Played By Fate (Book 1) Chapter 4

“GOOD morning!” masiglang bati sa akin ni Aly nang buksan niya ang pinto ng kwarto ko. Napalingon naman ako sa kanya habang nagsusuklay. “Ang aga mo naman ata?” tanong ko sa kanya bago kinuha ang relo na nasa may lamesa sa tabi ng kama ko at isinuot iyon. It’s just 7 am. Ganitong oras ay tulog pa si Aly kaya nakakapagtaka na gising na ito at nakapag-ayos na din.

“Aalis kasi tayo mamaya kaya maaga akong nagising,” ngumisi ito bago umupo sa may kama ko at niyakap ang purple na stuffed toy na naroon. Kung panay purple ang gamit ko, ang kay Cherinna naman ay karamihan ay pula.

Tumango lang ako sa kanya bago kinuha ang gamit ko. Kagabi pa naman namin naayos ang gamit na dadalhin namin. Nasa sasakyan na din iyon ni Jahann kaya wala na kaming poproblemahin pa.

“May shoot ka ngayon, diba?” tanong ko sa kanya nang lumabas na kami sa kwarto ko. Tumango naman siya sa akin. Kung minsan ay nagmomodel si Aly sa Ai’s. Noong isang araw lang siya naabisuhan tungkol sa photo shoot at wala namang problema iyon dahil isang subject lang si Aly kapag Friday.

“Good morning to my super beautiful mom!” masayang bati ni Aly kay Mommy nang nagpunta kami sa dining room. Nakaupo na si Daddy at si Jahann. Natawa naman ako kay Aly. Halata talaga ang kakambal ko kapag may kailangan.

“Hi, Dad. Ang gwapo mo lalo today!” ngumisi ito habang nakatingin kay Daddy.

“I already said yes, Alyanna. Hindi mo ako kailangang utuin,” sagot ni Daddy dito. Napangiti lang ako. Si Mommy naman ay tinapik ang balikat ni Daddy. “Ang aga-aga, masungit ka na agad, Love.”

“Hindi naman, ah?” sagot ni Daddy kay Mommy.

“Titigan mo na lang ako para hindi ka magsusungit diyan,” matamis na ngumiti si Mommy kay Daddy. Nakatingin lang ako sakanilang dalawa. Natutuwa talaga ako kapag ganyan si Mommy. Kitang-kita na masaya siya kay Daddy.

“Ikaw lang naman ang nakikita ko,” sagot naman ni Daddy kay Mommy.

“Dad, Mom…” saway ni Jahann sa dalawa. Natawa naman si Aly. “Tigil na daw kayo sabi ni Jahann. Wala kasi siyang lovelife…” pang-aasar ni Aly kay Jahann.

“Shut up,” malamig na sabi ni Jahann dito. Ni hindi nito nilingon si Aly.

“Buti pa si Cherinna. Araw-araw nakikita ang future niya…”

Napatingin ako kay Aly na naglalagay ng pagkain sa plato nito. “Aly!” saway ko sa kanya. Kung ano-ano na naman kasi ang sinasabi. Simula noong Martes, ganyan na si Aly. Lagi na lang akong inaasar kay Ian. Nung Wednesday, sinamahan niya pa ako sa classroom ko para lang makita si Ian.

“May boyfriend ka na, Cherinna?” diretsong tanong ni Daddy sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. Agad akong umiling. “Wala, Daddy. Baliw lang ‘tong si Aly, eh. Classmate ko lang ‘yun…” pagpapaliwanag ko dito.

“Cherinna, it’s okay with us kung magboboyfriend ka na. Kayo ni Alyanna. It’s part of growing up…” nakangiti si Mommy sa amin ng kakambal ko nang sabihin niya iyon. Naramdaman ko ang mahinang pagsipa ni Aly sa paa ko sa ilalim ng mesa. Tinignan ko naman siya at pinanlakihan ng mga mata.

“Mom—“

“Love, they’re still young for that,” naputol ng sinabi ni Daddy ang sasabihin sana ni Jahann. Huminga ng malalim si Daddy bago tumingin sa amin ni Aly. “Fall in love when you’re ready, okay?” sabi niya sa amin bago lumingon kay Jahann. “And you should take care of them, Jahann…” tinapik nito ang balikat ni Jahann. Tumango naman ang kapatid ko bago lumingon sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya.

Nag-aayos na ako ng gamit ko para sa pagpasok nang lumapit si Aly sa akin. “Sa Ai’s na ako didiretso…” sabi ni Aly sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Ang alam ko ay may klase pa siya ngayon. “Cancelled ang class namin,” ipinakita pa nito ang nareceive na text message sa akin.

“Okay,” tumango ako sa kanya. “Daanan ka na lang namin sa Ai’s mamaya ni Jahann para sabay-sabay na tayo nila Kol at—“

“Hindi ako papasok ngayon,” putol ni Jahann sa sasabihin ko. Nilingon ko siya at nakatingin siya sa amin ni Aly. “Pupunta ako sa Ai’s. May gagawin ako ‘dun, eh…” sagot niya sa tila tanong na hindi ko nasabi.

“Ah. Sige,” tumatango-tango kong sabi. “Idaan mo na lang muna ako sa school, pwede ba ‘yon?” tanong ko sa kanya. Marahang tango lang ang isinagot niya sa akin.

“Sasabay na din pala ako. Flat ‘yung gulong ng sasakyan ko, eh…” sabi ni Aly bago binuksan ang pinto sa likod ng sasakyan ni Jahann.

“Sa harap ka na, Aly. Si Cherinna na sa likod…” iyon lamang at pumasok na sa loob ng sasakyan nito si Jahann. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pumasok sa loob ng sasakyan ni Jahann.

Tahimik lang kaming tatlo habang nasa biyahe. Laking pasasalamat ko na lang din at hindi inuungkat ni Aly ang tungkol kay Ian. Abala ito sa pagtingin ng mga damit na susuotin para sa shoot niya mamaya. Lagi namang focused si Aly kapag gusto talaga nito ang isang bagay. Napatingin ako kay Jahann. Seryoso ito habang nagmamaneho. Napapansin ko na din na ilang araw na din siyang mas tahimik. Malapit ko na talagang sabihan si Kol na wag ding sumasama ng sumasama kay Jahann. Baka sa susunod, hindi na talaga kumibo ang kapatid ko.

Nag-angat siya ng tingin kaya nagtama ang paningin namin sa rearview mirror ng sasakyan niya. Ngumiti naman ako sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin.

Huminga na lang ako ng malalim bago isinandal ang ulo sa upuan habang nakatingin sa labas. Maya-maya ay kinalabit ko si Jahann.

“Can we stop by somewhere? Gusto ko ng ice cream,” sabi ko sa kanya. Nilingon naman ako ni Aly at ngumiti sa akin. Nakagawian na kasi namin ni Aly ang pagkain ng ice cream ng biglaan.

“Sa school ka na lang bumili. Ask Keij or Theon to buy you an ice cream later,” sagot ni Jahann sa akin. Pinagpatuloy lang nito ang pagmamaneho.

“Jahann, five minutes won’t hurt. May madadaanan naman tayong convenience store, bumili na muna tayo for Cherinna…” ani Aly kay Jahann.

“Matatraffic tayo,” tila balewalang tugon ni Jahann.

“It’s fine. Bumili na muna tayo tapos—“

“Wag na, Aly…” pigil ko sa kakambal ko. Nilingon niya ako kaya nginitian ko siya. “Baka nga maipit tayo sa traffic kung hihinto pa tayo. Sa school na lang ako bibili mamaya. Bigla kasi akong nagcrave, eh…” sinundan ko iyon ng mahinang pagtawa.

“You sure? Nababaliw ka kaya kapag nagke-crave ka…” pabirong sabi ni Aly sa akin. Inirapan ko naman siya. “Tignan mo, nagsisimula na…” patuloy na pang-aasar niya sa akin. Binato ko na lang siya ng tissue na dala ko.

“Dito na lang sa labas, Jahann…” sabi ko sa kapatid ko nang makarating na kami sa school. Tumango lang siya ng marahan sa akin. Lumabas na ako ng sasakyan pagkatapos.

“Kay Kol ka na lang sumabay mamaya sa pagpunta sa Ai’s, ha?” paalala ni Aly sa akin. Tumango ako dito bago nagpaalam. “Ingat,” kumaway pa ako bago pumasok sa gate ng school.

Habang naglalakad ako ay may lalaking umakbay sa akin.

“Hey, is your name mine? Because I’m yours…” sabi nito sa akin.

I looked at him and sighed wearily. “Ganyan ba ‘yung pangmalakasan mong sinasabi sa mga babae mo, Theon?” tanong ko dito bago tinanggal ang pagkakaakbay sa akin.

“Hindi effective?” tanong nito sa akin. Umiling naman ako sa kanya. “Hindi naman lahat ng babae, madadaan mo sa pick-up lines mo, eh…” natatawang dagdag ko pa. Lumapit naman si Keij sa amin.

“Sabi ko nga kay Theon, idiretso na lang sa kama, wala pang pick-up lines na kailangan,” nakangising sabi ni Keij sa amin. Napahinto naman ako sa paglalakad at tinignan siya.

“Forget I said those words…” ngumiti siya sa akin bago naunang maglakad na. Napailing na lang ako. Kapag si Theon at Keij talaga ang magkasama, hindi maiiwasan ang maberdeng usapan sakanila. Tito Cupid used to say, manang-mana sila sa mga tatay nila.

“Sa Ai’s na lang daw magkita-kita mamaya, sabi ni Aly,” ani Keij habang naglalakad kami. Tumango na lang ako. Alam ko naman na iyon.

“Susunod na lang daw sila Ate Caryl,” sabi naman ni Theon.

“Sige na, papasok na ako sa room,” paalam ko sakanilang dalawa. Tumango naman sila sa akin. Malamang ay tatambay pa ng kaunti ang dalawang iyon at maghahanap na naman ng magandang babae. Minsan, napapaisip na lang ako kung ilang babae na ba ang umiyak dahil sa dalawang iyon.

Wala pa gaanong tao nang makarating ako sa room namin. Umupo na lang ako at tahimik na naghintay. Wala naman kasi akong maituturing na malapit na kaibigan sa klase. Si Aly at si Jahann ang tinuturing kong best friend ko, eh.

Huminga na lang ako ng malalim bago sumandal. Napadako ang tingin ko sa pinto nang pumasok si Ian. May suot itong cap na puti at naka-itim na t-shirt.

“Morning,” bati ko dito nang maupo siya sa tabi ko. Nung Martes ay sabay kaming naglakad papasok sa classroom. Noong Miyerkules naman ay inihatid pa ako ni Aly sa room kaya nakilala niya ang kakambal ko. Kahapon naman ay nauna siya sa akin na pumasok.

Sa loob ng tatlong araw na iyon, nakikita ko siyang nakangiti. Ngayon, sobrang seryoso ng mukha niya.

Ano bang problema ng mga tao ngayon?

“Are you okay?” tanong ko sa kanya. Sinilip ko siya dahil natatakpan ng cap ang mukha niya.

“I’m fine,” tipid na sagot niya sa akin at saka nag-iwas ng tingin.

Hindi na lang ako nagsalita ulit. Halata naman na ayaw niyang makipag-usap sa ngayon. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pakikinig sa lesson namin. Damang-dama ko ang kalamigan sa aura ni Ian.

May isang parte ko na gustong magtanong sa kanya kung anong nangyari ngunit pinigilan ko na lang ang sarili ko. Hindi ko naman ugaling makialam sa business ng ibang tao.

Nang matapos ang klase namin, hindi agad tumayo si Ian. Nakaupo lang siya at tila malalim ang iniisip. Nakatingin lang ako sa kanya at mukhang hindi man lang niya nararamdaman na nakatingin ako sa kanya. Huminga ako ng malalim bago tumayo at lumabas na ng classroom.

Ilang araw ko pa lang naman siyang kilala.

Hindi lang siguro ako sanay na ganoon siya dahil nitong mga nakalipas, lagi naman siyang nakangiti sa akin.

Nagtext ako kay Keij na wala na akong klase, kaya naisip ko na mauuna na lang ako sa Ai’s at doon na lang kami magkita-kita. Pumayag naman si Keij.

Habang naglalakad ako, naiisip ko pa din si Ian.

“God, bakit ba ako nabobother?” I stopped walking and sighed. “Ewan, bahala na nga…” bumalik na lang ako sa room para tignan kung naroon pa siya. May dala-dala din akong ice cream.

Nakita ko siyang nakasandal sa upuan niya at nakapikit.

Tumikhim ako.

Hindi niya ako pinansin.

Napasimangot ako. Naglakad na lang ako papalapit sa kanya at umupo sa upuan ko.

“Ian…” tawag ko sa kanya.

He lazily opened his eyes and looked at me.

“Ice cream?” alok ko sa kanya sabay abot ng hawak ko.

“No, thanks…” halos walang boses na sabi niya sa akin.

“Whenever I’m not in the mood, kumakain ako ng ice cream, tapos magiging okay na ako…” sabi ko sa kanya. “Dali na, kunin mo na ‘to…”

“I’m fine.”

“Sige na, kunin mo na ‘to…” muli inabot ko sa kanya ‘yung isang ice cream na hawak ko at nabigla ako sa ginawa niyang sunod. Tinabig niya ang kamay ko.

“Can you just leave me alone?” malakas ang boses na sigaw niya. Nag-echo iyon sa loob ng classroom. Natigilan ako dahil sa ginawa niya.

“Damn…” he hissed.

Napayuko ako. “I’m sorry…” mahinang sabi ko. “I just thought you need someone, so I came here…” kinagat ko ang labi ko.

“I don’t need anything.”

Kinurap-kurap ko ang mga mata ko.

Wala pang kahit na sino ang nakakasigaw sa akin.

“Yeah…” tumango ako bago kinuha ang gamit ko at tumayo na. “Sorry…” iyon lang at lumabas na ako ng classroom. Mabilis ang mga hakbang ko. Hindi ko din mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Dapat kasi hindi na lang talaga ako nakikialam sa ibang tao, eh. Hindi na lang sana ako nag-abala pa. I just wiped my tears away. Lumabas na din ako ng school at nagtaxi na lang ako papunta sa Ai’s.

Hindi ko mapigilang isipin ang nangyari.

Mababaw lang naman iyon pero hindi ko maiwasang hindi sumama ang loob.

Ilang beses pa akong nagpakawa ng malalim na buntong-hininga para na din gumaan ang pakiramdam ko. Hindi na dapat ako magpaapekto sa nangyari.

Pagdating ko sa Ai’s ay dumiretso na ako agad sa may studio kung saan naroon si Aly. Binati naman ako agad ni Tito Dale nang makita niya ako. Since my dad’s busy with the company, si Tito Dale na ang namamahala sa Ai’s.

Umupo na lang ako sa sofa na naroon habang nakatingin kay Aly. Maraming ilaw ang nakatutok sa kanya habang kinukuhanan siya ng picture. Sumandal na lang ako at pinanuod ang kakambal ko.

“Cherinna, ice cream…”

Napalingon ako sa isang staff na naroon nang may inabot siya sa akin na ice cream. Tinignan ko iyon. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. I sighed heavily. I smiled a little. Nagpasalamat na lang din ako at inilapag sa mesa na naroon ang inabot niyang ice cream sa akin.

Siguro’y may problema si Ian…

Ipinalig ko ang ulo habang nakatingin sa ice cream.

Umiling-iling ako para mawala na ang iniisip ko. Hindi ko naman dapat iniisip si Ian.

“Look at the girl beside your brother…” nagulat ako nang biglang tumabi sa akin si Tita Julia. Itinuro niya sa akin si Jahann na may katabing babae. Nakatingin ang babae sa kapatid ko habang nasa monitor naman ang atensyon ni Jahann.

“Who’s that girl?” tanong ko kay Tita Julia. Halata na may gusto ang babae kay Jahann base na rin sa pagtitig nito sa kapatid ko.

“Anak ng kliyente. Nagmomodel din. Laging nandito ‘yan, laging nakabuntot kay Jahann…” natatawang sagot niya sa akin. “Her name’s Iris.”

“She’s pretty…” komento ko.

“Ilang beses na ‘yang sinasabihan ni Jahann na wala siyang planong mag-girlfriend… pero hindi sumusuko ‘yan. Lagi niya pa ring pinupuntahan si Jahann dito…”

Nakatingin lang ako sakanila. Magugustuhan kaya ni Jahann si Iris?

“Anyway, bakit pala hindi ka magmodel? I am sure kung dalawa kayo ni Aly, mas maraming projects ang makukuha natin at—“

“Uhm, it’s not my thing, Tita…” putol ko sa sinasabi niya. Nararanasan ko naman paminsan-minsan na magphoto shoot—kapag pinipilit ako ni Mommy, pero wala akong balak na ulit-ulitin ito. Mas si Aly ang sanay sa ganitong bagay.

“Nakakahinayang kayong dalawa ni Jahann, eh…” iiling-iling na sabi nito bago tumayo. Nagpaalam siya sa akin na may kailangan pa siyang asikasuhin. Nasabi lang daw ni Tito Dale na narito ako kaya nagpunta si Tita Julia.

Naghintay pa ako ng isa pang oras hanggang sa matapos na si Aly. Agad siyang lumapit sa akin. “Nainip ka? Sorry,” ngumiti siya sa akin. Umiling naman ako.

“Fix your things, Aly. Nagtext na sa akin si Kol, papunta na daw sila…” lumapit sa amin si Jahann. Nasa likod nito si Iris.

“Jahann, sabihin mo na kasi sa akin kung kailan ka pwede…” narinig kong sabi ni Iris dito.

“I’m busy, Iris. Please stop bugging me, okay?” sagot naman ni Jahann dito. “Kukunin ko lang ‘yung gamit ko,” paalam niya sa amin at naglakad papalayo. Sinundan pa rin ito ni Iris.

“Kilala mo ba ‘yun, Aly?” tanong ko sa kakambal ko. Tumango naman ito sa akin. “Die-hard fan ni Jahann…” natatawang sabi nito.

“Maganda siya…” komento ko.

“Yeah, but obviously hindi siya gusto ni Jahann…” nagkibit-balikat si Aly bago tumayo at kinuha ang mga gamit nito.

Hindi na lang ako nagsalita pa hanggang sa bumalik si Jahann. Hindi na nito kasunod si Iris.

“Hindi mo kinain ‘yung ice cream mo?” tanong ni Jahann habang nakatingin sa baso na nilagyan ng ice cream. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya.

Ilang sandali lamang ang lumipas nang dumating na ang iba pa naming kasama. Inaasar nila Theon at Keij si Lean at Aly kaya naman ang ingay na naman sa buong studio. Si Kol naman ay naupo malapit sa tabi ko.

“Are you okay?” tanong niya sa akin. Nilingon ko naman siya bago ako tumango. “Masakit lang ‘yung ulo ko, Itutulog ko na lang sa biyahe mamaya ‘to,” sagot ko sa kanya. Hindi naman siya nagsalita pero nakatingin lang siya sa akin.

“Let’s go?” tanong ni Theon sa amin. Nagtayuan naman na sila at nagpaalam kay Tito Dale para umalis na. Dumiretso naman na ako sa sasakyan ni Jahann at naupo sa may likuran. Tinanong ako ni Aly kung okay lang ba ako at katulad lang ng isinagot ko kay Kol ang isinagot ko sa kanya.

“What happened?” Jahann asked me. I shook my head. “Baka sa puyat lang…” pilit akong ngumiti sa kanya. Hindi naman na siya namilit pa.

Katabi ko si Aly habang sa harap nakaupo si Kol. Tahimik lang kami habang nasa biyahe dahil nakatulog din si Aly. Gusto ko sanang matulog pero hindi ko naman magawa.

“Are you hungry?” tanong ni Jahann sa akin. Nakatingin siya sa akin sa salamin. Umiling ako.”We can stop by to eat and—“

“I’m fine, Jahann…” ngumiti ako sa kanya. Tumango na lang siya sa akin.

Hindi naman kalayuan ang pinuntahan namin. It’s really near the city. Mabuti na lang at si Enzo ang pinaghanap namin ng lugar. Halos dalawang oras lang naman ang naging biyahe namin. Ginising ko si Aly nang maipark na ni Jahann ang sasakyan nito sa tabi ng sasakyan ni Theon.

“We’re here…” untag ko kay Aly na nagising naman kaagad. Nakalabas na ang mga kasama namin sa kabilang sasakyan kaya naman lumabas na din kami ni Aly. Nag-inat naman si Aly nang makababa na ng sasakyan.

It’s past 7 pm already. Dama ko din ang lamig sa lugar na iyon.

“Lean, post natin yung stolen mo…” natatawang pang-aasar ni Theon kay Lean. Hinampas naman ni Lean si Theon ng bag. “Idelete mo nga ‘yan! Ang hilig niyong magpicture ng pangit kami!” asik nito bago lumapit sa amin.

“Anong oras susunod sila Ate Caryl?” tanong naman ni Kol. Nakasandal ito sa sasakyan ni Jahann habang nakapamulsa.

“Baka bukas na daw ng umaga…” sagot ni Enzo na naglalabas ng gamit mula sa sasakyan ni Theon. Niyakap ko na lang ang sarili ko.

“Pasok na tayo sa loob,” sabi ni Enzo sa amin. Bitbit niya ang gamit niya at ni Lean. Nagsisunod naman na sa kanya ang lahat. Si Keij at Theon ay dala na din ang gamit ng mga ito. May mga dala pa silang plastic bags na may lamang pagkain namin para sa dalawang araw.

“Ako na magdadala ng gamit ko, Jahann…” sabi ko sa kapatid ko nang ilabas na niya ang mga gamit namin. Tinignan niya ako bago inabot sa akin camera niya. “Ito na lang dalhin mo,” ani Jahann.

“Jahann, kaya mo na ‘yan, pasok na kami sa loob, ha?” sabi ni Aly sabay hila sa akin papasok sa bahay na naroon. Nilingon ko naman si Jahann na kausap si Kol. Muli siyang sumulyap sa akin.

Naabutan namin ang mga kasama namin na may kausap na lalaki.

“So you mean hindi namin masosolo ‘tong bahay?” tanong ni Lean sa lalaki.

“Yes, Ma’am. But he will just occupy one room. Biglaan po kasi ang pagpunta niya dito. Siya din po kasi ang anak ng may-ari. Nasabihan naman po namin siya tungkol sa pagdating niyo at wala naman daw problema sa kanya.”

“Akala ko pa man din masosolo natin ‘yung bahay…” Aly rolled her eyes.

“Si Enzo minsan weak maghanap ng lugar,” natatawang sabi naman ni Keij. “So, guys… we’re not alone here. Okay lang naman, diba?” tanong ni Keij sa amin.

Lumapit naman sa amin sila Jahann at Kol na dala ang gamit namin ni Aly.

“Are you for real, Keij? Hindi nga natin kilala ‘yung taong kasama natin tapos—“

“Rest assured I won’t disturb you…”

Natigilan ako nang marinig ko ang boses ng nagsalita.

Lumabas ito mula sa isang pinto at nakita kong nagulat siya ng makita ako.

“Ian?” Anong ginagawa niya dito?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagtama ang mga mata namin at ako ang naunang nagyuko. Naalala ko na naman ang nangyari kanina.

“Let’s leave,” napalingon kami kay Kol nang magsalita ito.

“Saan naman tayo pupunta?” tanong ni Theon dito.

“Actually, I think it’s better to stay here…” biglang sabi ni Aly. Pinisil niya pa ang kamay ko kaya tumingin ako sa kanya. Malaki ang ngiti sa mga labi nito.

“Akala ko ba ayaw mo dito dahil may ibang kasama at—“

“Keij, pagod ako. Gusto ko magpahinga na. Kung aalis tayo, mas mapapagod ako. I really think it’s better to stay here na lang. Diba, Cherinna?” ngumiti siya sa akin ng may halong mensahe. Tila ba sinasabi niya na mag-oo ako.

“Let’s just find another place…” muling sabi ni Kol habang nakatingin sa akin. Tahimik lang si Jahann sa tabi niya at hindi nagsasalita.

“Kol, okay na dito, okay?” pinanlakihan ni Aly ng mata si Kol bago bumaling sa katiwala na naroon. “Can I ask for the room keys?” malambing na sabi ni Aly. Ibinigay naman iyon ng katiwala kay Aly. Nakatayo lang si Ian at nakatingin sa amin.

“Let’s go, Cherinna, Lean…” aya ni Aly sa amin.

“Damn it.”

Napalingon ako kay Jahann nang marinig ko siyang magmura.

“Aly, dahan-dahan naman,” natatawang sabi ni Lean nang hilahin kami ni Aly papunta sa kwarto namin. Share kaming apat nila Ate Caryl, Lean at Aly sa isang kwarto dahil may dalawang malaking kama naman na naroon. Sasabihan na lang din namin sila Theon na pagtabihin ang dalawang kama.

“Kinikilig ako!” malakas na sabi ni Aly sa amin bago humiga sa kama. “Imagine, nandito si Ian mo, kambal! That’s destiny talaga!” sinundan pa niya ito ng pagtawa.

“He’s not my Ian…” sagot ko kay Aly.

“I think it’s destiny, Cherinna…” nakisali na din sa pang-aasar si Lean. Napailing na lang ko bago tumayo. “Kunin ko lang ‘yung gamit natin, Aly…” sabi ko dito. Tumango naman si Aly sa akin. Nakahiga sila ni Lean at kumukuha ng pictures.

Bakit naman kailangang nandito din si Ian?

Ayaw ko na nga muna siyang isipin o maalala dahil sa nangyari, tapos ay nandito naman siya. Lumabas ako ng kwarto na marami ang iniisip. Siguro’y nasa ibaba pa sila Jahann dahil kinakausap pa ng mga ito ang lalaking katiwala nang umakyat kami.

Pinagmamasdan ko ang buong kabahayan nang naglalakad ako kaya naman hindi ko nakita si Ian nang magkasalubong kami at bumangga ako sa kanya. Agad niya akong nahawakan upang hindi ako bumagsak.

Ang lapit lang ng mukha niya sa akin.

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

“Be careful,” mahinang sabi niya sa akin bago inalalayan akong makaayos ng tayo. Tinitigan niya ako at tila may gusto siyang sabihin ngunit sa halip, binitiwan niya ang braso ko at naglakad papalayo sa akin.

Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa pumasok siya sa isang kwartong naroon.

“Cherinna…”

Napalingon ako nang tawagin ako ni Kol.

“Lalabas kami, sasama ka?” aya niya sa akin. Muli akong sumulyap sa pinto na pinasukan ni Ian. Naramdaman ko ang paglapit ni Kol sa akin. “Cherinna…” untag niya sa akin at hinawakan ang braso ko. Nilingon ko naman siyang muli.

“Saan kayo pupunta?” tanong ko sa kanya. Huminga ako ng malalim upang mas gumaan ang pakiramdam ko.

“May bibilhin lang…” sagot nito sa akin.

Tumango na lang ako sa kanya.

Nauna na akong naglakad. Hinawakan ni Kol ang siko ko at inalalayan ako sa paglalakad.

Hindi ko pa rin maiwasang isipin si Ian.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.