HOUSE PARTY sa Forbes Park ang pinagdalhan sa kaniya ni Hosea. Katrabaho raw nitong flight stewardess ang may birthday. Isang tingin pa lang ni Sasha sa nakahilerang mamahaling mga kotse sa labas at loob ng bakuran ay alam na niyang hindi siya magiging komportable sa gabing iyon. It was the type of rich kids’ parties that her father never allowed her to attend. Ayaw nitong mapapalapit siya sa mga kaedad niyang maluho ang pamumuhay. Ironic kasi mula pagkabata hanggang kolehiyo pinag-aral siya nito sa mga eskuwelahang pang mayaman.
Mukhang napansin ni Hosea na nailang siya kasi ginagap nito ang kamay niya at pinisil iyon. “This is not what you think, Sasha. It’s just a dinner with her friends. Hindi kita dadalhin sa lugar na magiging uncomfortable ka. Gusto lang kita madistract para mabawasan ang lungkot mo.”
Ngumiti siya at kumapit sa braso nito. “Thank you.”
Gumanti ng ngiti si Hosea bago sila tuluyang pumasok sa bahay. Marami nang bisita sa loob at sa totoo lang medyo nakahinga siya ng maluwag nang marinig ang classical music na pumapailanlang sa paligid. Chill lang ang mga bisita at hindi rin malakas ang mga boses habang nakikipag-usap at tawanan sa iba. May isang grupo na napansin ang pagdating nila, ngumiti at kumaway.
“They are my workmates,” bulong ng bestfriend niya bago siya inakay palapit sa grupo at ipinakilala. Na-flatter si Sasha nang malaman niyang palagi raw siya nakukuwento ni Hosea sa mga ito. Thankful din siya sa binata kasi mukhang hindi nito binabanggit sa mga katrabaho kung sino ang kanyang ama. Ang awkward siguro kung alam ng mga ito na anak siya ni former-senator Damian Dela Torre.
Mayamaya may narinig siyang malamyos na boses na tumawag sa pangalan ng bestfriend niya. Lumingon silang lahat. Isang maganda, matangkad at slim na babae ang mabilis na naglalakad palapit sa kanila. She looks stunning in her body hugging almost see-through dress. Iyong tipo ng bestidang elegante ang dating dito pero siguradong magmumukhang cheap at bastos kung iba ang magsusuot. Pamilyar din ang mukha nito sa kaniya pero hindi niya alam kung saan at kailan ito nakita. Lahat ng mga bisita nakatingin din sa babae kaya may palagay si Sasha na ito ang birthday celebrant.
Sa kasamaang palad hindi lang iyon ang napansin ni Sasha. Naramdaman din niya agad na nag-iba ang mood ni Hosea. Sinulyapan niya ito at nakita na umaliwalas ang mukha ng binata at may sumilay na matamis na ngiti sa mga labi. He looks so angelic and so happy. She felt like she got stabbed in her chest. She knew him too well to know that he is probably in love with the birthday celebrant.
Pearl ang pangalan nito. Flight stewardess at nag co-commercial at ramp model din daw ayon kay Hosea nang ipakilala sila nito sa isa’t isa. Pero hindi lang iyon ang dahilan kaya pamilyar sa kaniya si Pearl. Anak pala ito ng CEO ng airline kung saan nagtatrabaho si Hosea at palagi rin pumupunta sa mga charity event na napuntahan na rin ni Sasha kasama ang kanyang ama. Hindi katulad niya, mukhang hindi siya namumukhaan ng babae.
Ilang minuto pa nagpunta na ang lahat ng mga bisita sa malawak na pool area kung saan nakalatag ang mga lamesa na kumpleto sa table setting at candle lights. Sa umpisa ng actual dinner katabi ni Sasha si Hosea, palagi tinatanong kung komportable ba siya o kung may gusto pa siyang kainin o inumin. Sa ibang pagkakataon ma-ta-touch siya sa sweetness nito. Kaya lang sa gabing iyon napapansin niyang palaging lumilingon sa kung saan ang binata, may hinahanap ng tingin. Nagi-guilty rin siya na ilang beses na itong nilapitan ng mga kakilala at halatang gusto rin makausap at hilahin sa ibang grupo pero palagi ito tumatanggi dahil ayaw siya iwan.
“Sige na. Puwede mo ako iwan kahit sandali. Makipag mingle ka sa mga kakilala mo,” udyok niya rito nang patapos na ang dinner at bumabaha na ang alcoholic drinks, patunay na tapos na magpaka-classy ang celebrant at mga bisita at bumubuwelo na mag party talaga.
Tumanggi si Hosea noong una pero nakumbinsi rin niya itong iwan siya. Pinagmasdan niya ang papalayong likod nito hanggang lumapit ito sa isang grupo na halatang masayang naki-join na ito. Ilang segundo lang lumapit na rin si Pearl sa grupo. Parang may lumamutak sa sikmura ni Sasha nang makita ang kakaibang palitan ng tingin ng babae at ni Hosea. Sigurado siyang may namamagitan na sa dalawa. Iniwas na lang ni Sasha ang tingin at pinilit ubusin ang pagkaing nasa harapan.
Hindi niya napansin kung kailan at paano pero mayamaya lang may nakatayo nang set-up ng DJ’s booth sa isang panig ng pool. Nawala ang classical music at napalitan ng malakas at maharot na electronic sounds na sinabayan ng excited na sigawan ng mga bisita.
Dinner with her friends lang ha? It turned into the type of party my father warned me about. Tumayo si Sasha at hinanap ng tingin si Hosea. Nakita niyang nagulat ito sa pagbabago ng atmosphere sa paligid at lumingon din hanggang magtagpo ang mga paningin nila. Lumambot ang puso niya nang makita ang tahimik na paghingi nito ng sorry. Halatang hindi nito alam na ganoon ang kauuwian ng party na iyon. Parang gusto rin nitong lumapit sa kaniya pero kumapit sa braso nito si Pearl at may binulong sa tainga nito. Kaya tipid na lang na ngumiti at tumango si Sasha at sumenyas na okay lang siya. Pagkatapos tumalikod siya at walang lingon likod na lumapit sa bahagi ng venue kung saan nakahilera ang mobile bars para kumuha ng drinks.
Sandali pa nagmukhang dance club na ang paligid dahil sa neon lights na sumasayaw-sayaw sa saliw ng tugtog na ginagawa ng DJ. Nagsasayawan na sa open space ang mga bisita at hindi na niya matanaw kung saan napunta sina Hosea at Pearl. Ilang minutong naglakad-lakad siya bago nakita ang dalawa na nakatayo paharap sa nakabukas na French doors na koneksiyon ng pool area sa mansiyon. Napalingon siya roon kasi narinig niya ang masayang tili ni Pearl sabay yakap sa mga bagong dating na bisita. The women are all beautiful, tall and slim. The men are also good looking with amazing bodies. May ibang hindi niya makita mula sa kinatatayuan niya. Mukhang hindi personal na kilala ni Pearl ang ibang tao sa grupo at pinakilala pa lang kasi nakipag handshake ito sa mga iyon.
Tatalikod na sana si Sasha at lalayo nang maglakad na ang grupo papunta sa party. Kaso may isa pa palang bagong dating na hindi niya napansin kanina kasi nahuhuli sa paglalakad. Nahigit niya ang hininga at muntik na mabitawan ang hawak na baso. Nanlaki ang mga mata niya kasi nakilala niya ito agad. Si James. What the hell is he doing here?
Napako siya sa kinatatayuan at napatitig lang sa lalaki na iba ang aura kompara sa mga kasama. The moment he stepped out of the main house the air suddenly became different. May kung ano sa presensiya nito na nakakakuha talaga ng atensiyon ng mga taong nasa vicinity nito. Katulad noong una niya itong makita, mamahalin pero simple ang tabas na maong pants at t-shirt lang ang suot nito. But this time he was sporting a man bun. Hindi katulad noon na nakalugay ang may kahabaan nitong buhok. Natatandaan pa niya na madulas at malambot ang buhok na iyon noong bumabaon ang mga daliri niya at sumasabunot habang nasa pagitan ito ng kanyang mga hita at –
“Oh my God. What is The James Salgado doing here?!”
Napakurap si Sasha at napalingon sa grupo ng mga babaeng nanlalaki ang mga mata at parang mga kiti-kiti sa excitement habang nakatingin sa bagong dating. Their eyes look so wistful and hungry, as if they are staring at a delicious food they have yet to taste. Iginala niya ang tingin sa paligid at napansing halos lahat ay napalingon na rin. Parang may lumamutak sa sikmura niya nang marealize na kilala ng mga tao roon si James. Na kilala ito ni Pearl at baka nga kilala pa pala ito ni Hosea. Nanlamig siya at nagkaroon ng matinding urge na umalis sa party. Kung sakali kasi first time niya may naka one night stand na kilala pala ng mga kakilala niya. Dati kapag one night stand talagang hindi na niya uli nakikita ang lalaki kahit makasalubong lang sa kung saan. Her wild night with James was the best one she ever had but it looks like it was a huge mistake.
Tumalikod si Sasha sa direksiyon kung nasaan si James. Inubos ang laman ng hawak na baso at inilapag iyon sa bakanteng lamesa na malapit sa kaniya. Pagkatapos hinanap na niya si Hosea para magpaalam. Malayo pa lang siya nakita na niya ito sa tabi ng swimming pool. Napahinto siya sa paglalakad at humigpit ang hawak sa clutch bug nang makitang nakakapit ang mga braso ni Pearl sa leeg nito at halos magkadikit ang mga ilong habang nagbubulungan.
Hindi niya tuloy alam kung lalapit siya o ite-text na lang niya ito mamaya para ipaalam na umalis na siya. Mukhang malabo rin kasi siyang makita ni Hosea kasi may nakaharang na matataas na halaman ilang metro sa harapan niya. Madilim din kaya kahit mapalingon ito sa direksiyon niya baka hindi siya nito mapansin. Higit sa lahat halatang na kay Pearl ang buong atensiyon nito.
Nakatutok sa pareha ang tingin ni Sasha kaya huli na nang maramdaman niyang may tao sa tabi niya. Saka lang niya napansin ang pamilyar na presensiya nito nang bumulong ito sa kanyang tainga. “Unrequited love doesn’t look good on you.”