POWER OF DESIRE Chapter 27

"NO, Aria naman makinig ka sa'kin please?" si James na hinawakan ang kamay ng dalaga saka hinila payakap sa kanya. "don't leave me," ramdam ng binata ang tila patalim na gumuguhit sa lalamunan niya nang mga sandaling iyon gawa ng pagpipigil niya sa sariling emosyon.

Hindi sumagot doon ang dalaga at sa halip ay sinimulan nang i-empake ang mga gamit nitong nasa loob ng cabinet habang patuloy parin sa tahimik na pag-iyak.

"Please, kausapin mo naman ako. Hindi naman makakatulong sa'tin ang pananahimik at pag-iyak mo lang ng ganyan," muli ay pakiusap ng binata pero para parin itong walang naririnig na nagpatuloy lang sa ginagawa.

Nang lumabas ito ay sinundan parin niya. "Ano ba Aria, hindi ko naisip minsan man na ganiyan ka pala katigas!" ayaw man niyang sabihin pero sa tingin niya iyon lang ang tanging paraan para makuha niya ang atensyon nito. At hindi nga siya nagkamali.

"A-Ako? M-Matigas?" ang galit na galit nitong sinabi sabay harap sa kanya.

"I told you, wala na kami ni Paula. Iyong nakita mo__"

"Hindi ito tungkol sa kanya!" bulyaw sa kanya ng dalaga. "Okay sige, sabihin na nating nasaktan ako sa nakita ko, pero hindi lahat ng ito tungkol doon. Tungkol ito sa akin at sa punyetang nararamdaman ko para sa'yo!"

"W-What the?"

"Oo mahal kita! Pero hindi ko naman ito pinili. Bwisit ka kasing hinayupak ka! Ang galing-galing mo sa kama! Ang gwapo-gwapo mo! Ang bait-bait mo hindi lang sa'kin pati na rin sa pamilya ko! Dapat kasi hindi mo nalang ipinakita sa'kin yung magagandang traits mo! Dapat kasi puro kalibugan mo nalang para hindi ako nagka ganito!" sigaw ulit sa kanya ng dalaga.

"Believe me, hindi ko sinadyang ipakita ang lahat ng iyon. Kusa lang nangyari ang lahat," hindi malaman ni James kung matutuwa ba o masasaktan sa lahat ng nangyayari.

Tumango si Aria ng magkakasunod saka pagkatapos ay nagpahid ng mga luha. "I should go," aniyang pinigil ang muling mapaiyak.

"Hindi ka pwedeng umalis," mariing winika ni James saka tumayo sa may pintuan ng silid.

"Oh really? At sino ka para pigilan ako?" galit na nagpatuloy sa pag-e-empake ng mga gamit nito si Aria.

"Please, pag usapan natin ito. Kung may nagawa ako, sabihin mo para makapagpaliwanag ako," sumamo niya. Sa totoo lang kanina pa niya gustong yakapin ang dalaga. Pero natatakot siya na baka kapag ginawa niya iyon, baka lalo itong magalit sa kania.

UMIIYAK na muling hinarap ni Aria ang binata. "Hindi ko na kaya. Hindi ko dapat pinasok ito," aniyang napaupo sa gilid ng kama saka humahagulhol sa isinubsob ang mukha sa sarili niyang mga palad.

Naramdaman niya ang paglapit sa kaniya ni James. At nang hawakan nito ang balikat niya, awtomatikong parang gusto niyang yumakap nalang ng mahigpit rito saka sa balikat nito umiyak ng umiyak.

"H-Hindi mo ako pwedeng iwan, A-Aria," nang marinig niya ang tila pagkabasag ng tinig ni James ay saka siya napatitig rito.

"H-Hindi ko naman ilalayo sa'yo ang bata James. Ang gusto ko lang maging okay itong nararamdaman ko. At kung pwede pa sanang kalimutan ka, sa kabila ng lahat, gagawin ko. Kasi basag na basag na ako," aniyang muling napasigok.

Sa sinabi niyang iyon ay nakita niyang kumislap sa mga mata ni James ang mga butil ng luhang kusa ring umagos pagkuwan.

"I can't live without you," ang sa halip ay isinagot nito.

"H-Hanggang kailan? Darating ang araw hindi mo na ako kakailanganin James. Hindi ko kasi naisip na magiging mahirap ito," nasa tono niya ang matinding paghihirap. "sinabi na rin sa'kin ni nanay ang totoo, pero bakit wala kang sinasabi? Kasi nagbago ang isip mo? Kasi naisip mong mas higit sa akin ang pwede mong makuha kung sakali?"

"Hindi totoo iyan," ang binatang ginagap ang palad niya saka marahang pinisil. "kailangan kita sa buhay ko. Kailangan kita habang humihinga ako. Kapag nawala ka mababasag ako," ang umiiyak paring winika ni James.

Hindi nakapagsalita at natitigilang napatitig lang si Aria sa binata na ngayon ay nakaluhod na sa harapan niya.

"Hindi ko alam noon kung ano ang pakiramdam ng nagmamahal at minamahal. Pero nung nakilala kita, nagkaroon ako ng idea at gusto ko ang feeling," paliwanag sa kanya ng binata.

"Alam mo ba iyong pakiramdam na kahit siguro mawala ang lahat sa'kin, basta kasama kita magiging masaya pa rin ako?"

Nang manatili siyang tahimik na umiiyak lang ay nagpatuloy ang binata. "Akala ko noon anak lang ang kailangan ko na pwedeng kumumpleto sa buhay ko, pero hindi pala. Pamilya ang kailangan ko Aria, at ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama sa pagbuo ng pamilyang iyon."

Lalong napaiyak si Aria sa sinabing iyon ni James. Pero hindi parin siya makapagsalita. Ang totoo, pinupuno ng matinding kaligayahan ang dibdib niya kaya parang wala na siyang mahagilap na kahit anong pwedeng sabihin.

Dumukot sa bulsa ng pantalon nito si James at inilabas ang isang singsing.

"Matagal ko ng gustong ibigay ito sa'yo," anito. "nung araw na hiningi ko ang kamay mo sa nanay mo, kinabukasan binili ko na iyan. Kasi alam ko sa sarili kong mas mapoprotektahan kita kung magiging akin ka. Kaya lang naduwag ako, natakot ako na baka i-reject mo ako. At kapag nangyari iyon, masasaktan ako ng husto, katulad ng nangyari kay Papa nang iwan kami ni Mama. Pero minsan pala kailangan mong harapin iyong pinaka kinatatakutan mo para magkaroon ka ng kapanatagan," ang mahabang salaysay ni James saka suminghot. "J-James..." ang naiiyak pero nakangiting winika ni Aria.

Hinawakan ni James ang kamay niya saka marahang pinisil. "Please, hindi ko alam kung paano pero isa lang naman ang gusto ko. Marry me, be my wife and I promise to love and cherish you forever and always."

Tumango si Aria nang magkakasunod saka hinaplos ang basang mukha ng binata. "Yes, kahit saang simbahan. Kahit ilang beses pa James, mahal na mahal kita at willing akong pakasalan ka," ang masayang masaya na sagot ng dalaga.

"I love you too, so much," sagot ni James saka isuot sa daliri niya ang magandang diamond engagement ring saka siya hinalikan sa mga labi pagkatapos.

"Promise me na kahit anong mangyari hinding-hindi mo ako iiwan," ang binata nang pakawalan nito ang mga labi niya.

"I promise, hinding-hindi ko gagawin sa inyo ng sa inyo ng anak natin ang ginawa ng Mama mo," totoo iyon sa loob niya at wala siyang planong sirain ang pangakong iyon.

Mahigpit siyang niyakap ni James. "Kundi pa kita nakilala, hindi ko malalaman kung ano ang kulang sa buhay ko," anitong pinakatitigan siya saka hinaplos ng buong pagmamahal ang kaliwa niyang pisngi.

"I'm sorry kung tinangka kong iwan ka. Mahal na mahal nalang talaga kita kaya hangga't maaari gusto kong sanayin nalang sana ang sarili ko na wala ka kung sakaling hindi..."

"Kung sakaling hindi kita mahal?" si James na tumawa ng mahina. "mahal na mahal kita. Hindi ko lang masabi kung paano o gaano pero alam ko na itong pagmamahal na ito hindi na mawawala sa puso ko, kahit kailan. Kasi sa'yo ko lang ito mararamdaman."

"Huwag mong pagdudahan ang pagmamahal ko sa'yo kasi ang totoo everytime I look at you isa lang naman ang nakikita ko sa sa mga mata mo. Iyon ay kung gaano kita kamahal," nasa kislap ng mga mata ni James na totoo sa kalooban nito ang lahat ng sinasabi nito sa kanya at iyon ang totoong nagdadala ng masarap na pakiramdam sa puso niya.

"Itapon mo na iyong black calling card na ibinigay ko okay? Hindi mo kailangan, because you deserve more than that," anitong sinuyod ng tingin ang kanyang mukha. Nakuha naman niya kung ano ang ibig sabihin doon ni James.

Umangat ang sulok ng labi ni Aria. "Really?" aniyang pabirong humimig na tila hindi siya kumbinsido.

Noon hinawakan ni James ang kamay niya kung saan nakasuot ang ibinigay nitong singsing. "Alam mo bang kapareho ito nung engagement ring na ibinigay noon ni Papa kay Mama?" anitong dinala ang kamay niya sa bibig nito saka sinimulang dampian ng maliliit na halik.

Mainit ang mga labi ni James kaya agad na nadala si Aria sa ginagawang iyon ng ngayon ay kaniya ng kasintahan. "J-James...," aniyang napapikit pa nang magsimulang gumapang sa braso niya ang mga halik nito.

"Hindi ba gusto mong subukan dito?" ang tinutukoy ni James ay ang malaking kama sa kwarto nito.

Nag-init ang mukha ni Aria nang maalala ang sinabi sa kaniya ni James nang huli silang magtalik.

"parang hindi pa natin nasubukan dito" ang tinutukoy niya ay ang malaking kama ng binata.

Tumawa si James. "We'll get there soon"

"The power of desire..." ang makahulugang winika ni James na nagpabalik sa kanyang huwisyo. "may lead you to the most beautiful thing on earth," ngayon ang itinaas na ng binata sa leeg niya ang halik nito habang isa-isang kinakalas ang pagkakabutones ng suot niyang blusa. "and that's love..,." pagkasabi noon ay mariin na nitong inangkin ang kanyang mga labi para sa isang nakalulunod at maalab na halik.

Iyon ang first kiss nila ni James bilang magkasintahan at masasabi niyang ibang-ibang iyon kumpara sa mga nakalipas na. Siguro gawa narin iyon ng katotohanang may title na ang lahat ng ginagawa nila. Alam niyang ginagawa nila iyon dahil nagmamahalan sila, Although matagal narin naman niyang ramdam iyon, mas naging masidhi nalang ngayon dahil aware na siya at aware narin ang binata.

"Pwede pa bang gawing kambal iyan?" biro ni James ng pakawalan nito ang mga labi niya.

Natawa ng mahina roon si Aria. "Bakit hindi mo subukan?" hamon niya rito saka nang-aakit pang kinagat ang pang-ibaba niyang labi.

"Yeah, right," si James na humugot muna ng malalim na hininga bago siya muling inangkin ang kaniyang mga labi.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.