POWER OF DESIRE Chapter 21

PAULA, I'm starting to hate that name...

Ang kabilang bahagi ng isipan niya saka muling sinulyapan ang exit door na nilabasan ng babae.

"Aria? Are you okay?" si James nang manatili siyang tahimik habang kumakain sila.

Pinilit ni Aria ang ngumiti kahit ang totoo ay ngayon lang parang unti-unting nagsi sink in sa kanya ang lahat ng pinagsasabi ni Paula kanina.

"P-Pagod lang siguro ako" pagdadahilan niya saka itinuloy ang tahimik na pagkain.

Matamang tinitigan lang siya ni James saka pagkatapos nakangiti lang itong tumango-tango.

Isang latest model ng iPhone ang binili para sa kanya ni James. Noong umpisa ay ayaw naman talaga niyang tanggapin. Hindi naman kasi niya kailangan ang ganoon kamahal na telepono. Pero dahil narin sa masyadong mapilit ang binata at halatang walang planong magpaawat ay tinanggap narin niya.

Hapon nang matapos sila sa pamimili at pagwi-window shopping. Hindi niya maintindihan pero tuwang tuwa siya habang pinagmamasdan si James na abala sa pagtingin ng mga gamit at damit pambata.

"I just can't wait for tomorrow" si James nang pareho na silang nasa loob ng kotse nito.

"Bakit? Anong meron bukas?" ang naitanong niya kay James. Nasa parking na sila noon ng mall at pasakay na ng kotse.

"I told you, ipapa-check up kita" sagot nito. "get inside the car please" dugtong pa nito.

"Bukas na ba?" aniyang natigilan nang mapaisip.

"Oh bakit?" nang mapuna ng binata ang pananahimik.

Noon natitigilang pinakatitigan ni Aria si "Oh my God, I'm late" nang makatiyak ay naisatinig ni Aria.

Nangingislap ang mga matang napangiti si James. "Hindi nga?" anito.

Napakagat-labi si Aria saka magkakasunod na tumango. "Dapat two weeks before pa ako dinatnan" aniya nagbilang sa isipan niya.

Kung tutuusin isang buwan narin mahigit mula nang unang beses na may mangyari sa kanila ni James. At nasundan na iyon ng ilang ulit pa lalo na nang magkasundo nga sila nitong bibigyan niya ito ng anak. Kaya naman hindi imposibleng mangyari na buntis na nga siya.

"Baka naman?" nahimigan niya ang magkahalong paghihinala at excitement sa tono ng binata.

Hindi niya napigilan ang kakaibang haplos ng damdamin nang makita niya ang kakaibang kislap sa mga mata ng binata.

"Sa tingin mo?" si Aria.

Noon sinulyapan ni James ang suot na relong pambisig. "I think maaga pa. Pa-check up na tayo ngayon" nasa tono nito ang pinalidad kaya hindi na kumontra doon si Aria.

"CONGRATULATIONS, you're two weeks pregnant" ang masayang balita sa kanila ng matandang lalaking OB Gyne na siyang tumingin sa kanya.

Agad na binalot ng matinding kaligayahan ang puso ni Aria sa narinig. At mas higit pang nagtumindi iyon nang malingunan niya si James na ngiting-ngiti at nangingislap ang mga mata sa kasiyahan.

"Really?" ang masayang tanong-sagot ni James saka pinaglipat-lipat ang paningin sa kanya at sa matandang doktor.

Tumango ng magkakasunod ang doktor. "Yes, reresatahan kita ng mga kailangan mong vitamins" anito pa.

Nasa lobby na sila ng hospital nang bigla siyang yakapin ng mahigpit ni James. "Oh god, salamat ng marami sa'yo, sweetheart" anitong itinaas siya saka mabilis na hinalikan sa mga labi.Balewala rito ang mga taong naroroon at nakatingin lang sa kanila. "this calls for a celebration. Anyway may dalawang dahilan naman tayo. First, nagkamalay na si Tito Felipe, and second si James Sebastian III." ang binata sa napakasaya nitong tono.

Napangiting tiningala ni Aria ang binata. Hindi siya makapagsalita dahil nang mga sandaling iyon, totoong pinupuno ng labis na kaligayahan ang puso niya.

"Tatawagan ko si Dad, sasabihin ko sa kanya na sa bahay tayo kakain ng dinner to celebrate with him" ang binatang inakbayan siya saka kinabig palapit rito.

Nahinto sa paglakad niya si Aria sa narinig. "W-What?" ang hindi makapaniwala niyang tanong.

Nangingislap ang mga matang tinitigan siya ng tuwid ni James saka pagkatapos ay masuyong dinama ng mainit nitong palad ang kaniyang pisngi. "Why?" tanong-sagot nito.

Nag-iinit ang mga matang nagyuko ng ulo si Aria. Pinigil niya ang mapaiyak at nagtagumpay naman siya roon. "S-Sorry ha" aniyang natawa ng mahina sa kabila ng pagpipigil sa sariling emosyon. "hindi ko lang kasi expected eh" pag-amin niya.

"From now on, you can expect the best things and surprises from me," ang madamdaming hayag ng binata.

Tumango-tango si Aria saka ngumiti. Ang sumunod niyang ginawa ay hindi niya inasahan dahil siya man ay kusang nasorpresa nang parang may sariling isip ang mga kamay niyang yumakap ng mahigpit sa binata. "Salamat James" ang bulong niya.

PARANG naestatwa sa kinatatayuan niya si James dahil sa ginawin iyon ni Aria. Hindi siya pamilyar sa masarap na pakiramdam na pumuno sa puso niya. Pero sigurado siyang iyon ang dahilan kung kaya nagkaroon siya ng dahilan para yakapin rin ng mas mahigpit ang dalaga.

Nang mga sandaling iyon alam niyang hindi lang sila ang tao sa lobby ng ospital. Pero feeling niya silang dalawa lang. Feeling niya kanilang dalawa lang ang mundo. Kaya mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap rito.

"I know this is not the first time na nayakap kita. Pero," ganting bulong niya kay Aria. "my arms, parang ginawa sila para sa'yo. Para mayakap kita ng ganito" pagpapatuloy niya.

"Pwede bang ganito nalang tayo? Forever?" ang pabirong sagot sa kanya ng dalaga saka siya tiningala. "kaya lang sabi nila walang forever" pagpapatuloy pa nitong humagikhik.

Umangat ang sulok ng labi ni James. "Problema ba iyon? Edi gumawa tayo?" aniyang ginaya ang tono ni Aria.

Nakita niya ang matinding pamumula sa mukha ni Aria sa sinabi niyang iyon at katulad ng dati, may kakaibang saya siyang nararamdaman sa puso niya habang pinagmamasdan ito.

"Parang bata lang?" anitong inirapan siya bagaman nakangiti.

Noon niya masuyong hinawakan ang kamay ni Aria saka na ito iginiya palayo sa lugar na iyon. "Naniniwala akong blessing ang batang iyan" ang sa halip ay makahulugan nalang isinagot na sa tingin niya ay naunawaan naman ng dalaga.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.