POWER OF DESIRE Chapter 18

KINABUKASAN minabuti ni Aria na magising ng mas maaga para personal na ipagluto ng agahan si James. 

Alam naman niyang hindi niya kailangang gawin iyon. Pero dahil nga asawa ang pagkakakilala sa kanya ng mga tao roon ay naisip niyang mas mainam narin iyon.

"Oh hija, bakit ang aga mong nagising? Baka hanapin ka ng asawa mo" si Aling Erlie nang abutan siyang kasalukuyang nagsasangag ng kaning lamig.

Magkakasunod na umiling si Aria saka nginitian ang matanda."Masarap na masarap po ang tulog ni James, Aling Erlie. Saka isa pa, mas gusto ko na ako ang magluluto ng almusal para sa kanya" hindi niya maintindihan, pero ang huli niyang sinabi ang totoong nararamdaman niya.

Matagal siyang tinitigan ni Aling Erlie bago ito nagsalita. " Maswerte siya at sa kabila ng lahat nagkaroon siya ng katulad mo. Alam mo bang akala ko noon ay hindi na mag-aasawa ang batang iyan?"

Pinukaw ng sinabing iyon ni Aling Erlie ang curiosity ni Aria kaya hindi niya napigilan ang magtanong.

"B-Bakit ho?"

Nasorpresang nilingon siya ng ginang mula sa pagtitimpla nito ng kape. "Mas maganda kung kay James manggagaling iyan" anitong sinimulan nang igayak ang hapag.

Dahil sa pinalidad na nasa tono ni Aling Erlie ay hindi na nagpumilit pa ang dalaga. Tama nga naman ito, mas maganda kung kay James iyon manggagaling. Pero sa kaso niya, alam niyang walang kailangan aminin sa kanya ang lalaki. Dahil una sa lahat, wala naman kahit anong namamagitan sa kanila.

AGAD na napangiti si James nang malabasan sa kusina si Aria na abala sa paghahanda ng agahan nila. Ilang sandali niya itong pinagmasdan. At dahil nga abala ay hindi nito agad napunang nanonood siya. 

"Good morning! Mabuti naman gising kana pala" ang bungad nitong bati sa kanya nang malingunan siya nito.

Nakangiting nilapitan ni James si Aria saka agad na dinampian ng simpleng halik sa mga labi.

"Good morning, mukha masarap itong niluto mo. For sure marami akong makakain nito" ang binatang masayang sinulyapan si Aling Erlie.

Umikot ang mga mata ni Aria saka siya pinaupo sa kabisera ng hapag. "Papasok ka kasi kaya naisip kong ako na ang personal na mag asikaso ng pagkain mo" paliwanag ni Aria.

"You're so sweet" si James na nangingislap parin ang mga mata siyang pinagmasdan." Actually hindi ko naman kailangang pumunta sa ngayon sa office. You know" nang lumabas ng komedor si Aling Erlie ay saka napatuloy si James. "pwede akong magtrabaho online" anitong nagsimula ng kumain. "masarap ka talagang magluto" anito nang matikman ang sinangag.

Nagkibit  ng mga balikat nito si Aria saka ngumiti. "Thank you" anito.

"Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa'yo ba tumawag si Attorney, nagkamalay naraw ang father mo" pagbabalita ni James sa dalaga.

SUKAT sa narinig niyang iyon ay agad na nabitin sa ere ang tasa ng kape ng dalaga. "T-Totoo?" ang naluluhang tanong ni Aria.

Tumango ng magkakasunod si James. "Nasaan na ba kasi ang cellphone mo at bakit hindi yata sayo nagsabi si Tita?" pagkuwan ay naitanong sa kanya ng binata.

Mabilis na ibinalik ni Aria ang paningin sa pagkain. " Actually iyon talaga ang bilin ko kay nanay. Kasi ang alam niya nasa ibang bansa ako.Kapag nagbigay ako sa kanya ng cellphone number, malalaman niyang nandito lang ako" pag-amin niya 

Matamang pinakatitigan siya ni James. " Sayang, balak ko pa naman sana eh dalawin natin si Tito" anitong nakangiti siyang sinulyapan.

Nagbuntong hininga ang dalaga. " Sa tingin mo?" 

Nagkibit ng mga balikat niya ang binata. " Pwede mo naman aminin sa kanila na nandito ka lang sa Pilipinas" anito.

"Eh papaano kapag nalaman nila ang totoo?" worried niyang tanong.

"Ikaw ang bahala, basta ang importante ngayon nagkamalay na si Tito. At kung sakaling gusto mo silang tawagan, sabihan mo lang ako. Ibibilo kita ng phone agad-agad" si James na inubos ang lamang kape ng tasa nito.

Pabirong inirapan ni Aria si James sa sinabi nitong iyon. "Ikaw na ang mayaman" aniya. " sige ibili mo ako ng phone. Iawas mo nalang sa sweldo ko" pagkuwan ay sagot niya.

Tumango si James. "Sige, pero okay na iyon. Libre nalang, ikaw pa ba?" ang binatang kinindatan siya. "maaga pa naman at sarado pa ang mga malls. Magtatrabaho muna ako" ang binatang tinapos na ang pagkain pagkatapos.

At dahil wala namang ibang gagawin, si Aria na rin ang nagprisintang magliligpit ng pinagkainan nila. Sa kabila iyon ng pagpoprotesta ni Aling Erlie.

" WHAT took you so long?" si James nang mapasukan niya ito sa kwarto nila na abala sa harapan ng laptop.

"Naghugas ako ng plato" aniya natawa pagkatapos. " nakakainip" dugtong pa niyang sabi.

Natawa ng mahina sa kanya si James saka pagkatapos ay sinenyasan siya para lumapit dito. Napangiti pa siya saka hinaplos ng mainit na damdamin ang dibdib niya nang makita ang pinagkakaabalahan nito. 

" Safe color siguro ang white , what do you think?" anito habang patuloy sa pagba browse ng baby cribs online.

"Hindi pa naman tayo nakakabuo eh, huwag ka munang bumili. Hindi daw maganda" natigilan si James sa huli niyang sinabi.

"Masama?"

Tumango si Aria."Pag ganun daw kasi sabi sa pamahiin ng mga matatanda malaki ang chance na makunan ang pinagbubuntis na babae" aniya.

Sandali siyang pinagmasdan ni James. "Tingin ko hindi naman totoo iyon" anito.

Napabuntong hininga si Aria. "Alam ko excited ka, pero saka nalang natin problemahin ang mga iyan. Siguro ang maganda iyong magiging kwarto niya na muna ang ayusin natin" suhestiyon ng dalaga.

Tumango si James saka nakangiting hinawakan ang kanyang puson. "Nakaka excite" ang binata niyuko siya saka hinalikan sa mga labi pagkatapos. 

"Thank you" nang pakawalan nito ang mga labi niya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Aria. "For?"

"For bringing so much happiness in my life. Kasi ang totoo, unti-unti naliliwanagan ako. Unti-unti nararanasan ko ang pakiramdam ng maging totoong masaya" ani James sa kanya.

Napangiti si Aria saka masuyong isinuklay sa buhok ng binata ang mga daliri niya mismo. "Thank you for showing me the secret side of you."

Noon bahagyang kinurot ni James ang tungki ng ilong ng dalaga. "That side is for you, and you, only" anito sa isang malalim at buong tono.

Parang pakpak ng ibon na humaplos sa puso ni Aria ang sinabing iyon ni James. Kahit pinipigilan niya. Parang gusto niyang isapuso ang sinabing iyon ng binata. Dahil kung tutuusin pinasaya naman niyon ng husto ang puso niya.

Pero katulad ng dati, kapag may mga ganoong pagkakataon na gusto niyang umasa. Mabilis niyang sinasampal ng reality ang sarili para sa huli, hindi siya masaktan. Para hindi siya mahirapan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.