MAAGA pa lang ay ginising na ako ni Aly kinabukasan. Halos hindi rin naman ako nakatulog dahil sa nangyari nang nagdaang gabi. Iniisip ko pa rin kung totoo ba ang nangyari o nananaginip lang ako.
Gusto kong paniwalain ang sarili ko na panaginip lang ang nangyari.
Hindi siya umalis. Nasa kwarto lamang niya siya at malamang ay nag-aayos na para sa pagpunta sa Ai’s lalo pa’t wala pa kaming pasok ulit.
Matapos akong maghilamos at magsepilyo ay bumaba na ako para tumulong sa paghahanda ng almusal. Tahimik lang si Aly habang pinanunuod ang kasambahay namin sa paggawa ng pancakes na lulutuin nito.
“Ayusin ko lang ‘yung lamesa…” sabi ko sa kanya bago kumuha ng mga plato na ilalagay sa lamesa.
“Twin, sobra ka ng isa…”
Natigilan ako ng magsalita si Aly. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. “What?” mahinang tanong ko.
“Umalis na kagabi si Jahann. Lumipat siya ng bahay…” sagot naman sa akin ni Aly.
Napatingin ako sa upuan ni Jahann. Katabi iyon ng upuan ko, sa gawing kaliwa ng upuan ni Daddy.
Nananaginip pa rin ba ako?
Umalis ba talaga siya?
“Sayang, maaga kang natulog kagabi. Hindi ka na nakapagpaalam sa kanya,” umupo si Aly sa upuan ko. “Ikaw na lumipat sa upuan ni Jahann, ha? Katabi si Daddy, eh. Late pa naman akong laging nakakababa. Baka araw-araw akong masermunan…” ngumiti si Aly sa akin.
“Bakit ako?” mahinang tanong ko sa kanya. Hawak ko pa rin ang isang plato na hindi ko pa nailalagay sa pwesto dapat ni Aly.
“Sige na, Twin. Dito na ako sa upuan mo. At akin na nga yang plato,” kinuha nito ang hawak ko at pinaupo ako sa upuan ni Jahann.
“Aly…”
Tumayo naman ito at nagpunta sa kusina.
Napailing ako. “This is just a dream. Nandito pa si Jahann…” mabilis akong tumayo at umakyat papunta sa kwarto ni Jahann.
Nanlalabo na ang mga mata ko.
“Jahann…” kumatok ako sa pinto ng kwarto niya.
“Jahann, open up…” hindi ko na napigilang mapahikbi. “It’s me…” isinandal ko ang noo sa pinto. “Nandyan ka, diba?” patuloy pa rin akong kumakatok. “Open up…”
Napahagulgol na ako nang walang sumagot sa akin… kahit ano.
Nanginginig ang kamay na binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Jahann. Sinalubong ako ng nakakabinging katahimikan. Ganoon pa rin ang ayos ng kwarto ni Jahann… maliban sa mga gamit sa lamesa nito na wala na roon…
Humakbang ako upang mas makapasok pa sa loob.
Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko nang makita ko ang camera na iniregalo ko kay Jahann noon na nakalapag sa gitna ng kama nito. Umupo ako roon at kinuha iyon.
Hindi panaginip ang lahat.
What happened yesterday was real. He left.
He didn’t… I pushed him away. I was the reason why he left.
Pilit kong pinatitigil ang sarili ko sa pag-iyak.
Wala akong karapatang umiyak. Wala akong karapatang masaktan dahil sa una sa lahat, ako ‘yung nananakit dito. Sinaktan ko si Jahann. Itinulak ko palayo si Jahann…
Wala akong karapatang magreklamo na nasasaktan ako.
Wala akong kahit na sinong mapagsasabihan ng nararamdaman ko…
Dala ang camera na iyon ay bumalik ako sa kwarto ko. Matapos maligo ay nakita ko si Aly na nakaupo sa may couch sa kwarto ko. “Namimiss mo na siya?” tanong niya sa akin.
“Ikaw din naman, diba?” balik-tanong ko sa kanya bago naupo sa harap ng salamin.
“I called him earlier. So, hindi na masyado. Besides, magkikita naman kami sa Ai’s. Hindi na nga lang siya nakatira dito sa bahay…” sagot ni Aly sa akin. “You should call him, too, Twin. Nakakabawas lungkot ‘yun…” dagdag pa niya.
Napangiti na lang ako ng tipid. Duda ako kung sasagutin ba ni Jahann ang tawag ko. Duda rin ako kung mababawasan nga ba ang lungkot ko kung tatawagan ko si Jahann. Natatakot akong mas masasaktan ko lang siya kung gagawin ko iyon.
“Let’s go to Ai’s later. Samahan mo ako sa shoot ko, para naman makumpleto tayong tatlo kahit na wala pang isang araw na wala si Jahann dito sa bahay…”
Natigilan ako sa paglalagay ng cream sa mukha ko. Nilingon ko si Aly. “Isasama mo ako?” tanong ko sa kanya. Tumango naman si Aly. “Why? Sa atin naman ‘yung Ai’s. We can go there whenever we want. Besides, nandoon si Jahann. Puntahan natin…”
“Aly…”
“No buts, okay? And can you make a cupcakes before we leave? I’ll help you. Gawa tayo after breakfast. So, bilisan mo na diyan kasi pababa na sila Daddy…” ngumiti si Aly sa akin bago tumayo at nagpunta sa pinto.
“Aly…” pigil ko sa kanya. Huminto naman siya at nilingon ako.
“You said you called Jahann…”
Tumango naman siya sa akin.
“Did he… I mean… uhm…”
Ngumiti si Aly sa akin. “He said he’s fine…”
Marahan akong tumango. “I’m glad to know that.”
“Bababa na ako. Sumunod ka na, ha?” paalam nito bago tuluyang lumabas sa kwarto ko. Napabuga ako ng hangin bago tinignan ang sarili ko sa salamin. Bakas pa rin sa mukha ko na wala akong tulog, at umiyak ako kaya naman nilagyan ko iyon ng concealer.
Nang makuntento na ako sa itsura ko ay nagbihis na ako para makababa na kaagad. Nahagip naman ng mata ko ang relo na regalo ni Jahann sa akin.
He’s right.
Hindi nga namin alam kung hanggang kailan lang ang mayroon kaming dalawa.
Lumabas na lang ako ng kwarto ko at bumaba para na rin mawala sa isip ko si Jahann—kahit na alam kong imposible ko iyong magawa.
“Cherinna, maupo ka na…” sabi ni Daddy sa akin nang dumulog ako sa hapag-kainan. Naroon na rin si Mommy at si Aly. Nasa may upuan ko nakaupo si Aly kaya naman wala akong choice kung hindi ang maupo sa upuan ni Jahann.
Huminga ako ng malalim bago naupo roon.
“Dad, alam mo po ba kung saan nagsstay si Jahann?” tanong ni Aly kay Daddy habang kumakain kami.
“Of course, Alyanna,” sagot ni Daddy sa kanya.
“Alam mo rin ba na naiinis pa rin ako sa pagpayag mong bumukod ang anak natin?” tanong ni Mommy kay Daddy.
“Ai, I told you countless times already that Jahann asked for it. Pupunta naman si Jahann dito kapag pinapunta mo. Hayaan mo na lang ang anak natin sa gusto niya…” mahinahong sagot ni Daddy kay Mommy.
“So if the twins asked us, too, papayagan mo rin?” tanong ulit ni Mommy kay Daddy.
He sighed before smiling at my mom. “That’s a different story, Ai.”
“I still hate you,” nakasimangot na sabi ni Mommy sa kanya.
“Can we visit him, Dad?” tanong naman ni Aly ulit habang kumakain kami. Hindi naman ako kumikibo. Halos hindi ko rin ginagalaw ang pagkain ko.
“You can, but not now, Alyanna. Kakaalis lang ni Jahann. Magkikita naman kayo sa Ai’s. Pabayaan niyo muna ang kapatid niyo…” tugon ni Daddy sa kakambal ko.
“Okay, Dad. Besides, pupunta kami mamaya ni Cherinna sa Ai’s kasi may shoot ako,” ani Aly. Tumango naman si Daddy dito bago lumingon sa akin. “You slept early last night, Cherinna…”
Natigilan ako bago nag-angat ng tingin kay Daddy.
“Uhm, masama po kasi ‘yung pakiramdam ko kagabi kaya nakatulog ako kaagad,” pagdadahilan ko na lamang.
“How are you feeling now?” tanong niya sa akin. Ngumiti ako ng tipid. “Okay lang po ako…”
Panaka-naka naman ang pagsali ko sa usapan nilang tatlo habang kumakain kami.Nag-iisip si Aly kung saan kami pwedeng magpunta para na rin magamit namin ang regalo sa amin ni Kuya Cloud noong birthday naming dalawa.
Matapos kaming mag-almusal ay magkasama namang umalis si Mommy at Daddy. Nagpaalam naman kanina si Aly na magpupunta kami ng Ai’s at pinayagan naman kami ni Daddy kaya walang problema roon.
“Twin, wala ba kayong lakad ni Ian ngayon? Naalala ko kasing bigla na lang kitang inaya, eh…” ani Aly habang nakaupo siya at nakatingin sa akin habang nagsisimula ko ng gawin ang cupcakes na nirequest niya kanina.
“I texted him already. Sinabi ko na may pupuntahan tayo,” sagot ko naman sa kanya na hindi tumitingin.
“You’re lucky to have Ian. Ang understanding niya sa’yo, ha?” sabing muli ni Aly.
Minabuti ko namang huwag na lang kumibo. Aly’s telling the truth. I am lucky to have Ian. Alam ko na ang bagay na iyon.
Alam ko rin na nagiging unfair ako sa kanya.
“Sana ‘yung magiging boyfriend ko, understanding din. ‘Yung kaya akong tiisin…” natatawang sabi ni Aly na kumuha na ng chocolate na nasa ref at kinain iyon.
“Kailangan ka talagang intindihin nun kung sino man siya. Alaagaan, mahalin…” ngumiti ako ng tipid bago ipinagpatuloy ang ginagawa.
“I remember you said you want someone like Dad. I guess, kapag na-in love ka, nagbabago talaga ‘yun, no? Ang layo ni Ian kay Dad, eh…” sinundan ni Aly iyon ng pagtawa. Hindi naman ako nagsalita.
“Magugustuhan ni Jahann ‘yan. Favorite niya ang red velvet, diba?” muling sabi ni Aly sa akin.
“Yeah, it’s his favourite…” tumango ako sa kanya.
Walang ibang ginawa si Aly kung hindi ang kumain sa tabi ko habang pinanunuod ako hanggang sa matapos ako. Marami ang ginawa ko para na rink ay Tito Dale at Tita Julia.
Sabay naman kaming naglunch ni Aly at bandang ala-una na ng hapon nang umalis kami sa bahay.
“Aly, I forgot to ask. Nasa Ai’s ba ngayon si Iris?” tanong ko sa kanya habang nagmamaneho ito. Kumunot naman ang noon i Aly bago bumaling sa akin. “Ang alam ko wala siyang shoot sa ngayon, eh. So, baka wala siya ‘dun. Bakit, Twin?” tanong ni Aly habang nakatingin sa akin.
Umiling ako. “Wala naman. Naisip ko lang itanong sa’yo,” umayos na ako ng upo at sumandal na lang. Hindi na rin ako nagsalita habang nasa biyahe kami.
Malamang ay naroon si Iris… kung wala man siya ngayon, siguradong bukas ay naroon siya. Malamang ay magiging mas madalas na silang magkita ni Jahann.
Geez, Cherinna. Stop it.
Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Ilang minuto pa ang lumipas at naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan ni Aly. Nilingon ko ang kakambal ko.
“We’re here…” sabi nito sa akin bago tinanggal ang seatbelt. Tumango na lang ako at inalis na rin ang seatbelt ko. Lumabas ako ng sasakyan at kinuha ang tatlong box na nasa may likod ng sasakyan ni Aly. Dinala na namin ni Aly lahat ng ginawa ko kanina para na rin sa iba pang naroon sa Ai’s. Kinuha naman ni Aly sa akin ang isang box.
“Tara na…” aya niya sa akin at nauna pa siyang maglakad. Hindi na lang ako nagsalita at sumunod sa kakambal ko. Binati naman kami ng mga tao na naroon. Tipid ko lamang silang nginingitian o di kaya’y tinatanguan.
“Tita!” malakas na tawag ni Aly kay Tita Julia nang makasalubong namin ito.
“Aly,” ngumiti ito at bineso ang kakambal ko. Napalingon siya sa akin. “Cherinna, himala at naligaw ka rito?” natatawang sabi nito bago bumeso rin sa akin.
“Inaya ko siya, Tita. Since Jahann moved out, I’ve decided to bring Cherinna with me para mabuo kami agad,” sinundan iyon ng pagtawa ni Aly.
“Ikaw talaga. By the way, Jahann’s inside. Pumasok na lang kayo. Wala naman silang ginagawa sa loob,” sabi nito sa amin. “May kakausapin pa kasi akong client. Alam niyo namang ayaw ng Daddy niyo na nagpapahintay kami ng client,” dagdag pa nito.
“Sige, Tita. And we brought cupcakes pala for you!” masiglang sabi pa ni Aly dito. “Sige. Just give it to Dean. Kasama siya ni Jahann sa loob,” sabi ni Tita Julia bago kami tuluyang iniwan.
Nilingon naman ako ni Aly. “Huwag mong bibigyan si Dean, ha?” sabi nito bago naunang maglakad. Napakunot naman ang noo ko sa kanya. Iiling-iling na naglakad na lang ako pasunod kay Aly.
Malakas ang tibok ng puso ko habang naglalakad papasok sa loob ng studio na pinasukan ni Aly.
Tahimik lang akong pumasok doon.
“Jahann, umuwi ka na kasi. Namimiss ka na kaya namin,” narinig kong sabi ni Aly kay Jahann. Nakaupo ito sa may lamesa habang nasa harap naman ni Jahann ang laptop nito.
“Kakaalis ko lang kagabi,” sagot naman ni Jahann dito.
“Kahit na. Hindi kami sanay na walang masungit sa bahay,” nakasimangot na sabi naman ni Aly dito.
“Cherinna?”
Napatingin ako nang may tumawag sa akin. Napatingin ito sa hawak ko. “Ba’t bitbit mo ‘yan?” lumapit sa akin si Dean at kinuha ang dala kong dalawang box na may lamang cupcakes. Hindi naman kalakihan ang iyon, kasing laki lang ng box ng cake kung tutuusin.
“Ah, magaan lang naman ‘yan, eh…” sagot ko kay Dean.
“Jahann, andito pala si Cherinna, eh…” tinawag ni Dean si Jahann. Nag-angat naman ng tingin si Jahann sa akin at mabilis rin na nag-iwas ng tingin.
“Dude, dito ka na muna. Wala pa namang masyadong ginagawa, eh…” tawag muli ni Dean kay Jahann.
“I’m busy, Dean,” ani Jahann na itinuon ang atensyon sa laptop nito.
“Wala ka namang—“
“Dean, it’s okay…” pigil ko rito. “Sumama lang naman ako kay Aly kasi pinilit niya ako…” sabi ko sa kanya.
Lumapit si Aly sa amin at naupo sa tabi ko.
“Cherinna baked cupcakes. At walang para sa’yo, okay?” sabi nito kay Dean. “Hindi naman ikaw ang may gawa, ba’t nagdadamot ka ba?” tanong ni Dean dito.
“Kambal kami. As one kaya ‘yan,” sagot naman ni Aly sa kanya.
“Marami naman ‘yung nagawa ko. Meron ding para sa inyo nila Tito Dale…” itinuro ko kay Dean ang isang box na para sa kanila ng parents niya.
“Yung isa para kay Jahann,” sabi naman ni Aly.
“Jahann? Kanina dumaan si Iris dito, eh. May dala ring cupcakes…”
Natigilan ako sa sinabi ni Dean.
“Naubos nga ‘yung bigay ni Iris, eh…” ani Dean na binuksan na ang isang box at kumuha ng isang cupcake sa loob.
“Wait lang, Twin. Alamin ko lang schedule ko for next week ah?” paalam ni Aly sa akin bago tumayo at iniwan kaming dalawa.
Napatingin ako sa gawi ni Jahann na seryosong nakatingin sa laptop nito.
“He moved out, totoo ba?” tanong ni Dean sa akin. Tumango ako.
“Buti pinayagan siya ni Tito Kerko?” natatawang sabi nito sa akin. Ngumiti lang ako. “Ang sarap mo naman magbake, Cherinna…” puri ni Dean sa akin.
“Jahann, you should try these. Favorite mo ‘yung red velvet diba?” alok ni Dean kay Jahann.
“Busog ako.”
“Paano ka nabusog? Hindi ka naman—“
“Iris gave me cupcakes earlier, remember?” putol nito sa sinasabi ni Dean.
“Kung ayaw mo, eh di wag. Ako na lang mag-aappreciate sa effort ni Cherinna…” ngumisi sa akin si Dean at kumuha ng isa pang cupcake.
Maya-maya ay may tumawag kay Dean dahil pinapatawag daw ito ng Daddy nito kaya nag-excuse siya sa akin. Tumango naman ako.
Naiwan ako sa loob ng studio kasama si Jahann.
Pero para naman akong mag-isa.
Nakaupo lang ako at walang ginagawa.
Bakit ba kasi sumama pa ako kay Aly dito? Sana ay pinadala ko na lang sa kanya ang cupcakes at nagpaiwan na lamang ako sa bahay namin.
Naalala ko ang camera na nasa bag ko. Dinala ko iyon para ibigay kay Jahann.
Huminga ako ng malalim bago tumayo at kinuha ang isang box na may lamang cupcakes at lumapit kay Jahann. Hindi man lang niya ako nililingon.
“Jahann…” halos walang boses kong tawag sa kanya. Hindi naman niya ako nilingon.
Inilapag ko sa mesa ang box.
“It’s your favourite and—“
“Just leave it. Maraming tao rito mamaya. Mauubos din ‘yan,” malamig na sagot niya sa akin.
Like what he said, he’s full. Dinalahan na siya ni Iris kanina.
Ngumiti ako ng tipid. “Okay. Oo nga pala dinala ko ‘yu—“ tumayo si Jahann at naglakad papasok sa isang kwartong naroon.
Laglag ang balikat na kinuha ko ang camera mula sa bag ko.
“I brought your camera…” mahinang sabi ko. Inilapag ko iyon sa tabi ng box na naroon at bumalik sa upuan ko kanina. Sabay namang bumalik si Aly at Dean na nag-aasaran.
Tumayo naman kaagad ako dala ang bag ko. Napakunot ang noo ni Aly. “Saan ka pupunta, Twin?” tanong niya sa akin.
“Uhm, nagtext kasi si Ian. Magkikita kami sa mall…” pagsisinungaling ko.
I’m so sorry, Ian. Alam kong hindi ako papayagan ni Aly na umalis kung hindi si Ian ang idadahilan ko.
“Wrong timing naman ng boyfriend mo, Twin…” nakasimangot na sabi ni Aly. I faked a laugh. “Ikaw ang nagtutulak sa akin kay Ian noon, ngayon nagrereklamo kang kasama ko siya lagi,” I told her.
“Sige na nga. Pero sabihin mo kay Ian, mas marami pa rin dapat ang Aly day kesa sa Ian day mo, ha?” sabi nito sa akin. Tumango naman ako.
“Nakausap mo na si Jahann?” tanong ni Dean sa akin. Umiling ako. Tumingin ako sa pintong pinasukan ni Jahann kanina. “Marami kayong ginagawa, eh. Hindi na ako mang-iistorbo,” sabi ko sa kanya.
“Sus. Si Aly lang istorbo dito, eh…” natatawang sabi ni Dean. Tinitigan naman ito ni Aly ng masama.
“I have to go,” paalam ko sa kanilang dalawa.
“Hindi ka na ba magpapaalam kay Jahann? I’ll call him,” ani Dean sa akin. Pinigilan ko naman kaagad ito.
“Huwag na, Dean…” ngumiti ako sa kanya.
“Hatid na kita sa mall, Twin?” tanong ni Aly sa akin. Umiling ako. “Susunduin ako ni Ian. He’s on his way already…” sagot ko sa kanya.
“Sige na nga. Mag-iingat ka, ha?” paalala niya sa akin. “See you later,” paalam ko sa kanya. “It’s nice to see you again, Dean…” ngumiti ako sa kanya bago muling lumingon sa pintong pinasukan ni Jahann kanina.
Ginusto mo naman ‘to, Cherinna. Just accept it.
Naglakad na lang ako pababa. Hindi ko alam kung ilang beses kong ikinurap-kurap ang mga mata para hindi tuluyang malaglag ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Dumiretso ako sa isang coffee shop na malapit sa Ai’s. Nagpalipas lang ako ng ilang minuto roon bago umuwi sa bahay. Naabutan ko naman ang sasakyan ni Ian na nakaparada sa labas ng bahay namin. Nakasandal ito sa sasakyan nito habang nakakrus ang dibdib.
Pagbaba ko ng taxi ay kaagad na tumuwid ang tayo ni Ian at lumapit sa akin.
“What are you doing here?” tanong ko sa kanya.
“Namiss ko lang ‘yung girlfriend ko,” ngumiti si Ian sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
“I thought you’re with Kevyn?” tanong ko ulit sa kanya. Nagkibit-balikat naman si Ian sa akin. “Wala naman akong gagawin sa shooting ‘nun. Nilayasan ko,” ngumisi siya sa akin. Napailing ako. “Baliw ka talaga kahit kailan…”
“Sa’yo lang naman,” iniyakap nito ang isang kamay sa bewang ko.
“Puro ka kalokohan,” sabi ko sa kanya. “Let’s go inside. Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya bago naunang maglakad.
“Hindi pa. Nagugutom na nga ako, eh. Parang gusto kong maglambing sa girlfriend ko…”
Nilingon ko si Ian. “Halika na. Magluluto ako,” aya ko sa kanya papasok sa bahay namin. Dumiretso naman kami sa kusina. “What do you want to eat?” tanong ko sa kanya.
“Namiss kita…” hinawakan ni Ian ang kamay ko. Napatingin naman ako sa mukha niya. “I’m really glad you said yes, Sunshine…” hinalikan niya ang likod ng palad ko.
I filled my lungs with air. “What do you want to eat?” tanong ko ulit sa kanya. Binawi ko ang kamay ko at tumalikod na para tignan ang pwede kong mailuto.
“Is it okay if I make waffles na lang? Or you want to order something? Anong mas gusto mo?” tanong ko kay Ian. Isinara ko na ang ref at naghanap sa cupboard ng magagamit ko.
“Ikaw lang naman ang gusto ko…” sagot ni Ian sa akin.
Nilingon ko siya at napasimangot ako. “I’m serious…” I rolled my eyes.
“And I’m serious, too…” ngumiti si Ian sa akin.
Iniwas ko ang tingin sa kanya. “Mag-order na nga lang tayo,” sabi ko sa kanya.
“Ang cute mo, Sunshine,” natatawang sabi ni Ian.
“Mas cute ka. Mukha kang tuta,” sagot ko naman sa kanya bago nagdial sa isang fastfood para magpadeliver na lang ng pagkain. Natawa naman si Ian bago niyakap ako mula sa likod.
“I love you, Sunshine…” bulong niya sa akin.
“Uhm… magbibihis na muna ako, Ian…” lumayo ako ng bahagya sa kanya at ngumiti. Tumango naman siya sa akin. Umakyat ako sa kwarto ko at nagbihis na para bumaba.
Natigilan ako nang magring ang phone ko. Kinuha ko iyon para tignan. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ko kung sino ang tumatawag sa akin.
Jahann calling…
Nang sasagutin ko na sana ang tawag ay bigla naman iyong nawala.
Wala pang isang minuto ay may pumasok naman na message sa sa phone ko.
Jahann:
I dialed the wrong number.
Napasimangot ako.
Minabuti ko na huwag na lang magreply dito at bumaba na.
Baka nga maling dial lang. Baka ganun nga lang.