Played By Fate (Book 1) Chapter 3

“ANO ba ‘yang phone mo, kanina pa nagba-vibrate ‘yan…” tinignan ako ni Aly habang nakaupo kami sa may labas ng SD. Kasama namin sa table namin si Ate Caryl at Lean. Nasa kabilang table naman ang mga pinsan ko at si Kuya Kiro at Enzo. Sumunod lang sila Ate Caryl sa SD. Ang alam ko, nagsstart na sila para sa OJT nila.

“May nagtetext lang. Baka ‘yung mga kaklase ko lang na nagtatanong…” pagdadahilan ko. Tinanggal ko na lang ang pagbavibrate ng phone ko. Hindi ko naman pwedeng patayin iyon dahil baka tumawag si Mommy sa akin.

Bakit ba kasi ang kulit naman nitong si Ian? Nakakasampung text na ata siya. Ang laman, puro pangalan ko lang naman.

“Caryl…” untag ni Lean sa katabi nito. Napahinto si Ate Caryl sa pagsubo ng cake nito. “Ano ‘yon?” tanong naman niya dito. Ibinaba na muna niya ang kutsara at tinignan si Lean.

“Sa network ka nila Tito Kerko nag-oOJT, diba?” hinawakan nito ang kamay ni Ate Caryl. Tumango naman ito sa kanya. Ang alam ko, kinausap ni Tita Steph si Daddy para payagan si Ate Caryl na doon na lang mag-OJT. Mas mapapanatag daw kasi ang loob nito kung doon papasok si Ate Caryl kaysa sa iba pa.

“So nakikita mo si Kevyn?” tanong ni Lean na halatang kinikilig.

“Kevyn Ajesta?” singit naman ni Aly.

“You know him?” malakas na sabi ni Lean kaya naman naglingunan sa amin ang mga lalaki.

Tumingin lang ako kay Aly. Tumango naman siya kay Lean. Agad na lumipat si Lean sa tabi ni Aly.

“Sino ba ‘yun?” tanong ko kay Aly.

“Duh, Cherinna. Kevyn’s one of the hottest male celebrity now! Hindi mo siya kilala? Pag-aari niyo pa man din ‘yung network na may hawak sa kanya…” Lean rolled her eyes.

Kapag sikat, kailangan kilala ko? Si Drew Taggart lang naman ang nakikita kong gwapo.

Hindi na lang ako nagsalita at kumuha na lang ako sa cake na nasa harap ko. I’ll ask Tita Steph for the recipe later. Sa aming dalawa ni Aly, siya ang nakamana ng hindi kagalingan sa pagluluto ni Mommy. Si Jahann ang marunong magluto sa amin, mas forte ko naman ang baking.

“He’s looking at you…” sabi ko kay Ate Caryl. Kumunot naman ang noo niya sa akin. Itinuro ko si Kuya Kiro na katabi ni Enzo. Nilingon ni Ate Caryl si Kuya Kiro kaya ngumiti ito.

“He’s courting you na?” tanong ko sa kanya. Umiling naman siya sa akin. Sobrang obvious na may gusto si Kuya Kiro kay Ate Caryl. Actually, parang lahat naman kami, ang tingin ay bagay silang dalawa. Childhood sweetheart nila ang isa’t-isa. That made them match made in heaven. At siguradong walang problema sa mga magulang nila dahil magkaibigan naman ang parents nila.

“Wala ka bang gusto kay Kuya Kiro?” tanong ko sa kanya. Tinignan naman ako ni Ate Caryl bago siya ngumiti. Busy’ng busy magkwentuhan si Aly at si Lean tungkol doon sa sinasabi nilang Kevyn na ‘yon. Wala talaga akong idea kung sino ba ‘yun.

“So… how’s your first day?” tanong ni Tita Cristine sa amin nang lumabas siya. May bitbit na naman siyang isang buong cake.

“Tita, baka naman tumaba na kami ng husto niyan…” natatawang sabi ni Ate Caryl nang ilapag ni Tita Cristine ang cake sa may lamesa namin.

“Caryl, kahit naman tumaba ka na, alam kong magugustuhan ka pa din ni Kiro…” malawak itong ngumisi.

“Boto ka talaga kay Caryl, Tita, no?” sabi naman ni Lean na kumukuha ng icing ng cake.

“Of course. Gugustuhin ko pa ba na maghanap ng iba si Kiro kung sa tabi niya lang, may babaeng pwede na para sa kanya?” masayang sabi ni Tita Cristine bago pinisil ang kamay ni Ate Caryl. “Look at your mom and your dad, childhood sweetheart din sila…” dagdag pa nito.

“Mommy, pumasok ka na nga ‘dun sa loob…” mahinang saway ni Kuya Kiro kay Tita. Napangiti naman ako. May point naman si Tita Cristine, kung tutuusin. Mas okay pa din na magpakasal ka sa isang taong kilalang-kilala mo na. Our parents… lahat ng love story nila, epic.

And if I were to marry someday, I want someone like my dad. He loves my mom so much. Araw-araw, ipinapakita ni Daddy kay Mommy kung gaano niya ito kamahal. At alam ko, sobrang saya ni Mommy.

Maya-maya ay kinuha ni Theon ang isang upuan sa tabi ko ibinaliktad iyon bago umupo. Ipinatong nito ang kamay sa sandalan at tinawag kami.

“Kapag nakangiti ka ng ganyan, may plano ka na naman…” sabi ko sa kanya. Pinitik naman nito ang ilong ko. “Makinig ka muna kasi…” sabi niya sa akin. “Nagpaplano lang kami ni Keij ng weekend bonding natin…” malawak ang pagkakangiti ni Theon. Nakasuot din ito ng cap na binaliktad nito.

“Magkakasama naman tayo lagi, hindi pa ba bonding ang tawag dito?” tanong ko sa kanya. Tinitigan naman ako ni Theon. “Bakit ba naisip namin na agad ni Kol na itatanong mo ‘yan?” nilingon nito si Kol. Inirapan ko naman si Theon.

“Saan niyo naman balak pumunta?” tanong ni Aly. Nilingon nito si Keij. “Siguraduhin niyo lang na wala kayong girlfriend na isasama, okay?” pagbabanta nito sa pinsan namin.

“Sino bang may girlfriend dito?” painosenteng tanong ni Keij sa amin.

“Si Theon, maraming girlfriend…” sagot naman ni Lean bago tinitigan ng masama si Theon.

“Oh, wag ka na magselos…” natatawa namang sagot ni Theon dito.

“Ang kapal ng mukha mo talaga. Feeling mo ang gwapo mo…” katakot-takot na irap na naman ang iginawad ni Lean dito.

“Okay, guys… we’re talking about the weekend bonding. Stop that,” awat ni Ate Caryl sa dalawa. Ngumiti lang si Theon.

“Wala namang may Saturday class sa inyo, diba?” lumapit si Keij at ipinatong ang braso sa balikat ni Lean. Umiling naman kami ni Aly. Iginalaw-galaw ni Lean ang balikat para matanggal ang pagkakadantay ni Keij bago umiling.

“I think I’m free…” sabi naman ni Ate Caryl.

“Si Kuya Cloud kaya?” tanong ni Keij dito. Agad na umiling si Ate Caryl. “Ang alam ko papunta siyang Japan sa Friday, eh…”

Napansin ko ang pag-ilaw ng phone ko habang nag-uusap sila tungkol sa plano para sa weekend.

Binuksan ko na lang ‘yung phone ko para tignan ang mga messages.

Galing pa rin kay Ian.

Ano bang trip ng lalaking ‘to?

Napailing na lang ako bago idinelete lahat ng messages niya kahit hindi ko pa nababasa ang iba. Nagtama naman agad ang mga mata namin ni Kol nang mag-angat ako ng tingin.

Ngumiti na lang ako sa kanya bago nakisaling muli sa usapan nila tungkol sa plano.

“Sa malapit lang tayo…” sabi ni Lean habang nagsasalamin.

“Nung nasa malapit lang tayo, gusto mo sa malayo. Ngayong lalayo tayo, gusto mo sa malapit. Pinagtitripan mo ba kami?” tanong ni Theon dito. Hindi ko mapigilang matawa sakanila.

“Saan ba kasi tayo?” tanong ni Aly sakanila. Kumuha na ng upuan si Keij at nakiupo na din sa may lamesa namin. Nasa kabilang lamesa pa din si Enzo, Kol, at Jahann. Pumasok sa loob ng shop si Kuya Kiro.

“Mas maganda kasi kung hindi sa properties ng parents natin,” sabi ni Theon sa amin. Tumango naman ako. “So, saan tayo?” tanong ko sa kanya.

Nilingon niya sila Kol. “Baka gusto niyong magsuggest? This is a free country, guys…” sabi ni Theon sakanila.

“It’s better if it’s near the city. Hindi hassle magdrive,” sabi ni Jahann sa kanya. Tumango si Theon. “Dalawang sasakyan lang naman, kasya na tayo...” sabi pa nito. “Ikaw magdrive ng isa, Jahann. Sama mo ‘tong kambal at si Kol…”

“Si Enzo na lang kasama sakanila. Sa atin si Cherinna para mananahimik si Aly…” sabi naman ni Keij.

“No, sa inyo sa sasabay si Enzo. Kami ng apat nila Cherinna at Aly ang magkakasama…” tanggi agad ni Kol.

Nilingon naman ni Keij ang kakambal nito. Nakatingin din ako kay Kol, sa akin siya nakatingin. “Concern lang kami kay Aly. Kailangan niya ng katahimikan…” natatawang sabi ni Keij kaya malakas siyang hanampas ni Aly.

“Siraulo ka talaga!” asik nito sa pinsan namin.

“Si Enzo na kasama niyo. Sa amin sasabay si Cherinna. That’s final, Keij,” sabi ni Kol bago tumayo at nagpaalam na kukuha lang ng maiinom sa loob.

“Anong problema ‘non?” tanong ni Lean kay Keij.

“Sabi ko kasi sa’yo, yung gamot ng kakambal mo, wag mo kakalimutan, eh…” natatawang sabi ni Theon kay Keij. Ngumiti lang si Keij bago lumingon sa akin.

“Sige, sila Kol, Jahann, Cherinna at Alyanna na sa isang sasakyan. Ako, si Theon, Enzo, Lean at—“

“Susunod na lang ako sa inyo,” putol ni Ate Caryl sa sinasabi ni Keij. “Hindi ko pa kasi sure ‘yung schedule ko kaya baka hindi ako makasabay sa inyo. Sabihin niyo na lang kung saan,” dagdag nito.

“Sabay na lang kayo ni Kiro kapag ganon,” sabi ni Lean dito. “As if naman kasi papayagan ka ni Kiro, Caryl…” sabi nito na para bang hindi alam ni Ate Caryl kung anong mangyayari kung sasabihin niya na mag-isa lang siya.

“Oo nga. Tsaka hindi naman kami papayag na bibiyahe ka mag-isa,” sabi pa ni Theon na hinihila-hila ang buhok ni Aly na nasa tabi ko.

“Pero saan nga tayo?” tanong ni Aly kay Keij. “Theon, tantanan mo nga ang buhok ko!” pinanlakihan nito ng mata ang lalaki.

“Si Enzo na maghahanap…” sabi ni Keij. Lahat naman kami ay lumingon kay Enzo. Nag-angat siya ng tingin sa amin. Napangiti si Jahann.

“Tss. Fine.”

“Thanks, Twinny!” pang-aasar ni Lean kay Enzo. Hindi naman ito pinansin ni Enzo.

“Excuse lang muna. Pupunta lang ako kay Tita Steph,” paalam ko sakanila. Tinanungan naman nila ako. Pinag-uusapan nila kung ano-anong pagkain ang dadalhin. Si Aly naman at Lean, nagbibilang na ng damit na dadalhin.

Nakasalubong ko si Kol nang papasok na ako. Ngumiti ako sa kanya.

Tinitigan niya lang ako.

“Kol…” tawag ko sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. “Are you okay?” tanong ko sa kanya. Humakbang ako papalapit sa kanya.

Tumango naman siya sa akin. “Here…” inabot niya sa akin ang hawak niya. Kumunot naman ang noo ko nang abutin ko iyon. “What’s this?” tingnan ko iyon.

“Caramel cream,” sagot niya sa akin. Mas kumunot naman ang noo ko. “Kol—“

“Lalabas na ako…” hindi na niya ako nilingon at lumabas na siya at bumalik sa pwesto niya. Napatingin ako sa ibinigay niya sa akin. “Weird.”

Dumiretso na ako nang nakita ko si Tita Stephanie. Tinanong ko sa kanya ang recipe ng cake na binigay niya sa amin kanina. Nagtanong na din ako kung may bago ba siyang recipe na may strawberry para kay Mommy. Kami ni Aly ang nagmana ng hilig ni Mommy sa strawberry. Jahann’s my Dad’s little snob… though he’s not that little anymore.

Pagbalik ko sa labas ay nasa may upuan ko si Keij kaya naman sa tabi ako ni Enzo umupo. Tinignan ko si Jahann na busy sa laptop nito. Ngumiti ako bago lumipat ng upuan sa tabi niya. Nilingon niya naman ako.

“Help me…” sabi ko sa kanya.

“On what?” tanong niya sa akin.

“Mamimili nito mamaya…” ipinakita ko sa kanya ang papel na pinagsulatan ko ng kailangan ko para sa cake na gagawin ko. Tumango lang siya sa akin.

Nakita kong nakatingin sa akin si Kol.

“Sama ka, Kol?” tanong ko sa kanya. Kanina pa siya nakatingin sa akin, pakiramdam ko may gusto siyang sabihin sa akin. Nilingon ng kapatid ko si Kol. Umiling naman ito.

“Sama natin si Aly, baka may bibilhin din siya, eh…” sabi ko kay Jahann. Tinanguan lang niya ako ulit. Bandang alas-siete na ng gabi nang mapagkasunduan namin na umalis na. Nagpaiwan naman si Ate Caryl at Kuya Kiro sa SD. Si Keij naman ang nagprisinta na iuwi sa bahay ang sasakyan ni Aly dahil sasakyan ni Jahann ang gagamitin namin.

“Jahann, come with me. I asked Mommy kung may ipapabili siya at ang dami niyang itinext kaya tulungan mo ako…” sabi ni Aly kay Jahann nang makarating kami sa Supermarket. “Twin, kailangan mo ba ng tulong sa bibilhin mo?” tanong ni Aly sa akin. Umiling naman ako. “Okay lang ako. Sige na, isama mo na ‘yang si Jahann…” ngumiti ako sakanila bago ako kumuha ng push cart. Plano ko din kasi na magbake ng cake para sa Friday. Mag-iiwan din ako para sa Saturday date nila Mommy.

Pumipili ako ng strawberries na naroon nang may bumangga sa cart ko kaya naman muntikan akong mabuwal. Mabuti na lang at nasa dulo ako kaya hindi ako natumba.

Agad kong nilingon ang bumangga doon at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko si Ian.

“Sinusundan mo ba ako?” tanong ko sa kanya. Nagtitingin siya ng lemon. Nilingon niya ako at bakas sa mukha niya ang gulat na nakita niya ako, ngunit agad din namang napalis iyon.

“Cherinna…” sambit niya sa pangalan ko habang nakatingin siya sa akin. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga bago kumuha ng strawberries at inilagay iyon sa push cart ko.

Bakit ba kailangang makita ko si Ian ngayong gabi? Nakita ko na siya kaninang umaga, nung umalis ng school, hanggang dito ba naman?

“Cherinna, wait…” tawag niya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Dumiretso lang ako ng lakad.

“Cherinna!” malakas na sigaw niya kaya napahinto ako at nilingon ko siya. Naglakad naman siya papalapit sa akin.

“Could you please stop calling me on my first name?” mahinang sabi ko sa kanya dahil may mga nakatingin na sa amin.

“So, you want me to call you Alecksia? It’s fine with me…” nagkibit-balikat siya sa akin. Hindi ko mapigilang mapamura ng ilang ulit sa isip ko.

“Ano bang kailangan mo?” tanong ko sa kanya sa halip na sagutin ang tanong niya sa akin. Ngumiti siya bago ipinilig ang ulo at tinignan ako.

“I just want to say sorry for pissing you off.”

“Okay, apology accepted.” Itutulak ko na sana ang push cart nang hawakan ni Ian iyon dahilan para mahawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

“What are you doing?” tanong ko sa kanya. “Nagsorry ka na, diba? Ano pa?” nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Binawi ko din ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

“Cherinna…”

Napalingon ako nag tawagin ako ni Jahann. Tinignan niya si Ian. “It’s you again?” kunot ang noo na sabi nito bago ako nilapitan.

“Nagkasalubong lang kami,” sabi ko naman kay Jahann. Nasa likod niya si Aly. “Nakuha niyo na ang mga kailangan niyo?” tanong ko sakanila. Tumango si Aly sa akin. “Tara na. Baka hinahanap na rin tayo nila Mommy…” sabi ko sakanila. Nilingon ko si Ian at nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin.

“Okay now, I am curious. Feeling ko nakita ko na siya pero hindi ko siya matandaan, eh…” mahinang sabi ni Aly sa akin habang nakapila kami sa cashier.

“Siya yung lalaki sa Viking noon…” sagot ko sa kanya.

“And he’s your classmate now?” namimilog ang mata ni Aly. Hinawakan niya ang mga kamay ko. “Oh my gosh!”

“Anong problema mo?” binawi ko ang kamay ko sa kanya.

“Wala lang. Ang galing lang kasi. Para kayong destiny! Bagay kayo!” malaki ang pagkakangiti ni Aly sa akin.

“Destiny ka diyan? Si Drew ang destiny ko!” sabi ko sa kanya bago lumapit kay Jahann at tumulong sa mga pinamili namin.

“Tigilan mo kaya yang pagfafangirl mo ‘don sa singer na ‘yon…” inirapan naman ako ni Aly bago niya inabot ang iba pang laman ng push cart sa akin. “Magkaka-lovelife ka na. I’m happy for you, kambal!” masayang sabi pa niya sa akin.

“Nababaliw ka na naman diyan,” tumalikod na lang ako sa kanya.

Ayaw naman akong tigilan ni Aly sa pang-aasar niya sa akin hanggang sa makasakay na kami sa sasakyan.

“Seriously, Aly? Tigilan mo nga. Wala akong gusto kay Ian, okay?” sabi ko sa kanya nang sumakay ako sa harapan.

“Ian pala, huh?” tila mas naging mapanukso pa ang ngiti ni Aly. I just rolled my eyes. Sumandal na lang din ako at hindi na pinansin si Aly.

“Jahann, ikaw, kailan ka magkakagirlfriend?” tanong ni Aly kay Jahann habang nagmamaneho ito. Napalingon naman ako kay Jahann. Wala naman kasi siyang dinadalang babae sa bahay. Bahay, school at Ai’s lang ang madalas puntahan ni Jahann.

Nagkibit-balikat lang ito.

“Huwag ka muna maggigirlfriend…” sabi ni Aly dito. Si Aly naman ang nilingon ko. “Bakit pinagbabawalan mo?” tanong ko sa kanya.

“Kapag naggirlfriend kasi siya, tapos naulit ‘yung hell week ko, wala ng magbibigay ng allowance sa akin kasi may girlfriend na siya…”

Natawa ako sa sinabi niya. Kunsabagay, totoo naman na hindi kami pinapabayaan ni Jahann. Bata pa lang kami, sobrang protective na talaga ni Jahann sa aming dalawa ni Aly. Mas close lang si Jahann sa akin dahil ako ang lagi niyang kasama dahil sila Keij at Theon ang laging kasama ni Aly.

Kung sino man ang babaeng mamahalin ng kapatid ko, napakaswerte niya.

“Pero Cherinna, magkwento ka na ng tungkol kay Ian!” biglang hinampas ni Aly ang braso ko.

“Ouch!” tinitigan ko siya ng masama. “Ang baliw mo. Wala akong ikukwento, bahala ka diyan sa buhay mo!” humalukipkip ako at hindi na siya pinansin hanggang sa makauwi kami ng bahay namin.

Hanggang kinabukasan ay kinukulit ako ni Aly tungkol kay Ian.

“Si Jahann?” tanong ko kay Mommy nang maupo ako para mag-almusal. Bakante ang upuan ni Jahann. Wala naman ito sa kwarto nito dahil kinatok ko na siya kanina pa.

“Maagang umalis. Kumain na kayo…” sagot naman niya sa akin.Tumango na lang ako.

“Sa akin ka sasabay…” ngumisi si Aly sa akin. I just rolled my eyes.

Pagdating namin ng school ay naroon na sila Keij at Theon kasama si Lean.

“Guys, okay na place natin para sa weekend bonding natin sabi ni Enzo. Friday afternoon tayo bibiyahe, diba?” tanong ni Lean sa amin. Tumango naman si Keij.

“Nagsabi na ako kay Daddy. Pumayag naman siya…” nakangiting sabi nito. Ang alam ko ay nagpaalam na si Jahann kay Daddy kaya wala na kaming problema ni Aly.

“Nakita niyo si Jahann?” tanong ko kay Theon. Umiling naman ito sa akin. “Hindi kayo magkasabay?” balik-tanong niya sa akin. Umiling din ako. Baka may kinailangan gawin agad ‘yon kaya maagang pumasok.

“Cherinna!” biglang hinila ni Aly ang braso ko.

“Ano ba ‘yon?” tanong ko sa kanya sabay turo sa gawing kanan namin. “Yung future mo!” nakangising sabi nito sa akin.

“Yan ‘yung mayabang diba?” sabi ni Keij habang nakatingin din kay Ian.

“Yung kamukha ng kuko mo sa paa?” natatawang sabi naman ni Theon.

“Sino ‘yan?” lumapit si Lean kay Aly at nakitingin din sa tinitignan nila.

“Ewan ko sa inyo, papasok na lang ako…” kinuha ko ang bag ko at naglakad na papalayo.

“Bye, Kambal! Enjoy sa klase!” natatawang sabi ni Aly sa akin. Napailing na lang ako habang naglalakad.

“Cherinna…”

Natigilan ako nang may tumawag sa akin. Nilingon ko iyon at nakita ko si Ian na nakangiti habang nakatingin sa akin.

“Yes?” tanong ko sa kanya.

“Good morning,” ngumiti siya sa akin.

Tumango lang ako ng marahan bago nagsalita. “Morning, din.”

“Sabay na tayo?” aya niya sa akin. Tumango na lang ako ulit sa kanya. Nauna na akong maglakad at alam kong nasa likod ko lang si Ian at nakasunod sa akin.

It felt different.

Huminga na lang ako ng malalim at umiling para mawala ang iniisip ko.

Hanggang sa makaupo na kami ni Ian sa loob ng kwarto namin, mabilis pa din ang tibok ng puso ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.