REDEEMING JAMES (Filipino) Chapter 20

HINDI NAGPALIPAS ng gabi sa hotel room na iyon si Sasha. Pagkatapos niya magbihis at siguruhing maganda na uli ang pagkaka-ayos ng buhok at make-up niya ay lumabas na siya. No way in hell will she look pathetic after James fucked her over, literally and figuratively. Nakataas ang noo niya kahit nang lumapit siya sa reception area para mag check out at hindi nagpahalatang affected nang malamang binayaran nga talaga ni James ang bill nila. She wished he didn’t do that. Alam niyang para siguro sa sarili nitong pride kaya ginawa iyon ng binata. Pero para sa kaniya isa iyong act of kindness na hindi niya kailangan.

Alas kuwatro na nang madaling araw nang huminto ang sinasakyan niyang taxi sa tapat ng condominium building niya. Hindi alam ni Sasha kung dahil ba sa rough sex o sa matinding pag-iyak niya kaya hinang hina ang pakiramdam niya habang nakasakay sa elevator paakyat sa floor kung nasaan ang unit niya. Gusto lang niya magkulong sa kuwarto at matulog ng ilang araw na walang istorbo.

Pero nagulat si Sasha nang nakailang hakbang pa lang siya pagkalabas sa elevator ay may nakita siyang nakatayo sa labas ng unit niya. Sumikdo ang puso niya at napabilis ang paglalakad niya.

“Hosea? What are you doing here?” manghang tanong niya.

Umalis mula sa pagkakasandal sa pinto ang matalik na kaibigan niya. Sa dim na ilaw sa hallway ng floor na iyon nakita ni Sasha ang magkahalong concern at relief sa mukha nito nang makita siya. “My God, Sasha. Hindi mo sinasagot ang messages at tawag ko. Saan ka –”

Hindi nito natuloy ang gusto sabihin at pinagmasdan siyang maigi. Alam niya na napansin nitong bagong ligo siya. Nakita niya sa dumaang emosyon sa mga mata ni Hosea na alam nito kung ano ang nangyari sa gabing iyon. Hindi nag-iwas ng tingin si Sasha kasi deep inside gusto niyang malaman ng binata na may nangyari sa kanila ni James. She knew it was twisted of her to feel like this but she can’t help it. Lalo na at hindi niya nakakalimutan kung gaano ka sweet si Hosea kay Pearl buong gabi.

Nginitian niya ang matalik na kaibigan. “I’m okay. Bakit ka naman mag wo-worry sa akin eh matanda na ako ‘no?” magaan na tanong niya sabay bukas sa pinto ng condo niya. Pagkatapos sinulyapan niya ito. “Gaano katagal ka na naghihintay dito?”

Kumurap si Hosea at pabuntong hiningang sinuklay ng mga daliri ang buhok. “Hindi ko alam. Basta ilang minuto lang ako nag stay sa party pagkaalis ninyo.”

“At si Pearl? Ayaw ka niya umalis.”

“What am I supposed to do? Hindi ka sumasagot sa mga tawag ko kaya naisip ko na baka…”

“Baka dinala ko siya dito?” amused na tanong ni Sasha. Maybe she really is a wicked and bad person to feel happy that he ditched Pearl for her. Kahit papaano nabawasan ang bigat ng pakiramdam niya dahil sa naging encounter nila ni James Salgado.

Bumuntong hininga uli si Hosea at napahawak sa batok. Ngumiti siya. “Ikaw lang ang lalaking makakapasok sa condo ko. Don’t worry.” Pagkatapos humakbang na siya sa loob ng unit niya, binuksan ang ilaw at basta na lang hinubad at iniwan sa tabi ng pinto ang sapatos niya. Naramdaman niyang pumasok na rin sa loob si Hosea kaya nakayapak na naglakad na siya papunta sa nagsisilbing living room niya roon. Nang marinig niyang sumara ang pinto saka lang siya lumingon.

May bumara sa lalamunan ni Sasha nang makitang nakayuko ang binata, pinulot ang mga sapatos niya at inayos sa isang side bago hinubad din ang sariling sapatos at itinabi sa mga sapatos niya. May init na humaplos sa puso niya pero hindi nagtagal. Kasi nang dumeretso ng tayo si Hosea at maglakad palapit sa kaniya ay natutok ang tingin nito sa bandang leeg niya. Nanlaki ang mga mata nito at kumuyom ang mga kamao. “Anong ginawa sa ‘yo ng Salgado na ‘yon?”

Napakurap si Sasha, nagulat sa galit na dumaan sa mukha ni Hosea kasi once in a blue moon lang ito magpakita ng ganoong emosyon. Wala sa loob na hinaplos niya ang kanyang leeg. “What?”

“Look in the mirror Sasha,” gigil pa rin na sabi ng binata. Lumingon siya sa bahagi ng unit niya kung saan ang pader ay isang buong one way mirror. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang namumulang marka sa leeg niya, mga bakas na iniwan ng mga kamay ni James. Thankfully iyon lang ang visible pero may palagay siyang marami pang naiwang bakas ang lalaking iyon sa iba’t ibang bahagi ng katawan niya. Iyon nga lang, kahit nag make-up siya ay medyo kapansin-pansin pa ring namamaga ang mga mata niya dahil sa matagal na pag-iyak.

“Did he hurt you?” mahina pero mariing tanong ni Hosea.

Sobra. Pero hindi sa pisikal na paraan. He broke my soul, sagot ni Sasha sa kanyang isip habang nakatitig pa rin sa repleksiyon niya sa salamin.

“Sasha?”

Kumurap siya at humarap uli sa matalik na kaibigan. Tipid siyang ngumiti. “I’m fine.”

Pinakatitigan siya nito, pilit binabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Pero alam ni Sasha na kahit matagal na silang magkakilala at ito ang pinakamalapit na tao sa buhay niya, hindi pa rin kaya ni Hosea na basahin kung ano ang nararamdaman niya. Hindi dahil manhid ito o kung ano pa man. Trained lang talaga siya mula pagkabata na itago ang kahit anong negatibong emosyon niya at ipakita lang ang maganda. Kaya kahit kay Hosea hindi niya kaya ipakita ang pangit na side niya.

“So, paano mo nakilala si James?” pag-iiba ni Sasha sa usapan.

Napakurap si Hosea. “Ako ang dapat magtanong niyan sa ‘yo.”

Nagkibit balikat siya, inilapag ang clutch bag sa sofa set na ni hindi pa niya natatanggal sa plastic at naglakad papunta sa kusina. “Kukuha ako ng drinks. Tubig at beer in can nga lang meron ako. Then tell me everything you know about James Salgado, okay?”

“Sinasabi mo ba sa akin na sumama ka sa lalaking ‘yon na walang kaalam-alam kung sino siya?” manghang tanong ni Hosea.

Nilingon niya ang binata at pilyang ngumiti. “Ganoon na nga.”

Napanganga ang bestfriend niya, halatang naeskandalo. Mahina siyang tumawa pero tumalikod din agad bago nito mapansing pinepeke lang niya ang sigla niya. Kumuha siya ng tig isang beer in can at ibinigay kay Hosea ang isa. Sumalampak sila sa sahig pasandal sa mahabang sofa at ilang minutong natahimik bago nagsalita ang binata.

Kaya nagulat si Sasha nang mayamaya sinabi ni Hosea ang lahat ng nalalaman nito tungkol kay James Salgado. It was not a lot though. Wala raw nakakaalam kung ano ang family background ni James, kung saan ito galing at kung ano ang pinagkakaabalahan nito sa buhay bago ito sumulpot at nakilala sa modeling and fashion industry.

Hindi na nagulat si Sasha nang malaman na dati palang full time model si James. Mas lalong hindi na siya nagtaka nang sabihin ni Hosea na ilang taon lang tinalikuran na nito ang pagmomodelo para magtrabaho behind the scenes of runway fashion shows. James Salgado doesn’t look like someone who loves to be the center of attention.

Ngayon daw isang kilalang fashion show director ang lalaki. Hindi ito mahilig magpakuha ng pictures at videos kahit anong request ng reporters at bloggers. Kaya pala para sa katulad ni Sasha na hindi naman mahilig sa fashion at pakikipag sosyalan; at na mas na expose sa charity works at political events, hindi pamilyar sa kaniya ang lalaki kahit pa infamous ito sa mundong kinabibilangan nito.

James Salgado, according to popular opinion, was too beautiful, too talented, too charismatic, too mysterious and too dangerous. Kasi kung gaano ito kinikilala at nirerespeto sa galing nito sa propesyon, general fact din na isa itong pamosong playboy at lady-killer. Naikama na raw nito lahat ng mga modelo, designers, sponsors at kung sino-sino pang babae na naging bahagi ng mga show na hawak nito.

No wonder he was so good at fucking, mapait na naisip ni Sasha. Bigla dumaan na naman sa isip niya ang mga sinabi ni James tungkol sa parents niya. Kailan nito nakilala ang kanyang ina? Noong modelo pa lang ito o bago pa? Patay na ang papa niya para tanungin ito kung anong ‘paninira ng buhay’ ang ginawa nito kay James. There is also no way in hell will she ask Vivian about him.

“Sasha? Nakikinig ka pa ba sa akin?” Kumurap siya at nilingon si Hosea. Nakakunot ang noo nito at titig na titig sa mukha niya. “Don’t tell me you like that guy? You deserve someone better than him.”

Napatitig siya sa guwapong mukha ni Hosea at tipid na ngumiti. “Masyadong mataas tingin mo sa akin.”

“Nagsasabi lang ako ng totoo. You are too good for men like Salgado.”

I’m not good, Hosea. I’m wicked, twisted and not really better than him… I’m not even better than my mother. Parang may lumalamutak sa dibdib ni Sasha pero hindi napalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Umangat ang isang kamay ni Sasha at masuyong hinaplos ang pisngi ng bestfriend niya. “Thank you. At huwag ka na mag worry kasi hindi na kami magkikita pa uli.”

Mukhang nakahinga ng maluwag si Hosea sa sinabi niya. Lalo tuloy naging pinal ang desisyon ni Sasha na huwag nang alamin pa kung ano ang koneksiyon ni James Salgado sa mga magulang niya. Maybe just this once, she should just let him get away with his ‘revenge’. After all, hindi naman ito ang unang beses na nabunton sa kaniya ang galit ng mga tao para sa parents niya, lalo na iyong para sa kanyang ina. Last year nga lang nasampal siya ng isang babae dahil napagkamalan siyang ang mama niya. Apparently, her mother fucked that woman’s fiancée. Ano ba ang magdagdag ng isa pang shitty experience dahil kamukha niya ang nanay niya?

Keep everything in. Don’t get angry. Don’t act priviledged. Show your best smile. People are watching. Dala mo ang apelyido natin, Sasha.

“Promise me you wont see that man again,” pakiusap ni Hosea.

Huminga ng malalim si Sasha, binura sa isip ang mga litanyang palagi sinasabi sa kaniya ng papa niya mula pa noong bata siya at nginitian ang pinaka importanteng lalaki sa buhay niya. “I promise.”

Naging madali para sa kaniya ang tuparin ang pangako niya. Kasi pagkatapos ng gabing iyon hindi na talaga niya nakita pa si James Salgado. Thankfully nagawa rin niyang magpatuloy sa buhay na halos hindi nakakaharap o nakakausap man lang ang nanay niya. Higit sa lahat, labag man sa loob niya ay sinimulan na ni Sasha gawin ang mga huling habilin ng kanyang ama. Naging abala siya sa pagiging board member ng maraming foundations. Halos hindi natutulog dahil inaral niya ang businesses na iniwan nito sa kaniya at kinilala ng maiigi ang mga taong pinagkakatiwalaan ng kanyang ama. Pagkatapos nakapasok din siya sa party list na expected na pala ang pagsali niya kasi matagal na pala nakausap ni Damian Dela Torre. Masyado siyang naging busy na tatlo o apat na oras na tulog na lang ang pahinga niya araw-araw. Si Hosea nga mismo bihira na niya makita. Mas lalong hindi na uli siya nagkaroon ng balita tungkol kay James Salgado.

Until two years later…

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.