Played By Fate (Book 1) Chapter 14

NAGSISIMULA ng mag-ingay ang mga taong nasa loob ng bar. Nasa may gilid lang ako at katabi ko na si Ian na nakaupo lang din at pinagmamasdan ang mga tao sa loob ng bar. Halos mapuno ang Blue’s Haven dahil na rin sa mga bisita ni Kevyn. Ano pa nga ba ang ieexpect ko sa birthday ng isang sikat na actor?

May mga nakita akong artista na naroon at nakiki-celebrate sa birthday ni Kevyn. May mga models din na nakikita ko sa billboards kapag nadadaan kami sa Edsa at ang iba ay pamilyar sa akin dahil nakikita ko sila sa Ai’s. Ang ilan sa mga naroon ay pamilyar naman sa akin dahil nakikita ko na sila kapag birthday ni Daddy at Mommy.

Napabuntong-hininga na lang ako ulit bago uminom sa juice na nasa lamesa. Kahit pa gustuhin kong umakyat na lang muna sa itaas at hindi makihalubilo sa kanila, maya’t maya naman akong hinahanap ni Aly kaya hindi din ako makaalis. Hindi masyadong lumalayo sila Theon at Keij sa amin dahil na rin kailangan daw nila kaming bantayan. Si Enzo naman ay nakabantay kay Lean, si Kol ay nakamasid lang din sa amin. Napapaisip tuloy ako kung nag-eenjoy ba ang mga ito sa party na iyon.

“You’re bored?” tanong ni Ian sa akin. Nilingon ko siya. “Ano ‘yun?” tanong ko dito. Halos sabay ito at si Iris na dumating. Nauna lang daw si Ian sabi ni Aly kanina. At mula din ng nauna akong bumaba ay hindi ko na nakita kung nasaan si Jahann. Sa palagay ko naman ay nandito pa rin siya… kasama si Iris. Baka si Iris ang binabantayan nito.

Eh, di okay.

Hindi ko maiwasang mapasimangot.

“What’s bothering you, Sunshine?” tanong niya sa akin. Inilagay niya sa may bandang likuran ng upuan ang kamay niya kaya naman nagmukhang nakaakbay siya sa akin. Umiling naman ako kaagad bago ininom ang juice na hawak ko. Mas mabuti pang huwag na lang pag-usapan kung ano man ang tumatakbo sa isip ko.

“Cherinna…”

“I’m fine, Ian,” nilingon ko siyang muli at saka ngumiti. Madalas naman kaming nandito sa Blue’s Haven ng mga pinsan at kaibigan ko, pero mas madalas talaga na nasa itaas lang ako at hindi bumababa.

“You look pretty tonight,” biglang sabi ni Ian sa akin. Tinignan ko naman siya bago ako napangiti. “Medyo gwapo ka din naman ngayon,” sabi ko na ikinatawa niya.

“Medyo lang ba?” kumunot ang noo nito at sumandal. Napailing ito at huminga ng malalim. “I actually thought magagwapuhan ka ng sobra sa akin ngayon,” nilingon niya ako at saka ngumiti ng tipid.

Tumaas ang isang kilay ko nang lingunin ko siya. Ipinilig ko ang ulo at pinagmasdan siya. “Wait, come to think of it… gwapo ka naman…” sabi ko na humarap dito at tinignan siya sa mukha. “May kulang lang…”

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako bago isinawsaw ang isang fries sa catsup na naroon at nilagyan si Ian sa pagitan ng ilong nito at labi at palibot na rin sa labi nito. Nakatingin lang siya sa akin habang ginagawa ko iyon.

“Okay ka na?” tanong niya sa akin. Umiling naman ako at nagpipigil na matawa. “Hindi pa, sandali lang,” sabi ko bago muling isinawsaw ang fries at nilagyan siya sa magkabilang pisngi ng bilog gamit iyon.

Hindi ko na napigilan ang pagtawa habang nakatingin kay Ian. “Ayan, okay na,” sabi ko sa kanya. Ipinilig nito ang ulo habang nakatingin sa akin. Napayuko na lang ako habang patuloy na tumatawa.

Hindi siya nagsasalita.

“Sorry na,” sabi ko bago nag-angat ng tingin. Namamasa na ang mata ko sa sobrang tawa kaya pinigilan ko na din ang sarili ko. Inabot ko ang tissue na naroon.

“Halika na, pupunasan ko…” sabi ko kay Ian habang nakangiti pa rin. Pinagmasdan ko siya at hindi ko na naman mapigilang matawa. Ang kalat pala ng pagkakagawa ko. Meron siyang malaking pulang bilog sa magkabilang pisngi dahil sa catsup at sa paligid ng labi nito.

“Kuhanan muna kita ng picture?” sabi ko sa kanya bago muling tumawa. “Saya mo, no? Halikan kita diyan, eh…” biglang sabi ni Ian sa akin. Tumigil naman ako sa pagtawa at tinitigan siya ng masama.

“Alam kong hindi pa pwede, tiis muna…” ngumiti siya sa akin bago kumuha ng fries at isinawsaw sa catsup na naroon at inilapit sa mukha ko.

“Sige, subukan mo!” pinanlakihan ko siya ng mata at ngumisi naman siya sa akin. “Parang titikim lang ng fries, bawal ba?” tanong niya sabay subo ng fries na hawak. Tinaasan ko lang siya ng kilay pero nginisihan niya lang ako.

Pinunasan niya na rin ang catsup sa may mukha niya habang iginagala ko naman na ang paningin ko sa loob ng bar. Nakita ko si Aly at Lean na magkasama habang magkakasama naman si Keij at Theon na ang mga mata ay nasa mga babaeng kinulang din ng tela ang suot. Si Kol ay katabi ni Enzo na tila may pinag-uusapan. Hindi ko naman alam kung nasaan si Kuya Kiro at Ate Caryl. At si Jahann.

Maya-maya ay lumapit sa amin si Lean at Aly. Nakasimangot si Lean at padabog na umupo sa may tabi ko. Natatawa naman si Aly.

“What’s wrong?” tanong ko dito. Kanina lang ay ang sigla-sigla nito at ngiting-ngiti. Ngayon naman ay tila pinagsakluban na ito ng langit at lupa.

Hindi sumagot si Lean pero hindi din naalis ang pagkakalukot ng magandang mukha nito.

“What happened?” si Aly na lang ang tinanong ko na ininom ang laman ng isang baso ng alak na nasa may lamesa namin.

“Hindi kami makalapit kay Kevyn, eh. Hindi magamit ni Lean ‘yung connection niya bilang anak ng may-ari ng bar,” sinundan iyon ni Aly ng malakas na pagtawa.

Inirapan naman ito ni Lean. “Sabi mo kaya ikaw ang magpapakilala sa amin!” asik nito. Hindi ko naman mapigilang mapangiti din. Somehow, naiintindihan ko si Lean at ang pagiging fangirl nito. Kung si Drew Taggart din siguro ang makakasama ko sa iisang lugar at hindi ko makakausap, magmumukmok din ako.

“Kevyn Ajesta?” tanong ni Ian sa amin. Nilingon ko naman siya at tumango. “Yeah, Kevyn Ajesta. ‘Yung sikat na actor. Crush kasi ni Lean,” sabi ko dito. Hindi ba nasabihan ni Aly ‘to na birthday ni Kevyn ngayon ang pinuntahan niya?

Natawa naman si Ian. Nilingon ko siya ulit at napakunot ang noo ko. “What’s funny?” tanong ko sa kanya. Umiling naman siya sa akin bago ngumiti na lang ulit.

“Baliw,” sabi ko na lang bago muling humarap kay Lean at hinawakan ang kamay nito. “The night’s still young, Lean. Malay mo naman, makakausap mo siya mamaya,” pagkunswelo ko na lang dito.

Nakasimangot na kinuha nito ang isang baso bago nagsalin ng alak at diniretsong inom iyon. Natawa na lang ako at napailing.

Lumapit sa amin sila Keij at Theon at naupo na rin. Hindi sila masyadong umiinom gawa na rin na kailangan pa nilang magmaneho pauwi mamayang gabi.

“Nasan si Kol?” tanong ko kay Keij na pinaglalaruan ang vape nito. Nagkibit-balikat ito. “Nandyan lang ‘yan. Di ‘yun uuwi,” sagot nito.

“Alis lang ako saglit,” paalam sa akin ni Ian na tinanguan ko naman. Baka magpupunta ito sa banyo kaya nagpaalam sa akin.

Napalingon naman ako nang umupo si Iris sa binakanteng silya ni Ian at katabi nito si Jahann.

Magkasama nga sila.

“Hello,” bati ni Iris sa amin. Nginitian naman siya ng mga kasama ko. Si Jahann ay tahimik lang na nakasandal.

“Nasaan si Ian?” tanong ni Iris sa akin. Nakadress din ito tulad ko pero pa-tube ang style niyon. She’s sexy, alright. Mas naging maganda pa si Iris dahil na rin sa make up nito. Tila gusto ko naman tuloy na umuwi sa bahay at suotin ang pinaka-sexy kong damit sa hindi ko malaman na dahilan.

“Baka nag-CR,” sagot ko na lang dito bago kinuha ulit ang baso ko na may lamang juice at saka uminom.

“I saw him earlier, he’s really handsome. And you’re really pretty tonight, Cherinna. Bagay na bagay kayo,” muling sabi ni Iris sa akin. Ngumiti ako sa kanya. “Ikaw din naman, Iris. Ang ganda mo ngayong gabi. Diba, Jahann?” nilingon ko si Jahann na natigilan sa sinabi ko. Nag-angat siya ng tingin at sinulyapan ako.

“Yeah,” iyon lang ang sinabi nito bago ininom ang laman ng hawak nitong baso. Pinamulahan naman ng pisngi si Iris dahil sa pagsang-ayon ni Jahann.

Nagandahan talaga si Jahann kay Iris?

Well, he said yes. That means yes.

Hay, Cherinna. Maganda naman talaga si Iris. Natural na sabihin iyon ni Jahann dahil obvious naman ang bagay na iyon.

“Theon, kilala mo ‘yung model kanina?” tanong ni Keij habang nakatingin sila sa mga taong naroon sa loob ng bar.

“Sa dami ‘nun, sino ‘dun?” tanong ni Theon kay Keij. Napaghahalataan talaga ‘tong dalawang ‘to sa pambababae. Pero hindi naman sila ‘yung tipo ng lalaki na lumalapit sa babae. Madalas lang talaga silang tumingin-tingin, kung minsan, pagpupustahan ang cup size ng bra pero wala pa naman akong nalalamang niligawan nila.

Besides, laging sinasabi ni Keij na hindi alam ng mga Dela Cruz ang salitang panliligaw. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi na pinsan ko ang dalawang ‘yan.

“Pinilit ko ‘tong party na ‘to para sa amin ni Kev, bakit kayo ang nag-eenjoy?” pagrereklamo ni Lean na nasa tabi ko.

“Aba malay namin sa’yo,” sagot ni Theon bago ininom ang hawak nitong bote ng alak.

“Lean, makakausap mo din si Kevyn mamaya. Hindi pa naman aalis agad ‘yun dahil party niya ‘to…” sabi ko na lang dito.

“Nasaan pala sila Ate Caryl?” tanong ni Aly maya-maya. Napalinga-linga din ako sa paligid naming. Medyo mahirap makahanap ng kakilala dahil hindi naman maliwanag doon. Isa pa, hindi ko masyadong makita ang paligid dahil sa dilim.

“Kasama ni Kuya Kiro kanina. Magkausap ‘yun, eh…” si Keij ang sumagot dito. Tumango na lang si Aly.

“Maiba ako, bakit ba parang mga kinulang sa tela ‘yung mga suot niyo?” tanong ni Keij sa amin. “Maliban kay Cherinna…” dagdag nito. Ngumiti naman ako.

“Kinulang din ‘yan. Kulang na lang ilantad buong likod…” pagsingit naman ni Jahann. Nilingon ko siya. Hindi naman siya nakatingin sa amin.

“Ang arte mo naman. Yung mga babaeng tinitignan niyo nga, mas malala pa ang suot kaysa sa amin…” sagot ni Aly kay Keij.

“Iba naman kasi sila, iba kayo…” seryosong sabi ni Theon. “But it’s okay. As long as hindi kayo mawawala sa paningin namin,” dagdag nito bago sumandal at lumingon sa crowd na naroon.

Hindi na lang kami nagsalita pa. That’s one thing about them. Okay lang naman sakanila na magsuot kami ng maiiksi o revealing, as long as sila ang kasama namin, okay lang. Huwag lang daw ibang tao.

Patuloy lamang ang pag-uusap ng mga kasama ko sa may lamesa namin tungkol sa kung ano-ano. Si Theon, Keij, Aly at Iris ang pinaka nag-uusap. Si Lean ay nakatingin naman kay Kevyn habang ako… tinitignan ko si Jahann na nakasandal lang at nakatingin sa basong nasa may lamesa.

“Ladies room lang ako,” paalam ni Iris sa amin. Nakakailang-inom na din ito sa basong naroon at sinabihan ito nila Theon na dahan-dahanin lang daw. Ngumingiti lang si Iris sa mga ito. Hindi naman ito sinaway ni Jahann maliban sa isang beses na sinabi nito na huwag uminom ng marami.

“Can I have that one?” tanong ko kay Aly na may hawak ng isang baso ng alak. Hindi naman ako umiinom pero hindi ibig sabihin, hindi pa ako nakakatikim. Hindi ko lang kasi gusto ‘yung lasa.

And now… I don’t know. Alcohol might help me clear things out. Kahit hindi ko naman alam kung ano ang kailamngan kong liwanagin.

“What? Are you sure, Cherinna?” tanong ni Aly sa akin. Natawa naman ako sa kanya. Alam din kasi ni Aly na hindi ako umiinom talaga. Tumango ako bago inilahad ang kamay para kunin ang baso.

“Okay,” kibit-balikat na sabi nito bago inabot sa akin ang baso.

Agad ko namang ininom ang laman ng baso habang nakatalikod pa ako kay Jahann dahil alam ko namang pagbabawalan niya ako.

Naramdaman ko ang init ng alak sa may lalamunan ko. Ibinalik ko kay Aly ang baso pagkatapos.

“Nice, Creep. Showing your back to me so you can drink? Tss…” sabi ni Jahann nang umayos ako ng upo. Hindi naman ako nakapagsalita dahil alam kong maiinis lang lalo si Jahann. Nang bumalik si Iris ay umusog si Jahann kaya naman siya na ang katabi ko. Umusog ako ng kaunti pero pinausog lang ako pabalik ni Lean na nagdadrama pa rin dahil kay Kevyn.

“You know Kevyn, right?” nilingon ko si Jahann. Kumunot ang noo niya sa akin na tila hindi ako narinig.

I rolled my eyes.

Lumapit ako sa kanya at halos idikit na ang mga labi ko sa may tainga niya.

“Kilala mo si Kevyn kako, diba?” bulong ko sa kanya. Tumango naman siya. “You think you can find him? Para makausap ni Lean…” sabi ko ulit sa kanya. Tinignan ako ni Jahann.

Lumapit din siya at siya naman ang halos magdikit ng labi sa tainga ko. Napaatras ako kaya hinila ako ng marahan ni Jahann.

“Gusto mo bang gawin ko, Creep?” tanong niya sa akin.

“Of course,” sagot ko ng hindi gumagalaw.

“One condition,” muling sabi ni Jahann.

Kumunot ang noo ko. Bakit naman kailangan may kondisyon pa at—

“Oh my gosh! Kevyn!”

Napalingon kami ni Jahann nang biglang magsalita si Iris.

Papalapit sa table namin si Kevyn kasama si Ian. Napalingon ako kay Jahann na nakatingin din sa paparating.

“Teka, anong gagawin ko?” tanong ni Lean na halatang namumula.

“Huminga ka, gaga!” sabi naman ni Aly na natatawa.

“Hi!” bati ni Kevyn nang makalapit siya sa amin.

“Magkakilala kayo?” tanong ko kay Ian na ngumiti sa akin. Nagkibit-balikat lamang ito a amin. Nilingon ko si Jahann. “Okay na pala. Hindi mo na kailangan gawin…” nakangiti kong sabi sa kanya.

Tumango lang siya sa akin.

Lumipat ng upuan si Aly at nagtabi si Lean at Kevyn. Si Ian naman ay nasa tabi ni Aly since nasa tabi ko si Jahann.

Ilang sandal pa ay nagpaalam na muna si Kevyn na may kakausapin daw kaya umalis na muna siya sa lamesa namin.

“Grabe, Ian! Di mo naman sinabi na close kayo ni Kevyn!” sabi ni Lean dito. “Thank you, ha? Boto na talaga ako sa’yo para kay Cherinna!” dagdag pa nito. Siniko ko naman si Lean. “Bakit nadamay na naman ako?” tanong ko dito.

“Sus,” sabi naman ni Theon bago uminom ng alak.

“Grabe, ang gwapo niya talaga…” paulit-ulit na sabi ni Lean. Natatawa naman kami sa kanya.

“Pero Jahann, hindi mo naman sinabi na magkakilala kayo ni Kevyn, sana kanina ko pa siya nakasama…” sabi ni Lean sa katabi ko. Kinausap kasi ito ni Kevyn kanina.

“Hindi naman kayo nagtanong,” iyon lang ang sinagot ni Jahann dito. Kinuha nito ang isang bote na naroon at uminom. Kasama na rin namin sa table si Kol. Sinabi nito na may inaasikaso si Enzo kaya susunod na lang daw ito.

Hindi nagtagal ay nagkatinginan kami nang pumailanlang ang isang slow music sa loob ng bar.

“Anong meron?” tanong nila Keij. Bigla kasing naging pang-slow dance ang music doon.

“Oh my gosh, ayan na!” sabi ni Lean bigla. Kumunot naman ang noo namin habang nakatingin sa kanya. “Plano ko kasi talaga ‘yan para makasayaw ko si Kevyn,” sabi pa nito.

“Kung makapagplano ka, akala mo naman close kayo nung tao,” ani Theon dito.

“Wala kang pakialam!” asik ni Lean bago tumayo.

“I’ll call him,” prisinta ni Ian na ngumiti sa akin bago tumayo. Wala pang halos isang minute ay bumalik na ito kasama si Kevyn.

Nakangiti naman si Kevyn na lumapit kay Lean at tinanong ito kung pwede silang sumayaw. Hindi ko mapigilang matawa. Halata naman na sinabihan na ito ni Ian dahil nakita ko na binubulungan ni Ian si Kevyn habang naglalakad sila.

“Keij, sayaw tayo…” aya ni Aly sa pinsan namin.

“Seryoso ka?” tanong ni Keij dito.

“Dali na! Ang arte mo naman,” tumayo na si Aly at hinila si Keij. Naiwan naman kami na nakangiti lang.

“Jahann, do you want to dance?” tanong ni Iris sa kapatid ko. Halos sabay kaming lumingon ni Jahann sa babae.

Umiling si Jahann dito. “I’ll stay here, no, thanks…”

Hindi ko alam kung dapat ko bang sikuhin si Jahann dahil sa pagtanggi nito o matutuwa akong tumanggi ito.

“Cherinna, can I have this dance?”

Napalingon ako nang biglang magsalita si Ian. Nakatayo ito sa may gilid at nakalahad ang kamay.

“Ha?” natawa ako. “Hindi ako sumasayaw, eh…” sabi ko dito bago ngumiti ng alanganin. Naaalala ko nung debut namin ni Aly, hindi lang ata limang beses kong natapakan si Jahann noon.

“Come on,” pag-aaya pa rin ni Ian sa akin.

Umiling ako. “Hindi talaga. Baka matapakan ko lang ang paa mo tapos—“

“Go, Creep. Paramdam mo sa kanya kung gaano kasakit matapakan ng mga paa mo,” sabi ni Jahann sa akin.

Nilingon ko naman siya.

Baka iyon nga ang dahilan kung bakit hindi na niya ako isinayaw noong debut namin ni Aly.

“I won’t mind, Sunshine…” ngumiti si Ian bago hinawakan ang kamay ko.

“Okay,” inilapag ko ang purse ko sa may lamesa at tumayo na. Hindi ko na nilingon si Jahann at sumama na lang ako kay Ian. Huminga ako ng malalim bago nag-angat ng tingin at ngumiti kay Ian.

“Thank you pala, ha? Napasaya mo si Lean…” sabi ko sa kanya.

Ipinilig nito ang ulo bago ngumiti. “One down… marami pang kasunod na dapat makuha ko ang boto,” sabi nito sa akin. Natawa naman ako sa kanya.

“Really, thank you…” mahinang sabi ko.

“Anytime…” sagot niya naman sa akin.

Nakita ko si Keij at Aly na sumasayaw. Si Lean ay kasama din ni Kevyn. Paglingon ko sa kaliwa ko ay nakita ko si Iris at Jahann.

“You’re not that bad…” sabi ni Ian. Tinignan ko naman siya. Nagtataka sa sinabi niya.

“Isang beses mo pa lang akong natatapakan…” sabi nito bago tumawa. Nakita ko ang paggalaw ng Adam’s apple nito. Natawa na lang din ako.

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming naroon pag-ikot ko ay kamay na ni Jahann ang nakahawak sa akin.

“Jahann…”

Naramdaman ko ang kamay niya sa may likod ko.

Huminga ako ng malalim.

“Sorry to interrupt you guys, but it’s time to ask for Kevyn to come up to stage and…” hindi na naging malinaw ang sinasabi ng emcee sa pandinig ko. Nakatingin lang ako kay Jahann. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at inalis ang kamay sa pagkakahawak sa akin.

“Balik na tayo sa upuan natin?” aya ko sa kanya. Bago pa man siya nakasagot ay tumalikod na ako at naglakad pabalik sa lamesa namin. Kinuha ko lang ang purse ko at umakyat na ako sa may VIP room.

Sumandal ako sa pinto pagkasara ko niyon at huminga ng malalim.

“Are you okay?”

Halos mapatalon ako nang magsalita si Kol. Nakaupo ito doon at nakatingin sa akin.

Tumango ako. “Yeah, I’m fine…” ngumiti ako ng tipid sa kanya bago naupo sa may upuan na naroon. Ngumiti lang din ng tipid si Kol sa akin.

Halos tatlong oras pa yata kaming nagstay doon bago natapos ang party. Hindi na kami muling bumaba dahil nagsipag-akyatan na rin naman sila kasama si Iris at Ian. Si Lean naman ay tuwang-tuwa dahil nagkapalitan na sila ng number ni Kevyn.

Hindi na rin nagtangka si Ian na ihatid ako dahil kasama naman namin si Jahann. Si Iris naman ay may sundo kaya hindi din ito kailangan ihatid ni Jahann.

Pagdating namin sa bahay ay binuhat ni Jahann si Aly papunta sa kwarto nito. Nagpatulong na lang ako sa kanya at ako na ang nagbihis kay Aly. Ang buong akala ko ay nagpunta na si Jahann sa kwarto nito pero nakatayo ito at nakasandal sa may pader sa labas ng kwarto ni Aly.

“Hindi ka pa inaantok?” tanong ko dito.

Hindi naman siya nagsalita. Hawak nito ang phone at nakita ko na tumatawag si Iris. Magkasama lang kanina, tawag naman agad?

“Bakit hindi mo sagutin?” tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang si Jahann bago ibinulsa ang phone nito.

“Do you like her?” wala sa loob na tanong ko kay Jahann. Tinignan naman niya ako na tila nagulat sa tinanong ko. Agad akong napaiwas ng tingin. “Don’t answer it,” maagap na sabi ko.

Obviously he likes her.

Gusto ni Jahann si Iris.

“Matulog ka na, Creep…” sabi ni Jahann bago naunang maglakad sa akin.

“Sorry…” mahinang sabi ko. Natigilan naman siya. “If you really like Iris, then fine. I’ll just support you and—“

“Just sleep, Creep…” putol niya sa sinasabi ko. Hindi naman ako nagsalita pang muli. Naglakad na muli si Jahann bago humintong muli. Napatingin ako sa likod niya

“Don’t wear clothes like that again, Creep. Baka sa susunod, makasapak na ako ng hahawak sa’yo…”

Iyon lang at nagtuloy na siya sa paglalakad at iniwan na naman ako.

Pumasok na lang din ako sa kwarto ko para makapagpahinga.

Nakahiga na ako sa kama ko nang maisipan kong tignan ang mga posts ng birthday ni Kevyn.

One status caught my attention.

I’m trying my best not to show it. Please don’t make it harder for me.

Maybe he really likes her.

In-off ko na lang ang phone ko at pinilit matulog kahit ‘di ko alam kung bakit bumigat ang pakiramdam ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.