POWER OF DESIRE Chapter 29

"GOD, it's big, you're so big!" nangsimula siyang bayuhin ni James mula sa kanyang likuran ay halos panawan na ng ulirat si Aria.

Iyon ang unang pagkakataong ginawa nila ng binata ang ganoong klase ng posisyon at masasabi niyang isa na iyon ngayon sa mga pinaka-paborito niya. Kahit pa kung tutuusin kahit isulok yata siya ni James o angkinin sa loob ng cabinet ay magagawa siya nitong paligayahin at iwala sa sarili niyang katinuan.

"Gusto mo ba ng ganito, Aria? Huh?" habang patuloy sa paglalabas-masok sa kaniya ay hinihingal ring tanong sa kanya ni James.

Napakagat-labi si Aria nang bigyan siya ng isang buo at pabiglang ulos ng binata. Naramdaman pa niya ang dulo ng pagkalalaki nito na tumatama sa kanyang puson kaya malakas siyang napasigaw gawa ng matinding sarap.

"Ahhhh, hmnnn, don't stop yes, don't stop!" ang magkakasunod niyang naisatinig sa halip saka sinalubong ang halik sa kanyang ng binata.

Hindi niya malaman nang mga sandaling iyon kung saan at paano kakapit gawa ng pakiramdam niya na para siyang nalulunod. Ramdam niya ang matinding panunuyo na ng kanyang lalamunan dahil ang totoo hindi na niya kayang kontrolin ang magkakasunod na ungol at daing na pinakakawalan niya.

"Baby you're so wet," ani James na hinugot ang pagkalalaki mula sa loob niya saka muli ay pabiglang ipinasok ng buo dahilan kaya muli ay impit na namang napatili ang dalaga.

"Kasalanan mo iyan," daing niya saka nilingon ang lalaking nakaibabaw sa likuran niya. "masyado mong ginagalingan palagi," saka niya sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

"Ah ganoon huh," ang binata sa nanggigil na tono na hinila ang buhok niya saka siya mariing hinalikan. "I love you so much baby, so much," habang nagmimistulang nakikipaghabulan sa bilis ng mga galaw nito si James ay iyon ang paulit-ulit na sinasabi sa kanya ng binata.

Hindi niya maintindihan kung mababaw lang ba ang loob niya o sadyang napakahaba ng sandata ni James kaya nagagawa nitong bundulin ang bahagi ng puson niya kahit nakadapa pa siya.

"Ang sarap James, sobrang sarap," ungol niya habang nanatili siya sa ganoon posisyon.

"May alam akong posisyon na mas magugustuhan mo, Love," anitong hinawakan ang balakang niya saka siya itinaas.

Hindi nakapagsalita si Aria at sa halip ay napasigaw nalang nang magpatuloy sa mas papabilis nang galaw nito si James. Totoo ngang mas masarap ang ganoon na sa pagkakaalam nila ay tinatawag nilang dog style.

Ramdam na ramdam niya ang pagkalalaki ang nito na bumubundol sa kanyang puson at iyon ang totoong nagpapawala ng katinuan niya. Kumapit siya sa puting bedsheet. Lalo kasing nagtumindi ang pakiramdam niyang parang malulunod habang binibilisan ng binata ang pag-ulos sa kanya.

"Malapit na ako, J-James!" hindi niya matandaan kung pang-ilang beses na niya iyon. Ang alam lang niya napaliligaya siya ng nobyo kaya siya nilalabasan ng maraming ulit.

"Same here, Love, same here," ani James sa nagpipigil na tono kasabay ng magkakasunod na buo at makapangyarihang ulos sa kanya.

Hindi na nakapagpigil dahil doon si Aria. Tuluyan niyang pinakawalan ang isang malakas na sigaw na kanina pa niya kinokontrol. Kasabay iyon ng mainit na likidong naramdaman niyang umagos mula sa kaniya.

"YOU okay?" si James nang kabigin siya at ikulong sa malalaki nitong bisig.

Hinihingal na napangiti si Aria. "Oo naman, pagod nga lang at nanghihina," aniyang sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

Masuyo siyang hinalikan ni James sa kaniyang noo saka pagkatapos ay mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kaniya. "Tell me, gusto mo bang baguhin ko iyong way ko?" tanong nito sa isang considerate na tono.

Nabigla sa tanong na iyon si Aria kaya mabilis niyang tiningala ang binata. "No, of course not," aniyang hinaplos ang mukha ng binata.

"Inisip ko lang kasi, kaya ko namang magbago. Kaya kong baguhin ang lahat ng gusto mo, sabihin mo lang sa akin kung ano," sagot ni James sa kanya saka siya pinakatitigan ng buong pagmamahal.

"Isa lang naman ang gusto kong mawala sa'yo," aniyang sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

Umangat ang dalawang kilay ng binata. "Ano?" anito sa tonong interesadong-interesado sa isasagot niya.

"Iyong pagiging babaero mo," sagot niya nakagat pa ng wala sa loob ang pang-ibaba niyang labi.

Noon nakangiti siyang niyakap ng mahigpit ni James saka pagkatapos ay hinalikan sa noo. "Wala na, ikaw nalang ang natira," paniniyak nito sa kanya.

"T-Talaga?" aniyang humimig pang hindi kumbinsido.

Ngumiti si James saka kinurot ang tungki ng kanyang ilong. "Suot mo na nga ang ebidensya di ba?" anitong natatawa.

Tumango-tango ang dalaga. "I know," pagkuwang ay sagot niya saka isiniksik ng husto ang sarili sa tagiliran ng lalaki.

"Thank you, Aria, I promise to protect you always. Hindi ko maipapangako na hindi ka iiyak, pero hangga't kaya ko, I want those tears to be happy tears."

Nag-init ang mga mata ni Aria sa sinabing iyon ni James. "Normal lang naman iyon, ang magtalo. Ganoon ang nanay at tatay ko. Ang importante, pagkatapos nung mga hindi pagkakaunawaan eh wala parin tayong plano na bitiwan at isuko ang bawat isa."

"Syempre hindi kita isusuko, kahit anong mangyari hindi ko na pakakawalan ang babaeng bumago sa buhay at pagkatao ko," anito.

"Really?" biro ni Aria sa kabila ng nag-uumapaw na kasiyahan sa puso niya.

Tumango si James saka hinawakan ang kamay niya at hinalikan. "Hindi ko napansin na unti-unti mo na palang binabago ang buhay ko. Binigyan mo ako ng isang bagay na totoo, iyong nararamdaman dito sa puso, at iyon ang kumumpleto sa pagkatao ko."

Hindi nagsalita doon si Aria at sa halip ay nginitian lang si James. Kaya naman muling kumibot ang mga labi ng lalaki. "Kung okay lang sa'yo, gusto kong hingin ng pormal ang kamay mo sa mga magulang mo ngayong gabi."

Nanlaki ang mga mata ni Aria sa narinig. "S-Seryoso ka?"

Tumango si James. "You know, hindi ko lang naamin pa sa'yo pero kanina nasabi ko na sa Tito ang totoo. Ang lahat ng tungkol sa atin at sa kasunduan and all," pagtatapat sa kanya ni James.

Sa narinig ay tuluyan na ngang napaiyak ang dalaga. "H-Hindi nagalit ang tatay?"

Nagkibit ng mga balit nito si James. "Noong umpisa nakita ko sa aura niya na galit siya. Sa tono ng pananalita niya pati sa way ng pagtitig niya sa akin. Pero siguro naramdaman niya na totoong malinis ang hangarin ko sa'yo kaya naunawaan niya ang lahat. Actually aside sa Tita na nauna ko ng nakausap, ginawa ko narin iyon sa kanya. Sinabi niya sa akin na wala raw siyang pag-aalinlangan sa nararamdaman ko para sa'yo kahit pa hindi niya gusto ang naging simula nating dalawa. Hindi dahil sa mayaman ako kundi dahil nakikita niya iyon sa akin. Nababasa niya sa mga mata ko," mahabang paliwanag ni James.

"Oh James, hindi mo alam kung gaano mo akong napasaya," aniyang nagpahid ng mga luha saka nangingislap ang mga matang nginitian ang binata.

"And sana, kahit busy ako sa trabaho. Gusto ko tayong dalawa ang personal na mag-aasikaso ng kasal natin. Pero ang idea mo ang mas gusto kong masunod. You know, mula sa pinakamaliit kagaya ng color motif, flavour ng cake, and all. I want you to be very happy. Kasi ganoon ang ginawa mo sa akin mula nang makilala kita," dugtong pa ng binata.

Sa narinig ay muling napaiyak si Aria. Ano pa ba ang dapat niyang sabihin? Mukhang lahat naman ng nararamdaman niya nang mga oras na iyon ay hindi makakayang ipaliwanag ng kahit anong salita. Kaya mas pinili nalang niyang yakapin si James. Well atleast sa ganoong paraan ay mas mararamdaman siya nito. Atleast sa ganoong paraan, nagkakaunawaan sila, kasi mga puso nila ang nag-uusap.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.