Played By Fate (Book 1) Chapter 19

“JAHANN, hindi naman kasi ganyan ‘yan!” winisikan ko si Jahann ng harina sa mukha bago ako naghugas ng kamay. Hindi siya ulit nagpunta sa Ai’s ngayong araw. Nang mag-uwian na ay dumiretso kami sa bahay at niyaya ko siya na magbake ng cake pero kanina pa niya ako pinagtitripan. Tanong siya ng tanong ng gagawin kahit alam na alam niya naman kung papaano.

“Show me how, Creep…” natatawang sabi nito bago isinawsaw ang hintuturo sa chocolate syrup na naroon at saka ipinunas sa mukha ko.

“Jahann!” pinanlakihan ko ulit siya ng mata pero tinawanan niya lang ako. “Akala mo, ah!” kinuha ko ang caramel syrup na naroon at nilagyan rin siya sa mukha. Hindi ko pa rin mapigilang matawa nang makita kong halos buong mukha na ni Jahann ang may syrup samantalang pisngi ko lang ang may chocolate syrup.

Kanina nang pumasok kami sa school ni Jahann ay panay ang tanong sa akin ni Iris kung saan kami nagpunta kahapon ni Jahann dahil bigla na lang kaming nawala. Sinabi niya pa sa akin na sinabi ni Kol sa kanya na may bibilhin kami. Pinanindigan ko na lang at iyon ang sinabi ko kay Iris. I’m not sure what’s with Kol, actually. Hindi din kami nakapag-usap kanina dahil abala sila nila Jahann para sa pag-aasikaso sa Camp. Kaya ang buong akala ko ay mag-isa akong uuwi pero nagtext naman sa akin si Jahann na susunduin ako sa room ko. Nauna na lang akong lumabas kaysa kay Ian at Iris para na rin hindi magpang-abot si Jahann at Ian kung sakali. Alam ko naman na hindi talaga gusto ni Jahann si Ian para sa akin.

“Are we really going to bake or what?” tanong ni Jahann sa akin. Nilingon ko naman siya at muling natawa. Lagyan na rin natin ng chocolate ‘yung mukha mo…” lumapit ako sa kanya hawak ang chocolate syrup pero agad niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako. “Abuso ka, ah?” sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako. “Mahal mo naman ako, diba?” sabi ko sa kanya at saka tumawa ulit.

Ngumiti lang si Jahann sa akin at saka inagaw ang chocolate syrup sa akin at nilagyan ako sa mukha.

“Jahann!” malakas na sigaw ko rito.

Narinig ko naman ang pagtawa nito. Yumuko ako. “Pumasok ata sa mata ko…” sabi ko rito at saka humawak sa lamesa.

“What?” agad na lumapit si Jahann sa akin. “Shit, I’m sorry…” hinawakan niya ang pisngi ko para paharapin ako sa kanya.

“Wait, ang sakit ng mata ko…” muling sabi ko sa kanya.

“Creep, patingin. Are you okay? I’m sorry…” bakas ang pagkataranta sa boses ni Jahann habang pilit akong pinapatingin sa kanya.

Nag-angat ako ng tingin at hindi ko mapigilang matawa. I stuck out my tongue and laughed. “Joke lang.”

Tinitigan naman ako ni Jahann. “You’re not funny,” ismid nito bago pinitik ang ilong ko.

“What are you guys doing?”

Sabay kaming napalingon ni Jahann sa may pintuan ng kusina nang magsalita si Aly. Nakatingin siya sa aming dalawa ni Jahann.

“We’re uh… baking a cake,” sagot ko kay Aly. Kumuha ako ng tissue at iniabot iyon kay Jahann.

“Baliw talaga kayong dalawa,” iiling-iling na sabi nito. “Anyway, I’m with someone…” ngumiti si Aly sa aming dalawa ni Jahann. “Better fix yourself, snob…”

“What?” tanong ni Jahann dito pero agad na sumilip si Iris mula sa pintuan ng kusina namin.

“Hi,” ngumiti ito sa amin. “Oh my, God!” agad na lumapit si Iris kay Jahann. “What happened to you?” tanong nito kay Jahann. Mabilis na dinampot ni Iris ang tissue na nasa may harap ko at kumuha roon. “Ang lagkit nito,” sabi niya pa kay Jahann bago akmang pupunasan ang mukha ni Jahann.

“I’m fine, Iris. I can do that by myself,” agad namang inawat ni Jahann si Iris.

“Just let me do it, okay?” ngumiti naman ng matamis si Iris kay Jahann at nagpumilit na punasan ang mukha nito.

Nag-iwas na lang ako ng tingin.

“Twin, hinahanap ka pala ni Ian kanina. Call him, okay? Nag-aalala ‘yun, hindi ka kasi nagpaalam nung umalis ka…” untag naman sa akin ni Aly. Nag-angat ako ng tingin dito at saka tumango. “Yeah, excuse me. Tawagan ko lang si Ian…” paalam ko sa mga ito at hindi ko na nilingon si Jahann at Iris.

Naglakad na lang ako papunta sa kwarto ko at mabilis na pumasok sa banyo. Nanlalagkit ang mukha ko at maging ang buhok ko ay may chocolate.

“Just let me do it, okay?” I mimicked Iris’s voice. I was looking at myself in the mirror. Hindi ko maiwasang mapasimangot. Hanggang dito ba naman sa mismong bahay namin, magpapapansin si Iris?

Huminga na lang ako ng malalim at saka naligo na. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Aly na nasa may kwarto ko at nagtitingin sa mga damit ko. Kumunot naman ang noo ko dito. “What are you doing?” tanong ko sa kanya bago lumapit at kumuha ng maisusuot.

“Twin, we seriously need to go shopping!” eksaheradang sabi ni Aly sa akin. Mas lalo namang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “We don’t, Aly. Ang dami pa nating damit pareho. Hindi pa rin naman natin naisusuot ang lahat ng ‘yan,” sagot ko rito habang nagbibihis.

“Come on, camp is coming! And that’s our birthday! Pumayag na ako na i-move ang party natin pero give me this one. Let’s go shopping!” sabi pa nito na hinihila-hila ang kamay ko. I sighed in defeat. Kailan ba ako nanalo sa pagiging persistent ni Aly? Hindi pa naman nangyayari iyon.

“Anyway, what are you doing here? May bisita ka, diba?” tanong ko sa kanya habang nagsusuklay ako. Nakaupo ito sa may kama ko at yakap-yakap ang stuffed toy na naroon.

“Actually, Iris asked me to invite her here…” sagot nito sa akin at saka inabot ang remote ng TV at binuksan iyon. “Gustong-gusto niya talaga si Jahann, Cherinna…”

Hindi naman ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa sarili ko sa may harap ng salamin.

“And I know, it’s hard for you. I mean, mas nasanay ka na kasama mo si Jahann kaysa sa akin. Though we lived in one house, mas close kayong dalawa. Kaya alam kong ayaw mo kay Iris…”

“It’s not like that…” mahinang sabi ko kay Aly. Nilingon niya naman ako.

“Hate is such a strong word, I don’t hate her. But I don’t like her, either…” sumandal ako at huminga ng malalim.

“Give Jahann a chance to be with someone aside from us. Maybe, he likes her, but he’s worrying about us. Kaya ipinapakita ko na okay lang sa akin. You should do the same,” ngumiti si Aly bago muling ibinalik ang tingin sa screen.

Ipakita ko na okay lang?

Hindi ba iyon ang ginagawa ko?

Ipinapakita ko na okay lang. Kahit na hindi ko maintindihan ang nangyayari, okay lang. Laging okay lang…

“I’m hungry. Baba na tayo?” aya ni Aly sa akin maya-maya. Pinatay na nito ang TV at hinila ako. Dinampot ko na lang ang phone ko at sumama na sa kanya papalabas.

Naabutan namin si Iris na mag-isa sa may kitchen at naghihiwa ng cake.

“Where’s Jahann?” tanong ni Aly dito.

“He told me he’ll take a shower,” sagot naman ni Iris na nakangiti. I looked at the cake she was cutting. Again, it’s red velvet. She’s obviously trying to please Jahann.

“I’m just going to call Ian,” paalam ko sa kanilang dalawa bago tumalikod na.

“Uhm, Cherinna…” tawag sa akin ni Iris. Humarap naman ako at nilingon ito. “Yes, Iris?” tanong ko rito.

“I think Ian’s really the one for you. I hope you’ll say yet to him soon,” nakangiti pa rin niyang sabi sa akin.

I looked away and smiled. “It’s my business to manage, Iris. Your opinion’s not really necessary. Thank you, though. Excuse me,” muling sabi ko bago tumalikod na at nagpunta sa living room at naupo roon.

It’s really rare for me to act like that. Sa amin ay mas si Aly ang masungit, si Aly ang mataray. Tita Stephanie used to say I’m like my dad. Kaming dalawa ni Jahann ang mana sa pagiging kalmado nito habang si Aly ang sa pagiging impulsive ni Mommy. And I believed I am. It’s just, I couldn’t help it.

Pinuno ko na lang ng hangin ang dibdib ko at saka tinawagan si Ian.

Napakunot ang noo ko nang nakaka-sampung ring na ata ay hindi pa ako sinasagot ni Ian. Tinawagan ko na lang itong muli pero hanggang sa marinig ko ang operator ay hindi naman ako sinagot ni Ian.

“What’s with him?” kunot-noong sabi ko habang nakatingin sa phone ko.

“Knock knock…”

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Theon kasama si Keij.

“What are you guys doing here?” tanong ko sa mga ito at saka lumapit.

“Visiting?” nakangising sabi ni Keij. Lumabas naman mula sa kusina sila Aly at Iris.

“Anong ginagawa niyong dalawa rito?” nakataas ang kilay na tanong ni Aly sa mga pinsan namin. “Ang welcoming mo naman, Aly,” pang-aasar ni Keij dito.

“Hindi ka naman kasi welcome dito,” Aly rolled her eyes.

“Sama talaga ng ugali mo, no?” sabi ni Keij bago naglakad at naupo sa may sofa na naroon. Nakasunod naman si Theon na may kung anong tinitignan sa phone nito.

“Hey,” may kumalabit sa akin kaya agad kong nilingon iyon. Nakita ko si Kol na nakatayo sa may likod ko. “You’re here, too?” tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang ito bago inangat ang plastic bag na dala nito. “I bought you these…”

“Ice cream?” napangiti ako. Tumango naman siya sa akin. “Ilagay na muna natin sa freezer,” aya ko kay Kol bago naunang maglakad papunta sa kusina at iniwan ang apat sa may sala.

“What are you really guys doing here?” tanong ko kay Kol.

Umupo ito at saka ngumiti ng tipid bago nagkibit-balikat. Napasimangot naman ako. “Why is she here?” tanong ni Kol sa akin. Ako naman ang nagkibit-balikat dito. “Sumulpot na lang ‘yon dito, eh…” hindi ko mapigilang langkapan ng pagka-irita ang boses ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kol. “Don’t laugh at me,” sabi ko sa kanya.

“Alright, anyway, where’s Jahann?” tanong nitong muli sa akin. Inabot ko naman sa kanya ang isang baso ng juice. “His room. Baka pababa na rin ‘yon,” sagot ko naman dito. “Why? Is there anything that you need?” pag-uusisa ko. Malamang ay tungkol iyon sa camp.

“Yeah, I just need to ask him some things and—“

“You want to talk to me but you’re here chatting with Cherinna…”

Napalingon naman ako sa may pintuan at nakita ko si Jahann na nakatayo roon.

“You’re done?” tanong ko naman dito. Tumango si Jahann sa akin. “Theon’s looking for you. Puntahan mo muna sila, Creep,” seryosong sabi ni Jahann na kay Kol nakatingin.

“Okay, I’ll leave you two here,” sagot ko naman bago kinuha ang baso ko at lumabas na.

“Para kang gago, Jahann…” narinig ko ang boses ni Kol pero hindi ko na narinig ang sagot ni Jahann doon. Bumalik na lang ako sa may living room kung saan naroon ang apat. Naupo ako sa bakanteng silya at itinaas ang mga paa.

“We’ll go shopping tomorrow afternoon after class, sama kayo?” aya ni Aly sa mga pinsan namin. “Shopping? Para saan?” tanong ni Keij. Aly dramatically rolled her eyes again. “Gosh, ako lang ba ang nag-iisip ng mga dadalhin para sa camp?!” tanong nito sa amin.

“No. Me, too! I’m actually excited about it, Aly…” sabi ni Iris dito.

“Sama niyo si Lean. Isa pang excited ‘yon,” sabi naman ni Theon sa mga ito.

“Let me remind you, Alyanna Samantha, we’ll stay there for three days and two nights. Not one month. Don’t bring your whole closet, okay?” seryosong sabi ni Keij dito.

“You don’t understand it! Doon kami magcecelebrate ng birthday ni Cherinna!” malakas ang boses na sabi ni Aly sa mga ito.

Napangiti naman ako. Aly used to make our birthday a big deal. I think I should at least make it memorable for her. And I’m going to need some help…

Kinuha ko ulit ang phone ko at mabilis na nagtype ng message.

Hanggang mag-dinner ay naroon pa ang apat na bisita namin. Si Mommy at Daddy naman ay sa labas nagdinner kaya kaming pito ang magkakasalong kumain.

“Uhm, Kol… can I ask you something?” tanong ni Iris sa pinsan ko habang kumakain kami.

Single siya, Iris. Kay Kol ka na lang.

Pinili ko na lang na manahimik.

“What is it?” tanong naman ni Kol dito bago ako nilingon.

“Sa bus din ba namin kayo sasakay nila Jahann?” tanong nito rito. “Hindi ba kayo bukod? Kasi diba SSG officers kayo, baka sa ibang bus kayo at—“

“If Cherinna… and Aly wil be on that bus. Of course, we’ll be there…” sagot ni Kol dito.

“Sila lang naman ang freshmen sa amin kaya kung saan sila sasakay, nandun lahat,” komento rin ni Theon.

“That’s great, then…” mas lumawak ang pagkakangiti ni Iris. “Diba, Cherinna?” nilingon ako nito. Tila ipinapaalala ang pakiusap niya sa akin.

Ngumiti lang ako ng tipid at hindi na nagsalita pa. Matapos maghapunan at pinagsaluhan naman namin ang dalang ice cream ni Kol.

“Ang kalat mo kumain, Creep,” ani Jahann sa akin na inabutan ako ng tissue pero agad namang binigay sa akin ni Kol ang tissue na nasa tabi nito.

Binato na lang ni Jahann kay Kol ang tissue na iaabot sana nito sa akin.

“It’s late, hindi pa ba kayo uuwi?” tanong ni Jahann sa mga ito. “We still have a class tomorrow…” dagdag pa nito.

“Half-day lang bukas,” ani Theon. “For the preparation for the camp,” he added. “So meaning we can grant Aly’s wish to go shopping tomorrow…”

Tumango na lang ako sa kanila. Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. “Excuse me, aakyat na ako sa kwarto ko,” paalam ko sa kanila.

“Goodnight, Cherinna…” ani Kol sa akin. Ngumiti ako sa kanya at saka nagpaalam ulit sa lahat. Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagplano na para sa birthday namin ni Aly sa camp.

Kinabukasan ay maaga naman kaming nagising lahat. Excited si Aly dahil after lang ng isang klase ay wala na kaming klase ulit. Aniya’y malaya kami ngayong araw. Kung sana’y kasing energetic niya siya kapag nagrereview. Mas mainam sana.

“Absent si Ian?” tanong sa akin ni Iris habang nakaupo kami sa may class room namin. Napatingin ako sa bakanteng upuan ni Ian. Nagmessage lang din siya sa akin kanina na hindi siya makakapasok. Pero niremind niya sa akin na magkatabi kami bukas sa bus.

Nang matapos na ang klase namin ay kasabay kong naglalakad si Iris papunta sa may parking lot. Alam ko na kasama namin siyang mamimili dahil inaya ito ni Aly kahapon. Naroon na si Lean, Aly, Enzo, Theon at Keij.

“Si Jahann?” agad na tanong ni Iris kay Aly.

Naupo naman ako sa tabi ni Enzo. Tinignan lang ako nito pero hindi nagsalita. Hindi talaga pwedeng magsama-sama sa iisang kwarto sila Tito Blue, Enzo, Kol, Daddy at Jahann.

“I’m going to paint my nails later, what do you think is better, Cherinna? Pink or baby pink?” tanong ni Lean sa akin.

“Uhm…” I smiled. What’s the difference, really?

“Anyway, I got the chance to talk to Ian last time. He told me Kevyn was asking him about me,” bakas ang kilig sa mukha ni Lean habang nagkukwento sa akin.

“Lean, stop acting like an obsessed fangirl,” komento ni Enzo sa kakambal nito.

“Just read your books, Enzo,” sagot naman ni Lean dito.

“And, Cherinna, Ian’s really nice. I really like him for you,” muling bumaling ito sa akin. Ngumiti lang ako.

Maya-maya lang ay dumating na si Kol at si Jahann.

“Alright. So, me, Theon and Kol. Lean and Enzo, Aly, Iris, Jahann and Cherinna?” ani Keij sa amin bago kinuha ang susi ng sasakyan ni Kol.

“But I’m talking to Aly about the things we’ll buy,” sagot ni Lean kay Keij. Nakasandal ako sa may sasakyan ni Jahann.

“Then Aly and Iris will go with Lean and Enzo,” sagot ni Kol dito.

“What the hell, Kol?” asik ni Enzo kay Kol.

“Consider it as good deed, Enzo,” tinapik nito ang balikat ni Enzo at saka kinuha kay Keij ang susi ng sasakyan nito. “My car, I’ll drive,” ani Kol bago sumakay sa sasakyan nito.

Sumakay na rin ako sa sasakyan ni Jahann at sumunod na ito. Nauna na kaming umalis at sumunod sa amin sila Theon at sumunod naman sa sasakyan ni Kol ang sasakyan ni Enzo.

Pagdating naman namin sa mall ay kaagad na naglibot sa mga boutiques si Aly, Lean at Iris. Nakasunod naman ako sa kanila at naghahanap rin ng mabibili.

I saw a bralet and looked at it.

“Don’t think about buying that thing, Creep,” ani Jahann na nasa tabi ko. Ibinalik ko na lang iyon at ngumiti sa kanya bago naglakad na lang at naghanap ng iba pang mabibili roon.

“Hindi pa ba tayo kakain?” tanong ko kina Aly nang may tatlong oras na kaming naglalakad. Marami na ring bitbit na paperbags ang mga lalaking kasama namin. Nagugutom na kasi ako at hindi ko na matiis ang kanina pa pagtatanong ni Iris kay Jahann kung bagay ba rito ang damit na pinipili nito.

“Gutom na nga ako,” sabi naman ni Keij. “Para na rin mailagay ‘tong mga ‘to sa sasakyan,” dagdag nito na itinaas ang paperbags na dala.

“Where do you want to eat?” tanong ni Kol sa akin. “Anywhere,” sagot ko. “Fast food naman para maiba?” tanong ko dito. Tumango na lang si Kol sa akin. Magkakasama namang nagpunta sa parking lot si Jahann, Keij, Theon at Enzo para ilagay sa mga sasakyan ng mga ito ang mga pinamili namin at kasama naman namin si Kol na naghanap ng makakainan.

“Wait, I think I saw a cute tank top sa isang boutique kanina. Balikan muna natin!” ani Lean na hinila si Aly. Sumama naman dito si Aly at sinabihan ko na lang na tatawagan ko kung nasaan kami. Naiwang kasama namin ni Kol si Iris.

Nang makahanap na kami ng makakainan ay tinawagan na ni Kol si Keij para sumunod sa amin. Si Iris naman ang tumawag kay Aly kaya umupo na lang ako.

“What do you want to eat?” Kol asked me. I shook my head and smiled at him. “Let’s just wait for them,” ani ko. Tumango naman si Kol sa akin. Nagpaalam itong magpupunta muna sa CR kaya naglakad na ito papalayo.

Now, it’s just me and Iris. Inilabas ko na lang ang phone ko at nagtext.

“Cherinna…” untag ni Iris sa akin. Nag-angat naman ako ng tingin dito. “Yes?”

“I just want you to know that…” yumuko ito. Tila nahihiya sa akin.

“That?”

Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita. “I just want you to know that I really like Jahann. I never felt this kind of attraction before to anyone. Kay Jahann pa lang. And I’m really hoping that one day, he’ll feel the same towards me…”

Hindi ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako kay Iris.

Ngumiti siya sa akin. “At kung hindi man ako ang nagugustuhan ni Jahann, gagawin ko lahat para maagaw sa babaeng ‘yon ang atensyon ni Jahann…”

Sumandal ako at muling tumingin kay Iris. Nakikita ko na determinado talaga ito kay Jahann.

Maya-maya lang ay nagdatingan na ang mga kasama namin. Hanggang makauwi kami kinagabihan ay naiisip ko pa rin ang sinabi ni Iris.

I’m not really sure what to feel. Hindi pa rin nawawala ang inis ko kay Iris. Inis na hindi ko maipaliwanag kung saan nanggagaling.

Matapos mag-ayos ng gamit ay natulog na ako kaagad para hindi ko na maisip pa ang mga binitiwang salita ni Iris.

Wala pang alas-singko kinaumagahan ay nasa school na kaming tatlo nila Jahann. Pinahatid lang kami nila Mommy dahil hindi naman kami makakapagdala ng sasakyan para sa camp. Kumpleto na rin naman kaming magpipinsan at gaya ng inaasahan ng lahat, maraming dala si Aly at Lean, idagdag pa si Iris. Tatlong bag ang dala ng mga ito, bukod pa ang hand carry.

“Isang bag isang araw kayo?” tanong ni Keij dito na tumutulong maglagay ng gamit ng mga ito sa bus nang payagan na kaming umakyat.

“Ang ingay mo na naman, Keij…” Aly rolled her eyes. Dalawang bag ang dinala ko, gayundin si Jahann. Nauna na akong maupo sa kanila dahil inaantok pa talaga ako. Sa may pangatlo sa dulong upuan ako ng bus pumuwesto at katabi ng bintana. Sa katapat na upuan naman umupo si Iris. Nasa may tabi rin ito ng bintana.

Sinabihan ko na si Jahann kagabi na sa tabi ni Iris maupo kahit pa labag sa kalooban ko iyon. Hindi naman siya nagsalita noong sinabi ko iyon.

Isinuot ko na lang ang earphone ko at sumandal.

Sinabihan na rin naman ni Aly ang lahat na sa tabi ko uupo si Ian kaya sa likod ko naupo si Enzo, katabi nito si Kol dahil magkatabi si Lean at Aly. Sa harap ko naman ay nakaupo si Theon at Keij.

Tumingin ako sa labas habang naghihintay sa pag-alis namin.

Naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi ko. Nilingon ko ito at nakita kong si Jahann iyon.

“What are you doing?” I removed my earphone and asked him.

“What do you think I am doing?” tanong niya sa akin pabalik. Napatingin ako kay Iris at nakatingin din siya sa akin.

“I already told you to sit beside Iris, right?” mahinang anas ko sa kanya. Ipinilig ni Jahann ang ulo at saka lumapit sa akin. Napaatras naman ako.

“And I don’t want, too,” mahinang sabi ni Jahann.

“Jahann…”

“Creep…”

“Cherinna…”

Napatingin ako kay Ian nang tawagin ako nito.

“I belived that’s my place, Jahann,” ani Ian kay Jahann. Jahann looked at Ian and smiled a little. “There’s no place for you in here, Montenegro…” seryosong sabi naman ni Jahann dito.

“Jahann!” saway ko rito.

“Okay, guys. Come on, take your seat. We’ll be leaving in a while,” ani ng professor na kasama namin sa bus na iyon.

“Just sit beside Iris, Ian. Don’t make a scene,” saway ni Kol dito. Reluctantly, Ian sat beside Iris. He was looking at me so I mouthed, “It’s okay.” Tumango na lang ito sa akin.

Sumandal na lang din si Jahann at isinuot din ang earphone nito at saka pumikit.

Nakatingin lang ako dito.

“It’s rude to stare, Creep…” mahinang sabi ni Jahann habang nakapikit. Inirapan ko na lang ito at saka isinuot muli ang earphone ko.

Bago ko pa man masimulang pindutin ang play button ng phone ko, narinig kong nagsalita si Jahann. “I’m being possessive, I know…”

Nilingon ko siya. His eyes were still closed.

Napatingin akong muli kay Iris. Nakatingin ito kay Jahann.

Tumingin na lang ako sa labas. Pwede din ba akong maging possessive?

“Yes, Creep,” mahinang sabi ni Jahann.

Natigilan ako. Narinig niya ang sinabi ko?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.