POWER OF DESIRE Chapter 26

 "SALAMAT ulit James ah," nasa tapat na sila ng bahay nila noon at doon itinigil ng binata ang sasakyan nito.

Isang mabait na ngiti ang pumunit sa mga labi ng binata. "Kahit ano, para sa'yo," anitong kinindatan pa siya pagkatapos.

Araw iyon ng Biyernes at nakiusap siya sa binata na sasama sa pagluwas nitong ng Maynila para dalawin ang pamilya niya. Hindi naman siya nahirapang kumbinsihin si James dahil mabilis naman itong pumayag.

"Magkape ka muna bago ka pumasok sa work?" alok pa niya, pero ang totoo ay gusto pa niyang makasama ng mas matagal ang lalaki.

Inabot siya ni James saka hinalikan sa mga labi. "Thanks, pero..." anitong sinulyapan ang suot na relo. "O-Okay, pagkatapos ay nailing habang ngiting-ngiti nitong pinatay ang engine ng sasakyan.

Nasiyahan ng husto si Aria sa pagpayag na iyon ng binata kaya naman hindi niya napigilan ang sariling yakapin ito ng mahigpit. "Salamat! Halika na?"

Tumango si James. "Okay," anitong kinalas ang suot na seatbelt.

"Tao po?" ang bungad ni Aria sa bukas na pintuan ng kabahayan.

Parang isang taong naglingunan sa gawi nila ni James ang nanay at tatay niya. Pati narin ang kapatid niyang si Anya na bihis na kasama ang bunsong si Alex.

"Ate!" ang halos magkapanabay na bulalas nina Anya at Alex na tumayo pa at masayang sumalubong sa kaniya.

"Good morning po," si James sa nanay at tatay niya. "idinaan ko lang po si Aria kasi nami-miss na raw niya kayo," paliwanag nito sa mga magulang niya.

"Ganoon ba, naku eh mag-almusal muna kayo. Aria, halina kayo, tapos narin naman kami," si Cita na nagmamadaling tumayo saka sinimulang ligpitin ang mga platong nasa ibabaw ng mesa.

Nilingon niya si James na nakita niyang nakatingin rin sa kanya. "Ah, Nay kape nalang daw ho" aniya nang makuha ang ibig sabihin ng tingin na iyon ng binate.

"Maupo ka hijo," ang tatay naman niyang si Felipe na pinagulong ang sariling wheel chair patungo sa sala na adjacent lang sa komedor nila.

Tumango si James saka naupo sa tabi niya. Hindi maintindihan ni Aria pero totoong naa-amuse siya sa mga ikinikilos ng binata. Pakiramdam niya para itong teenager na kinakabahan habang umaakyat ng ligaw. Lihim na natuwa ang puso niya sa isiping iyon.

"Ako nalang ang magtitimpla ng kape mo," prisinta niya.

"Okay," ang sagot ni James na umakma pang tutulungan ang tatay niya para maiayos ang wheel chair nito pero napigil iyon nang sumenyas ang kaniyang ama.

"HANGGA'T maaari sana gusto kong ilihim tungkol tungkol dito. Gusto kong nakikita at nakakausap ka, pero ayoko naming magpakampante," nasa tono ng nanay niya ang matinding pag-aalala kaya bahagya siyang nakaramdam ng kaba.

"Bumalik na naman ba siya?" si Norman ang tinutukoy niya.

Umiling ang nanay niya. "Pagkatapos nung huling punta niya rito na si Anya ang nakausap niya ay hindi pa naman. Ang alam kasi niya ay nag-abroad ka katulad ng nauna mong sinabi sa amin," sa sinabing iyon ni Cita ay nakaramdam ng guilt ang dalaga.

Tumango si Aria. "Siguro magsasawa din siya, mapapagod din siya," aniyang hinalo ang kape na para kay James.

Ngumiti ang kaniyang ina. "Mabuting tao si James anak, kaya hindi ako nagdalawang-isip na ipagkatiwala ka sa kanya gawa ng nakikita ko sa kanya na kaya ka niyang protektahan. Hindi naman ito dahil sa mayaman siyang tao, nagkataon lang siguro iyon. Kaya nga nagulat ako nang hingin niya sa akin ang kamay mo at sinabi niyang nakahanda siyang gawin ang lahat para lang maprotektahan ka, nakahanda siyang pakasalan ka."

Natigilan si Aria sa narinig. Takang napatitig siya sa mukha ng kanyang ina habang niraragasa ng matinding kaba ang dibdib niya gawa ng narinig niya. "A-Ano ho?" ang hindi makapaniwala niyang tanong.

"Bakit? Hindi pa ba niya sinasabi ang tungkol doon sa'yo?" salubong ang mga kilay na naitanong sa kanya ng kanyang ina.

Umiling siya habang titig na titig parin sa mukha ng nanay niya. Hindi niya maintindihan pero parang gusto niyang umiyak ng umiyak dahil sa narinig. Kahit sabihin pa niyang ayaw niyang maniwala, ngayong nanay na niya ang nagsabi, alam niyang mahihirapan siyang gawin iyon. Dahil hindi nito iyon sasabihin sa kaniya kung hindi totoo.

"D-Dadalhin ko lang po ito sa loob," paalam niya.

Tinanguan lang siya ng nanay niya na nagpatuloy sa ginagawang paghuhugas ng mga plato.

Agad na natigilan si Aria nang matanawan si James na seryosong kausap ng tatay niya. Hindi niya maintindihan kung anong klaseng damdamin ang naramdaman niya pero binibigyan siya noon ng dahilan para maging masaya. At sa labis na kasiyahan ay parang gusto niyang umiyak. Parang gusto niyang tumakbo palapit rito at yakapin ito ng mahigpit.

Ang kwento ng buhay mo ngayon Aria ay tungkol na kay James. Iyon ang totoo kasi mahal mo na siya.

Mabilis na umagos ang mga luha niya gawa ng isiping iyon. Pero bago pa man siya malingunan ng binata ay tiniyak niyang nagawa na niyang tuyuin ang mga luha niya kaya naman hindi na iyon nakita ni James na nang lumingon sa gawi niya ay matamis ang pagkakangiti.

"S-Sorry medyo natagalan. N-Nag-usap pa kasi kami ni nanay," aniyang iniiwas ang paningin kay James.

"O-Okay ka lang Aria?" nang malingunan niya si James ay saka lang niya napansing nakatitig pala sa kanya ang binata.

Magkakasunod na umiling ang dalaga saka naupo sa katapat na single sofa na okupado ni James. "B-Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko sir" aniya.

"Aba e di magpahinga ka muna doon sa kwarto mo anak?" ang tatay niya sa worried na tono.

"H-Hindi na tay, babalik nalang po ako ng San Benjamin," aniyang sinulyapan ng makahulugan si James.

"No, I think tama ang Tito. Magpahinga ka dito at dito kita susunduin mamaya after ng meeting ko," nasa tono ni James ang pinalidad kaya hindi na nakapagsalita pa ang dalaga.

GAYA ng gustong mangyari ni James, nagpahinga siya sa kwarto niya nang makaalis ito. Ang totoo naman kasi, hindi related sa katawan niya o kahit sa pagbubuntis niya ang sakit na nararamdaman niya. Kundi sa puso niya.

Noon niyakap ni Aria ang dantay niyang unan saka tahimik na pinakawalan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Hindi niya malaman kung matutuwa ba siya o masasaktan sa nalaman niyang iyon mula sa kaniyang ina. Hindi niya malaman kung paano at alin ang emosyon na pipiliin niya sa dami ng magkakahalong damdamin sa dibdib niya.

Kakausapin ko siya. Aniyang bumalikwas ng bangon saka nagpahid ng mga luha.

Ginawa lang niyang madali ang pag-aayos nang maalala ang nabanggit na meeting kanina ni James. Sa sala nalabasan niya ang mga magulang niyang abala sa panonood ng TV. Wala kasing schedule ng theraphy ang tatay niya ngayong araw.

"Oh anak, saan ka pupunta? Akala namin nagpapahinga ka?" ang magkakasunod na tanong ng ina niyang si Cita.

Nginitian niya ng mgay katiyakan ang kanyang ina pagkatapos ay ang tatay naman niya. "Okay na ho ako, may pupuntahan lang ako saglit babalik rin ako agad," pagbibigay alam niya.

Tumango-tango lang ang mga magulang niya. "Mag-iingat ka kung ganoon," ang tatay niya nang nasa may pintuan na siya.

"Sige ho," sagot niya.

"ANO itong nabalitaan ko na ikinasal ka na raw?" nagulat pang natigil sa pinipirmahang papeles sin ang bumalandra pabukas ang pintuan ng kanyang opisina.

"What are you doing here? Paano ka nakapasok?" salubong ang mga kilay na tanong ng binate.

Pagak ang tawang pinakawalan ni Paula saka ipinatong sa ibabaw ng kanyang working desk ang dalang handbag.

"Fuck your stupid secretary na madali naman palang salisihan," anitong muling tumawa.

Naiiling nag nagbuntong hininga si James saka pagkatapos ay ibinalik ang atensyon sa ginagawa. "Anong kailangan mo?" deretsahan niyang tanong.

Muling nagmura si Paula sa tanong na iyon. "Ano itong narinig kong usapan sa isa sa mga branch ninyo na ikinasal kana raw? Kanina?"

Sandaling tinitigan ni James si Paula saka sumagot. "Totoo iyon. Ngayong narinig mo na ang sagot sa akin mismo, makakaalis ka na," taboy niya sa dalaga.

Nanlisik ang mga mata ni Paula sa narinig. "No! Hindi ako papayag! Sino ba ang babaeng iyan at bakit siya ang pinakasalan mo at hindi ako?" ang naghihisterya nang tanong ni Paula habang nangingilid ang mga luha.

Naiiling na tumayo si James saka nilapitan ang babae. "I'm sorry, hindi ako ang lalaking para sa'yo," ang tanging nasabi niya.

"No! Akin ka! Hindi pwede! Hindi ako papayag!" ang galit nag alit nitong sabi saka pagkatapos ay hinila ang leeg ng binate saka mariing hinalikan sa mga labi.

NANLAKI ang mga mata ni Aria sa nabungaran niya sa opisina ni James. Marahas siyang napasinghap kasabay ang pagkawala ng kanyang mga luha. Hindi niya napigilan ang mapasigok sa tindi ng hinanakit na nararamdaman at iyon ang umagaw sa atensyon ng dalawa.

"A-Aria, Love?" ang gulat na gulat na tanong ni James saka marahas na inilayo ang sarili mula kay Paula.

"Don't come near me," ang halos pabulong niyang sabi habang patuloy sa pag-iyak saka humakbang palikod.

"Sandali lang," ang boses ni James na sinundan siya.

"James!" ang narinig niyang sigaw pa ni Paula.

"Kapag may nangyaring masama sa anak at asawa ko, ikaw ang mananagot sa'kin!" ang galit na galit na boses na iyon ni James ang narinig niya bago sumakay sa elevator na madali naming nahabol ng lalaki kaya nakapasok ito.

"LISTEN to me, please?" pabalik na sila ng San Benjamin ay patuloy parin sa pagmamakaawa nito si James na pakinggan ang paliwanag nito.

Mahapdi na ang mga mata ni Aria sa kaiiyak. Hindi siya nagsasalita at hindi rin niya sinasagot anuman ang sabihin ng lalaki. Kaya naman nang makauwi sila ay sa kwarto nito siya pinilit na kausapin ng binata.

"Mali ang iniisip mo, please wala na kami ni Paula," sumamo nito na sinundan siya hanggang sa loob ng walk in closet.

Noon niya pilit na nginitian ang binata saka kinuha sa loob ng cabinet ang maleta niya. "O-Okay lang..," aniyang pumiyok pa sa huling salitang sinabi.

"Saan ka pupunta?" noon binalot ng takot ang gwapong mukha ni James.

"A-Aalis na ako James, h-hindi ko na k-kayang mahalin ka," sa huli ay minabuti narin ni Aria na aminin ang totoo sa binata.

Dahil iyon naman talaga ang totoo, mahal niya ito. Mahal na mahal niya si James.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.