"ARIA tingnan mo ito girl! Basahin mo!" nagsalubong ang mga kilay ng dalaga sa nakitang reaksyon ni Jocel.
"Ano iyan?" ang tanging nasabi niya matapos basahin ang message.
Umikot ang mga mata ni Jocel. "Ito iyong may-ari ng kompanyang pinagtatrabauhan ko. Mukhang hindi mo na kailangang dumaan sa job fair. Feeling ko hired kana!" ang masaya nitong sabi.
Maluwang na napangiti ang dalaga. "May good karma naman pala ang ginawa sa'kin ng magaling na lalaking iyon eh" si Norman ang tinutukoy niya.
"Syempre naman no! Ano kayang posisyon sa company ang ibibigay sa'yo?" nasa tono ni Jocel ang excitement.
Tumawa si Aria saka inubos ang kape sa kanyang tasa. "Malalaman natin bukas" sagot niya.
MAAGANG nagising kinabukasan si Aria. Kagabi nang makauwi ay inayos na niyang lahat ang mga requirements na possibleng hingin sa kanya sa interview. Pati narin ang damit na isusuot niya. Pasado alas sais nang dumating si Jocel sa kanila para isabay na siya gamit ang kotse nito. Seven thirty ay nasa office na sila.
Matapos makipag-usap ni Jocel sa receptionist ng gusali ay pinaakyat na sila nito. Nasa sixth floor ang opisina ng may-ari kaya doon sila tumuloy. Pagbukas ng elevator ay bumati sa kanila ang isang babaeng sa tingin niya ay nasa pagitan ng fourthy five to fifty ang edad.
"Nasa loob na si Sir, actually hinihintay na niya kayo" ang babaeng ayon kay Jocel ay sekretarya raw ng boss nito.
Hinirap siya ng kaibigan niya dahil doon. "Papasok muna ako, okay ka lang?"
"Kinakabahan siyempre" aniyang sinundan ang sinabi ng mahinang tawa. "okay lang ako, huwag kang mag-alala" dugtong pa niya.
Tumango si Jocel saka na siya tinalikuran. Pagkalipas ng ilang sandali ay lumabas ito ng maganda ang pagkakangiti. "Pasok kana raw sabi ni sir" anito sa kanya.
Pagkarinig niyon ay lalong niragasa ng kaba ang dibdib ni Aria. "S-Sige" ang kinakabahan niyang sabi saka muna nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago pinihit pabukas ang knob ng pinto.
"Hey," ang bungad sa kanya ng lalaking nakatayo sa may glass wall ng opisina.
Nanlaki ang mga mata ni Aria nang makilala lalaki. "I-Ikaw?" aniyang pinanginigan ng tinig.
"Small world huh!" ang nakangiti nitong sabi.
"HAVE a seat" ang lalaking itinuro ang upuan sa harapan ng mesa nito.
Bantulot na sumunod ang dalaga. Nang manatili siyang tahimik ay muling nagsalita si James.
"Pwede ko bang makita iyang dala mo?" anitong ang tinutukoy ay ang folder na kanyang hawak.
"S-Sorry po" paumanhin niya sabay abot ng hinihingi nito.
Nagtaas-baba ang dibdib ng dalaga habang yuko ang ulong hinintay ang sasabihin ni James. Ilang sandali rin nitong binata ang kanyang resume bago nagsalita.
"Aria Alexandre Samonte. You have a very pretty name I might say" basag nito sa katahimikang sandaling nakiraan sa pagitan nila.
"S-Salamat po" aniyang sandaling sinulyapan ang lalaking titig na titig naman sa kanya.
"I should ask you, look at me" anito kaya kusa siyang napasunod sa kabila ng matinding kaba na kanyang nararamdaman.
"S-Sir?"
Umangat ang sulok ng mapupulang labi ng binata saka nagsalita. "Why did you refuse to tell me your name?" anito sa tono na hindi niya matukoy kung ano. "Bakit ka umalis ng walang paalam?"
"P-Please? Masyado naman pong personal ang tanong ninyo" aniya sa nakikiusap na tono.
"You will be working as my personal assistant kaya tama lang na alamin ko ang mga personal na bagay tungkol sayo," anitong nagkibit ng balikat pagkatapos.
"P-Personal assistant?" ang hindi makapaniwala niyang ulit sa sinabi nito.
Tumango- tango si James saka pagkatapos ay kumilos at naupo sa silyang katapat ng kanya. "Seventy thousand ang sweldo mo sa isang buwan. All you have to do is be with me everyday."
"What?" ang hindi makapaniwala niyang tanong.
"Yes, everyday including Sundays and Saturdays" sagot ni James.
"W-Walang day-off?" ang hindi makapaniwala niyang bulalas.
Tumawa ng mahina ang binata sa naging reaksyon niya. "Pwede kang mag-day-off pero kailangan nandoon ako sa inyo" anitong nangingislap ang mga mata na pinagmamasdan ang magiging reaksyon niya.
"Mahirap naman po yata iyon sir, pa'no kung may lakad ako? Kailangan kasama kayo?"
"Exactly!"
"This is impossible; tell me, why are you doing this? Anong dahilan ninyo?" nang hindi makatiis ay naitanong niya.
"Gusto ko palagi kitang nakikita at nakakasama," ang walang gatol na sagot ng binata.
Nagulat si Aria sa sagot na iyon ng lalaki. Hindi lang niya masabi rito na ganoon din siya rito at ang totoo, iyong nangyari sa kanila ang gabi-gabing hindi nagpapatulog sa kanya.
"What do you think? Kung maliit pa sa'yo ang seventy thousand just name your price" nang manatili siyang tahimik ay muling nagsalita ang binata.
"Sige," ang sa halip ay isinagot ni Aria saka sinalubong ang maiitim na mata ng lalaki.
Black eyes are natural to Filipinos.
Although nowadays it seems that more of them have dark brown eyes, many Filipinos have a mix of other races, particularly the Spaniards who colonized the Philippines for three hundred and thirty-three years.
And that is the reason Aria sees why her eyes and hair are brown.
At iyon ang nakikitang dahilan ni Aria kung bakit brown ang kulay ng kaniyang mga mata maging ang kulay ng kaniyang buhok.
But James' eyes were different. Dark, impressive, and captivating.
Sa paraan na tila ba nagtatago ang mga iyon napakaraming lihim. At sa tuwing tititigan siya ng mga iyon ay parang may kung anong maliit na tinig ang kumukumbinsi sa kaniya na alamin kung ano ang malalim at tagong lihim na iyon nasasalamin niya sa bintana ng kaluluwa ng binata.
"We're settled then, today is your first day" anitong ngiting-ngiti siyang kinindatan kaya namula ng husto ang kanyang mukha.
"Thank you po sir James" sagot niya.
"Siguro naman ngayon magsasabi kana sakin ng totoo" anito.
"What do you mean sir?"
"Stop calling me sir kapag tayong dalawa lang" anito sa awtorisadong tono.
"Pero..."
"Ilang beses kitang tinanong kung anong pangalan mo, bakit mas pinili mong gawin iyon kahit ako ang nakauna sa'yo?"
Hindi maintindihan ni Aria pero nasa tono ni James ang panunumbat "M-Mas okay na kasi iyon para sa'kin, kasi ang totoo, pagkatapos ng nangyari, alam kong wala na akong mukhang maihaharap sa'yo. Iyon din ang dahilan kung kaya mas pinili kong umalis ng walang paalam" paliwanag niya.
"So for you okay lang iyon kahit one night stand at first time mo pa?"
"Hindi naman po sa ganoon sir..."
"Call me that once again and I'll fuck you right here, right now" banta nito sa kanya.
Malakas ang singhap na kumawala sa mga labi no Aria, kasabay ang masarap na kilabot saa kabuuan niya.
"Hindi dapat nangyari iyon" aniyang ang tinutukoy ay ang nangyari sa kanila noong isang gabi.
"Hindi ko pinagsisisihan iyon, kasi ang totoo gusto kong ulitin iyon, with you, ngayon mismo" si James na binigyang diin ang huling sinabi.