BIGLANG dumilat si James Salgado at napatitig sa puting kisame. Mapait siyang napangiti at nilingon si Dr. Silva na nakaupo sa stool na katabi ng reclining leather chair kung saan siya nakapuwesto.
Halatang nagulat ang matandang doktor at bumakas ang concern sa mukha. “What’s wrong? Hindi pa tayo dapat tapos. Bakit bigla kang tumigil sa pagsasalita?”
Ilang segundong tinitigan ni James ang mukha ng matanda. Sa totoo lang hindi siya komportable na masyado itong concerned sa kaniya. Hindi siya sanay at pakiramdam niya palagi may ibang motibo ang mga tao kapag umaaktong mabait.
“My first time sounded like a plot for a porn video. I bet teenagers will get off with that scenario. Kung hindi lang ako ginago at pinaglaruan ng babaeng iyon pagkatapos ng gabing iyon baka naging magandang alaala sa akin ‘yon,” sabi niya.
Ni hindi nagbago ang ekspresyon ni Dr. Silva at nanatiling nakatitig lang sa mukha niya. Marahas na napabuntong hininga si James at bumangon. “Let’s just stop this shit. These sessions bore and irritate the hell out of me and you know it.”
“Nagsisimula pa nga lang tayo, James. Alam ko mas lalong magiging mahirap para sa ‘yo as we go along your psychotherapy. Don’t give up. Hindi ba nangako ka sa akin two years ago na magpapatulong ka sa akin? You said you want to change and get better.”
Mariing tumiim ang bagang niya at hindi agad nakapagsalita kasi naalala niya ang nangyari two years ago na biglang bumago sa buhay niya. Alam ni James na matagal na siyang nasa dark side. He indulged in everything evil and sinful aside from smoking and illegal drugs. He knew he was already too corrupted to be saved. Kaya ano pa bang silbi ang subukang magpakabait? Mamamatay din naman siya kalaunan at siguradong sa impiyerno rin ang punta niya.
Pero naging wake up call sa kaniya nang bigla na lang tumawag ang matandang doktor habang nasa ibang bansa siya para ipaalam na kailangan daw siya ng kapatid na si Martin. Akala ni James matagal na siyang namanhid at matagal nang patay ang puso niya. Pero nang makita niya sa mental illness ward ang kapatid niya – payat, malalim ang mga mata at tulala, parang may bulldozer na dumagan sa dibdib niya. At nang tawagin siya nitong ‘kuya’ sa tono na para bang twelve years old pa lang ito imbes na thirty, parang pinunit ng pagsisisi ang kanyang dibdib at para siyang sinakal ng self-loathing. Hinding hindi makakalimutan ni James ang sandaling iyon, nang magyakap silang magkapatid at hindi niya napigilan ang maiyak. It was on that day that something changed inside him. Just a tiny bit but the doctor said it was a great progress.
“Should we start again?” malumanay na tanong ni Dr. Silva kaya bumalik sa kasalukuyan ang isip niya.
Frustrated na nagulo ni James ang buhok at marahas na bumuntong hininga. “I hate remembering the past, okay? Sa loob ng dalawang taon wala kang ibang pinagawa kung hindi ipakuwento sa akin ang mga nangyari. Hindi ka pa ba nagsasawa? Kasi ako sawang sawa na.”
“You need to acknowledge your past so you can fully move on and be better, James.”
“Bullshit. Dalawang taon na ang lumipas pero wala pa rin ako masyadong nararamdamang kakaiba. Ang tanging nabago lang ay pinagbawalan mo ako gumalaw ng babae. I’m getting bored of using my hands so at least allow me to fuck someone!”
“Hindi puwede,” sagot ni Dr. Silva sa pasensiyosong tono na lalo lang nagpapainit sa ulo niya.
“Pero si Martin pinayagan mo? Don’t you dare lie to me. I saw the way the two of you looked at each other during our joint session last week. He’s seeing someone and both of you don’t want to tell me about it.”
Hindi nakapagsalita si Dr. Silva, pinakatitigan lang siya. Ilang segundo bago ulit ito sumagot, “Oo. I gave him my permission to continue meeting someone. Dahil makakatulong iyon sa kaniya.”
“Makakatulong sa kaniya? Pero pareho mo kami pinagbawalan hindi ba? Anong kaibahan namin?” maanghang na tanong ni James.
“Magkaiba ang dahilan kaya pinagbawalan ko kayo ma involve sa opposite sex, James. Martin got traumatized because he loved a woman too much. At ngayon nakakilala siya ng isang taong nakakuha sa interes niya pagkatapos ng nangyari noon. I want him to explore that. But you are a different case, James. Hindi ka lang abusive pagdating sa pakikipagtalik, hindi ka rin nakaramdam kahit katiting na affection man lang para sa mga babae. You are still incapable of loving or even liking someone. At hangga’t hindi ko nasisigurong hindi ka na uli magkakaroon ng urge na gawin ang mga ginagawa mo noon sa partner mo, hindi pa kita puwede payagan ma involve sa kahit na sino.”
Mariing tumiim ang kanyang bagang at kumuyom ang mga kamao. Wala siyang maibatong argumento kasi tama ito. Kahit si James walang tiwala sa sariling hindi magiging katulad ng dati kapag nakipagtalik siya. Resisting his sexual urges hurts like a bitch though. Sanay siyang may sex ilang beses sa isang linggo kaya nang bigla siya pagbawalan ni Dr. Silva para siyang drug addict na biglang pinasok sa rehab. Sa simula nakukuntento pa siyang gamitin ang sariling kamay kahit hindi talaga iyon satisfying. Pero ilang buwan lang ni hindi na niya mairaos ang sarili sa ganoong paraan. So he bought a masturbator. But two years with silicon pussy is not the same as the real ones.
Celibacy will be the death of me, frustrated na naisip ni James. “I have to go,” paalam niya kay Dr. Silva. “May trabaho ako ngayong gabi.”
“Anong trabaho?”
Inis na napabuga siya ng hangin. Simula rin ng pumayag siya magpagamot kay Dr. Silva palagi na ring kailangan nito malaman lahat ng pinupuntahan at ginagawa niya. Sabi nito masyado raw siyang sanay na kinikimkim lang lahat sa loob niya. Bukod sa hindi raw iyon healthy, iyon din daw ang dahilan kaya nahihirapan siyang i-express in words ang mga nararamdaman niya. Kaya naging ‘warm-up’ nito para sa kaniya na dapat sinasabi niya rito ang mga aktibidades niya.
“I am meeting the daughter of the designer I’m working with right now. Naka base siya sa Amerika at nagpunta lang sa Pilipinas para suportahan ang nanay niya. Tungkol sa fashion show ang pag-uusapan namin. And no, I’m not going to fuck her so don’t look worried. Aalis na ako.”
Tumalikod na siya at nabuksan na ang pinto ng opisina nito nang tawagin siya ng matanda. Lumingon siya.
“Alam ko nahihirapan ka. But don’t meet anyone okay? Masisira ang progress mo kung sakali,” seryosong bilin ng psychiatrist niya.
Tumiim na naman ang bagang ni James at humigpit ang hawak sa doorknob. “Alam ko.” Pagkatapos tuluyan na siyang lumabas at sobrang pagpipigil ang kinailangan para hindi niya ibagsak pasara ang pinto.
Naiinis pa rin si James kasi pakiramdam niya unfair si Dr. Silva. He was also feeling possessive over Martin. And when he realized that his brother and the woman he was seeing will probably fuck each other’s brains out tonight and that his brother will get even more vulnerable and open to that woman, something snapped inside his head. Ang namumuong galit sa dibdib niya naging full blown delubyo. Nilipad ng hangin lahat ng lohika niya at lahat ng mga sinabi ni Dr. Silva sa kaniya sa nakaraang dalawang taon. Gusto lang niya sumigaw at magwala. It was as if black shadows were engulfing his whole body, urging him to break something or someone or… himself.