REDEEMING JAMES (Filipino) Chapter 11

DATI akala ni Sasha kilalang kilala na niya ang kanyang ama. Na kahit bihira sila magkita alam pa rin niya kung ano ang nasa isip nito. Pero nang gabing basahin ng abogado nito ang last will and testament na ginawa ng papa niya one month bago ito mamatay, narealize niyang mali pala siya ng akala. Nalaman din niya na hindi pala kasing bulag sa pag-ibig ang papa niya kaysa sa akala niya.

Ayon kay tito Robert dalawang buwan na palang lihim na nagpapatingin sa cardiologist si Damian Dela Torre dahil madalas na raw nararamdaman ang pananakit ng dibdib. Alam nito na delikado ang lagay ng puso nito at na kapag inatake malaki ang posibilidad na hindi na makakaligtas. Mula raw noong unang punta ng kanyang ama sa doktor, pinag-isipan na raw nito nang maigi ang paggawa ng testamento na na-finalize nga one month. Halata nga na masyadong pinag-isipan at ilang beses na-revise ang legal documents na iyon bago pinirmahan at ipinanotaryo. Masyado kasing detalyado.

It was a chaotic night. Nawala ang pekeng class at composure ng mama niya at literal na nagwala habang binabasa ang testamento. Lingid sa kaalaman ni Sasha bago pala ikasal ang mga magulang niya pumirma ang mga ito ng prenuptial agreement. Nakalagay sa kontrata na iyon na sakaling mamatay si Damian Dela Torre, tatanggapin ng mama niya na maluwag sa loob kung ano man ang iiwan dito ng kanyang ama. May dahilan naman pala kaya agrebiso at nataranta ang mama niya sa usapang mana at nagbitbit pa ng dalawang abogado.

Base sa mga nabasa na ni tito Robert, ten percent ng kayamanan ng kanyang ama ay inilaan nito sa charities habang twenty percent lang ng total properties at cash ang iniwan ng papa niya para kay Vivian Dela Torre. Milyon milyong halaga pa rin iyon kung tutuusin. Pero kung ipagpapatuloy nito ang maluhong lifestyle at hindi magiging matalino sa pagma-manage ng mana, ilang taon lang mauubos na iyon ng babae.

Ilang minuto tuloy nahinto ang pagbabasa ng testamento dahil sa kakasigaw at pagwawala ng kanyang ina. Paulit-ulit din nitong inuutos sa mga abogado na i-contest ang will pero alam nilang lahat na hindi iyon puwede. Mautak ang kanyang ama, sinigurong walang butas na makikita sa nakasulat doon. Habang pinagmamasdan ang ina ay hinayaan ni Sasha ang sariling tipid na mapangiti. Pagkatapos kasi ng ilang dekadang pagtataksil at pananakit ni Vivian, nakaganti rin ang papa niya sa pinakamasakit na paraan.

Unfortunately, walang oras si Sasha na mag celebrate. Para siyang sinampal nang basahin na ni tito Robert ang parte ng testamento na para sa kaniya. Pakiramdam din niya nalaglag ang puso niya sa sahig. She felt betrayed and hurt. Kasi kahit na pinamana ng papa niya ang eighty percent ng lahat ng ari-arian at yaman nito sa kaniya, may kadikit iyong mahabang listahan ng rules na kailangan niya sundin. Katulad nang kailangan niya palitan ang papa niya bilang board member sa marami nitong charities. Na kailangan personal niyang hahawakan ang mga negosyo na iniwan nito. Na dapat alagaan niya ang apelyido nitong Dela Torre at kung anu-ano pang mga kondisyon.

Ang pinakamahirap sa listahan ay ang hiling ng papa niya na pumasok siya sa politika dahil ayaw daw nito mamatay ang legacy na iniwan nito sa senado. Nakalagay sa testamento pati ang party list na gusto nitong salihan niya. Higit sa lahat gusto nitong tumakbo siya at manalo sa national election two years from now.

Just two freaking years away. Kung hindi siya mananalo kailangan niya sumubok ng sumubok hanggang manalo. Ang kondisyon ay kailangan makapaglingkod siya kahit isang termino. Habang hindi niya nagagawa iyon thirty percent lang ng assets niya ang puwede niya galawin. Hostage ang seventy percent ng mana niya. At kung may isa siyang hindi matupad sa lahat ng bilin ng papa niya, lalo na kung hindi raw siya mag e-effort sa politika, automatic na mawawala sa kaniya ang lahat.

Walang kaso kay Sasha ang pera. Lumaki siyang hindi maluho kahit na mayaman sila kasi bilang anak ng isang government official, itinanim ng papa niya sa utak niya na dapat hindi raw siya magpapakita ng maluhong pamumuhay. Hindi raw puwede makuwestiyon ang katapatan nito sa serbisyo.

Iba ang dahilan kaya bumigat ang pakiramdam niya at nasaktan sa laman ng testamento. It was the fact that even after death, his father decided to dictate how she will live her life. Hindi nito inisip na baka may iba siyang gustong gawin sa buhay niya. Hanggang sa huling sandali, ito pa rin ang masusunod.

Napasulyap si Sasha sa mama niya. Hindi na ito nagwawala. Katunayan may kislap na ng tuwa sa mga mata nito at mapang-inis nang nakangiti habang nakatingin sa kaniya. “Oh, darling. How dare your father to demand so much to you? Hindi mo siya kailangan sundin, anak.”

Nanatiling walang ekspresyon ang mukha ni Sasha pero mariing kumuyom ang mga kamao na nasa kandungan niya at nakatago sa paningin ng lahat. Nagpapantig ang tainga niya kapag tinatawag siya ni Vivian na ‘anak’ kasi alam niyang wala iyong kasamang affection.

Matamis siyang ngumiti. “But I will, mother. Wala akong balak ibigay sa ‘yo ang inheritance ko.”

That was the worst part of her father’s last will and testament. Nakasaad na kung may malalabag siya sa mga kondisyon, kay Vivian mapupunta ang lahat ng mana niya. Iyon ang parte kung saan nasiguro niya na kilalang kilala siya ng ama. He knew she hated her mother too much. Alam nito na hindi niya basta ibibigay ang mana niya kaya wala siyang choice kung hindi tuparin ang lahat ng kondisyon na nakasulat sa testamento.

Nawala ang ngiti ni Vivian Dela Torre at naging matalim ang tingin. “Talagang hahayaan mo na lang na kakarampot lang ang makukuha ko? Pagkatapos ng ilang dekadang pagtitiis ko sa piling ng ama mo? Wala kang kuwentang anak!”

Dumiin ang pagkakakuyom ng mga kamao ni Sasha, halos bumaon na ang mga kuko sa palad sa sobrang pagtitimpi na manatiling kaswal ang facial expression niya. “Sabi nila ang mga anak daw lumalaki na katulad ng kanilang mga magulang. Sa tingin mo bakit kaya ako walang kuwenta, mama?”

Nanlaki ang mga mata ni Vivian at marahas na napatayo. “Sinasabi mo bang wala akong kuwentang ina?”

Tumayo na rin si Sasha at ngumiti. “Ikaw po ang nagsabi niyan, hindi ako.”

Namula ang mukha ng kanyang ina. Sa isang iglap nakalapit na ito sa kaniya at nahawakan siya sa magkabilang braso bago pa man siya makaiwas. Bumaon ang mahahaba at manicured nitong mga kuko sa balat niya. Pagkatapos inilapit nito ang mukha sa kaniya at gigil na nagsalita, “Kahit noon mas mahal mo talaga ang tatay mo kaysa sa akin. Pero nagkakamali ka kung iniisip mong mas mahal ka niya kaysa sa akin. Can’t you see? He gave you a list of impossible things to do. Kasi alam niya na kung ibibigay niya sa akin agad ang kayamanan niya guguluhin ako ng mga kamag-anak ninyo. Sa akin din ang punta ng mana mo, Sasha.”

“No. Kasi matutupad ko lahat ng kondisyon niya,” sagot niya.

Ngumisi ang mama niya at may kumislap sa mga mata na parang patalim na sumaksak sa dibdib niya. “Oh you won’t. Sinabi ko na sa ‘yo na sa akin ka nagmana, Sasha. Magkamukha tayo hindi lang panlabas kung hindi pati sa loob. One of these days you won’t be able to contain your true nature, honey. Balang araw, hindi mo na mapapanindigan ang pagkataong pilit binuo ng tatay mo para sa ‘yo. At kapag dumating ang araw na ‘yon, malalabag mo ang mga kondisyon na nasa testamento at mapupunta sa akin ang lahat ng mana mo.”

Patulak na siyang binitawan ng kanyang ina bago pa makasagot si Sasha. Pagkatapos nakataas ang noo na mabilis na itong lumabas ng opisina ni tito Robert. Sumunod na parang mga aso ang kasama nitong mga abogado at halos masira ang pinto sa lakas ng pagkakasara ng mga ito.

Mahabang katahimikan ang namayani nang si Sasha at tito Robert na lang ang naiwan sa opisina. Nanatiling nakatitig siya sa pinto kasi nag e-echo pa rin sa isip niya ang huling mga sinabi ng kanyang ina. Masakit man aminin pero totoo na mas marami siyang namana rito kaysa sa papa niya.

Hindi lang ang facial features nila ni Vivian ang parang pinagbiyak na bunga kung hindi pati ang hubog ng katawan nila. Teenager pa lang siya napansin na niya na malusog at perky ang dibdib niya kompara sa mga kaedad niya. Maliit din ang kanyang baywang, maganda ang korte ng balakang at matambok ang pang-upo. Kaya hindi na nakakabigla na pati mga lalaki napansin din ang pagbabagong iyon sa pisikal na anyo ni Sasha.

Hindi nakaligtas sa matalas na pakiramdam ng papa niya ang atensiyon na nakukuha ni niya sa opposite sex. Siguro dahil deep inside apektado ang papa niya sa affairs ng kanyang ina, idagdag pang Mayor na ito ng siyudad nila nang panahong iyon ay naging estrikto ito sa kaniya. Lahat ng damit na sinusuot ni Sasha kailangan maitatago ang katawan niya. Ni hindi siya puwede magsuot ng hanggang tuhod na skirt o mag sleeveless top. Bawal din ang shorts at dresses. Palagi siya dapat nakasuot ng jeans at maluwag na polo blouses. Hindi puwedeng ipakulay ang buhok o kahit ipakulot. Polbo at light colored lipstick lang ang puwede ikoloreta sa mukha. Bawal magtaas ng boses, bawal tumawa ng malakas o magpakita ng matinding emosyon. Kailangan palaging composed and collected. Kailangan palagi siyang ‘good girl’. Hanggang ngayon iyon pa rin ang image niya sa mata ng mga kamag-anak at lahat ng mga taong nakakakilala sa kanilang pamilya. Pero deep inside alam niyang hindi talaga siya ganoon. And apparently, her mother knows it too.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.