REDEEMING JAMES (Filipino) Chapter 10

KUMABOG ang dibdib ni Sasha at nataranta nang maalipungatan. Pasinghap na dumilat siya at bumalikwas ng upo. Ilang segundo siyang disoriented bago narealize na naroon pa rin siya sa beach chair na puwesto niya bago siya makatulog. Papaliwanag pa lang ang paligid kaya sa tantiya niya ay alas singko na nang umaga. Walang ibang tao roon maliban sa kaniya.

Napabuntong hininga siya at hindi alam kung matutuwang o hindi na bigla na lang siya iniwan ni James doon. How dare he leave her just like that? Hindi man lang siya ginising! Hindi man lang nito naisip na sinira nito ang dress niya at babalik siya sa cottage niya nang –

Natigilan si Sasha nang yukuin niya ang sarili at marealize na may suot siyang t-shirt sa ibabaw ng sira niyang dress. Napahawak siya sa laylayan niyon kasi sigurado siyang suot lang iyon ni James kagabi. Nakinita niya tuloy itong naglalakad pabalik sa cottage nito nang nakahubad. Muntik na siyang ma-touch pero pinigilan niya. He was still a jerk for leaving her alone after he fucked her.

Mayamaya tumayo na si Sasha at naglakad pabalik sa cottage niya. Ilang beses na may nakasalubong siyang staff ng resort na kung hindi napatagal ang titig sa kaniya ay hindi naman makatingin. Na para bang alam ng mga ito kung anong ginawa niya magdamag. Wala siya nakapa ni katiting na hiya. Katunayan itinaas pa niya ang noo at nginitian ang mga ito.

Pagpasok niya sa cottage niya napansin agad niyang umiilaw ang screen ng cellphone na hinagis lang niya sa kama bago siya lumabas kagabi. Napahinga siya ng malalim kasi ayaw pa niya bumalik sa reyalidad. Tinalikuran niya ang kama, pumasok sa banyo at naligo nang maigi, kinuskos ang lahat ng sulok ng kanyang katawan para burahin ang mga markang iniwan ni James. Kaso kahit nang matapos siya maligo nararamdaman pa rin niya ito sa pagitan ng mga hita niya.

Sasha could still feel the ghost of his big dick inside her, making her inner muscles clench into emptiness. She actually likes the way James was occupying her mind more than she intends to. Mas nade-delay ang pagdating ng sandaling kailangan na niya uli harapin ang mga emosyong tinatakasan niya.

Unfortunately, umiilaw pa rin ang cellphone nang makalapit siya sa kama. Mariing tumikom ang bibig niya at nanginig ang mga kamay niya nang makitang napakarami niyang unread messages at missed calls mula sa bestfriend niyang si Hosea, sa tatay nitong abogado ng kanyang ama at mayroon ding galing sa nanay niya. Naalarma na talaga siya kasi hindi tumatawag ang kanyang ina maliban na lang kung balak nito guluhin ang buhay niya.

Kinontak ni Sasha si tito Robert na sumagot agad bago pa matapos ang unang ring.

“Thank God you called me, hija. Nasaan ka? Hindi ka sumasagot sa tawag at text ko mula pa nang maghiwalay tayo sa seminteryo. Nag-aalala kami sa ‘yo.”

May init na humagod sa dibdib niya nang marinig ang genuine concern at worry sa boses ng matandang lalaki. Unti-unti nabawasan ang pamamanhid ng puso niya na nagsimula mula nang araw na mamatay ang kanyang ama. “Okay lang ako tito.”

“Pero wala ka sa bahay ninyo? Tumawag ako roon at ang nanay mo ang nakasagot.”

“I went somewhere. Kailangan ko lang mapag-isa kahit sandali lang. Babalik din naman ako dapat bukas. You have nothing to worry about,” paliwanag niya.

“Okay. That’s good then,” pabuntong hiningang sagot ni tito Robert.

Kumunot ang noo ni Sasha. “What’s wrong, tito? May iba pang dahilan kaya mo ako tinatawagan, tama po ba?”

Bumuntong hininga na naman ang matanda sa kabilang linya bago nagsalita, “Sinabi ko na sa ‘yo na mama mo ang nakasagot nang tumawag ako sa inyo ‘di ba? Masyadong pranka ang nanay mo. Tinanong agad ang tungkol sa testamento ng papa mo. Sabi niya nag hire na raw siya ng mga abogado at hindi siya papayag na mas malaki ang makukuha mo kaysa sa kaniya. She will not make it easy for you, Sasha.”

Mariing tumikom ang mga labi niya at humigpit ang hawak sa cellphone. “Alam ko ‘yon tito. Noon pa man alam ko na ‘yon. Pero hindi rin ako magpapatalo. She already took advantage of my father all my life. I won’t let her get what she wants easily.” Ilang segundong natahimik ang matanda kaya parang nilamutak ang sikmura niya nang may maisip. “Oh, God. Tito huwag mo pong sabihin sa akin na iniwan ni papa kay mama ang halos lahat?”

“No. Hindi ganoon ang kaso, hija. Pero komplikado ang laman ng testamento ng papa mo lalo na para sa ‘yo.”

Sasha suddenly had a sinking feeling in her stomach. Bigla rin siyang nahirapan huminga. “W-what do you mean, tito?”

“Hindi ko puwede sabihin sa ‘yo ang detalye ngayon. Malalaman mo lang kapag binasa na ang testamento. Ang sabi ng mama mo gusto niya ipabasa sa lalong madaling panahon. I also think we should schedule it as early as we can.”

Kumabog na naman ang dibdib ni Sasha. “May nilagay na time limit si papa para sa akin, tama ba ako?”

Ilang segundo ang lumipas bago sinabi ng abogado ang kinatatakutan niya. “Yes.”

Mariing pumikit si Sasha at tumango kahit hindi naman siya nito nakikita. “Okay. Pauwi na ako ngayon. Kung available naman lahat ngayong gabi, basahin mo na tito Robert.”

“Sige. Mag-iingat ka sa biyahe at gusto kong malaman mo na kahit ano pa man ang laman ng testamento, handa akong tulungan ka sa abot ng makakaya ko Sasha. Kasi anak na rin ang turing ko sa ‘yo.”

“I know tito. Thank you,” mahina at sincere na sagot niya.

Sandali pa natapos na ang tawag at pabagsak na humiga siya sa kama. Mahabang sandaling tumitig muna siya sa kisame. Sa totoo lang ayaw pa ni Sasha umalis sa resort. Kung puwede nga lang siya manatili roon habambuhay gagawin niya. Or maybe if only she could go back in time, she will come back to last night again and again. Anything other than to face the life that awaits her.

Makalipas ang ilang minuto mabigat ang pakiramdam na bumangon si Sasha at nagsimula magbihis. Bawat piraso ng kasuotang sinusuot niya – mula sa conservative na pares ng underwear, sa simpleng itim na slacks hanggang sa plain white button down blouse – pakiramdam niya mga kadena na kusa niyang ikinakabit sa katawan niya. Isang oras lang ang nakalipas nag check out na siya sa resort. Sandaling naisip niyang itanong sa receptionist kung naka check in pa rin ang grupong kinabibilangan ni James pero hindi niya ginawa. Mas makabubuting manatiling misteryo para sa kaniya ang katauhan ng lalaking iyon.

Sandali pa nagmamaneho na uli si Sasha pabalik sa Maynila na mabigat ang dibdib. Pakiramdam kasi niya para siyang isang lumayang ibon na kusang babalik sa sarili nitong hawla. The cage that is her life.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.