REDEEMING JAMES (Filipino) Chapter 23

BUO ANG PANIWALA ni Sasha Dela Torre na maayos ang takbo ng buhay niya sa ngayon. Hindi siya masaya pero at least umaayon ang lahat sa mga plano niya. Sa loob ng dalawang taon walang tigil siyang nagtrabaho at kahit hindi siya komportable inexpose niya ang sarili niya sa kung anu-anong aktibidades para makilala siya ng mga tao. Ginagawa niya lahat ng makakaya niya para maisakatuparan ang huling habilin ng kanyang ama at masigurong hindi mapupunta kay Vivian Dela Torre ang mana niya.

Doble ang pagod at effort niya sa nakaraang mga buwan kasi noong October nag file na ng certificate of candidacy ang party list group kung saan siya ang first nominee bilang representative. Ibig sabihin noon kapag nanalo ang party list nila sa eleksyon, magiging congresswoman siya.

Mula noon halos hindi na siya tumitigil magpunta sa kung saan-saang lugar kahit sa totoo lang hindi pa naman oras para sa pangangampanya. Exposure and visibility ang importante, ayon sa campaign manager nila. Idagdag pa ang regular meetings nilang mga board directors sa mga Foundation at mga negosyong iniwan sa kaniya ni Damian Dela Torre. Ngayong araw lang siya nagkaroon ng off kasi talagang siniguro niyang wala siyang schedule dahil may date sila ni Hosea.

Excited pa si Sasha kaninang umaga habang sinusuot ang bago niyang dress. Simula last year bihira na lang sila magkita ng binata. Bukod sa masyado siyang busy, madalas ding international flights ang duty nito. Miss na miss na niya si Hosea at sabik siyang makasama at makausap itong muli. Pero ang saya at excitement niya naglaho nang pagdating ng lunch date nila sabihin nito ang dahilan kaya gusto nito makipagkita sa kaniya.

“I’m getting married, Sasha. I’ve been in a relationship with this wonderful woman for a year now. I’m sorry I didn’t tell you.”

“I’m sorry I didn’t tell you?” mahinang ulit ni Sasha sa sinabi ni Hosea kanina. “As if getting married is not a huge deal. Especially for me,” bulong niya bago sinaid ang tequila sa hawak na baso. Mapait at matapang ang hagod niyon sa lalamunan at sikmura niya. Pero mas matindi ang naging epekto sa kaniya ng mga sinabi ni Hosea kanina. Ni hindi niya alam kung paano niya nagawang ngumiti at magkunwaring masaya para rito hanggang magpaalam siya na may lakad pa siya.

She felt so betrayed and hurt. Hindi lang dahil inilihim nito sa kaniya ng isang taon ang relasyon nito sa isang babae kung hindi dahil sinampal siya ng katotohanan na mula noon hanggang ngayon, hindi siya nakita ni Hosea sa romantic na paraan. Galit siya sa sarili niya na naghintay siya at umasang balang araw, magbabago ang relasyon nilang dalawa.

Masakit ang dibdib na tinawag niya ang atensiyon ng bartender at humingi uli ng alak. Nasa bar siya ng Peninsula Hotel. She was feeling rebellious and angry after she and Hosea parted ways. Wala siyang tiwala sa sarili niya na hindi siya gagawa o pupunta sa kung saan na ikakasira ng reputasyong binuo niya sa nakaraang dalawang taon. Staying inside her condo is also not an option. Kaya nag check in siya sa hotel dahil bukod sa sigurado siyang may privacy siya roon, nangangati rin siya mag waldas ng pera. Para may silbi naman ang pagsunod niya sa huling habilin ng tatay niya. Para ipaalala sa sarili kung bakit kailangan niya protektahan ang mana niya.

Hindi alam ni Sasha kung gaano katagal na siyang nakapuwesto sa bar counter. Mas lalong hindi na niya alam kung ilang baso ng alak ang nainom niya. Gising na gising pa rin ang diwa niya at ginugulo pa rin ng bagyo ng mga emosyon ang dibdib niya. Kakasaid lang niya ng isa pang baso nang may kilabot na humagod sa likuran niya.

Bago pa siya makapag react at makalingon may umupo na sa stool na katabi niya. Nahigit niya ang hininga kasi nang makiskis sa braso niya ang braso nito ay nanayo ang balahibo niya sa batok. Tinawag nito ang atensiyon ng bartender para umorder ng alak. Parang may kuryenteng gumapang sa balat niya nang marinig ang boses nito. Buong buo, malamig, may hint ng tinitimping galit… at pamilyar.

Naglapag ang bartender ng isang bote at isang basong may yelo sa harapan ng lalaki bago lumayo. Saka lang tiningala ni Sasha ang mukha ng katabi niya na tiyempo namang lumingon din sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ni Sasha, nanlamig ang mga kamay at tumigil yata sa pagtibok ang kanyang puso nang makilala ito.

She wished she had forgotten him but she instantly recognized the beautiful face of James Salgado. It was so hard not to remember the best and worst fuck she ever had in her life. Bukod sa sobrang busy nga yata talaga siya kaya pakiramdam niya ang iksi lang ng dalawang taon mula noong huli silang nagkita.

Biglang bumalik sa isip niya ang huling beses na nagtalik sila. How he fucked her with the roughness and violence she desperately needed that time. How he spilled his semen in her breasts after fucking them. How he choked her and told her how much he hated her because her parents allegedly ruined his life. The memories made her feel both hot and cold. It made her feel aroused yet alarmed. Kaya binawi niya ang tingin at akmang tatayo na nang magsalita si James.

“Stay.” Bumalik ang tingin niya sa mukha ng lalaki at nagtama ang kanilang mga paningin. Lalong lumakas ang tunog ng warning bells sa utak ni Sasha. There is a storm in his cold and dark eyes. A reflection of what she was feeling inside. Both of them are currently like a ticking bomb about to explode.

Katulad noong dalawang beses na nagkita sila two years ago. Kaya mas dapat siyang tumayo at maglakad palayo. Kasi baka sa sex na naman sila mauwi dalawa. Sleeping with James Salgado is one of the things she promised never to do again. Pero masyado siyang rebellious at marupok ngayong gabi kaya baka hindi niya masunod ang pangako na iyon kung magtatagal pa siyang kaharap ito.

“Stay,” ulit ni James sa tono na hindi kasing demanding na katulad noon. Kumurap si Sasha at saka lang napansin na parang may nagbago rito. Malakas pa rin ang charisma at sex appeal nito kahit nakaupo lang. Malamig, galit at puno pa rin ng misteryo ang mga mata nito. Mapanganib pa rin pero may naiba. Hindi lang talaga niya ma-figure out kung ano.

Binawi ni James ang tingin, hindi niya alam kung dahil ba napansin nitong binabasa niya ang mga mata nito o ano. Pagkatapos inabala nito ang sarili sa pagsasalin ng alak sa baso. “I might as well sit beside someone I know tonight,” sabi pa nito bago ibinalik ang tingin sa mukha niya at uminom ng alak.

Parang nilamutak ang sikmura ni Sasha, nawala ang kaunting tama ng alak at luminaw ang isip niya. Naningkit ang mga mata niya. “Natatandaan mo ako?” Imposible. James Salgado is an infamous playboy. He probably discards women like worn out clothes when he was done. Malabong matandain ito sa mukha ng mga babaeng nakatalik nito.

Tumaas ang mga kilay ni James at may pait na kumislap sa mga mata. “I will never forget your face.” Pagkatapos nagsalin uli ito ng alak sa baso at sa mas mahina pero inis na tinig na parang sarili lang ang kausap ay dinagdag nito, “Lalo na sa nakaraang dalawang taon. Nagsasawa na nga ako kakaalala.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.