REDEEMING JAMES (Filipino) Chapter 24

Parang may lumamutak sa sikmura ni Sasha at alam niyang walang dahilan para mainis pero iyon mismo ang naramdaman niya. “I am not my mother,” gigil na bulong niya.

Sinulyapan siya ni James, uminom uli ng alak bago nagsalita. “Yeah. She’s better in bed than you, honestly. But I bet you know. She loved fucking men inside your mansion, especially in the bed she shares with her husband. Blatant cheating turns her on. And she’s freaking loud too. Imposibleng wala kang naririnig. Maliban na lang kung palagi kang wala sa bahay ninyo sa gabi.”

Nanlaki ang mga mata ni Sasha at napanganga. “Y-you have been inside our house?” Natigilan si James at napatitig sa mukha niya. “Hindi mo ako tinanong sa nanay mo?”

“No,” mabilis na sagot niya. Totoo na maraming beses siyang na-tempt na komprontahin ang nanay niya tungkol kay James. Gusto niya malaman kung paano nagkakilala ang mga ito at kung ano ang nangyari na pati ang papa niya ay involved. Pero nagpigil siya kasi sigurado rin naman siyang wala siya makukuhang matinong impormasyon sa kanyang ina. Besides, ayaw niya makaharap ang matandang babae hangga’t kaya niya. At sa dalawang taong nagdaan, nalimitahan niya sa tatlong beses lang ang naging pagkikita nilang mag-ina.

Bumalik ang atensiyon ni Sasha kay James nang mapansin niyang may dumaang emosyon sa mga mata nito. Nawala rin iyon agad pero kumunot pa rin ang noo niya at kinabahan. “Bakit ganiyan mo ako tingnan?”

“I messed you up the last time we met. Bakit parang hindi ka galit sa akin?” tanong nito.

Napakurap si Sasha. “Who said I’m not angry?”

Tumaas ang kilay nito. “You are not throwing my drinks at me. Hindi mo rin ako sinasampal at hindi ka naghi-histerikal.”

“Mukhang sanay ka manakit ng mga babae kung alam mo ang magiging reaksiyon namin kapag nakita ka,” sarkastikong komento niya. Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatitig sa kaniya. Hindi naman puwedeng sabihin ni Sasha na wala siyang nararamdamang galit dito kasi kahit hindi niya alam ang tunay na nangyari feeling niya warranted ang pananakit na ginawa nito noon sa kaniya. Hindi siya masokista. Alam lang talaga niya kung gaano kasama ang nanay niya.

Nagkibit balikat si Sasha. “Hindi ganoon kalaki ang epekto mo sa buhay ko para magalit ako sa iyo.”

Mariing tumikom ang mga labi ni James kaya akala niya may sasabihin itong ikakainis niya. Kaya na caught off guard siya nang kalmado itong magsalita. “Do you want a drink?”

Lalo tuloy siya naalarma. Pangatlong pagkikita pa lang nila ni James Salgado pero kung totoo ang hinala niyang may pagkakapareho sila, ibig sabihin mas delikado ito kapag kalmado at umaaktong mabait. Ibig sabihin mas may kumukulong emosyon sa dibdib nito at mas evil and twisted ang takbo ng isip.

You should walk away from him, Sasha. Right now –

Nahigit niya ang hininga nang umangat ang kamay ni James at hawiin ang hibla ng buhok niyang nasa gilid ng mukha niya, nakawala mula sa mahigpit na ponytail. Nagtama ang kanilang mga paningin at kahit ayaw ni Sasha nag react agad ang katawan niya sa intensidad at sensuwalidad na nakita niya sa mga mata nito.

“Bakit ka nandito na nag-iisa at nagpapakalasing? May nangyari na naman sa ‘yo? Stressed? Angry? Frustrated? Lonely?” mahinang tanong ni James, nilaro-laro ng mga daliri ang hibla ng buhok niya bago iyon inipit sa kanyang tainga.

Electricty ran through every nerve of her body, making her nipples hard and her sex moist. Nanuyo ang lalamunan niya at hindi napigilang basain ng dila ang kanyang mga labi. Umangat ang gilid ng mga labi ni James at humaplos ang likod ng palad nito sa kanyang pisngi, pababa sa leeg niya hanggang maglaro ang mga daliri nito sa naka-expose niyang collarbone.

“Do you want me to comfort you?” mapang-akit na tanong nito.

Lumunok si Sasha at hindi pinuputol ang eye contact nila na gumanti siya ng bulong, “No.”

“Why?”

“Because you are going to mess with me again. You are going to try breaking me into tiny pieces like the last time we were together.”

Ilang segundong natahimik sila pareho, nakatitig lang sa isa’t isa. Mayamaya nagsalita uli si James. “Pero hindi ako nagtagumpay, hindi ba? Maybe I did a little damage but not enough to break you.”

Tumaas ang kilay ni Sasha. “At paano mo naman nasabi?”

Inilapit ni James ang mukha sa kaniya hanggang nararamdaman na niya ang mainit nitong hininga. Pagkatapos bumulong ito, “Because I don’t matter to you, Sasha Dela Torre. Because the only ones who can break and hurt you are the people you care the most about. Sa kanila ka dapat matakot at hindi sa akin.”

Parang sinaksak sa dibdib si Sasha. Hindi lang dahil may point ito kung hindi dahil unti-unti niya naiintindihan ang ibig sabihin ng magkakahalong emosyon sa mga mata nito. Bago pa niya napigilan ang sarili umangat na ang isang kamay niya at hinaplos ng hintuturo ang gilid ng isang mata nito. Na-tense si James pero hindi lumayo.

“So, someone you cared about hurted you today. That’s why you are being cruel and hurtful to me again.”

Mariing tumiim ang bagang ni James at dumaan ang galit at pait sa mga mata. Pagkatapos hinawakan nito ang kamay niyang nasa gilid ng mukha nito at pinisil iyon. Hindi ito sumagot at hindi na rin siya nagsalita. Basta nagkatitigan lang sila at ang weird kasi estranghero naman talaga sila sa isa’t isa pero sa mga sandaling iyon, pakiramdam ni Sasha nagkaintindihan sila sa pamamagitan lang ng tingin. Kaya nang tanungin siya nito uli kung gusto niya ng drinks tumango na siya.

Nanatili pa sila sa bar nang ilang minuto hanggang hindi na nila natiis pa ang sexual tension sa pagitan nilang dalawa. Pagkatapos tumayo at magbayad tinanong nito kung naka-checkin ba siya roon. Tumango si Sasha. Mayamaya pa, hawak na nito ang siko niya at halos tumakbo silang dalawa papunta sa elevator. She knew she will regret everything tomorrow morning but tonight, she will allow herself to get roughly fucked by the infamous James Salgado.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.