POWER OF DESIRE Chapter 22

“ARIA hija, hindi ka ba nilalamok dito?” ang ama ni James na nasi Jaime ang nalingunan ng dalaga.

Nasa pool side siya noon at kasalukuyang nagpapahangin. Katatapos lang nilang kumain at si James ay nagpaalam sa kanyang aayusin ang kwarto nito na tutulugan nila.

Ngumiti siya. “Okay lang po ako sir,” sagot niya sa matandang kamukhang-kamukha ni James.

Narinig niya ang mahinang tawa na pinakawalan nito. “Tawagin mo akong Papa, hija,” anito sa kanya. “masaya ako na isang katulad mo ang pinakasalan ng anak ko. Hindi siya minsan man nagdala ng babae rito maliban sa’yo at nauunawaan ko na kung bakit” anitong humahanga siyang pinakatitigan.

Nag-init ang mukha ni Aria sa narinig. Naroon siya bilang asawa ni James. Gaya ng kung ano ang pagpapakilala sa kaniya ng binata kina Aling Erlie at sa pamilya ng ginang sa San Benjamin. Hindi na siya nagtanong kung bakit, alam niyang umiiwas lang sa kahit anong usapan at maraming tanong ang lalaki kaya nito iyon ginagawa. At pabor rin naman para sa side niya iyon. At least hindi siya nagmumukhang cheap sa paningin ng mga taong nakakakilala ng totoo kay James.

Ngumiti si Aria saka nahihiyang nagsalita. “Salamat po, Papa” ang halos pabulong niyang sagot.

Tumango ang matanda saka pagkatapos ay niyaya siyang maupo sa coffee table set na naroon. “Ang buong akala ko hindi na lalagay sa tahimik ang batang iyan. Well, hindi ko rin naman siya masisisi, nakita niya ang lahat ng pinagdaanan ko mula nang iwan kami ng Mama niya at sa tingin ko ay nagsilbing trauma iyon sa kanya.”

“A-Ano ho?” nang marinig ang sinabing iyon ng matanda ay naitanong niya.

Nginitian lang siya ni Jaime saka walang anuman na iwinasiwas ang isang kamay. “ Mas maganda kung sa kanya manggagaling ang lahat” anito pa. “ sa nakikita ko mahal na mahal ninyo ang isa’t-isa. Sa mga panakaw na sulyap niya sa iyo at sa matamis mong ngiti sa anak ko, alam kong hindi niya daranasin ang dinanas ko” mahabang salaysay ng matanda.

Nagbuka ng bibig niya si Aria para magsalita. Pero napigil iyon nang mamataan niyang palapit na sa kinaroroonan nila si James.

“Papa, bakit gising ka pa?” anitong nakangiting pinaglipat-lipat ang paningin sa kaniya at kay Jaime.

“Nakita ko kasi rito ang asawa mo, pero paakyat narin ako” sagot nitong matamis siyang nginitian.

“Ah ganoon ba?” si James. “ anyway, halika na sweetheart” yakag nito sa kanya saka siya inalalayan sa pagtayo.

“Kailan pala kayo uuwi rito?” natigilan si Aria sa tanong na iyon ng matandang lalaki kaya awtomatikong napatitig siya kay James.

“Maybe after ng honeymoon. Hindi ko pa alam kung hanggang kailan” anitong tinitigan siya. Nasa mga mata ng binata ang matinding affection na hindi niya gustong paniwalaan. Dahil ayaw niyang umasa. “but one thing is for sure. Sa bahay na ito ko ititira ang mag-ina ko” pagkasabi noon ay masuyo siyang hinalikan sa noo ng binata.

Malapad ang pakakangiting tinapik ni Jamie ang balikat ng anak. “ Matutulog na ako, good night” anitong nauna ng pumasok sa loob.

Sinundan niya ng tingin si Jaime hanggang maglaho ito sa paningin niya. Pagkatapos ay tiningala si James na hanggang ngayon ay nakahapit parin ang mga kamay sa baywang niya.

“Ang saya ng Papa mo” aniya.

Noon siya muling mahigpit na niyakap ni James. “Salamat sa’yo, dalawang James ang pinasaya mo” anito.

Umikot ang mga mata ni Aria. “Akyat na tayo?”

Tumango ang binata saka walang anuman siyang pinangko. Sa pagkabigla ay impit pang napatili ang dalaga.

“Ibaba mo nga ako” protesta niyang natatawa pa.

Malakas na tawa rin ang pinakawalan ng binata. “Baka mapagod ka, kaya bubuhatin kita hanggang sa kwarto natin. Ilalapag pa kita ng marahan sa kama” pagkasabi noon ay may kapilyuhan siyang kinindatan ng binata.

Mabilis na nag-init ang mukha ni Aria sa ginawing iyon ni James. At katulad nga ng gustong mangyari ni James. Pinangko siya nito at hindi na siya nagprotesta. Sa halip ay isiniksik nalang niya ang mukha sa leeg nito saka pikit ang mga matang sinamyo ang scent ng cologne nito. Habang paulit-ulit at parang sirang plakang naririnig ng dalaga ang mga salitang kwarto natin na nagdudulot ng kakaibang kiliti sa puso niya.

Gaya ng sinabi ng binata, ibinaba siya ni James sa mismong kama na nasa gitna ng kwarto nito. Natawa siya, pero saglit lang iyon dahil mabilis na inangkin ni James ang mga lahi niya para sa isang maalab na halik.

“Let’s have a shower together?” nang pakawalan nito ang mga labi niya.

Hindi na hinintay pa ni James ang sagot niya. Mabilis siya nitong muling pinangko saka pagkatapos ay ipinasok sa loob ng banyo.

Nang ibaba siya ni James ay agad na namataan ni Aria ang bath tub na puno ng tubig. Agad na nag flashback sa isipan niya ang lahat ng pinagsasabi sa kaniya kanina ni Paula kaya mabilis na nakaramdam ng challenge ang dalaga.

Iyon din ang dahilan kung kaya nagkaroon siya ng lakas ng loob na kabigin ang leeg ng binata para sa isang mapusok na halik.

“Slow down baby” si James nang pakawalan nito ang mga labi niya habang siya naman ay nagmamadaling hinubad ang suot na white shirt ng binata.

Parang walang narinig na muling hinalikan ni Aria ang binata. Pagkatapos ay itinulak niya ito sa tiled wall habang nanatiling magkahinang ang mga labi niya.

Naramdaman ni Aria ang agad na pag-aalab ng damdamin ni James sa higpit ng naging pagyakap nito sa kanya habang sa huli ay kinukuyumos na siya nito ng halik.

Ang mga kamay ni James ay awtomatikong nakagawa ng eksplorasyon sa kabuuan niya. At ganoon rin ang ginawa niya.

Naramdaman niya ang tila pag-ayaw ng binata nang ilayo niya ang mga labi niya mula rito.Pero saglit lang iyon dahil magkakasunod na singhap na ang pinakawalan ng binata nang simulan niyang pagapangin pababa ang mga labi niya sa katawan nito.

“Oh Aria” si James nang nasa abs na nito ang mga labi niya.

Napangiti roon ang dalaga. Naramdaman niya ang kakaibang katuwaan sa dibdib niya sa tono ng pagkakabigkas ni James sa pangalan niya. Iba pala ang pakiramdam na napapaligaya mo ang kaniig mo, at iyon ang dahilan kaya mas pinagbuti pa ng dalaga ang ginagawa.

“W-What the?” nang damhim niya ang bagay na nakaumbok sa unahan ni James ay parang hindi makapaniwalang niyuko siya ng binata.

Mula sa pagkakaluhod sa harapan nito ay nginitian lang niya si James. Pagkatapos ay sinimulan niyang ibaba ang pagkaka-zipper ng suot nito shorts.

“Are you sure? You know, hindi mo naman kailangan obligahin ang sarili mo” si James na napapikit pa nang dampian niya ng halik ang pagkalalaki nitong nagtatago parin naman sa suot nitong brief.

Tumawa si Aria saka pagkatapos ay inilabas na ng tuluyan ang pakay niya kanina pa. At totoong nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita kung gaano kakisig at katikas ang pagkalalaki ni James. Ngayon nauunawaan na niya kung bakit napapasigaw at nagagawa siyang iwala sa sarili niya ng sandatang ito ng binata. Dahil katulad narin ng sinabi niya, napakakisig at napakatikas niyon. Katulad ng kung gaano ang pisikal na kaanyuan ng binata.

“A-Aria?” untag ni James sa kanya na bahagya pang naghabol ng hininga.

“Sa tingin ko kailangan niya ng special treatment this time” may kapilyuhan niyang sagot saka pagkatapos ay tuluyan ng ikinulong ng bibig niya ang kakisigan ni James. Habang ang binata naman ay nagsimula ng umungol at magmura.

“Fuck sweetheart, yeah” anito.

Hindi maintindihan ni Aria pero totoong saya ang nararamdaman niya habang naririnig ang lahat ng reaksyon at response na iyon sa ginagawa niyang iyon kay James. Nararamdaman niya ang matinding paggigil nito sa kanya sa paraan lang ng pagtitig nito sa kanyang mga mata habang pinaliligaya niya ang matikas na pagkalalaki nito.

Ilang sandali pa nang hindi na marahil makatiis ang binata ay hinila na nito ang kamay niya saka siya mariing hinalikan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.