MADALING araw nang malingat si James para lang mapangiti nang makitang nanatiling nakasiksik sa tagiliran niya ang babaeng nagawang ibigay ang virginity sa kanya pero hindi ang pangalan nito.
Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa maganda nitong mukha. Napakahimbing ng tulog nito sa kanyang bisig at hindi niya maitatangging sa kabila ng pagiging estranghera nito ay gusto niya ito sa kanyang tabi.
Ilang sandali siyang nanatili sa ganoong ayos. Nagkasya sa simpleng pagtitig sa magandang mukhang nasa kanyang tabi. Quarter to five nang mapagpasyahan niyang bumangon at maligo. Isa-isa niyang pinulot ang nagkalat niyang damit sa sahig nang mula sa bulsa ng hinubad niyang polo ay nahulog ang isang sa kopya ng kanyang black calling card.
Ugali na niyang maglagay ng ganoon sa bulsa ng polong suot niya na ibinibigay naman niya sa babaeng matitipuhan niya. Dinampot iyon ni James saka inilagay sa ibabaw ng bedside table kung saan nakapatong ang bag ng babaeng nagpapatawag sa kanya sa pangalang 'Hey', kasi iyon naman daw ang ekspresyon nilang mayayaman.
Naiiling na natatawang sinulyapan ni James ang babae saka nagtuloy sa banyo at naligo. Ginawa niyang mas matagal ang paliligo kaysa karaniwan sa kadahilanang hindi naman siya nagmamadali. Pero iyon nalang ang laki ng pagsisisi niya nang malabasan wala na higaan ang babaeng kanina ay iniwan niyang mahimbing na natutulog.
Binalot ng matinding panghihinayang ang dibdib ni James sa kaisipang paano niya ito hahanapin kung sakali gayon ni hindi niya alam ang pangalan nito. Saka nalang natigilan nang maisip ang panghihinayang na mayroon siya para sa babaeng iyon.
NANG makalabas ng gusali ay nagmamadaling pumara ng taxi si Aria saka sumakay at nagpahitid pauwi sa kanila. Gaya ng apartment ni Norman ay mayroon din naman siyang sariling susi ng bahay nila.
Sa kwarto niya siya nagtuloy at nagpalit ng damit. Sa harapan ng mahabang salamin bumati ang repleksyon ng sarili niyang puno ng maliliit na marka sa may bahagi ng kanyang tiyan at dibdib.
Mabilis na nag-init ang mukha ni Aria dahil doon. Lalong higit nang maalala niya ang Nanay at Tatay niya, pati narin ang maliliit niya pang kapatid na sina Anya at Alex.
Iningatan mo ang sarili mo noon kay Norman, pero ibinigay mo naman ng kusa sa isang lalaking kanina mo lang nakilala? Anong klaseng babae ka?
Ang kabilang bahagi ng isipan niya kaya mabilis siyang napaluha. Sana lang hindi magbunga ang nangyari sa kanila. Sana hindi siya mabuntis. Sigurado naman siyang hindi na niya ito ulit makikita, lalo at tumanggi siyang ibigay rito ang pangalan niya.
Kailangan kong bumangon at maging matapang. Para sa pamilya ko.
Oo nga, iisipin nalang niyang walang nangyari. Kailangan niyang ituloy ang buhay niya. At higit sa lahat, kailangan narin niyang maghanap ng malilipatang trabaho.
Noon siya napabuntong hininga. Saka muling napaiyak pero agad rin niyang tinuyo ang mga iyon. Hindi niya makakalimutan si Norman kung palagi parin niya itong makikita. At habang nakikita niya ito ay siguradong maaalala rin niya ang pagkakamaling ginawa niya kagabi. Kaya para sa ikatatahimik niya, iyon nalang ang gagawin niya.
"KUNG iyon ang sa tingin mo eh makabubuti sa'yo anak. Walang problema" ang tatay niyang si Felipe kinabukasang kumakain sila ng agahan.
"Huwag ka ng umiiyak ate, hindi naman talaga kayo bagay ni Kuya Norman. Masyado ka kayang maganda para sa kanya" si Anya habang ngumunguya ng pagkain.
"Anya, hindi ka dapat nakikisali sa usapan ng matatanda" saway naman ng nanay niya rito.
Nagkibit ng balikat ang dalagitang kapatid. "Nay fourthteen na ako kaya naiintindihan ko na si Ate" katwiran nito.
Noon siya natawa saka pinahid ang luhaang mukha. "Huwag kang mag-alala, magiging okay rin ako" aniya sa kapatid.
"Saan mo nga pala planong lumipat kung magre-resign kana ngayon?" ang nanay niya.
Noon dinampot ni Aria ang tasa ng kape saka humigop. "Naalala ninyo iyong international bakeshop na dapat sana eh first job ko?"
Sandaling nagsalubong ang mga kilay ng nanay at tatay niya. "Ah oo, eh matagal na iyon anak, apat na taon na halos."
"Susubukan ko pong magpatulong kay Jocel. Hindi ba Store Manager na siya sa doon?" aniya.
"Oh di ikaw ang bahala. Basta huwag mo munang aalalahanin ang gastusin dito sa bahay, ayos naman ang kita ko sa pamamasada ng taxi saka regular naman na nagpapadala ang kuya mo kaya hindi tayo mahihirapan" paniniyak pa ng tatay niya.
Napangiti si Aria sa sinabing iyon ng tatay niya. Saka muling nag-init ang mga mata nang maalala ang lahat ng pinaggagawa niya kagabi. Pinigil niya ang mapaiyak at nagtagumpay naman siya. Isa lang naman ang dalangin niya, huwag sanang magbunga ang nangyari. Dahil kung sakali, alam niyang masasaktan ng husto hindi lang ang mga magulang niya kundi buong pamilya niya.
"JAMES, hindi ka raw umuwi kagabi anak?" ang Papa niyang si Jaime na katulad ng dati ay inabutan niyang kumakain na ng agahan sa komedor.
Umiling siya saka nginitian ang matanda. "Sorry hindi ako nakatawag. Nalasing ako kaya sa hotel nalang ako nagpalipas ng gabi" paliwanag niya. Well half true naman iyon kung tutuusin.
Mataman siyang tinitigan ng matanda saka nagpatuloy sa tahimik na pagkain. "Pati ba naman sa akin magsisinungaling ka?" pagkuwan ay isinatinig nito.
Napabuntong hininga si James. "Pa, siguro naman hindi tayo papunta doon sa paborito ninyong topic?"
Tinawanan siya ng matanda. "Kailan mo ba balak? Kapag wala na ako?" anitong tinitigan siya ng tuwid. "sana lang tigilan mo na ang pinaggagagawa mong hindi maganda sa mga babae. Baka pagsisihan mo iyan sa huli, sinasabi ko na sa'yong matanda na ako. Ayokong mag-isa ka pagdating ng araw" ang mahabang paliwanag ng kanyang ama.
Hindi na siya nagsalita tungkol doon. Pero sa isip niya, agad na sumagi roon ang isang maganda mukha na totoong pinapangarap niya na muling maangkin.
Saan kaya niya ito pwedeng hanapin? O saan naman kaya niya ito pwedeng makita? Tama iyon? Well after all siya parin si James Sebastian Jr. Isang kilalang negosyante na hinahabol at pinagkakaguluhan ng maraming babae.
Ano nalang ang iisipin ng marami kung sakaling ipahanap niya ang isang babaeng ni pangalan ay hindi niya alam. Noon naiiling nang tinapos ng binata ang pagkain, nagpaalam kay Jaime saka na lumakad.
Gustong kong isiping it's your lost na tinanggihan mong ibigay sa akin ang pangalan mo. Pero ang sinasabi ng katawan ko, lalo ng pagkalalaki ko. I want you again, and again, and again. At sa tingin ko matatahimik lang ako kapag nasa akin kana.