HINDI nagkaroon ng pagkakataon si Sasha na gumanti ng halik kasi mabilis nang binawi ni James ang mga labi. Nagtatakang napatitig siya sa mukha nito. May panlalamig siyang naramdaman nang mapansing wala na ang init ng pagnanasa sa mga mata nito. His eyes are now cold and cruel as his hands held her neck tighter, almost choking her.
“Let me get this straight. I hate you.” Mahina pero mabigat ang bawat bagsak ng mga salita nang sabihin iyon ni James. Nanuyo ang lalamunan ni Sasha kasi naramdaman niyang totoo iyon. Nakikita niya iyon sa mga mata nito. Hindi iyong tipo ng hate na katulad ng nararamdaman niya para rito. Mas malalim. At natatakot siyang malaman kung bakit. Nang gumuhit ang nakakakilabot na ngiti sa mga labi nito narealize niyang sasabihin nito ang ayaw niya marinig.
“Nang makita kita sa resort kumulo agad ang dugo ko,” patuloy ni James. “You look like someone I hate more than anyone else in this world. I know you are not her but the fact that you look like her makes me want to ruin you.”
Parang sinasaksak ang puso ni Sasha kasi unti-unti siya nagkaroon ng kutob. Oh God. Please no –
“Pero ngayong gabi nakumpirma ko na may dahilan naman pala kaya kamukhang kamukha mo siya.”
Sasha suddenly felt ill. Parang gusto bumaligtad ng sikmura niya. Suddenly the recognition she saw in his eyes that first time they met made sense. Pati na rin ang galit nito kapag nakatitig sa kaniya may sense na. Hindi dahil kilala siya nito kung hindi dahil kamukhang kamukha niya si Vivian. Iyon din sigurado ang rason kung bakit sinundan siya nito sa beach. Not because he found her attractive but because she looked like her mother. At sa mga nalaman niya ngayon, ang fact na iyon ang pinaka matinding sampal sa mukha niya.
“Y-you know my mother?” halos hindi lumabas ang boses ni Sasha at wala iyong kinalaman sa mga kamay nitong nakapaikot sa leeg niya.
Naging mapait ang ngiti ni James at may dumaang emosyon sa mga mata na halos magpahikbi sa kaniya. “I more than know her, Sasha. Telling you every detail would make you suffer and believe me I will really enjoy tormenting you. Pero hindi ko gagawin. Let me just tell you one thing, Sasha.”
Inilapit nito ang mukha sa kaniya pero hindi na pagnanasa at antisipasyon ang naramdaman niya. Gusto na niyang makawala at tumakbo palayo. Ang mainit nitong hininga sa mukha niya, hindi na nagpapa-excite sa kaniya. Para na iyong asido na unti-unting lumulusaw sa pagkatao niya.
“Fucking strangers just when your father died was a good idea, to be honest. Walang dahilan para ipagluksa at iyakan mo siya, Sasha. Pareho lang sila ng likaw ng bituka ng nanay mo. It was a good thing he died. Siguradong nagsasaya ang lahat ng mga taong nasira ang buhay dahil sa mga magulang mo. Kasama na ako roon.”
Nanlaki ang mga mata ni Sasha, hindi makapagsalita. And like a cruel boxer, he landed his final blow by whispering, “How does it feel to get fucked by someone whose life got ruined because of your parents? How does it feel to have in your skin the cum of someone who hates your family more than anything? Feels good? I bet it does. Your mother enjoyed it a lot in the past.”
Pagkatapos bigla na lang siya binitawan ni James at umalis sa kama. Habol ang paghinga na napatitig lang si Sasha sa kisame habang nararamdaman niyang mabilis na nagbibihis ang lalaki. Hindi siya makakilos at parang umiikot ang paligid niya habang nag e-echo pa rin sa kanyang isip ang mga salitang binitawan ni James.
Hindi niya alam kung ilang minuto ang lumipas bago niya narinig ang malamig nitong boses, “You can stay here until tomorrow. I’ll pay for it on my way out. It was nice fucking you, Sasha. I hope we won’t see each other again. I’m petty you see? Kahit hindi ikaw ang may ginawang kasalanan sa akin hindi ko mapipigilan ang sarili kong sirain ang buhay mo bilang ganti. Ni hindi ako makakaramdam ng guilt, Sasha. Matagal nang nawala ang konsiyensiya ko salamat sa mga magulang mo.”
Sandali pa narinig na niya ang palayong yabag ni James, sinundan ng pagbukas at pagsara ng pinto. Pagkatapos nakakabinging katahimikan. Nanatiling nakahiga sa kama si Sasha, hubad at basa ng magkahalong pawis at katas nilang dalawa.
Mayamaya bumangon siya at gumapang paalis sa kama para hanapin ang mga nahubad niyang kasuotan. Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib niya at may nakabara sa lalamunan niya nang mapatitig siya sa clutch bag na nasa sahig. Bigla niyang naalala ang sulat ng kanyang ama na inilagay niya roon. Lumuhod siya at kinuha sa bag ang envelope. Nanginginig ang mga kamay na binuksan niya iyon at binasa ang nakasulat sa nag-iisang papel na nakatupi sa loob. Mahaba-haba ang nakasulat sa papel na sigurado siyang penmanship ng kanyang ama.
By the time you are reading this it means I am no longer in this world. Patawad Sasha dahil alam kong marami akong pagkukulang sa ‘yo bilang isang magulang. I know you’ve looked up to me all your life and when I’m gone you might discover things about me that will hurt you. Sigurado rin akong magugulat ka kapag nalaman mo ang laman ng testamentong iniwan ko para sa inyo. But please don’t hate me, my love. Gusto ko na mapabuti at maging makabuluhan ang buhay mo. Ayokong matulad ka sa iyong ina at kahit sa akin. I want you to live a life you can be proud of. I love you, Sasha, with all my heart. Take care of yourself. Always remember that you are the greatest treasure I ever had. Goodbye.
Namasa ang mga mata ni Sasha hanggang tuluyang tumulo ang kanyang mga luha na ilang linggo na niyang hinihintay. Napahikbi siya hanggang mapahagulgol. Parang may dumudurog sa puso niya habang hawak ang sulat ng kanyang ama. Ni hindi niya magawang ipaliwanag kahit sa sarili niya kung ano ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Umiiyak ba siya dahil ngayon lang talaga nag sink in sa kaniyang patay na ang papa niya? O dahil kahit nabasa na niya ang sulat pakiramdam pa rin niya ang unfair ng mga kondisyong iniwan nito para sa kaniya? Umiiyak ba siya kasi lalo siya nitong itinali sa buhay na hindi naman talaga niya gusto?
O baka naman iba ang dahilan kaya humahagulgol siya ngayon? Baka naman umiiyak siya kasi nakipagtalik siya sa isang estrangherong pinaglalaruan at ginagantihan lang pala siya dahil sa kung anong kasalanan daw ng mga magulang niya rito? Or maybe – and this is something Sasha doesn’t want to admit even to herself – maybe she was crying for James. For whatever her parents had done to him that turned him into the monster that he is now.
Matagal na nanatili lang siyang nakaupo sa sahig at umiiyak. Siguro dahil sobrang tagal na mula nang umiyak siya kaya nang masimulan ay hindi na siya makahinto. Ilang oras yata ang lumipas bago siya nahimasmasan. Mabigat ang pakiramdam na bumangon siya, pinulot isa-isa ang mga hinubad na damit at saka pumasok sa banyo. Matagal na nagsabon at nagkuskos siya ng buong katawan pero kahit gaano katagal siya sa ilalim ng shower, pakiramdam ni Sasha hindi pa rin nawala ang bakas na iniwan ni James.