nagsalita.

I rolled my eyes. “Kain muna tayo. My treat since sinamahan mo ako para na din makabawi ako at—“

“Kailan ba kita pinagbayad?” putol niya sa sinasabi ko. Nakakunot na naman ang noo niya. Kanina pa siya ganyan, di ko naman alam kung bakit. Bigla na lang nawala sa mood si Jahann.

“Never pa naman, pero pa-thank you ko nga kasi dahil sinamahan mo ako at pinagdrive mo pa ako at—“

“Say thank you, then,” putol niya na naman sa sinasabi ko. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa daan.

Ugh. Bakit ba kay Dad ka nagmana, Jahann?

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Thank you,” sabi ko sa kanya.

Hindi naman nagsalita si Jahann. Umayos na lang ako ng upo at tumingin sa labas. Napakunot ang noo ko nang mapansin na hindi pamilyar sa akin ang daan.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.

“Kakain…” tipid na sagot naman ni Jahann sa akin. Tumango-tango ako. “Libre mo?” tanong ko sa kanya ng pabiro dahil nakakunot nga ang noo niya.

“Hindi. Libre nung lalaking bumangga sa’yo kanina na hinawakan ka pa sa bewang…” sagot ni Jahann.

Napakunot na din ang noo ko.

“What are you talking about?” tanong ko sa kanya. Naalala ko ‘yung sinasabi niya. Iyon ‘yung may naghahanap din ng make-up kit na lalaki para sa girlfriend niya at nabangga ako kaya nahawakan ako sa bewang para di ako matumba.

“Wala,” sagot nito bago lumingon sa akin. “Where do you want to eat?” tanong niya.

“Fast food na lang. Tapos sa drive thru para mabilis tayo makabalik…” sagot ko sa kanya.

“Nagmamadali ka?” tanong na naman niya sa akin.

Umiling ako. “Hindi naman,” tugon ko naman. Iniisip ko lang kasi na baka hanapin kami nila Lola. Isa pa, sabi nito ay pupunta sila Mommy at Daddy doon. Baka mapagalitan kaming dalawa ni Jahann.

Matapos bumili ng pagkain ni Jahann, akala ko ay sa may sasakyan na kami kakain pero nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa park. Hapon pa lang naman at buti na lang din ay hindi mainit ang panahon.

“Bored na bored ka ba?” tanong ko sa kanya nang maupo kami. Medyo malayo pa ang nilakad namin mula sa pinagpark-an ni Jahann ng sasakyan nito. Open-space ang park kaya naman maaliwalas doon kahit na makulimlim nan g bahagya at tila uulan mamaya.

“Bakit?” tanong niya sa akin matapos niyang lagyan ng straw ‘yung inumin ko.

“Naisipan mong isama ako dito,” ngumiti ako. “Matagal na ding hindi tayo nakakapagbonding…” sabi ko sa kanya.

“Busy ka kay Ian mo, diba?” sagot niya sa akin.

“Busy ka kay Iris mo, diba?” balik na sabi ko sa kanya.

“Tss…”

Ibinigay na lang niya ang pagkain sa akin at hindi na nagsalita pa.

“Can I ask you something?” tanong ko sa kanya. Nag-angat naman ng tingin si Jahann sa akin tumango. “What is it?” seryosong tanong naman niya habang nakatingin sa akin.

“Nakakaselos naman talaga, diba?” napayuko ako. Ni hindi ko malaman kung paano ko ba sasabihin ang tanong ko. Hindi ko alam kung paano ko tamang bubuuin ang mga salita.

“Nakakaselos ang alin?” tanong ni Jahann,

Hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya. Kinagat ko ang labi ko bago huminga ng malalim.

“Nakakaselos ‘yung parang biglang may dumating na ibang tao sa buhay ng taong laging mong kasama tapos parang mas mahalaga na ‘yung taong ‘yon kaysa sa’yo…”

Damn, Cherinna.

Ano bang nangyayari sa’yo?

“May ibang babae ba si Ian?” tanong ni Jahann. Agad naman akong nag-angat ng tingin at umiling. “No, wala. Uhm… that was just a random question.” Ngumiti ako ng pilit. “Hayaan mo na lang. Masyado ata akong na-engrossed sa binabasa ko kaya kung ano-ano ang naiisip ko…” sinundan ko iyon ng mahinang pagtawa bago nagyuko ulit at kumain.

Hindi ko na rin naman narinig na nagkomento pa si Jahann.

Matapos naming kumain ay hindi pa kami kaagad umalis. Nakaupo lang kami doon.

“Creep…” tawag sa akin ni Jahann kaya nilingon ko naman siya pero tumama ang hintuturo niya sa ilong ko.

“Trip mo na naman ako,” sabi ko sa kanya. “Uwi na kaya tayo? Baka hinahanap na tayo nila Lola…” sabi ko sa kanya. Hindi ko pa rin naman gustong bumalik. Pero iniisip ko kasi na baka hinahanap na nila kaming dalawa ni Jahann. Almost 5 pm na din naman kaya malamang ay naroon na sila Mommy at Daddy. Iniwan din kasi namin ni Jahann ang phone namin sa may sasakyan niya,

“Alright…” tumayo na ito at inalalayan akong makatayo. Nagsisimula na ring umambon kaya nagsimula na kaming maglakad pero hindi pa kami hustong nakakalayo ay lumakas na ito.

Damang-dama ko ang malalaking patak ng ulan.

Hinihila naman ako ni Jahann kaya hindi ko na naiwasang matawa. Nilingon nya ako.

Basang-basa na kami pareho.

“Kanina pa kasi kita inaaya, eh…” sabi ko sa kanya habang tawa ng tawa.

“Stop laughing. Tara na. Magkasakit ka pa niyan, eh…” hinawakan niya ako ulit pero di ako naglakad.

“Come on. Let’s enjoy the rain since we’re already wet,” sabi ko sa kanya.

“Creep…”

Ngumiti ako sa kanya. Mas lumalakas pa ang ulan kaya kailangan kong kumurap-kurap at hawiin ang tubig na nasa mukha ko.

Tila may sasabihin si Jahann pero hinawakan na lang niya ang kamay ko at hinila ako. “Tsaka mo na ienjoy ang ulan kapag hindi ka binabagyo…” malakas na sabi nito, Hanggang makarating kami sa may sasakyan niya ay umuulan pa rin.

“Mababasa ‘yung loob,” sabi ko sa kanya ng pilit niya akong pinapapasok doon.

“I don’t give a fuck. Now, go inside, Cherinna. Nanginginig ka na sa lamig.”

Binuksan nito ang pinto at pinapasok na ako. Umikot naman siya at sumakay na din. “Enjoy the rain, huh?” sarkastikong sabi niya matapos akong bumahing.

“It’s your fault. Sabi ko umuwi na tayo kanina pa, eh…” natatawang sabi ko bago biglang bumahing na naman.

“Sa bahay pa ba tayo nila Tito didiretso o sa bahay na natin?” tanong ko sa kanya nang hindi niya pa binubuhay ang makina.

Nilingon ako ni Jahann. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya.

“Remember what you asked me earlier?” tanong niya sa akin.

Hindi naman ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay ang sasabihin pa niya.

“Yes, Creep. Nakakaselos…”

Hindi naman ako nakapagsalita agad.

He just smiled a little. “Umuwi na tayo. Tatawagan ko na lang si Dad…”

May kinuha siya sa likod at inabot sa akin na paper bag.

“Change your clothes. I’ll close my eyes…”

Tumalikod naman siya sa akin kaya hinampas ko sa kanya ‘yung paper bag. Nilingon niya naman ako. Kinuha ko rin sa likod ‘yung binili kong damit para sa kanya kanina at inabot sa kanya iyon.

“You should change, too…” sabi ko bago nagpunta sa likod ng sasakyan niya.

I saw him smiled at me.

“Nakakaselos pa rin,” mahinang sabi ni Jahann pero malinaw na narinig ko.

Nakakaselos nga.

Nakakaselos na.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.