Pagkaupo pa lang ni James sa likod ng manibela nakita na niyang nag va-vibrate ang cellphone na iniwan niya sa passenger’s seat. Tumaas ang mga kilay niya nang makitang pangalan ni Sasha ang nakarehistro sa screen. Kinuha niya ang gadget at sinagot ang tawag.
“What are you doing here?” bungad agad ng babae. Malabo ang boses nito dahil masyadong maingay sa linya nito.
“Napadaan lang,” tipid na sagot ni James. “I have to go –”
“Wait. May dala kang sasakyan ‘di ba?”
Natigilan siya at kumunot ang noo. “Oo bakit?”
“Saang side ka nag park? Anong kulay ng sasakyan mo at ano ang plate number?”
Lalong lumalim ang kunot ng noo ni James. “What’s going on?”
Hindi agad sumagot si Sasha at base sa papahinang ingay sa paligid nito ay mukhang lumayo ito sa maraming tao bago bumulong, “Can you take me home?”
Nagulat si James nang kumabog ang dibdib niya sa tanong na iyon. Bago pa niya mapag-isipan kung bakit ganoon ang naging reaksiyon niya sinabi na niya kay Sasha ang hitsura ng kotse niya, plate number at saan siya naka-park. Nag okay ito at mabilis na tinapos ang tawag. Manghang napatitig siya sa cellphone niya. “Fuck, what just happened?”
Hindi pa rin maintindihan ni James kung bakit ganoon ang epekto ng pagtawag ni Sasha nang matanaw na niya itong palapit sa kotse niya. May ilang mga taong tumatawag sa atensiyon nito na buong giliw naman nitong nginingitian at kinakawayan pero hindi tumitigil sa paglalakad. Wala sa loob na binuksan niya ang pinto ng passenger’s seat nang tuluyang makalapit sa side na iyon si Sasha.
Narinig niya ang malamyos nitong boses na nagpapaalam sa mga taong nakasunod pa rin ang tingin dito bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse niya at isinara ang pinto. Hindi nakakilos si James nang bigla itong lumingon sa kaniya at magtagpo ang kanilang mga paningin. Lalo siyang na caught off guard nang ngumiti ito na para bang planado ang pagkikita nila sa gabing iyon. Na para bang hindi dumaan ang isang linggong wala silang komunikasyon pagkatapos nila mag sex marathon magdamag.
“Salamat na pumayag kang hintayin at pasakayin ako,” sabi ni Sasha na umangat pa ang isang kamay at magaan na tinapik ang lower arm niya.
Nagulat si James sa haplos nito. Hindi lang dahil para bang ang dali lang dito ang gawin iyon. He was more surprised that the simple touch affected him in a way that the women in the after party didn’t. He felt as if he got striked by lightning. He was semi-hard in an instant. Just from a simple fucking tap of her hand in his lower arm. What the fuck.
“James? Let’s go,” udyok ni Sasha.
Kumurap siya, inalis ang tingin sa dalaga at ginamit ang panahong pinaandar niya ang sasakyan palayo sa covered court para kontrolin ang reaksiyon ng katawan niya. Nagagalit si James dahil nalilito siya sa nangyayari. He thought he already got her out of his system after a whole night of sex. Pero mukhang mali siya.
“Hindi mo ba itatanong sa akin kung saan ako nakatira? I asked you to take me home but we are in the opposite direction,” basag ni Sasha sa katahimikan.
Humigpit ang hawak ni James sa manibela at nakatiim ang bagang na sinulyapan ito. The fact that she looks so relaxed and casual is pissing him off. “Give me your address,” he said through gritted teeth.
Tumaas ang kilay ni Sasha na para bang na wi-weirdohan ito sa kaniya. When in fact she is the strange one. Lalo na nang sinabi nga nito ang complete address nito. Napailing si James. “What’s wrong with you?”
“What do you mean?” tanong ng babae na umangat ang isang kamay at inalis ang suot na ponytail kaya bumagsak sa mga balikat nito ang mahabang buhok. Bumuntong hininga ito at mahinang napaungol habang minamasahe ang anit ng mga daliri.
Humigpit ang hawak ni James sa manibela. Even the sounds coming out from her are making him painfully hard. Itinutok niya ang tingin sa kalsada at nag u-turn bago nagsalita, “Hindi tayo magkaibigan. Everytime we meet we just end up fucking. Not to mention my past with your parents. So why are you acting friendly? Bakit sumakay ka sa kotse ko at sinabi pa sa akin ang address mo na para bang matagal na tayo magkakilala?”
Ilang segundo bago sumagot si Sasha, “Hindi ko rin alam. Kahit ako nasorpresa sa naging reaksiyon ko nang makita kitang nakatayo sa gilid ng covered court at nakatingin sa akin. I should have been alarmed that you were there. I should have been annoyed or angry. But when I saw you I just felt… happy?”
Gulat na napasulyap si James sa babae na nakatitig pala sa kaniya. Ngumiti ito. “Siguro kasi nakahanap ako ng dahilan para takasan sila. Kung hindi ka dumating hihilahin pa nila ako sa late dinner na inaalok ni mayor. I don’t like the way that old man has been staring at me since we arrived. Hindi ko siya type at ayoko maeskandalo.”
Ibinalik ni James ang tingin sa kalsada. “Kung may nakakita sa atin sa hotel one week ago, maeeskandalo ka.”
“That’s why I told you I can’t be seen in the cctv camera.”
Tumiim ang mga labi niya. “Of all the careers out there, I never thought you will be a politician. Nang makita ko ang mukha mo sa tarpaulin akala ko nagkamali lang ako ng tingin. But then your name was there.”
“Ah. Nakita mo pala ‘yon kaya huminto ka at nanood? Wow. Akala ko ikaw ang tipo ng lalaking kinakalimutan na ang isang babaeng naka-one night stand mo.”
I really am that type of guy. So I don’t know why I am with you right now. Pero hindi iyon ang sinabi niya. “Bakit sa dinami-rami ng career politika ang pinasok mo?”
Hindi nakasagot si Sasha kaya napilitan si James na sulyapan ito uli. Wala na ang ngiti sa mga labi nito at para bang pagod na pagod na sumandal sa backrest at pumikit. “I have no choice,” tipid na sagot nito.
Ibinalik niya ang tingin sa kalsada. “Your father forced you to be a politician, then.”
Mahinang natawa ang dalaga. “Para sa isang taong hindi ko kaibigan at estranghero pa rin sa akin kung tutuusin, pakiramdam ko ang dami mong alam tungkol sa pamilya ko. Samantalang ako walang alam tungkol sa ‘yo maliban sa buo mong pangalan at sa mga impormasyong mababasa kapag nag search ka sa google.”
Hindi nakasagot si James, humigpit lang ang hawak sa manibela. Huminga ng malalim ang dalaga at nagpatuloy sa pagsasalita, “Don’t get me wrong. I love helping people. Bata pa ako palagi ako sinasama ng tatay ko sa mga charity event pero ngayong matanda na ako saka ko lang naintindihan talaga ang situation ng mga taong tinutulungan ng charities namin. Kung may magandang naidulot sa akin ang pagpasok sa party list iyon ay mas na-immerse ako sa buhay ng mga taong kailangan ng tulong. Gusto kong nakakapagbigay ng tulong. But I don’t like politics.”
James felt a bitter taste in his mouth. Siguro kasi pinanganak at lumaki siya na katulad ng mga taong inaabutan ni Sasha ng charity. Na sobrang magkasalungat talaga ang mundong pinanggalingan nila. May galit at frustration na gusto kumawala sa dibdib niya pero alam niyang unfair na maramdaman niya iyon dito. It was not her fault she was born and raised in a rich family. It was also not her fault that her parents were trash and evil. Two years ago hindi sumagi sa isip niya ang lohika na iyon. Back then all he wanted to do was destroy and break the woman whose face looks exactly like Vivian Dela Torre.
Nang natatanaw na ni James ang condominium building ni Sasha saka lang siya nakapagdesisyon magsabi ng isang katotohanan. “Nagtrabaho ako dati para sa mga magulang mo.”
Naramdaman niyang na-tense si Sasha at napaderetso ng upo. “What?”
Sinulyapan niya ito at biglang naalala ang una at huling beses na nakita niya ito sa pamamahay ng mga Dela Torre maraming taon na ang nakararaan. Natural na hindi siya nito matatandaan. Kahit siya malabong maalala ang encounter na iyon kung hindi lang niya nalaman na anak ito ni Vivian Dela Torre.
Ibinalik niya ang tingin sa kalsada at tipid na sumagot, “Nagtrabaho ako sa bahay ninyo noon.” At hanggang doon lang ang makukuha nitong impormasyonm sa kaniya sa gabing iyon.
Hindi kumibo si Sasha, nanatili lang nakatingin sa kaniya. It both impressed and frustrated him that she seemed to understand that he doesn’t want to talk about it anymore. How can she do that? How can she understand him in a way that is different from how Grace understands him? It doesn’t make sense. And the fact that he is sexually attracted to her makes things worse.
Kaya nang ihinto ni James ang kotse sa tapat ng entranda ng condominium building ni Sasha nakapagdesisyon na siyang hindi na uli makikipagkita pa uli rito kahit na anong mangyari. He doesn’t like the confusion she’s making him feel. Ni hindi niya ito tiningnan nang maramdaman niyang hinubad nito ang seatbelt at pinindot ang unlock button ng pinto sa tabi nito. Hinintay niya ito lumabas pero nang hindi ito tuminag sa pagkakaupo napilitan siyang lingunin ito.
“What? Nagawa ko na ang request mo. I took you home.” He sounded harsh and arrogant even to his ears.
Pero imbes na mainis o ma-offend ay tipid pang ngumiti si Sasha. “Nag dinner ka na ba?” Tumaas ang mga kilay ni James. “Mukhang hindi pa. Hindi pa rin ako nag di-dinner. May alam akong restaurant malapit dito na nag de-deliver ng pagkain twenty four seven. Go up with me.”
Natigilan siya at hindi naitago ang pagkagulat. “You’re inviting me to your place?”
Tumaas ang kilay ni Sasha pero kumislap ang amusement sa mga mata. “Yes.”
Naningkit ang mga mata ni James. “That’s not a good idea.”
“Bakit naman?”
“Because once you allowed me to enter your place I will not leave without us fucking. I’m too horny tonight and I will not do something for you without expecting anything in return,” James said crudely. Gusto niyang ma-offend si Sasha. Gusto niyang isipin nito na walang ibang kahulugan ang paghinto niya sa covered court dahil lang nakita niya ang mukha nito. Na walang ibang kahulugan ang pagpayag niyang ihatid ito pauwi. Gusto niyang isipin ng dalaga na sex lang at wala nang iba pa ang habol niya rito. Iyon din kasi ang gusto niyang paniwalaan.
Pero iba na naman sa inaasahan niya ang naging reaksiyon ni Sasha. She rolled her eyes and laughed at him. “Don’t get so full of youself. No sex will happen if you don’t put me in the mood. Para lang sabihin ko sa ‘yo, hindi ako na-a-arouse sa attitude mo ngayon. Let’s go.” Pagkatapos tuluyan na itong bumaba ng kotse niya.
James felt so disoriented. Pero ipinark din naman niya ng maayos ang sasakyan niya at bumaba na rin. Tinulak niya ang glass doors ng condominium building at pumasok sa loob. Nakatayo na sa gitna ng lobby si Sasha, nakadikit sa tainga ang cellphone at mukhang umoorder na ng pagkain sa restaurant na tinutukoy nito kanina. Pasimpleng sinulyapan niya ang reception area kung saan may dalawang lalaking nakapuwesto. Receptionist ang isa habang guwardiya naman ang isa pa base sa suot na uniporme. Halatang mga propesyunal kasi hindi nakatingin ang mga ito sa kanila at para pa bang nagkukunwaring hindi sila nakikita.
Lumapit si James kay Sasha na napasulyap sa kaniya at matamis na ngumiti. Tinapos nito ang tawag at ibinaba ang cellphone. “Naka order na ako.”
Tumango siya at namulsa. Tiyempo namang bumukas na ang pinto ng elevator kaya tahimik na silang pumasok sa loob.