NANG gabing iyon sinadya ng dalaga ang condo ni James para kausapin ang binata. Pero bago iyon ay tinawagan muna niya ito para makatiyak kung naroon nga ang lalaki.
“Hey, come in” bungad nito sa kanya nang mapagbuksan siya ng pinto.
Mugto ang mga mata niyang tiningala ang binata. “Nagpunta ako rito para sabihin sa’yong” sandali muna siyang huminto sa pagsasalita para pagluwagin ang naninikip na dibdib. “pumapayag na ako sa alok mo. Payag na ako na bigyan ka ng anak” aniyang magkakasunod na huminga pagkatapos.
Walang emosyon ang mukha ni James na nanatiling nakatitig lang sa kanya. At dahil nga iyon lang ang last option na mayroon siya para mailigtas ang buhay ng pinakamamahal niyang ama ay nabahala siya.
“K-Kailangan ko ng malaking halaga, hindi ko alam kung ilan pero sana matulungan ko ako” aniyang tuluyan na ngang napaiyak.
Nagsalubong ang mga kilay ni James. “Anong nangyari?” tanong nito.
“Si tatay, kritikal siya ngayon. Wala akong ibang alam na pwedeng lapitan maliban sa’yo kaya sana tulungan mo ako” pakiusap niya.
“Sandali lang, halika” ang binatang hinila ang isang silya saka siya pinaupo.
Noon niya sinimulang ikwento sa binata ang lahat ng nangyari. Nang tanungin siya ni James tungkol sa setup na gusto niya ay walang pagdadalawang-isip niyang inulit rito ang lahat ng sinabi niya kanina sa kanyang ina.
“H-Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol dito. Itago mo ako, sa lugar kung saan walang kahit sino ang nakakakilala sa akin. Sasabihin ko sa kanila na aalis ako, isasama mo ako sa ibang bansa kaya matagal bago ako makakauwi. By that time naka-panganak na ako, pagkatapos noon babalik nasa normal ang buhay ko” ang mahabang salaysay niya.
Tumango si James na nanatiling nakatitig lang sa kanya. “Okay,tatawagan ko ang abogado ko ngayon. Ipapaasikaso ko sa kanya ang lahat ng kailangan. Everything will be okay” ang binata sa kaniya.
Noon nagpahid ng mga luha niya si Aria saka muling nagsalita. “K-Kailan ang alis natin? Saan tayo pupunta?”
Mula sa malalim na pag-iisip ay muling hinarap siya ng binata. “You know what, I don’t think kailangan mo pang gawin ang ganito. Kung kailangan mo ng pera pahihiramin kita, pero hindi mo na kailangang magbuntis at bigyan ako ng anak.”
Nagulat si Aria sa sinabing iyon ng binata. “Ano? A-Akala ko ba?”
“Like you, mahal na mahal ko rin si Papa. At kung may magagawa lang ako, gustong-gusto kong ibigay ang lahat ng alam kong makapagpapasaya sa kanya. Habang nandito pa siya” ang binata.
Nang hindi siya magsalita ay nagpatuloy ito. “Pero parang unfair ito, sa side mo. Napakabuti mong tao, at ang totoo ikaw iyong tipo ng babaeng pinakakasalan. Ikaw iyong tipo ng babaeng pinangangakuan ng panghabang-buhay na pagmamahal. Kaya parang hindi tama”anito sa litong tono.
Sa lahat ng narinig na iyon ni Aria ay kusa nalang tumulo ang mga luha ng dalaga. “H-Hindi, isa lang naman ang gusto ko, sana pagkapanganak ko, ipakilala mo ako sa anak ko bilang nanay niya” hindi niya maintindihan pero bigla, nakaramdam siya ng matinding concern para sa binata. “kung anuman iyong dahilan mo kaya parang ayaw mong matali sa kahit sinong babae, labas na ako doon. Pero gaya ng Papa mo, ayokong tumanda kang mag-isa someday, kaya willing akong bigyan ka ng anak. Kasi alam ko na magiging mabuti kang ama”aniyang nagpahid ng mga luha.
Hindi nagsalita si James. Tinitigan lang siya habang ang mga mata ay balot ng magkakahalong emosyon na hindiniya alam kung ano. “Kung willing kang tulungan ako para mailigtas ko ang buhay ng tatay ko, willing rin akong dalhin sa sinapupunan ko ang batang kukumpleto sa buhay mo”aniya.
Sa sinabi niyang iyon ay saka palang napangiti ang binata saka siya inabot at mahigpit na niyakap pagkatapos. “Thank you” anito nang pakawalan siya.
“Sisikapin kong hindi ma-in love sa’yo, pangako” aniyang sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.
Ngumitilang si James saka pabiro ring nagsalita. “That’s right” anitong kinurot ang tungki ng kanyang ilong. “Save your heart Aria, sex at anak lang ang gusto ko. Kapalit ng perang kailangan mo,” anitong pinakatitigan siya. “iyon ba ang deal na gusto mong marinig?”
Nagkibit ng balikat ang dalaga. “Ang importante sa’kin nagkakaintindihan ta’yo” ang tanging naisagot niya pagkatapos.
GAYA ng napagkasunduan nila ng binata, mabilis ang naging pag-aasikaso ng abogado nito sa lahat ng kailangan ng tatay niya. Kinabukasan ay nailipat narin ito sa isang pribado at kilalang hospital. Dahilan kaya kahit paano ay nakita niya sa mga mata ng nanay niya ang kapanatagan ng loob.
Kay Aria ay tuloy parin ang buhay bilang personal assistant ni James. At katulad narin ng pinagkasunduan nilang dalawa, itatago siya ng binata. Dadalhin siya nito sa lugar na walang nakakakilala sa kanya.
"By next week the house would be ready, pwede na tayong umalis noon," nang gabing magkasabay silang kumakain ng hapunan sa opisina ng binata.
"Akala ko ba ang sinabi mo sa San Benjamin tayo pupunta? At isa pa, mayroon pa bang kailangang ayusin sa bahay na iyon?" ang curious na naitanong pa ni Aria.
Sandali muna siyang tinitigan ni James bago ito nagbuka ng bibig para magsalita. "Sorry, sorpresa ko iyon sa iyo kaya hindi ko pwedeng sabihin," ang makahulugan nitong sabi habang nakangiti.
Noon nakangiting pinakatitigan ni Aria si James. "Galing ako sa ospital kanina. Si Mama, hindi na siya kasing worried katulad noon nauna. Salamat sa iyo, James," aniyang hindi napapalis ang magandang ngiti sa kaniyang mga labi.
Nagkibit lang ng mga balikat nito ang binata saka siya nakangiting kinindatan. "Ihahatid na kita pauwi, okay?" tanong pa nito sa kaniya pagkatapos.
Natawa ng mahina doon si Aria. "Nagtatanong ka, pero sa tono naman ng pananalita mo ay parang walang akong karapatan na tumanggi," ang amuse na winaka ng dalaga nang simulan niyang linisin ang mesa.
Isang magandang ngiti ang pumunit sa mga labi ni James dahil sa sinabing iyon ni Aria. "Hindi ko rin alam, siguro dahil nasanay na akong nakikita at nakakasama ka palagi. I'm sorry," anito pang sa ikalawang pagkakataon ay kinindatan na naman siya nito kaya mabilis na nag-init ang kaniyang buong mukha.
"Ah, sige, pero baka ma-late ka sa pag-uwi," aniya rito.
"Sabado naman bukas kaya okay lang," sagot sa kanya ni James.
Hindi na nagsalita pa si Aria dahil doon. Dahil ang totoo, gusto rin naman talaga niyang palaging nakakasama si James. At sumasaya siya kapag ganoon. Kahit naman kasi itanggi niya, alam niyang para siyang high school na may lihim na paghanga para sa kaniyang amo.
Sa huling naisip ay natigilan si Aria. Hindi na siya teenager para magkaroon pa ng crush sa kung kanino. Pero anong magagawa niya gayon pagdating sa lalaking ito ay ganoon ang nararamdaman niya. Para siyang high school na lihim na kinikilig.
KATULAD nga ng ng gustong mangyari ni James ay inihatid siya nito pauwi katulad narin ng palagi nitong ginagawa. Inabutan pa nila sina Anya at Alex sa sala na nanonood ng TV.
Masaya ang mga kapatid niya dahil may pasalubong pang donuts sa kanila ang binata. Nasa kusina siya at kasalukuyang ipinagtitimpla ng kape ang kaniyang amo nang lapitan siya ni Anya. Hawak nito ang sarili nitong toothbrush at alam niyang magsesepilyo dahil katatapos lamang nitong kumain ng matamis.
"Ate, boyfriend mo ba iyong boss mo?" ang bumubulong na tanong sa kaniya ng kapatid niya.
Nasorpresa si Aria sa tanong na iyon sa kaniya ni Anya. "Ano bang sinasabi mo? Mamaya marinig ni Sir James iyang mga sinasabi mo, nakakahiya," saway niya sa kapatid.
Tumawa lang ng mahina si Anya. "Oh, baka naman nililigawan ka palang niya?" tanong ulit nito.
Mabilis na namula ang mukha ni Aria sa tanong na iyon sa kaniya ng nakababatang kapatid. "Hindi rin, ano ka ba. Sige na magsepilyo ka na. Tapos matulog ka na," pagkasabi noon ay iniwan na niya si Anya na tumatawa parin ng mahina.
"Alex matulog ka na, late na," aniya sa bunsong kapatid na nanonood ng TV kasama si James.
"Sige, good night po Sir James," ang kapatid niya kay James.
Mabait ang ngiti sa mga labi namang tinanguan ni James ang kapatid niya. "Good night, Alex," anito pa.
"Minsan naiisip ko, ano kayang pakiramdam kung nagkaroon ako ng kapatid? Pwedeng mas matanda sa akin, or pwede ring mas bata. Sa tingin ko mas magiging masaya ang buhay ko kung ganoon," si James nang maiwan na silang dalawa sa sala.
Tumawa ng mahina si Aria saka inilapag sa center table ang tasa ng kape na tinimpla niya para kay James.
"Totoo iyon Sir James, mas masaya talaga kung may kapatid ka. Kahit kung minsan pwede kayong magkaroon ng mga tampuhan at hindi pagkakaunawaan, normal lang naman iyon kaya okay lang," sang-ayon pa ni Aria.
"You have a happy family, and you love each other," ang binata na dinampot ang tasa ng kape saka humigop.
"Totoo iyon, lalo na siguro kung nandito si Kuya Albert. Iyon panganay namin na nagtatrabaho sa abroad," aniya. "siguro kung nandito ang kapatid kong iyon, hindi magagawa sa akin ni Norman ang lahat ng iyon. Malay ko ba kung gaano katagal na niya akong niloloko?" si Aria na naramdaman na naman ang pagguhit ng galit sa kaniyang dibdib sa pagkakaisip sa dati niyang nobyo.
"You really love that man don't you?"si James na muling humigo ng kape sa tasa nito.
Hindi tiyak ni Aria kung ilusyon lang ba niya ang tila bitterness na nakaringgan niya sa tanong na iyon ni James. At dahil nga hindi naman siya sigurado, mas pinili niyang alisin na lamang iyon sa kaniyang isipan.
"Siguro kasi first boyfriend ko siya. At siya rin ang first love ko, kaya siguro hindi ako nahirapan na mahalin siya ng sobra. At iyon rin ang dahilan kung bakit nahihirapan ako ngayon na patawarin siya, nasaktan kasi ako ng sobra sa ginawa niya," paliwanag ni Aria.
Hindi nagsalita si James at nanatiling nakatitig lang sa kaniya. Pakiramdam ni Aria ay naghihintay pa ito ng iba pang pwede niyang sabihin kaya minabuti ng dalaga ang magpatuloy.
"Pero siguro sir, kung hindi ako nag-backout sa first job ko sa bakeshop ninyo baka hindi kami nagkakilala ni Norman," noon nakita ni Aria ang mabilis na pagguhit ng curiosity sa mukha ni James dahil sa kaniyang sinabi.