POWER OF DESIRE Chapter 9

NAKITA ni James na magkakasunod na napalunok si Aria sa sinabi niyang iyon. Maging ang matinding pamumula ng mukha nito. Isama mo pa ang mga mata nitong kanina pa maiilap. Totoong nagtutumindi ang kagustuhan niyang angkinin ito ng paulit-ulit.

Hindi niya maintindihan, pero kung ang pananamit lang ng dalaga na napakasimple at masyadong formal ay wala naman dahilan para makaramdaman siya ng ganoon. Kung ano ang nangyayari sa kanya, hindi niya maintindihan. Pero isa lang ang sigurado siya, katulad ng sinabi niya kanina. Gusto niyang palagi itong nakikita at nakakasama.

"H-Hindi naman kasama sa trabaho ko ang maikama mo ng paulit-ulit si-ah, J-James" anitong tumitig sa kanya pagkatapos.

Umangat ang sulok ng labi ni James sa ginawing iyon ng dalaga. "I desire you the most. Iyan ang gusto kong ipaalam sa iyo."

Blangko ang reaksyon ng mga mata siyang tinitigan ni Aria. "Hindi ako katulad ng iniisip mo. Nangyari iyon kasi lasing ako, kasi broken hearted ako. Pero kung nasa matinong pag-iisip ako, hindi mo ako makikita sa lugar na iyon" noon ay nakita na niyang gumuhit ang galit sa magaganda nitong mga mata habang sinasabi ang mga iyon.

Tumango siya. "That's why I like you. Kasi iba ka sa kanila," siya man ay nagulat sa sinabi niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinagsisisihan at hindi niya iyon gustong bawiin dahil ang totoo iyon naman talaga ang tunay niyang nararamdaman.

Nagyuko ng ulo nito si Aria saka pagkatapos ay nagsalita. "M-May ipag-uutos ka, J-James? Ano ba iyan, bakit kasi ayaw mong magpatawag ng ganoon eh boss naman kita?" angal nito pagkuwan saka lukot ang mukha siya inirapan.

Lalong nagtumindi ang amusement na nararamdaman ni James para sa dalaga. Kaya naman natawa na lamang ng malakas ang binata sa tanong na iyon sa kaniya ni Aria.

 "I don't know, I like it when you say my name. Parang may lambing na hindi ko maintindihan," pag-amin niya saka kinindatan ang dalaga.

Umikot ang mga mata ni Aria sa sinabi niya. "Anong gagawin ko? Uupo lang ako araw-araw tapos sasahod ako ng seventy thousand sa isang buwan?" anito sa kanya.

Nagkibit ng balikat si James saka dumukwang sa kanya. "Depende" pagkasabi niyon ay mabilis na dumampi ang mga labi nito sa kanya.

NATITIGILANG napatitig si Aria kay James nang pakawalan nito ang mga labi niya. Nakabibingi ang lakas ng kabog ng dibdib niya at parang umurong ang dila niyang walang maisip na kahit anong pwedeng sabihin.

"Do you cook?" ang narinig niyang tanong ni James.

Tumango siya. "Bakit?"

Noon iniabot sa kanya ng binata ang isang kulay itim na calling card. Kapareho ng nakita niya sa sidetable ng hotel suite nang gabing, mabilis na iwinala ni Aria angn isiping iyon.

"A-Anong gagawin ko dito?"

"That's yours. Itago mo. Magagamit mo iyang pass sa lahat ng may kinalaman sa akin" anito. "and for your first day, gusto kong pumunta ka sa condo ko. Ipagluto mo ako ng lunch" anitong iniabot sa kanya ang isang keycard.

"Nasaan ang condo mo?" tanong niya.

"Ihahatid ka doon ni Mang Damian. Nasa 35th floor ang unit ko, mag-grocery ka, at punuin mo ng pagkain ang ref. Ikaw na ang bahala, you know what to do" anito pang inabutan siya ng maraming bills na tig-iisang libo.

"Okay," aniyang nagkibit ng balikat. "eh anong gusto mong lutuin ko?" pagkuwan ay naitanong niya.

"Your specialty" sagot nito sa seryosong tono habang titig na titig sa kanya.

"Copy that" aniyang ngumiti pagkatapos. "mauuna na ako" paalam pa niya. Nasa may pintuan na siya nang tawagin siya ng binata. "Yes?" aniyang natigilan sa pagpihit ng knob.

Sa tatlong malalaking hakbang ng binata ay natagpuan nalang ni Aria ang sariling kulong ng malalaki nitong bisig habang mainit siyang hinahagkan. Hindi na siya halos makahinga sa higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. Nang hindi makakuntento ay itinulak siya nito sa dingding malapit sa pintuan.

"Tell me, anong ginawa mo sakin?" ang binata nang pakawalan nito ang mga labi niya.

Naghahabol ng paghingang hindi nakaimik ang dalaga. Ang mga labi niyang nakaawang pa ay muling inangkin ni James, pero sa pagkakataong iyon ay mas mapusok. Sa paraang kahit siguro angkinin siya nito nang mga sandaling iyon ay magagawa siyang pabigayin.

Laking pasasalamat nalang niya at kiss proof ang lipstick na suot niya kaya hindi mahahalata ng kahit sino na hinalikan siya ng ilang beses ng boss niya mismo.

"Maganda iyang lipstick mo," nagulat niyang tinitigan si James. Pakiramdam kasi niya ay parang nababasa nito ang isip niya.

"Kiss proof iyan eh" ang wala sa loob niyang sagot saka ito inirapan.

Tumawa ang lalaki. "Good, wear that everyday. Kasi hindi ko maipapangakong hindi kita hahalikan," anito.

"Ayoko, mahal. Tinitipid ko nga iyon eh, tapos uutusan mo akong araw-arawin ko?" ang mataray niyang sagot.

"Di bumili ka, malaki naman ang sweldo mo" ang amuse na sagot nito habang nanatili siyang naka-pin parin sa dingding.

"Para sa pamilya ko ang perang kikitain ko dito" sagot niya.

"Such a good girl" anitong hinaplos-haplos ang pisngi niya.

"Paaalisin mo ba ako o? Ang dami mong gustong ipagawa eh" angal niya pagkuwan. Hindi iyon dahil sa dami ng pinagagawa sa kanya ng lalaki kundi gawa iyon ng katotohanang alam niyang oras na sumayad ulit ang labi nito sa kanya iba na ang pwedeng mangyari kasi bibigay at bibigay na siya.

"Okay, I'll see you this lunch" anitong pinadaan na siya pagkatapos.

Nakahinga ng maluwag si Aria nang makalabas sa opisina ni James. Noon nakangiting bumungad sa kanya si Jocel na halatang excited sa kanyang mga ikukwento.

"Anong nangyari?" tanong ni Jocel na ngiting-ngiti.

"Okay naman, ipagluto ko raw" sagot niyang kinawayan ang sekretarya ni James bilang pamamaalam.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jocel. "Ano?"

"Personal assistant ang trabaho ko eh, malaki ang offer. Seventy thousand kaya tinanggap ko" iyon naman talaga ang totoo. Kailangan niya ng pero para makatulong sa lahat ng gastusin nila sa bahay. Gusto narin niyang patigilin sa pamamasada ang tatay niya kaya tinanggap niya ang trabaho.

Namilog ang mga mata ni Jocel. "Grabe ang laki. Eh saan ka pupunta niyan?"

"Magtatrabaho, sa condo niya, ipagluto ko raw" aniya.

Tumango-tango si Jocel. "O siya sige, kung doon ang tuloy mo mauuna na ako. Bye" ang kaibigan niyang hinalikan muna siya sa pisngi bago sila tuluyang naghiwalay.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.