“CHERINNA, nagtaxi ka?” tanong sa akin ng kasambahay namin nang pagbuksan ako nito ng gate. Nakatingin din ito sa taxi na papalayo mula sa bahay namin. Ngumiti lang ako sa kanya at pumasok na sa loob ng bahay namin.
Naabutan ko naman si Mommy at Daddy na nasa may living room. Nakasandal si Mommy kay Daddy habang nakaakbay si Daddy dito.
Well, at least, there’s something that can make me smile now.
“Dad, Mom…” bati ko sa mga magulang ko bago lumapit dito. “Sinong naghatid sa’yo? Kol?” tanong ni Mommy sa akin. Umiling naman ako at saka umiling. “May dinaanan pa po kasi ako kaya hindi na ako nagpahatid kay Kol…” sagot ko rito.
“Dale called me. He said Jahann’s there, and Aly. Bakit hindi ka na lang sa Ai’s nagpunta para sabay-sabay kayo?” tanong ni Daddy sa akin.
Hindi ko naman po kasi alam na pupunta si Jahann doon. May usapan kasi kami kaya naghintay ako sa school pero walang Jahann na lumitaw.
Gusto ko sanang isagot kay Daddy.
“Dad naman, anong gagawin ko sa Ai’s?” tanong ko rito na natatawa.
“You’re into photography, too, Cherinna…” sagot naman ni Daddy sa akin. Tumango ako. “Yeah, but that’s Jahann’s thing. And modelling’s Aly’s. Manunuod lang ako sa kanila kung nandun ako…” sagot ko naman dito.
“Man aka sa mommy mo, lagi ring may sagot,” nakakunot na sabi ni Daddy sa akin. Napangiti akong muli.
“Reklamo ka ng reklamo, mahal mo naman ako…” sagot naman ni Mommy dito.
“Oo nga,” nilingon ni Daddy si Mommy. “Let’s eat, I’m hungry, Ai…” aya ni Daddy kay Mommy. Tumayo na ito at inalalayan si Mommy. Inaya rin ako ni Daddy pagkatapos.
“You’re friends with Iris, Cherinna?” tanong ni Mommy sa akin nang maupo na kami sa may hapag. Nag-angat naman ako ng tingin dito. “Uhm, she’s my classmate, Mommy. Si Aly ang mas close niya dahil magkasama sila lagi sa Ai’s…”
Tumango-tango naman si Mommy sa akin. “She’s pretty. Right, love?” tanong ni Mommy kay Daddy.
“I don’t know. May maganda pa ba bukod sa inyong tatlo ng mga anak natin?” tanong ni Daddy kay Mommy. Natigilan naman si Mommy bago tumingin kay Daddy. “Mikael…” saway ni Mommy kay Daddy na halata namang kinilig.
Napangiti naman ng tipid si Daddy. “Let’s eat,” sabi na lang nito sa amin.
Yes, Cherinna. That’s it. Divert your attention. Isa pa, hindi naman big deal ang nangyari. Baka nakalimutan lang ni Jahann na magmessage sa akin kaya hindi niya nasabi na kailangan siya sa Ai’s ngayon.
It’s hard to admit what I feel.
Nagseselos ako kay Iris.
Nagseselos ako kasi nararamdaman ko na napapalayo na si Jahann sa amin. Sa akin.
Yun lang naman yun. Nagseselos ako kasi close kami ni Jahann pero ngayon, nakakalimutan na niya ako dahil kay Iris. Sa dami ng babaeng nagkagusto kay Jahann, si Iris pa lang ang pinaka-nagkaroon ng pagkakataon na makalapit ng husto kay Jahann.
Sasama rin siya sa camp dahil kay Iris. Noong una ay gusto kong isipin na dahil sa amin ni Aly. Sasama siya dahil sasama kami, pero ngayon… malinaw naman na. Sasama siya dahil kasama si Iris.
“Cherinna, are you okay?” tanong ni Daddy sa akin. Napapitlag naman ako ng hawakan ni Daddy ang balikat ko.
“Po?” tanong ko sa kanya. “You’re not eating. Do you want something else?” tanong nito sa akin. Agad naman akong umiling. “I’m fine, Dad. Naisip ko lang ‘yung… uhm…” Damn.
“What is it?” tanong ni Daddy sa akin.
“Uhm…” I bit my lower lip. Nakatingin sa akin si Mommy at Daddy na tila hinihintay ang sasabihin ko.
“Uhm, about the camp. This weekend po ‘yon, so imomove na lang ang party. I guess, si Aly dapat ang magsasabi kaso po nasa Ai’s pa siya…” dire-diretsong sabi ko.
“Camp?” kumunot ang noo ni Daddy. Tumango ako. “Yes po. Our cousins will be there as well,” sagot ko naman dito. “I’m sure Jahann will go with you,” sabi naman ni Daddy. Tumango ako. “Yes, Dad. He’ll come with us…” kasi nandun si Iris.
“Okay, we will just move your party, then. Pero doon kayo magbibirthday ni Alyanna, Cherinna…” sabi naman ni Mommy. Tumango ako. “It’ll be fine, Mommy….” Sagot ko rito. Tumango na lang din sila sa akin at nag-usap tungkol sa pagmomove ng birthday celebration namin ni Aly.
“Excuse me po, aakyat na ako sa kwarto ko. Magbabasa pa kasi ako,” paalam ko sa mga magulang ko. My Dad looked at my plate. Halos walang bawas ang pagkain ko dahil parang nilaro-laro ko lamang ang laman niyon kanina.
“Are you sure you’re okay?” tanong ni Daddy sa akin. Tumango naman ako dito. “Opo. Medyo pagod lang,” ngumiti ako.
“Sir, Si Jahann po,” lumapit ang kasambahay namin kay Daddy na dala ang wireless phone.
Natigilan ako.
“Okay, thank you…” ani Dad bago kinuha ang telepono at sinagot ang tawag.
“Jahann…”
“Aakyat na po ako…” paalam kong muli bago tumayo na.
“Yes, Cherinna’s here…” narinig kong sabi ni Daddy.
“Cherinna, is your phone dead?” tanong ni Daddy sa akin. Lumingon naman ako rito. “Uhm, dead batt po…” pagdadahilan ko na lang. “Aakyat na ako, Daddy…” sabi ko bago walang lingon-likod na naglakad paakyat sa kwarto ko. Naupo ako sa may kama ko at ibinagsak ang gamit ko sa tabi. Kinuha ko ang phone ko at binuksan iyon.
Messages lang ni Ian ang nareceive ko kaya agad akong nagreply sa kanya na nakauwi na ako.
I may sound stupid, but I was waiting for his messages.
Huminga na lang ako ng malalim bago isinaksak ang charger ng phone ko at iniwan ang cellphone ko para maligo. Naisipan ko na ring magbabad sa bathtub para na rin marelax ako.
Ang daming tumatakbo sa isip ko.
Pero hindi lahat ng ‘yon tama.
What the hell’s happening to me?
Ipinikit ko ang mata at sumandal.
Bakit kasi ganito?
Naiinis ako. Bakit ba nasasaktan ako? Is this even normal?
Nasasaktan ako sa kaisipan na nabalewala ako dahil may ibang tao na sa buhay niya. It wasn’t like that before.
“Ah, fuck!” Umayos ako ng upo at napasimangot. “Cherinna, you’re just being paranoid…” huminga ako ng malalim. “He’s your brother and it’s normal for him to like someone…”
Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “You’re just jealous because you’re not used to it,” kinagat ko ang labi ko. “Iyon lang…”
Matapos ang halos isang oras na pagbababad ko ay lumabas na ako ng banyo at naghanap ng damit na maisusuot at pagkatapos ay bumalik na ako sa kama ko at kinuha ang laptop ko.
I should divert my attention.
Nang mag-log in ako sa facebook account ko ay nakita ko ang status ni Aly na naka-tag si Jahann at Iris.
Third wheeling with these two. Hahaha!
Napasimangot ako.
Pero pinusuan ko.
At sarcastic ako.
Ini-exit ko na lang ang tab ng facebook at naghanap ng movie na mapapanuod. Abala na ako sa paghahanap ng mapapanuod nang biglang magring ang phone ko. Kinuha ko iyon at nakita kong si Jahann ang tumatatawag sa akin.
Napasimangot ako.
Wala, tulog na ako.
Hindi ko sinagot ang tawag niya at nilagay sa silent mode ang phone ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang paghahanap ng mapapanuod ko. Halos matapos na ang isang movie na pinanunuod ko nang may kumatok sa may pinto ng kwarto ko.
“Creep…”
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
What the fuck, Cherinna?
“Creep, I know you’re still up…”
Hindi ako kumikilos. Nakatingin lang ako sa may pinto ng kwarto ko.
“I’m sorry. Please, talk to me…” muli itong kumatok sa pinto ng kwarto ko.
“Jahann, baka tulog na si Twin. Magpahinga ka na din,” narinig ko ang boses ni Aly.
“You go ahead, Aly. I’m fine,” sagot ni Jahann dito.
“Okay. Just talk to Cherinna tomorrow. Goodnight,” paalam nito. Hindi ko na siya ulit narinig.
“Creep…”
Should I open the door?
Napalingon ako sa phone ko nang umilaw ito. Tumatawag ulit si Jahann.
“If you don’t want to see me, just please, answer your phone…” sabi ni Jahann mula sa labas ng pinto ng kwarto ko. Kinuha ko naman ang phone ko at tinitigan iyon.
I am so tempted to decline his call.
I closed my eyes and answered it.
“Why?”
“I’m sorry…” mahinang sabi ni Jahann.
Ngumiti ako ng pilit kahit pa hindi naman ako nakikita ni Jahann. “It’s fine. I understand…”
Naiintindihan ko nga ba? How can I understand it if I can’t even understand myself?
“Creep…”
“You should rest, Jahann. You’re tired. Let’s just talk tomorrow and—“
“Please, open the door…” nararamdaman ko ang pakikiusap sa tinig niya.
“Jahann…”
“Please, Creep?”
Humina ako ng malalim. Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko. Kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko habang hawak ko pa rin ang phone ko na nasa tenga ko.
Nakatayo siya sa labas ng kwarto ko at nagkasalubong ang mga mata namin ng buksan ko ang pinto.
“Hey…” ako ang unang nagsalita dahil nakatingin lang siya sa akin. “Kakauwi niyo lang?” tanong ko sa kanya nang hindi pa rin siya nagsalita. “You must be tired…” ngumiti ako sa kanya. “You should rest and—“
“I’m sorry…”
Natigilan ako.
“I know, it’s not enough. Ang gago ko, pinaghintay kita. I’m sorry…”
I smiled. “Jahann, it’s okay.” Ilang beses kong kinailangan na ikurap ang mga mata ko dahil nararamdaman ko ang pag-iinit ng mga iyon. “It’s really okay. You have nothing to worry about…”
“Creep…”
“And I actually kinda figured that one out. Tsaka hindi naman ako naghintay…” ngumiti ako ulit. “I got bored, actually. 4:30 pa lang, umalis na ako ng school, eh. Nagpunta ako sa mall. Sasabihin ko sana sa’yo kaso tinamad na akong magtext, eh…”
Kumuyom ang palad ni Jahann.
“So, you don’t have to feel sorry, Jahann…” ngumiti ako ulit. “Ako naman ‘yung hindi naghintay, eh. It’s a good thing, though. At least nakasama mo si Iris…” nanginginig ang mga kamay ko, maging ang mga tuhod ko kaya tumalikod na ako.
Fuck, Cherinna. Don’t you dare let those tears to fall.
Naramdaman kong sumunod si Jahann papasok sa kwarto ko.
“You don’t have to lie about it,” mahinang sabi ni Jahann.
“Why would I lie?” tanong ko nang hindi lumilingon. “Umalis naman talaga ako ng 4:30. Ka-kasama ko pa nga si Ian, eh. Nagmall kami. Hindi ako naghintay sa’yo…” Ipinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ko na ang pagpatak ng luha ko.
Don’t be a cry baby, damn it!
Hindi ko na napigilang mapahikbi.
Hinila ako ni Jahann paharap at saka niyakap.
“I’m sorry… please, stop crying, Creep…” masuyong sabi niya sa akin. “I’m sorry…”
Patuloy lang ako sa pag-iyak. Ni hindi ko na malaman kung anong dahilan ko sa pag-iyak. Was that because he forgot about me because of Iris, o may iba pang dahilan. Hindi ko alam. Basta hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak.
Tumingin ako sa kanya at bakas ang guilt sa mukha niya. “I’m not crying because of you. I was crying because of Landon Carter and—“
“Stop lying. You’re not good at it…” pinisil ni Jahann ang ilong ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. Huminga ng malalim si Jahann habang nakatingin sa mga mata ko. “Stop crying, Creep…”
Hindi ako nagsalita.
“I know whatever reason I have, you won’t believe it,” sabi niya sa akin. “Maiintindihan ko kung galit ka sa akin…” huminga ng malalim si Jahann.
“I’m not mad at you…” mahinang sabi ko.
Ngumiti ng tipid si Jahann.
“Pero nagtatampo ako…” dagdag ko rito.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at saka ngumiti. “Alam ko…”
“You should rest now and—“
“Let’s go. I owe you a date…” hinawakan ni Jahann ang kamay ko at hinila ako papalabas ng kwarto ko.
“What?” tanong ko naman dito. “Jahann, it’s 10 pm already!” mahinang anas ko rito nang hilahin ako pababa ng bahay namin.
“Jahann!” hinihila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero hinila lang niya ako ulit.
“Jahann, stop!” pigil ko rito. He looked at me. “It’s fine, really…” I smiled at him. Huminga ito ng malalim. Alam ko na gusto niyang makabawi sa akin. “But I’m not yet sleepy. It’s too early to sleep, too. I still want to watch movies and—“ I smiled. “I’m hungry…”
He smiled at me, too.
“What do you want to eat?” tanong niya sa akin.
“Surprise me…” sagot ko naman sa kanya. Tumango siya sa akin at pinauna na ako sa kwarto ko. Makalipas ang halos kalahating oras, pumunta na si Jahann sa kwarto ko.
Hindi ko mapigilang matawa nang makita ko na ang common ng dala niyang pagkain.
“Fries and ice cream?” tanong ko sa kanya.
“Don’t laugh. I was actually planning to buy a food for you on our way home, pero hindi ko naman sasakyan ang gamit namin. Hinatid lang kami ni Iris at—“
“What do you want to watch?” putol ko sa sinasabi nito.
I don’t want to hear it.
Mukha namang nahalata ni Jahann na ayoko na pag-usapan kaya hindi na rin siya kumibo. I just chose a random movie to watch. Nakaupo si Jahann sa may kama ko at nakasandal sa headboard habang nakahiga naman ako.
Maya-maya ay nilingon ko siya at nakita kong tulog na siya. Huminga ako ng malalim. Kahit pa gusto kong magtanong sa kanya kung bakit inuna niya si Iris, hindi ko naman magawa. Siguro ay natatakot ako na sabihin niya na mas mahalaga si Iris dahil gusto niya ito.
Tinitigan ko si Jahann.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Malinaw pa sa memorya ko ang mga pangayayari noong nasa nursery kami. Hanggang mag-grade 1 yata ako.
Hindi ko na tinapos ang palabas at iniligpit na rin ang pagkaing dinala ni Jahann.
Kung tutuusin ay malaki naman ang kama ko pero minabuti ko na lang rin na sa couch matulog.
Nang magising ako kinabukasan ay nasa kama ko na ako at wala na si Jahann doon. Agad akong naligo at bumaba na pagkatapos. Naabutan ko si Jahann na naghahanda ng almusal.
“Morning,” bati ko rito. “Morning, Creep…” ngumiti naman siya sa akin. Maya-maya ay dumulog na rin si Aly at naupo sa may tabi ko.
“Ang aga mo namang natulog kagabi…” ani Aly sa akin. Hindi naman ako nagsalita pero nagkatinginan kami ni Jahann. “Anyway, sinong naghatid sa’yo kagabi? Nagulat kasi akong kasama ni Iris si Jahann kahapon, eh…” ani Aly na kumuha ng hotdog at kumagat doon.
“Nagpunta ako sa mall…” sagot ko rito. Papanindigan ko na lang ‘tong alibi ko.
“Sana sumama ka na lang sa amin,” sabi naman nito bago bumaling kay Jahann. “Yung phone mo pala, ipapaayos mo pa?” tanong nito kay Jahann.
Kumunot ang noo ko. “Why? What happened to your phone?” tanong ko rin kay Jahann.
“He dropped it, natapakan naman ni Iris, eh, nakaheels pa ‘yung isa. Basag ‘yung phone niya. Pagdating nila sa Ai’s, nanghiram siya agad sa akin ng phone, eh…”
Nilingon ko si Jahann.
“Anong oras na kayo nakarating sa Ai’s?” tanong ko dito.
“Past 6 na ata ‘yun, twin. Natraffic sila, eh. Kaya hindi na rin tinuloy ‘yung shoot ni Iris. Hinintay na lang nila ako until 8, then we went to a restaurant to eat tapos bumili ng phone si Jahann…”
Tumango-tango na lang ako.
“Anyway, ginigising ka ni Jahann kagabi, nagising ka ba?” tanong nito sa akin.
Tumango ako. “Yeah, pero natulog din naman ako agad…”
“Ang daldal mo, Aly…” masungit na sabi ni Jahann bago bumalik sa kusina. Sumimangot naman si Aly. “Bakit ba nagsosorry sa’yo ‘yun? What happened?” tanong nito sa akin. Umiling ako. “May pinabili lang ako tapos sabi niya hindi niya mabibili, nagtampo ako…” ngumisi ako sa kanya.
“Ang babaw mo, twin…” natatawang sabi nito. Napangiti na lang ako.
Matapos kaming kumain ay dumiretso na kami sa sasakyan ni Aly dahil naiwan sa school ang sasakyan ni Jahann. Ganoon pa rin ang set-up naming, sa harap ako at si Aly ang nasa likod. Pagdating namin sa school ay si Iris agad ang unang nakita ko.
Seriously?
Nakasimangot akong lumabas ng sasakyan ni Aly.
“Good morning,” bati niya sa amin. Hindi naman ako kumibo.
“Ang aga mo naman,” puna ni Aly dito. Tumango ito. “Uhm, I’m actually going to say sorry to Jahann. About your phone. And about dragging you yesterday…”
“It’s fine. Just don’t do it again…”
Tumango si Iris. “Sorry talaga, ha? But I really had fun last night…” ngumiti ito sa kanya.
“That’s good to know…” sagot ni Jahann dito.
“Pupunta na ako sa room ko…” sabi ko sa kanila at naglakad na.
“Sabay na ako sa’yo,” ikinawit ni Iris ang braso sa may braso ko.
Wtf.
Nagpunta na lang kami sa classroom pero sinabihan kami na dumiretso kami sa auditorium dahil may announcement daw doon. Sabay naman kami ni Iris na nagpunta doon. Nakasalubong naman naming si Jahann at Kol.
“Anong meron?” tanong ko kay Kol. Nagkibit-balikat ito.
“Jahann, anong meron?” tanong ni Iris kay Jahann.
I rolled my eyes.
Natawa naman si Kol. “Tara, Cherinna…” inakbayan ako nito at inakay pero napahinto rin kami nang hawakan ni Jahann sa balikat si Kol.
“What?” tanong ni Kol kay Jahann. Ipinilig lang nito ang ulo habang seryosong nakatingin kay Kol. Kol just smiled at him. “Entertain Iris. Ako na ang bahala kay Cherinna…” ani Kol na bago inalis ang kamay ni Jahann sa balikat nito at inakay na ako papalayo.
“What was that, Kol?” tanong ko rito.
“Just teaching your brother a lesson…” he said softly.
“What lesson?” tanong ko ulit. Pinaupo naman ako ni Kol sa may gilid at hindi matao ang pwesto.
“That he should learn to say no…” seryosong saad ni Kol. Kumunot naman ang noo ko. “I don’t understand you…” sabi ko rito.
Bago pa man makapagsalita si Kol ay nakita ko na si Jahann na papalapit sa amin.
“Jahann…” tawag ko rito. I saw Kol smiled.
“Let’s go…” hinawakan ni Jahann ang kamay ko. “Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya. “May program, diba?” sabi ko pa rito. “Are you even allowed to leave?”
“Si Kol na bahala diyan…” sagot nito na hinila na ako.
“Wait, Jahann. Saan tayo pupunta?” tanong ko habang naglalakad kami… more on hinihila niya ako.
“Itutuloy ‘yung kahapon…”
Kumunot ‘yung noo ko. “Ano?”
He looked at me and smiled.
“Just hold my hand, Creep. And don’t let go…” iyon lang ang sinabi niya at hinila na niya ako papalayo sa mga naroon. At wala naman akong reklamo. Hinawakan ko rin ang kamay ni Jahann at sumama sa kanya.