Played By Fate (Book 1) Chapter 28

“SA lahat ng may boyfriend, ikaw ang mukhang kakabreak lang.”

Napalingon ako kay Kol nang magsalita ito. Naroon kami ngayon sa Blue’s Haven dahil na rin sa pag-iimbita ni Lean sa amin. Masaya ito na nakapasa lahat ng grades niya kaya naman inaya niya kami na magcelebrate daw. Naglabasan na ang grades namin at lahat kami’y walang problema doon.

Nasa may VIP room kami ni Kol habang nasa ibaba naman ang mga kasama namin at nakikisaliw sa ingay na naroon. Nagpaiwan na lamang ako dahil hindi ko rin naman maeenjoy ang crowd na naroon. Basta na lang din naman akong hinila ni Aly kanina. Hindi na ako nakatanggi dahil sinabi nito na magtatampo si Lean kung hindi ako pupunta.

“I’m fine, Kol…” sumandal ako at umayos ng upo.

Isang linggo na rin mula nang sagutin ko si Ian. Masaya si Aly sa naging desisyon ko. Ang sabi pa nga niya’y alam naman niya na iyon din ang magiging resulta ng panliligaw sa akin ni Ian. Pinatagal ko lamang daw.

I am lucky to have a boyfriend like Ian. He’s sweet, caring, he’s making sure I’m okay. Kung minsan ay hindi ito nagpaparamdam sa akin pero hindi ko naman pinapalaki ang issue na iyon. Alam ko na may ibang buhay pa si Ian, maliban sa school at sa akin. And to be honest, okay lang naman sa akin.

“Are you happy?” tanong ni Kol sa akin bago inabot ang isang bote ng sanmig na nasa lamesa.

Napayuko ako bago ngumiti ng tipid.

“Does it matter?” mahinang tanong ko.

Masaya ba ako?

I’m fine. I’m okay.

Alam ko naman na ito ang tamang gawin. Mas okay na ganito. Mas okay na maaga pa lang tapusin na, kahit wala pang nagsisimula dahil wala namang patutunguhan.

Hindi pwede.

“Of course, it does. Jahann’s priority is to make you happy…”

Kinagat ko ang labi ko at hindi nagsalita. Alam ko ang bagay na iyon. Alam ko na walang ibang ginusto si Jahann kung hindi ang mapasaya ako.

Alam ko ‘yun lahat.

“It’s for him, Kol…” mahinang bulong ko. Sa tuwina’y iniiwasan kong mapag-usapan ang bagay na ito dahil para itong isang bombang kinatatakutan ko na sumabog anumang oras. Iniiwasan ko ang paksang iyon para na rin hindi ko maramdaman ang sakit na hindi na naalis-alis sa akin mula nang araw na iyon.

“I understand your intention, but do you really have to use Ian just to justify your point?” tanong muli sa akin ni Kol. May kalakasan ang boses niya habang kausap ako. Walang ibang tao sa kwartong iyon, alam rin naming na walang CCTV na naroon kaya naman malakas ang loob ni Kol na kausapin ako.

“I’m not using him,” nag-iwas ako ng tingin.

He laughed sarcastically. “You don’t? Why, don’t tell me you’re in love with him because honestly, Cherinna… I won’t buy it.”

Nilingon ko si Kol. “Why, hindi ba pwede iyon? I had a crush on him before, remember? Paano kung gusto ko talaga si Ian? Paano kung mahal ko na nga siya? Hindi ba pwedeng ganoon, Kol?” tanong ko sa kanya. Nanginginig ang kamay ko. Nag-iinit ang mga mata ko.

“Then you must be lying to yourself, too…” diretsong sabi ni Kol sa akin.

“Do you have any idea, how hard it is to wake up everyday, knowing you’ll see him, but it won’t be the same anymore? How hard it is to ignore him eventhough that act kills you…” napayuko ako at tuluyan ng nalaglag ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

“Namimiss ko na si Jahann, Kol…”

Tuluyan na akong napahagulgol.

“I have to ignore him. Kailangan ko siyang iwasan kasi iyon ‘yung tama, eh…” patuloy na sabi ko rito. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko ngunit patuloy pa rin naman ang pagdaloy ng mga iyon.

“Cherinna…”

“I never wanted to use someone…. Lalo na si Ian…” humahagulgol ko pa ring sabi. “Pero kung makikita naman niya na masaya ako, masaya ako sa iba, kakalimutan niya na ako, diba?” nagtaas ako ng tingin kay Kol. Hindi ko mabasa ang iniisip nito, nanlalabo rin ang paningin ko dahil sa pag-iyak.

“I know, mukhang walang kwenta ‘yung desisyon ko, pero ginagawa ko ‘to para sa kanya. Pero ang sakit…” muli, hindi ko napigilan ang pag-iyak ko. “Namimiss ko na siya…”

Hinila ako ni Kol at niyakap.

“Hush now, Cherinna. Everything will be fine. The pain will be worth it…”

Hindi ako nagsalita. I buried my face on Kol’s chest and continue crying.

I really miss him.

“You need to stop crying, someone might come in and see you…” bulong ni Kol sa akin. Humihikbi akong tumango sa kanya. Humiwalay na rin ako at pinunasan ang pisngi ko. “Yeah, I should stop crying…” every night.

Ngumiti ako ng malungkot. “I’ll just fix myself,” paalam ko kay Kol bago tumayo at kinuha ang bag ko at naglakad papunta sa banyo na naroon. Pagsara ko ng pinto ay muling tumulo ang mga luha ko.

“Come on, Cherinna. Stop crying…” mahinang sabi ko sa sarili ko. I saw myself in the mirror. Bahagya nang namamaga ang mga mata ko. Kailangan ko na talagang tumigil sa pag-iyak. Ilang minuto akong nagpalipas sa loob ng banyo. Matapos akong maghilamos doon at maglagay na naman ng concealer, lumabas na ako.

“Kol, hindi ka ba bababa, sabay na tay—“ natigilan ako nang makita ko si Jahann na naroon. Wala si Kol. Walang kahit na sino. Halata rin ang pagkabigla sa mukha niya nang makita ako. Diretso siyang nakatingin sa akin.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko rin ay lumiit ang kwarto dahil nahihirapan akong huminga. Iniiwas ko ang mga mata sa kanya.

“Hindi ko alam na nandito ka…” halos pabulong kong sabi sa kanya.

“Kol told me no one’s here…” narinig ko namang sabi ni Jahann. Maging ang marahas na pagbuntong-hininga nito ay narinig ko.

“Baka nakalimutan niyang nasa CR ako…”

What the fuck are you doing, Cherinna? Don’t prolong the conversation. Just leave. Walk away and leave.

Pero ayaw kumilos ng mga paa ko. Ayaw gumalaw ng mga paa ko kahit pa pilit kong sinasabi sa sarili ko na maglakad na papalabas.

“Ah.”

Umayos ng upo si Jahann at kinuha ang isang bote na nasa lamesa.

In cases like this, I’d say, he should not drink that much. Kasi sabay kaming uuwi, hindi siya pwedeng magmaneho kung nakainom siya dahil si Al yang magdadrive pero hindi rin pwede dahil umiinom si Aly.

Pero ngayon, wala akong masabi…

Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanya.

“I saw your boyfriend downstairs…”

Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Jahann. Hindi siya nakaharap sa akin kaya naman halos side view lamang ng mukha nito ang nakikita ko. Inubos nito ang laman ng isang bote bago kumuha ng isa pa.

“Don’t drink that much, Jahann…” hindi ko na napigilang sabihin. Natigilan siya dahil sa sinabi ko bago ako nilingon.

“Stop acting like you care, Cherinna…” he smiled sarcastically.

I’m not acting.

“Just don’t drink that much. Magdadrive ka pa pauwi, eh…” kinagat ko ang labi ko. Nag-iinit na naman ang mga mata ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Hindi naman na nagsalita pa si Jahann. Itinuon na lamang nito ang atensyon sa iniinom. Napayuko na lamang ako at pinilit ang sarili na maglakad papalabas.

Mabigat ang loob ko sa bawat paghakbang ng mga paa ko. Hindi ako lumingon muli sa kanya. Lumabas na lang ako at bumaba para hanapin ang mga kasama ko.

Nakita ko naman kaagad si Kol na nakasandal sa pader na naroon habang nakatingin lang sa mga kasama namin. Agad akong lumapit sa kanya. “Hey,” kinalabit ko siya. Nilingon niya naman ako. “Since you’re bored here, can you go upstairs and uhm…” napabuga ako ng hangin. “Jahann’s drinking. I mean, he’s not drinking any hard drinks, pero Kol… pwede mo ba siyang bantayan?” pakiusap ko rito.

“Parang last week lang, si Jahann ang nakikiusap na bantayan kita…” natawa si Kol.

“I’m serious. Please, Kol?”

He nodded. “I will…”

I smiled to him.

Nakita naman ako ni Aly kaya hinila ako nito papunta sa kanila. Naroon na rin si Ian na dapat ay pupuntahan ako sa VIP room. Naupo na lamang ako habang katabi ko siya.

“Are you okay?” inilapit niya ang mukha sa may bandang tainga ko para marinig ko siya. Tumango naman ako ng marahan. Nasa may likod ng upuan ko ang kamay ni Ian. Kausap nito si Keij dahil may tinatanong si Keij dito tungkol sa sasakyan.

“Kumain ka na?” muling tanong ni Ian sa akin. “I’m fine. Don’t worry about me. Ikaw, kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya pabalik.

“Nakita na kita. Okay na ako…” ngumisi siya sa akin.

“Baliw talaga…” napailing na lang ako. Isinandal ni Ian ang ulo sa may balikat ko. Napatingin ako sa kanya. “I’m so damn lucky you said yes, Sunshine…” narinig kong sabi niya. Hindi ako nakapagsalita.

“Don’t treat me like I’m a treasure or something for you to be lucky. I’m not, Ian…” sabi ko naman sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko. Nakasandal pa rin ang ulo niya sa may balikat ko.

“But you are,” sabi nito bago dinala ang kamay ko sa mga labi niya para halikan.

“Aww, why so sweet?” kinikilig na sabi ni Aly sa amin.

“Nakakaumay kayo,” natatawa namang sabi ni Keij.

“Bitter alert!” maging si Lean ay nakisali sa usapan. Tumingin siya sa amin at ngumiti. “Pero ang sweet niyo ngang dalawa. Bagay na bagay kayo…” malaki ang pagkakangiti niyang sabi.

Ngumiti na lamang ako ng tipid. Pinagsaklop naman ni Ian ang kamay naming dalawa.

I feel guilty about this, too. It was a wrong move… I’m so selfish, I want Jahann to get over me, I used Ian just to make him see that there will never be an us. In our situation, that’s the most impossible thing to happen.

“Akyat na kaya tayo sa taas? Baka nabilang na ni Kol ang buhok niya ‘dun…” natatawang sabi ni Aly sa amin.

“He’s with Jahann…” sabi ko naman kay Aly. Kumunot ang noo nito. “Jahann? I called him earlier, sabi niya may gagawin siya…”

“Enzo, you called Jahann, right? Anong sinabi mo at napapunta siya dito?” bumaling si Lean sa kakambal nito. Nagkibit-balikat si Enzo pero ang mga mata niya’y dumako sa gawi ko.

“Weird talaga ‘nun,” napailing si Aly. “Let’s go there, para magkakasama na tayo…” nauna nang tumayo si Aly.

“Keij, hilahin mo na si Theon. Kanina pa yun gala ng gala dito,” sabi naman ni Lean bago kinuha ang bag at sumunod kay Aly. Kasunod din ng mga ito si Enzo.

“Let’s go, Sunshine…” hinawakan ni Ian ang kamay ko. Tinignan ko naman iyon. Ngumiti siya sa akin. “I won’t let your hand go, don’t worry…” muli niyang hinalikan ang kamay ko.

“Can we just stay here?” tanong ko kay Ian. Kumunot ang noo niya sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko. “Why? Is there something bothering you?” tanong niya sa akin. Umiling ako. “It’s just… baka mailang ka sa kanila…” pagdadahilan ko.

Ngumiti si Ian. “Ngayon pang napa-oo na kita pa ba ako maiilang? I’m fine, Sunshine. Besides, they are your friends, cousins, siblings. I should be close to them, too…”

Ngumiti na lang ako ng tipid at tumango. “Okay…”

Inalalayan niya akong makatayo. Nasa may likod ko ang kamay ni Ian habang naglalakad kami. Pag-akyat namin ay nakayuko na lamang ako. Hanggang sa buksan ni Ian ang pinto.

“Grabe, akala ko hindi kayo susunod!” malakas na sabi ni Aly.

“May pinag-usapan lang kami,” sabi naman ni Ian dito bago ako inakay papunta sa upuan. Natatakot akong mag-angat ng tingin dahil nararamdaman ko ang pagtitig niya sa akin. Naupo ako sa tabi ni Aly habang nasa kabila ko naman si Ian.

“Hey, are you sure you’re okay?” tanong ni Ian sa akin. Muli, malapit sa tainga ko ang bibig nito. Nilingon ko naman ito kaya naman napakalapit ng mukha naming dalawa. Agad din akong nag-iwas at tumango. “Yes, I’m fine…”

Napatingin ako sa gawi ni Jahann. Nakatitig siya sa akin.

Ako ang naunang magbawi sa aming dalawa.

“Twin,” inabot sa akin ni Aly ang isang baso na may alak. “We should all celebrate since walang bagsak sa atin,” sabi pa nito. Si Ian naman ay inabutan ni Keij ng isang bote. “Make sure you’ll take care of my cousin. Or else, someone will end up dead. Are we clear?” ani Keij bago ibigay ng tuluyan kay Ian ang bote.

“I’ll take care of her,” sagot ni Ian dito. Tumango si Keij dito.

Kinuha ko ang baso na binigay ni Aly na kanina’y inilapag ko.

“Drink this instead,” inusog ni Jahann ang baso ng iced tea na nasa lamesa. Napatingin ako sa kanya.

Humigpit ang hawak ko sa baso. Kung patuloy kong tatanggapin ang ginagawa ni Jahann, mas lalo lang siyang mahihirapan.

“I’m fine, Jahann. Thank you,” iyon lamang at ininom ko ang laman ng basong hawak ko. Napapikit pa ako dahil hindi naman talaga ako sanay uminom kahit pa light lang iyon.

I saw Jahann’s jaw tightened as I emptied the glass.

Hindi ko alam kung nakailang baso ako ng alak ng gabing iyon. Gusto ko lang iwasan si Jahann. Gusto ko lang na isipin niya na wala akong nararamdaman sa kanya. In that way, it’d be easier for him to forget me.

“Ang sakit ng ulo ko…” inuyuko ko ang ulo ko sa may lamesa. Katabi ko si Aly na natatawa. “Sino ba kasi may sabi sa’yo na gawin mong juice ‘yung alak? Sabi ko, celebrate. Hindi magpakalunod…” sabi nito sa akin.

Napaungol ako ng marahan. “Hindi na ako iinom ulit,” sabi ko kay Aly.

“Sinabi na lahat yan ng mga nalasing, Twin…” patuloy ang pang-aasar niya sa akin.

“Drink these…”

Napaangat ang tingin ko nang magsalita si Jahann. May inilapag ito sa gilid ko. May kasama pa iyon na pineapple juice.

“Thank you…” mahinang sabi ko bago kinuha ang dalawang tableta na inabot niya at ininom ang mga iyon. Napasandal ako.

“Buti hinatid ako ni Ian kagabi…” masakit pa rin ang ulo ko. Kaninang umaga ay nagising ako sa kwarto ko at pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo ko sa sakit. Napansin ko rin na iba na ang damit ko. Malamang ay si Manang ang nagpalit ng damit ko.

“What? Lasing ka nga talaga,” sabi ni Aly bago kumagat sa tinapay nito na nilagyan nito ng strawberry jam. “Dapat ihahatid ka ni Ian, kaso kasama naman natin si Jahann. Si Jahann ang kasama natin umuwi. Siya rin ang nagbuhat sa’yo papunta sa kwarto mo.”

“What?” Napatuwid ang likod ko. Napalingon ako sa tabi ko. Hindi nagsasalita si Jahann.

“You’re no longer allowed to hold any liquor, Cherinna…” malamig na sabi ni Jahann.

“Sorry…” halos walang boses kong sabi.

I thought it was Ian… then it must be Jahann.

It’s him who kissed me on my forehead…

“Jahann, sama pala kami ni twin sa Ai’s today, ha?” sabi ni Aly dito. Napalingon naman ako. Bakit kasama na naman ako?

“Okay. Dean’s there. You have someone to talk to later.”

“Dean? As in Tito Dale’s son?” tanong ni Aly dito. Tumango si Jahann. “Nakabalik na pala ‘yun…”

Hindi na ako nakisali sa usapan nila at kumain na lang din kahit pa masakit ang ulo ko. Ang plano ko’y matulog maghapon pero mukhang hindi iyon ang mangyayari.

“After eating, maligo na, twin ha? Sabay na lang tayo kay Jahann…” paalala ni Aly sa akin.

“Baka may lakad si Cherinna, Aly. Wag na siyang isama.”

“May lakad ba kayo ni Ian ngayon?” tanong sa akin ni Aly.

Pakiramdam ko ay may sumipa sa dibdib ko sa naging tono ni Jahann. Na para bang ayaw niya akong makasama. Pero iyon naman ang gusto kong mangyari, eh. Ang bitawan ako ni Jahann.

“Yeah. May lakad kami ngayon,” pagsisinungaling ko kay Aly. Mukhang tuloy na ang plano kong matulog buong maghapon.

“Sayang naman. Pero okay lang. Boyfriend mo ‘yon, eh. Just enjoy, okay?” sabi ni Aly sa akin. Tumango naman ako. “Aakyat na ako sa kwarto, tapos na akong kumain…” paalam ko sa kanila bago tumayo.

“Pero hindi mo pa halos nagagalaw ang pagkain mo.”

“Busog na ako…” ngumiti ako ng tipid.

Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko bago nagpatuloy sa paglalakad.

Just accept it Cherinna. Remember, you’re doing this because it’s the right thing.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong nahiga sa kama at nagtalukbong ng kumot. Yakap-yakap ko ang unan ko habang nararamdaman ko ang pagdaloy ng mainit na likido mula sa mga mata ko.

Nakatulog ako at nagising ng bandang hapon na. Nabasa ko rin ang message ni Ian na may aasikasuhin ito ngayong araw. Nagreply na lang ako na mag-ingat siya bago ako lumabas ng kwarto ko. Napadaan ako sa kwarto ni Jahann at nakita kong bahagyang bukas iyon.

Tila may sariling isip ang mga paa ko at nagtungo iyon papunta sa loob.

It’s still the same… but something has changed.

Sa tuwing papasok ako sa kwarto ni Jahann noon, walang kaso sa akin. Ngayon, pakiramdam ko ay hindi na ako maaari sa loob ng kwartong iyon. After I hurt him, I have no right to be close to him anymore…

Nakita ko ang camera ni Jahann na naroon. It was my gift to him, actually. Noong birthday niya. Kinailangan ko pang mag-ipon para doon dahil ayokong humingi kay Mommy at Daddy ng ipangreregalo kay Jahann.

Napangiti ako ng malungkot. Hindi ko nakikita na ginagamit ni Jahann iyon sa Ai’s. Tuwing aalis lang kami niya ginagamit ang bagay na iyon.

Kinuha ko iyon at tinignan. Parang bago pa rin.

Tinignan koi yon para tignan ang mga pictures na naroon.

“What are you doing here?”

Napapitlag ako nang may magsalita mula sa likod ko.

“Jahann…”

“What are you doing here?” tanong niyang muli sa akin.

“I… the door was open and…” huminga ako ng malalim. “I’m sorry.”

Kumunot ang noo niya nang makita ang hawak ko.

“Huwag mong pakialaman ‘yung gamit ko.”

Natigilan ako at napaangat ang tingin sa kanya. Lumapit siya sa akin at kinuha ang camera mula sa kamay ko.

“Hindi ko naman pinapakialaman. I just saw it and I remember I gave it to you and—“

“You want it back?” putol niya sa sinasabi ko. Malamig ang boses niya.

Umiling ako. “I don’t.”

May inalis lang si Jahann sa camera at ibinigay sa akin. Napatingin ako sa kanya. “Here take it. And leave my room.”

“Jahann, hindi ko naman binabawi ‘to, eh. I’m sorry na pumasok ako sa kwarto mo. Hindi ko naman alam na nandito ka at—“

“Why are you even here, Cherinna?” nilingon niya ako. “Anong ginagawa mo dito?” asik niya sa akin.

Nanginig ang mga tuhod ko sa tono ni Jahann. “I’m sorry…”

“Sorry? As if that word can take all the pain away…” he laughed sarcastically.

“Jahann…”

“Just leave, Cherinna.”

“I’m sorry that I hurt you…” hindi ko na napigilan ang mga luha ko. “I’m sorry…”

Inilapag ko ang camera sa may kama niya bago naglakad papalabas ng kwarto ni Jahann. Bumalik ako sa loob ng kwarto ko at doon muling umiyak.

I’m just doing the right thing, but why does it have to be this painful?

Kung hindi pa ako kinatok ni Aly sa kwarto ko ay wala akong balak lumabas. Tahimik lang si Aly habang naglalakad kami pababa para kumain.

“Okay ka lang, Aly?” tanong ko sa kanya.

Humarap sa akin si Aly. Umiling ito at bigla akong niyakap. Nagulat ako ng bigla itong umiyak.

“What happened? Twin, are you okay?” tanong ko sa kanya. Hindi nagsalita si Aly. Umiiyak lang ito.

“Alyanna…” niyakap ko na lang din ito kahit pa hindi ko alam kung bakit siya umiiyak. “You want to talk about it?” tanong ko sa kanya. “Malalaman mo rin naman…” sabi nito sa basag na tinig. Kumunot ang noo ko.

“Tara na nga…” aya ni Aly sa akin.

Wala pa man kami sa dining room ay narinig ko na ang boses ni Mommy.

“What do you mean pumayag ka, Mikael?” tanong ni Mommy kay Daddy.

Nilingon ko si Aly. “What’s happening?” tanong ko sa kanya.

“Just listen…” sagot nito na umiiyak pa rin.

Maghihiwalay ba ang parents namin? I never heard mom raised her voice like that?

“Ai, just calm down, okay? Jahann asked for it. And he’s old enough to move out.”

Natigilan ako sa narinig kong sagot ni Daddy.

Jahann’s moving out?

Narinig ko ang muling pag-iyak ni Aly na nasa tabi ko.

“Are you insane? You’re telling me to agree na umalis ‘yung anak natin?” tanong ulit ni Mommy kay Daddy.

“No, I’m telling you to accept it because that’s what Jahann wants.” Kalmado lamang ang boses ni Daddy.

“Mikael, he’s too young to move out!” Malakas ang boses ni Mommy.

“Ai, he’s old enough. And he’s the one who asked for this. Trust your son and just accept it.”

“You know I can’t do that,” humina ang boses ni Mommy. “Ayokong umalis si Jahann dito sa bahay natin…”

Aalis siya?

“Just accept it. Let him be independent, Ai…”

Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko.

“Can you convince him, twin?”

Napalingon ako kay Aly nang magsalita ito. “Ayoko ring umalis si Jahann dito, eh…”

Convince him? I doubt it kung gusto akong makita ni Jahann ngayon…

“Please, Cherinna?” hinawakan ni Aly ang mga kamay ko. Tumango ako sa kanya.

Muli akong umakyat at nagpunta sa kwarto ni Jahann.

Malakas ang tibok ng puso ko nang kumatok ako.

“Sino ‘yan?” tanong ni Jahann mula sa loob.

“It’s me…” sagot ko naman.

Hindi na ito sumagot. Binuksan ko na lamang ang pinto.

Nakita ko na nag-aayos na si Jahann ng gamit nito.

Nag-unahan naman ang mga luha sa mga mata ko sa pagtulo.

“You’re leaving?” tanong ko sa kanya.

“What do you think?” tanong nito nang hindi ako nililingon.

“And I’m the last to know about that decision?” nakatayo lang ako habang nakatingin kay Jahann. Patuloy ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

“Ikaw ang unang nakaalam, Cherinna…

“You don’t have to leave…” hindi ko na napigilan mapahikbi. “You don’t have to move out…”

Tumigil si Jahann sa ginagawa nito at yumuko. “Kailangan ko.”

“Jahann…”

Hindi na ito nagsalita at pinagpatuloy ang ginagawa. Tumalikod na ako at naglakad pabalik sa pinto. “Let me ask you a question, Cherinna…”

Natigilan ako sa paglalakad. Nilingon ko siya. Tumayo naman siya mula sa kinauupuan niya at naglakad papalapit sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya.

Huminto siya nang nasa harap ko na siya. Tinitigan niya ako.

“Wala ka ba talagang ibang nararamdaman para sa akin?”

Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa tanong niya.

“Jahann…”

“Just answer that.”

Don’t do this.

“Just answer that, Cherinna, please…”

Yumuko ako. “You’re my brother. I… I love you because you’re my brother…” nakakuyom ang kamay ko habang sinasabi iyon kay Jahann. “Wala ng iba pa…” dagdag ko pa rito.

God, I want him to stay but being with me will just hurt him even more. Anong gagawin ko?

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. “You’re not a good liar, Cherinna,” dama ko ang lungkot sa boses ni Jahann.

Huminga ito ng malalim bago ako binitiwan. Naglakad na itong muli pabalik sa mga gamit nito at muling nag-impake.

Ilang minuto pa akong nakatayo roon bago ko narinig ang pagkatok ni Aly. Pumasok siya at kinumbinsi rin si Jahann na huwag ng umalis pero tila buo na ang desion niyo.

Bumalik na lamang ako sa kwarto ko at umiyak.

Wala na ba akong gagawin kung hindi ang umiyak ng umiyak?

Hanggang kailan bang ganito?

Pumasok si Aly sa kwarto ko nang bandang alas-onse.

“Jahann’s leaving…” sabi niya sa akin. Hindi ako nagsalita. “Babalikan na lang daw niya ‘yung ibang gamit niya…” dagdag pa ni Aly. Ramdam ko ang kalungkutan ni Aly.

Nagi-guilty ako.

Alam ko na ako ang dahilan ng pag-alis ni Jahann.

“Twin, hindi ka ba magpapaalam sa kanya?” tanong ni Aly sa akin. Umiling ako. Nakaupo lang ako habang yakap ang stuffed toy na bigay ni Jahann.

“Cherinna…”

“I talked to him already…” sabi ko bago pa man may ibang masabi si Aly.

Tumango siya sa akin. “I’ll just tell him you’re sleeping already…” sabi ni Aly.

Tumulo na naman ang luha sa mga mata ko. Niyakap ko ng mahigpit ang bear na bigay ni Jahann habang umiiyak.

“Promise me you’ll be okay, or else, iuuwi kita talaga dito,” narinig kong sabi ni Mommy kay Jahann nang bumaba ako. Nasa may likod ako ng pinto habang nasa labas silang lahat at hinatid si Jahann.

“Mom, I’ll be okay. Hindi na ako bata,” narinig kong sagot ni Jahann kay Mommy.

“Ai, stop crying. Hindi naman mawawala ang anak natin. Lilipat lang ng bahay…” sabi naman ni Daddy kay Mommy.

“Hindi ako sanay na hindi sila kumpleto…” I heard mom’s voice again.

Nakatakip ang isang kamay ko sa bibig ko upang mapigilan ko ang sarili ko na gumawa ng ingay.

“Take care, Jahann. Pinagbigyan kita rito pero mag-iingat ka…” bilin ni Daddy kay Jahann.

“Nakakainis ka…” I heard Aly’s voice. Umiiyak ito. “Kasi naman, eh. Bakit kailangan mo pang umalis? Mamimiss kita…” natuloy na iyon sa paghagulgol.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang malakas na paghikbi.

“We’ll see each other, Aly. Nasa Ai’s lang din naman ako…” sagot ni Jahann dito.

“Kahit na…” sabi naman ni Aly.

“Where’s Cherinna? I thought you called her, Alyanna?” tanong ni Daddy kay Aly.

“Natutulog na siya, Daddy…” sagot ni Aly dito.

“Wake her up. Your brother’s leaving and she’s not here…” utos ni Daddy kay Aly.

“No need, Dad. Let her rest. Nakausap ko na kanina si Cherinna…” pigil ni Jahann kay Daddy. “Nagpaalam na siya sa akin…”

Jahann…

“I have to go. Mag-aayos pa ako ng saglit ‘dun, eh…” sabi nitong muli kay Mommy, Daddy at Aly.

“Mag-iingat ka, okay?” muling sabi ni Mommy kay Jahann.

“I will…” he replied. “Aly, take care of Cherinna…” bilin ni Jahann sa kakambal ko. “Alis na ako…” paalam nitong muli.

Patuloy naman ang pagpatak ng luha ko. Bumalik na lamang ako sa kwarto ko at doon tahimik na umiyak.

Hawak ko ang singsing na bigay ni Jahann.

“You’re no longer mine…”

Ipinikit ko ang mga mata at patuloy na umiyak ng umiyak.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.