MASYADO PANG maaga kaya hindi nakapagtatakang sina James at Sasha lang ang customer sa restaurant nang bumaba sila. Kumalam ang sikmura niya at natakam siya nang ilapag ng waiter ang mga order nila sa lamesa. Saka lang niya naalala na wala siyang matinong kain mula pa kahapon ng umaga. Masyado siyang excited makita si Hosea kaya hindi siya nag breakfast. Pagdating naman ng lunch sinabi agad nito ang tungkol sa fiancée kaya hindi niya nagalaw ang pagkain. Then last night, James happened.
Ilang minuto na pareho lang silang tahimik habang kumakain at nagkakape. Pinapakiramdaman ni Sasha ang lalaki at nang masiguro na mukhang hindi naman ito napipilitan lang talaga na samahan siya ay nilakasan na niya ang loob na magtanong, “I heard you are a fashion show director.”
Napatitig sa kaniya si James. “I am.”
“I also heard you are very good with your job and famous in the modeling and fashion world. Hindi ka raw mahilig magpakuha ng pictures at hindi nagbabanggit ng tungkol sa personal mong buhay kapag nai-interview ka. But instead of leaving you alone people got more curious and interested. Kaya umaabot daw hanggang sa high society at iba pang social circle ang tungkol sa ‘yo.”
Naningkit ang mga mata ni James, inilapag ang kutsara at tinidor sa plato at sumandal. “Kanino mo narinig ang mga ‘yan at masyado naman yatang detalyado.”
Alam ni Sasha na unfair sa lalaki na may mga detalye ng buhay nito na alam niya. Kaya inamin niya rito na si Hosea ang nagsabi sa kaniya. Na nag-alala ang bestfriend niya nang umalis sila ni James na magkasama sa party two years ago at hinintay siya sa apartment niya.
“Your bestfriend is shady. He obviously doesn’t like you romantically pero gumagawa siya ng mga bagay na magpapaasa sa ‘yo. Kaya tingnan mo ang nangyari sa ‘yo nang malaman mong may fiancée na siya? You ended up having a sex marathon with a stranger,” komento ni James.
“But he’s not as shady as you,” ganti ni Sasha kasi tinamaan siya at na offend sa sinabi nito; sa umasa part, hindi sa sex marathon. Kasi narealize niya habang magkasama sila ngayon na wala siyang pinagsisisihan sa mga nangyari kagabi. In fact, she enjoyed it a lot. Magaan na ang pakiramdam niya ngayon, relaxed ang buong katawan niya at mas kalmado na siya emotionally at mentally.
Umangat ang gilid ng mga labi ni James, dumeretso ng upo at hinawakan ang mug at bago humigop ng kape ay sinabing, “That’s true. He was right to warn you about me.”
Napatitig si Sasha nang husto sa mukha nito. He really has the most beautiful face she had ever seen. Too beautiful that it was blinding and intimidating when she saw him two years ago. Pero ngayon nabawasan na ang blinding factor, at least sa paningin niya. Aside from the fact that he seemed to have lowered his guard to her, just a tiny bit but enough for her to see the slight change in his facial expressions.
Biglang narealize ni Sasha na baka iwasan na siya nito sa susunod o baka hindi na sila uli magkita at magkaroon ng pagkakataon mag-usap na katulad ngayon. Pasimple siyang huminga ng malalim, humigpit ang hawak sa kutsara at tinidor at saka maingat na nagtanong, “How and when did you know my mother?”
Natigilan si James, maingat na ibinaba sa lamesa ang mug at seryosong sinalubong ng tingin ang kanyang mga mata. “Gusto mo pa talagang malaman? It’s not a good conversation topic for breakfast. Besides, what your mother and I had in the past is not something you should ask after we fucked all night. O kink mo ‘yon? Have you slept with the men she has been with too?”
“No,” mabilis na sagot ni Sasha.
“Then why are you asking? Just when I am starting to see you as someone I can actually respect and not just a copycat of her face you suddenly reminded me how much I hate her.”
Uminit ang pisngi niya at muntik na magbaba ng tingin kasi nanlamig siya at napahiya. Nainis siya sa sarili na sinira niya ang relaxing atmosphere sa pagitan nilang dalawa. Halatang pumangit ang mood ni James nang mabanggit niya ang nanay niya. Isa pa may point naman ito. Obviously naging lover ito ni Vivian Dela Torre. Kung gaano katagal ay hindi niya alam. Ang sigurado lang niya may ginawa ang mga ito na higit pa sa ginawa nila kagabi o sa dalawang beses na nagtalik sila two years ago. Even if what happened to James and Vivian was a lifetime ago, Sasha and her mother stil fucked the same man. It sounds so twisted and immoral and should be kept a secret.
A dirty secret. Isang bagay na hindi dapat magkaroon si Sasha Dela Torre. Lalo na at ilang buwan na lang eleksiyon na. Mahigpit ang kompetisyon at bilang face and first nominee, kaunting putik lang na makita sa kaniya ay magiging dumi at kasiraan na rin ng buong party list nila.
Biglang sinampal ng reyalidad si Sasha. Narealize niya na hindi siya dapat naroon kasama si James Salgado. Na hindi na niya dapat kalkalin pa kung ano ang mayroon sa nakaraan nito na involved ang kanyang ina. Na ito na dapat ang huli nilang pagkikita.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. “I’m sorry. Hindi ko na uli itatanong sa ‘yo ang tungkol diyan kahit kailan.”
Tumango si James at pinagpatuloy ang pagkain. Wala na uli nagsalita sa kanila at hindi na nawala ang nakakailang na tensiyon. Patapos na sila kumain nang biglang mag vibrate ang clutch bag na ipinatong niya sa lamesa.
Sumikdo ang puso ni Sasha at biglang hindi alam ang gagawin nang kunin niya ang cellphone mula sa loob niyon at makitang tumatawag si Hosea. Bakit ang aga naman yata? Masyado ba itong excited na makita ang fiancée nito? Mariing nakagat niya ang ibabang labi at napatitig lang sa gadget.
“Siya ba ang tumatawag sa ‘yo?”
Napakurap siya at napatingin kay James. “Yes.”
“Give it to me,” sabi nito at inilahad ang kamay. Umawang ang bibig niya at wala sa loob na inabot dito ang gadget. Kaswal na pinindot nito ang answer button at inilapit sa tainga ang cellphone.
Sandaling parang nakinig si James sa sinasabi ni Hosea sa kabilang linya bago ito nagsalita. “She’s sleeping right now, though? Hindi siya makakasama sa ‘yo ngayong araw dahil wala akong balak gisingin siya. We had a fun and rough night together kaya naubos ang energy niya.”
Nanlaki ang mga mata ni Sasha. Ngumiti si James at may dumaang kislap ng amusement sa mga mata habang nakatitig sa mukha niya. Sa tingin niya may sinasabi pa si Hosea sa kabilang linya pero hindi na nagsalita pa si James at tinapos ang tawag. Pagkatapos may kung ano itong tinipa sa cellphone niya at saka ibinalik sa kaniya.
Nagtatakang tumingin siya sa screen at nahigit ang hininga. He entered his name and cellphone number in her contact list. Nakalista rin iyon sa outgoing call list, ibig sabihin nakaregister na rin ang number niya sa cellphone nito.
Napatingala siya sa lalaki nang tumayo na ito at namulsa. “Solve na ang problema mo para sa araw na ‘to. Huwag mo siya tatawagan kung hindi sayang ang pagsagot ko sa tawag niya.”
“Aalis ka na?” tanong ni Sasha. Hopefully hindi nito napansin ang disappointment sa tono niya.
“May trabaho ako. But call me when you get stressed or whatever. I’m willing to fuck you senseless until you forget everything. Kahit pansamantala lang.” Pagkasabi niyon tumalikod na ito at naglakad palayo.
Manghang napasunod na lang ng tingin si Sasha, humigpit ang hawak sa cellphone at napahinga ng malalim nang tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin.