PAGDATING ng alas singko ng umaga pareho na silang pagod na nakatihaya sa kama. Queen sized bed iyon kaya kahit magkatabi silang nakahiga may espasyo pa rin sa pagitan nila. Nadungisan na nila bawat parte at bawat furniture sa hotel suite na iyon. Nasubukan ang kung anu-anong posisyon. Ni hindi na nga nagulat si Sasha na napakaraming alam ni James. She actually got tired after the third round but she didn’t want to be the first one to show weakness. Eventually, without talking about it they both decided to stop.
Pagod at hinang hina ang katawan ni Sasha pero gising na gising ang diwa niya. Hindi niya nililingon si James pero alam niyang nakadilat at nakatitig din ito sa kisame.
Mayamaya bumangon ang lalaki. Bago pa makapag-isip si Sasha ay nahawakan na niya ang lower arm nito para pigilan itong umalis sa kama. Napalingon ito sa kaniya. Sinalubong niya ng tingin ang mga mata nito. “Are you planning to go now?” paos at mahinang tanong ni Sasha.
Naramdaman niyang na-tense si James at naging matiim ang titig. “Bakit?”
Lumunok siya. “Stay. Kahit hanggang eight lang.”
Tumaas ang mga kilay nito pero hindi kasing insulting na katulad ng dati. Katunayan pakiramdam niya may nagbago sa attitude ni James. May nagbago sa pagitan nila pagkatapos ng mirror sex nila at sabay silang maligo sa ilalim ng shower. Not that they like each other because they still don’t.
“What? Do you still need rounds of fucking before all the thoughts in your head get blown away? Hindi pa ba nawawala ang stress mo pagkatapos ng lahat ng ginawa natin? Kulang pa para kumalma ang isip mo?”
Humigpit ang hawak ni Sasha sa lower arm ni James kasi hindi siya makapaniwalang basang basa siya nito. Na alam nito ang tungkol sa sarili niya na ni hindi niya magawang i-express sa salita. So even though she knew she should never trust him she ended up lowering her guard in front of him.
“Kailangan ko ng taong pipigil sa akin gumawa ng katangahan katulad nang pagpayag na sumama sa bestfriend ko para makilala ang fiancée niya. Ayoko magpakamartir at ngitian ang babaeng mahal niya. Ayokong sabihin na susuportahan ko sila kahit ayoko talaga.”
Hindi kumibo si James at nanatili lang nakatitig sa mukha niya. Akala niya tatawanan siya nito o kaya iinsultuhin o kaya sasabihing wala itong pakielam sa pinagdadaanan niya. Kaya parang may humalukay sa sikmura niya nang bumuntong hininga ito, pumihit paharap sa kaniya at hinawi ng isang kamay ang buhok niyang nakadikit sa kanyang pisngi. “Unrequited love doesn’t suit you, Sasha.”
Tipid na umangat ang gilid ng mga labi niya. “Yeah. Sigurado akong hindi mo natatandaan pero sinabi mo rin ‘yan two years ago.”
Tumaas ang mga kilay nito. “Then why are you still in that shitty situation? You are sassy, confident and annoyingly stubborn when you are with me. You always want to fight for power and dominance when we fuck. Pero ni hindi mo masabi sa lalaking ‘yon na gusto mo siya?”
Humigpit ang hawak niya sa lower arm ni James. “Kasi siya ang pinaka importanteng tao para sa akin. Hindi lang siya basta kaibigan at mas lalong hindi lang siya basta lalaki. I just can’t confess my feelings and ruin our friendship. He’s not someone I can just discard and ignore. I know he will never see me romantically. Hindi ako assumera at mas lalong hindi ako manhid para hindi malaman na kahit kailan hindi niya ako nakita sa ganoong paraan. Gusto ko siya maging masaya pero hindi ko rin siya kaya makitang ikasal sa iba. I know I’m selfish. Pero hindi ko lang kasi siya bestfriend. He’s my lifeline. The light I look for when I feel like I’m in too much darkness. He is the only good thing in my life. Mula noon at hanggang ngayon.”
May dumaang kung anong emosyon sa mga mata ni James. Na para bang may naalala ito. Pagkatapos may bumara sa lalamunan niya nang makita niya ang pag-unawa sa facial expression nito. This time hindi na siya nagulat na naiintindihan siya nito. May palagay kasi si Sasha na pareho sila ng pinagdadaanan.
“Do you also have someone like that?” bulong niya bago pa mapigilan ang sarili. “Someone you don’t want to lose? Iyong taong alam mo naman na hindi puwede maging sa ‘yo lang habambuhay? Iyong gusto mo naman maging masaya sa piling ng taong mahal niya pero hindi mo rin siya kaya basta pakawalan?”
Ilang segundo bago sumagot si James. “Meron.” Pagkatapos binawi na nito ang kamay na nasa pisngi niya at tuluyang kumilos para umalis sa kama. Sa pagkakataong iyon binitawan na rin ito ni Sasha.
Pumihit siya patagilid at sinundan ito ng tingin habang pinupulot ang mga hinubad na damit. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at itatanong na sana kung aalis pa rin ito kahit nakiusap na siyang manatili ito sa tabi niya. Pero bumara sa lalamunan niya ang mga salita nang makitang pati dress at underwears niya ay pinulot ni James. Pagkatapos bumalik ito sa kama, hinawakan ang isang braso niya at hinila siya paupo. “Let’s take a shower and eat breakfast. Hindi rin naman tayo makakatulog kung mananatili tayo rito.”
Napatitig si Sasha sa guwapong mukha ni James kasi hindi siya makapaniwalang nagiging mabait ito sa kaniya. Naningkit ang mga mata nito. “What? You want to stay here? We’re just gonna end up fucking again kung hindi tayo bababa sa restaurant.”
Umangat ang gilid ng mga labi ni Sasha. “That’s actually a nice idea.”
“Not to me,” mahinang sagot nito at hinila siya uli hanggang makaalis na siya sa kama. Sandali lang sila nag shower at mabilis na nakapagbihis. Pero natagalan si Sasha kasi kinailangan pa niya mag make-up at mag blower ng buhok. Pinapauna na niya si James pero nanatili itong nakatayo at nakasandig sa hamba ng pinto. Usually hindi siya komportable na may nakatingin kapag nag-aayos siya. Kahit si Hosea never niya hinayaang makita siyang hindi naka make-up. Kaya ang weird sa pakiramdam na hindi siya naiilang sa presensiya ni James.
Tapos na niyang tuyuin ang buhok niya at ipupusod na nang biglang magsalita ang lalaki. “Bakit palagi mo tinatali ng ganyan ang buhok mo?”
Natigilan si Sasha at napatingin sa reflection nito sa salamin. “Kasi mas maayos tingnan.”
“Sinong nagsabi?”
“My father, my relatives and everyone around me.” Two years ago lang narealize ni Sasha na bata pa lang siya ginu-groom na siya ng kanyang ama na sumunod sa yapak nito. Hindi lang pala dahil anak siya ng politiko kaya dapat perfect at humble ang ayos at attitude niya. Gusto pala kasi nito na pumasook din siya sa politika.
Just one term. I’ll just finish one term and I’m going to be free.
“So you don’t do it because you like it but because other people told you so.”
Napakurap si Sasha at medyo nagulat na nasa mismong likuran na pala niya si James. Umangat ang mga kamay nito at sinuklay ng mga daliri ang kanyang buhok. Nahigit niya ang hininga at may init na humagod mula sa anit niya pababa sa mga talampakan niya.
“Ikaw ano ba ang gusto mo?” tanong ng lalaki malapit sa kanyang tainga.
Hindi nakasagot si Sasha at napatitig lang sa repleksiyon nila sa salamin. Kailan ba may nagtanong sa kaniya niyon? Hindi na niya matandaan. Lumaki siyang binibihisan at inaayusan ng yaya niya noong bata pa siya at palaging ang parents niya ang nagsasabi kung gusto ng mga ito o hindi ang hitsura niya. Nang mag dalaga siya hindi niya nasuot ang mga damit na gusto niya kasi ang stylist na kinuha ng papa niya ang nagdedesisyon kung ano ang bibilhing damit at kung paano niya isusuot ang mga iyon. Ang papa rin niya ang nagdesisyon kung ano ang kursong kukunin niya sa college. Pati mga taong makakasalamuha niya napagdesisyunan ng iba para sa kaniya. Even his last will and testament didn’t allow her to give her opinion. At ngayon, mga election managers at kung sino-sino pang tao ang nagdedesisyon ng kung ano ang gagawin niya. No one ever asked for her opinion.
“Mas gusto kong nakalugay ang buhok ko,” sabi ni Sasha, unti-unting binaba ang mga kamay at inilapag ang pantali sana niya ng buhok sa vanity top. “I feel prettier and sexier when I feel my hair against my shoulders.”
Tumango si James, sandali pang sinuklay ng mga daliri ang kanyang buhok bago binawi ang kamay at humakbang paatras. “Kung ready ka na bumaba na tayo. I’m starving.” Pagkatapos tumalikod na ang lalaki at tuluyang lumabas ng banyo.
Sandaling napatitig si Sasha sa repleksiyon niya sa salamin, lalo na sa nakalugay niyang buhok na medyo wavy imbes na tuwid kasi nagulo ng mga daliri ni James. But somehow, she likes it better than her usual hairstyle. Pakiramdam niya kahit sa maliit lang na bagay, nagawa niya ang gusto niya at hindi ang dikta ng iba.
Napangiti siya at sa unang pagkakataon mula nang magdalaga siya ay hindi siya nainis sa nakita niyang mukha sa salamin. She always sees her mother when she looks at the mirror. But now she saw a little bit of herself. Huminga siya ng malalim at saka naglakad palabas ng banyo.