"WOW" puno ng paghanga sa tinig na naibulalas ni Aria nang marating nila ang rest house na pag-aari ni James sa San Benjamin. Isa iyong bayan sa Southern Luzon kung saan matatagpuan ang maraming magagandang beach.
Ang bahay ni James sa bayang iyon ay isang rustic two-storey house na gawa sa kahoy at bato. Wraparound balcony at nakatayo sa gitna at pinakamataas na bahagi ng bayan ng San Benjamin. Kaya naman mistula itong panginoon na tinitingala ng lahat ng dumaraan doon.
Presko ang aura ng bahay dahil sa maraming puno na nakapalibot rito. Ilan sa mga iyon ay pamilyar sa kaniya katulad ng mahogany, molave, niyog at syempre narra na halatang dekada nang nakatayo roon.
Sa gate ng mansion ay may arko ng puno ng bougainvillea. Pink at puti ang mga kulay ng mga bulaklak na nagbibigay diin sa kagandahan ng paligid. Habang sa hindi kalayuan ay naabot ng kaniyang paningin ang magandang black sand beach.
Ang mga maliliit na bato sa dalampasigan na tinamaan ng sikat ng araw ay parang maliliit na butil ng kristal na kumikislap. At gumawa iyon ng magandang contrast sa itim na buhangin.
"Nagustuhan mo?"ang binatang hindi niya napunang nakangiti paala siyang pinagmamasdan.
Nagkibit siya ng balikat. "Kahit sino naman magugustuhan ito, kasi sobrang ganda" sagot.
Isang may edad ng babae ang sumalubong sa kanila sa terrace ng bahay na yari sa bato at kahoy. Si Aling Erlie na ipinakilala sa kanya ni James bilang katiwala nito kasama ang asawa nitong si Mang Delfin at bunatilyong anak na si Joshua na kasalukuyang pinapaaral ni James sa kolehiyo.
"Kumusta ka hija?" ang masayang bati sa kanya ng ginang. " nakahanda na ang pananghalian ninyo. Halina kayo sa loob" anitong nagpatiuna na sa pagpasok.
"Ang ganda talaga nitong resthouse mo. Parang iyong mga bahay sa ibang America" nang makapasok sa loob ng bahay ay hindi napigilan ni Aria na isatinig.
"Salamat" ani James."kumain muna tayo" yakag nito sa kanya pagkatapos.
Pagkakain ay agad siyang niyayang magpahangin sa may veranda ni James na nakapaikot sa buong resthouse.
"Si Papa ang nag-push sa akin na bilhin ang bahay na ito, actually" ang binata sa kanya.
"Yeah?"
Tumango- tango si James. "Ang totoo kasi pinagtutulakan na niya akong mag-asawa" anitong sinundan pa ang sinabi ng mahinang tawa.
Nalito si Aria sa kung paano siya magre-react sa sinabing iyon ni James. "Thirty kana hindi ba?" ang nasabi niya.
"Pati ba naman ikaw?" anito sa kanya saka siya inakbayan at kinabig palapit dito.
Ibang damdamin ang pumuno sa dibdib ni Aria dahil sa ikinilos na iyon ng binata. Pero dahil sa alam naman niya ang totoo, kung anuman ang damdaming mayroon siya ay mabilis nalang din niyang iwinala.
"Eh kasi karamihan naman sa mga lalaking kaedaran mo pamilyado na kaya siguro ganoon" paliwanag niya.
Narinig niya ang mabigat na buntong hiningang pinakawalan ni James. " Gusto kong pagbigyan si Papa" anito.
Nagulat na napalingon siya sa binata. " Mag-aasawa kana?" hindi niya maintindihan pero parang mayroon kakaibang bigat sa dibdib niya ang sinabing iyon ng binata.
"Gusto ko ng anak" ang sa halip ay isinagot nito saka siya matiim na tinitigan. " at sa tingin ko ay kaya mong ibigay iyon sa akin Aria" ang seryosong tinuran ni James.
Literal na napanganga si Aria sa sinabing iyon ni James. "A-Anong?"
"Look, kung babae lang hindi mahirap iyon sa'kin. Pero syempre magiging nanay iyon ng anak ko, kaya gusto ko katulad mo" ang maagap na paliwanag ni James nang makita ang pagkabigla sa reaksyon niya.
Noon mabilis na napatayo si Aria saka madilim ang mukhang hinarap ang binata. " Hindi ako katulad ng inisip mo!" ang mariin pero mababa ang boses niyang sabi.
Tumango ng magkakasunod ang binata. " Kaya nga ikaw ang gusto ko" paliwanag ni James.
Natigilan si Aria saka tinalikuran ang binata. Ang malawak at tila walang hangganang karagatan ang pinagmasdan niya.
Naguguluhan ang isipan niya kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Dahil ang totoo, may bahagi ng puso niya ang parang gusto matuwa. Na sa dinami-rami ng mga babaeng mas higit sa kanya, siya ang napili ng binata.
At nasasaktan dahil in the end, alam niyang siya ang magiging talo. Siya ang mas higit na masasaktan.
"Mayaman ka, in the end alam kong dadaanin mo ang lahat sa pera. At ako? Pagkatapos, anong mangyayari sakin?" naisatinig niya.
"Hindi kita minamadali, ngayon, kung hindi mo naman gusto, okay lang. Pero uunahan na kita, hindi ka pwedeng mag-resign. Ayoko" mariin aang pagkakasabi ni James sa hulingg salita ng pangungusap nito.
Pagak na tawa ang pinakawalan ni Aria. "Bakit mo naman naisip na magre resign ako? Iniisip mo ba na sa ganoon kadaling panahon mai-in love ako sa'yo? At katulad ng ginawa ko noong naghiwalay kami ni Norman, umalis ako sa trabahong iyon para iwasan siya?"
"Wala akong sinabing ganyan" si James.
"Pero iyon ang iniisip mo?" aniyang tumawa ng mahina pagkatapos.
Naiiling na muling nagsalita si James. " Sabihin mo sa'kin oras na magbago ang isip mo. Para mapagusapan na natin ang mga kasunduan" ang binata.
Hindi umimik si Aria na tinitigan lang ang binata. Ilang sandali pa, magkasama na silang tumulak pabalik ng Maynila. Wala siya imik habang daan. Madilim na nang maihatid siya ng binata.
"Salamat sir James" aniya sa karaniwang casual tone saka ito pilit na nginitian.
"Please, pag-isipan mo iyong offer ko. Pangako, titiyakin ko sa'yong hindi mo pagsisisihan sakali mang pumayag ka" paniniyak pa nito.
Nagbuntong hininga si Aria. " Ang totoo, gusto kong ma-offend sa offer mo. Kaya lang wala akong makapang ganoon sa dibdib ko" pag amin ng dalaga saka muling nginitian si James.
Pero sa pagkakataong iyon ay totoo na.
Kumislap ang mga mata ng binata saka pagkatapos ay hinawakan ang kamay niya saka iyon hinalikan. "Sana, matulungan mo ako. Bigyan mo ako ng anak, para makumpleto na ang pagkatao ko," pakiusap pa nito.
NAKAHIGA na si Aria ay laman parin ng isipan niya ang alok sa kanya ni James. Nasa ganoong pag-iisip siya nang marinig ang magkakasunod na katok sa pintuan ng kanyang kwarto.
Napabangon ang dalaga kasabay ng matinding kabog sa dibdib niya nang marinig na mula sa labas ay umiiyak na boses ng nanay niya ang nandoon.
"Nay," aniya sa nag-aalalang tono.
"Ang tatay ko anak" ang humahagulhol nitong bungad sa kanya.
Mabilis na kinilabutan si Aria sa narinig. "B-Bakit ho?"
"Naaksidente siya, nasa ospital siya ngayon. Ang sabi nung nakausap ko malala raw ang lagay niya" ang nanay niyang iyak ng iyak.
Nanghihinang napaupo si Aria sa gilid ng kanyang kama saka napaiyak. "Saang ospital? Puntahan natin siya" aniyang patuloy sa tahimik na pag-iyak.
NASA ICU na ang tatay niya nang abutan nila ito sa public hospital kung saan ito dinala matapos ang aksidente.
Binangga raw ng isang pampasaherong jeep ang minamanehong taxi ng tatay niya na nagpaikot-ikot sa kalsada bago tumaob. Hawak na ngayon ng mga pulis ang driverng jeep na bumangga sa taxi nila.
"Tatapatin na kita hija, malaki ang chance na ma-comatose ang tatay mo. Naipit rin ang kaliwang paa niya at sakaling magising siya ay kakailanganin muna niya ng theraphy para makalakad" ang doktor na tumitingin sa kanyang amang si Felipe nang makausap niya.
"Gawin po ninyo ang lahat Doc, iligtas ninyo ang tatay ko" pakiusap niyang pinagsikapang kontrolin ang emosyon pero napaiyak parin siya.
Tumango ang doktor. "Kung kaya rin lang hija, mas makabubuti para sa kanya ang mailipat sa isang private hospital kung saan advanced at makabago ang mga pasilidad" payo pa nito.
Natigilan si Aria sa sinabing iyon ng manggagamot saka pagkatapos ay natitigilang tinitigan ang umiiyak rin niyang ina. Napakasakit panoorin na nasa ganoong ayos ngayon ang nanay niya. Dahil wala silang pera, wala itong alam na iba pang gawin kung hindi ang umiyak lang.
Alam niyang hindi nila kakayanin ang gatos sa isang world class hospital. Kahit pa sabihing nasa abroad ang kuya niyang si Albert.
Noon pinahid ni Aria ang luhaang mukha saka niyakap ng mahigpit ang kanyang ina. "Gagawa ako ng paraan. Lahat ng paraang kaya ko, mabuhuhay si Tatay" aniya pa.
"Pero paano anak? Wala tayong pera," ang nanay niya.
"Magtiwala lang kayo sa akin, Nay, gagawa ako ng paraan, ililipat natin si Tatay sa magandang hospital para makatiyak tayo na magiging mabuti ang lagay niya. Susundin natin ang payo ng doktor," aniya sa isang matatag na tinig saka mahigpit na niyakap si Cita pagkatapos.