NAGING matagumpay ang fashion show na dinirect ni James Salgado. High tension ang lahat ng tao na lalo pang tumindi sa after-party. In the past James Salgado loved after-parties. A successful show always makes him horny and it was so easy to get a model or a socialite to fuck before the night ends. Kaya torture para sa kaniya ang nakaraang dalawang taon dahil sa sex ban ni Dr. Silva. Mahirap pero nagawa niyang sundin ang utos ng doktor. Kahit make-out session hindi niya ginawa. Kahit oral sex.
So why did you fuck Sasha Dela Torre?
Nagulat si James nang biglang dumaan ang tanong na iyon sa isip niya habang mag-isang nakapuwesto sa isang sulok at tahimik na pinagmamasdan ang mga nagsasayawan at nag me-make out sa dance floor. Nalabag na niya ang sex ban ni Dr. Silva kaya wala nang kaibahan kung makikipagtalik siya uli. But even though he is horny as fuck he can’t feel even a hint of attraction for anyone in the party. Mayroon siyang hinahanap na hindi niya maipaliwanag. Para siyang nag ke-crave at kahit anong hanap niya sa lugar na iyon ay hindi niya makita ang gusto niya.
That was when he thought of Sasha. That was when he wondered why he fucked her one week ago, even though two years ago he swore he will ruin her life if they meet again. Nang umagang maghiwalay sila pagkatapos niya sagutin ang tawag ng lalaking gusto nito hanggang sa mga sumunod na araw, kumbinsido si James na galit at pagrerebelde ang dahilan kaya tinapos niya ang sex ban niya. At ang rason kung bakit hindi siya makuntento sa ilang beses lang hanggang abutin sila ng umaga ay dahil sex deprived siya.
Ang problema, ilang beses na niya sinubukan makipag one night stand pero palaging hindi natutuloy. Kahit ngayong gabi na marami nang lumapit na modelo sa kaniya at prangkang binubulong sa tainga niya na gusto ng mga itong makatalik siya, hindi siya na a-arouse. It was so fucking frustrating because he needed sex to calm down his high adrenaline level but no woman interests him.
Kaya hindi pa nangangalahati ang party nagpaalam na siya sa mag-inang Laurel at sa mga tauhan niya na mauuna na siya. Halatang nagulat ang mga ito kasi alas diyes pa lang ng gabi. Pero hindi siya nagpapigil. Pagkasakay ni James sa kotse niya ang una niyang ginawa ay tingnan ang cellphone niya. Walang tawag o wala man lang text.
“She really just used me to relieve her stress, huh,” inis na bulong ni James sa sarili. Totoo na nag enjoy siya sa magdamag nilang sex marathon pero pakiramdam niya ginamit lang siya nito at basta na lang dinispatya pagkatapos. Ang pangit pala sa pakiramdam.
But that was how you treat women in the past, Salgado. You deserve to get treated like shit.
Napailing si James at hinagis sa passenger’s seat ang cellphone at nagsimula magmaneho pauwi sa condo niya. Pagliko niya sa isang kanto kumunot ang noo niya kasi biglang traffic at hindi gumagalaw ang mga sasakyan sa harapan niya. Ilang segundo bago niya narealize kung bakit. Sa side ng lane na tinatahak niya ay may malawak na covered court. Maliwanag, maingay at maraming tao roon. May mga nakahilerang sasakyang may mga lobo sa parte ng kalsada na hindi naman dapat pinaparadahan. Mukhang may mga kandidato sa darating na eleksiyon ang naroon.
Ibabalik na sana ni James ang atensiyon sa harapan niya nang may mahagip ang kanyang tingin. Nanlaki ang mga mata niya at humigpit ang hawak sa manibela nang makita ang malaking tarpaulin na nakasabit sa isang bahagi ng covered court. Malaking larawan iyon ni Sasha Dela Torre.
A POLITICIAN. What in the actual fuck… Napailing si James dahil hindi siya makapaniwalang iyon ang karera ni Sasha. Alam niya na mayamang negosyante na naging politiko ang ama nito pero hindi niya naisip kahit sandali lang na susunod ito sa yapak ni Damian Dela Torre.
Base sa maraming taong nakasalamuha niya dahil sa trabaho, aware si James na ang mga babaeng katulad ni Sasha na lumaking may gintong kutsara sa bibig ay hindi nagtatrabaho. They just live a luxurious life using their parents’ money until they get married to another rich man and spend that said man’s money for the rest of their lives. Kung mayroon mang nagtatrabaho sa mga babaeng iyon, madalas sa fashion at kung ano pang sosyal na trabaho. Not politics.
Pero hayun si Sasha Dela Torre, nakatayo sa gitna ng stage at nakangiting nagtatalumpati sa harapan ng napakaraming tao. Nakasuot ito ng simpleng fitted maong jeans at polo shirt na kakulay ng mga lobo sa paligid at may tatak na pangalan ng isang partylist. Ang mahaba nitong buhok ay mahigpit na namang nakapusod sa likuran nito. She looked so different yet the same. Siguro dahil ngayon lang niya nakita ang parteng ito ng pagkatao ng dalaga.
This is obviously the part of her life he was not supposed to witness. Dapat pagkakita pa lang ni James sa tarpaulin na may larawan nito nagkunwari na siyang walang nakita. Hindi iyong kumambiyo pa siya sa unang likuang nadaanan niya at ipinark ang kotse sa natitirang espasyo sa gilid ng covered court. Hindi iyong lumabas pa talaga siya ng sasakyan at naglakad palapit hanggang malinaw na niyang nakikita ang stage, walang pakielam kahit maraming tao ang biglang napatitig sa kaniya.
Meeting de avance pala ang nangyayari sa court para sa partylist na iyon at mukhang si Sasha ang tatayong representative kung sakaling manalo ang mga ito sa eleksyon. Wala siyang alam sa politika maliban sa may mga politiko na katulad ng tatay nito na gagawin ang lahat para manatiling malinis ang sariling reputasyon, kahit pa makapanira ng buhay ng iba.
Against his better judgement, James stayed standing there for a long time. Nakinig din siya sa sinasabi ni Sasha tungkol sa plataporma ng partylist ng mga ito na ang nirerepresenta raw ay mga kabataang mahihirap. Gusto raw ng mga ito na dumating ang panahong wala nang mga batang nanlilimos at pakalat-kalat sa kalsada. Na wala nang batang gagawa ng krimen para lang may makain. Na wala na raw mga taong magiging masama dahil sa kahirapan.
Mapait na sumilay ang ngiti sa mga labi niya at namulsa. Well, good luck with that. Ilang libong politiko na ba ang ganoon ang plataporma? Natupad ba? Hindi. Araw-araw may mga batang kalye pa rin na kumakapit sa patalim para lang mabuhay at tumatandang walang puso o worst, walang kaluluwa. Katulad nang nangyari kay James bago natauhan two years ago.
Sandali pa natapos na ang talumpati ni Sasha. Nagpalakpakan ang mga tao at kinuha na ng mc ang mikropono mula sa dalaga para ipakilala ang performer na inimbitahan para sa pagtitipon na iyon. Kumaway-kaway si Sasha sa mga tao bago pumihit patalikod para umalis na ng stage. Nakaisang hakbang pa lang ito pababa sa hagdan nang bigla itong mapatingin sa direksiyon ni James.
Hindi masyadong malayo ang distansiya ng kinatatayuan niya at ng stage kaya hindi na siya nagtaka nang magtama ang kanilang mga paningin. Bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Sasha at napahinto. Hindi tuminag si James at pinagmasdan lang ang babae, hinihintay ang magiging reaksiyon nito bukod sa pagkagulat. Magkukunwari ba itong hindi siya nakita? Magpapakita ng iritasyon? Matataranta? Curious siya kung alin sa mga iyon ang makikita niya sa maganda nitong mukha.
Iyong hindi inaasahan ni James ang nakita niya. Umaliwalas ang facial expression ni Sasha at matamis na napangiti. Na para bang natuwa itong makita siya. Naputol lang ang eye contact nila nang may isang kasama yata ng babae sa partylist ang kinuha ang atensiyon nito. Sinulyapan siya uli ni Sasha bago tuluyang bumaba sa stage at nagpahila sa mga kasama papunta sa backstage. Nang mawala ito sa kanyang paningin tumalikod na si James at naglakad pabalik sa sasakyan niya.