Hindi alam ni James kung bakit pero biglang dumaan sa isip niya ang imahe ng mukha ni Sasha Dela Torre. Naalala niya ang gabing nagpunta siya sa condo nito. It has been days since then but he can still clearly remember every detail of that night, especially the moment they were fucking in her kitchen.
Totoo na aktibo ang sex life ni James noon. He also likes getting off especially when he was either too stressed or too high with adrenalin. Pero kung magiging honest siya sa kanyang sarili, hindi talaga niya na e-enjoy ang sex. More than the actual fucking, what really makes James hard whenever he was with a woman was the sense of power he feels. Iyong pakiramdam na nakadepende sa kaniya kung makakaraos ang babae o hindi. The feeling that his partner is under his mercy. But other than that he never felt the pleasure and satisfaction of sex. Until he got to experience sex with Sasha.
Kay Sasha hindi siya ang dominante at mas lalong hindi nakasalalay sa kaniya ang kaligayahan nito. Everytime they fuck it felt as if they were fighting. Noong una nakakagalit at nakaka-frustrate ang pagiging hard headed ng dalaga. Nakakasaling ng pride. Nakakagulo ng utak. But everytime she comes it felt like his sweet victory. At sa tuwing nangyayari iyon nawawala ang inis niya. Every fight felt so worth it.
At sa gabing nagtalik sila sa condo nito, narealize ni James na nag e-enjoy siyang halikan, hawakan at paligayahin ito. Narealize niyang nakakaraos siya hindi dahil pakiramdam niya malakas siya at mahina ito kung hindi dahil talagang nakakakuha siya ng pleasure at satisfaction kapag nagtatalik sila. Sex with Sasha felt different and… amazing.
“May mga nangyari pa ba sa buhay mo sa nakaraang mga araw na hindi mo sinasabi sa akin?”
Kumurap si James nang marinig ang malumanay na boses ni Dr. Silva. Nakita niya ang matamang titig nito sa kaniya. Tumayo na siya at namulsa kasi wala siyang balak sabihin dito na ilang beses na niya nilabag ang sex ban nito. Wala rin siyang balak sabihin ang tungkol kay Sasha. Not yet. Hindi dahil nagrerebelde siya at masama pa rin ang loob sa doktor dahil hinayaan nito si Martin na makipagrelasyon kay Grace. Ayaw niya i-share rito ang tungkol kay Sasha dahil gusto lang niya ito ipagdamot. He wanted to keep her for himself for as long as he can.
“Wala namang nangyaring kakaiba sa mga nakaraang araw,” sagot niya. Pagkatapos biglang may naalala. “Ah. May isa pala. Nakilala ko na nang personal ang girlfriend ni Martin.”
Natigilan si Dr. Silva at napansin niyang naging mas matiim ang titig nito sa mukha niya. “How did you feel about meeting her?”
Nagkibit balikat si James. “I don’t like her and I don’t approve of her. Martin deserves better.”
Ilang segundong nakatingin lang sa kaniya ang doktor nang bigla itong ngumiti. “You don’t sound as angry as I thought. Can I assume that she’s a strong minded woman? Isang babaeng hindi mo naakit o naintimidate? Isang babaeng nakakuha ng respeto mo?”
Naningkit ang mga mata ni James. “I don’t like her,” ulit na lang niya.
Lumawak ang ngiti ni Dr. Silva. “Mas lalo akong nagiging interesado makilala siya.”
Umismid si James at tiningnan ang suot na wristwatch. “Tapos na ang session ko para sa araw na ito. Puwede na akong umalis, hindi ba?”
Napatingin din sa orasang nakapatong sa lamesa nito ang doktor at tumango. “Yes. You can go now. Pero huwag mong kakalimutan ang session ninyo ni Martin sa isang araw.”
“Alam ko. Hindi ko kakalimutan.” Tinanguan niya si Dr. Silva bago walang lingon likod na lumabas ng opisina nito.
Naglalakad na siya sa ground floor hallway nang mag vibrate ang cellphone na nasa bulsa niya. Hindi bumabagal ang kilos na dinukot niya iyon at sinagot nang hindi tinitingnan kung anong pangalan o numero ang nakarehistro sa screen. Bukod kasi sa mga empleyado niya, kay Dr. Silva at Martin, mga possible clients lang ang may alam ng cellphone number niya.
Kaya napahinto siya at natigilan nang marinig ang pamilyar na boses ng babae sa kabilang linya. “James. Are you busy tonight?”
Humigpit ang hawak niya sa gadget at gusto magalit sa sarili dahil parang may lumamutak sa sikmura niya. “Who’s this?” tanong ni James kahit sa totoo lang nakilala agad niya ang malamyos na boses ni Sasha Dela Torre.
Tumawa ang babae sa kabilang linya at nagulat siya dahil may gumapang na init sa likod niya at muntik pa siya mapangiti. “Kung hindi ka busy gusto mo ba ako samahan mag dinner? Nagkaroon ng himala at wala akong schedule mamaya. May gusto akong kainin at boring kung ako lang mag-isa.”
Tumaas ang mga kilay ni James at ang unang urge niya ay tumanggi at magbitaw ng magaspang na mga salita. Pero bigla itong nagsabi ng, “Please?” kaya natunaw na parang bula ang depensa niya.
Huminga siya ng malalim at humigpit ang hawak sa gadget. “Saan kita pupuntahan?”
Kahit hindi niya nakikita si Sasha ay sigurado siyang may sumilay na matamis na ngiti sa magandang mukha nito. “Kauuwi ko lang ng condo ko. Magpapalit lang ako ng damit tapos bababa na ako sa lobby. Doon na lang kita hihintayin ha?”
Malapit lang ang ospital sa condominium building ni Sasha kaya wala iyong problema sa kaniya. “Sige. Papunta na ako.”
“Thank you James,” malambing na sagot ni Sasha sa kabilang linya. Kumunot ang noo niya at inis sanang sasagot pero tinapos na nito ang tawag. Ilang segundo tuloy na napatitig lang siya sa cellphone bago marahas na bumuntong hininga at tuluyang lumabas ng ospital.
Gusto sana niyang tagalan para hindi naman nito isipin na excited siya makita ito. Kaso limang minuto lang nasa tapat na ng condominium building ang kotse niya. Pagkatapos bigla nang bumukas ang glass doors ng gusali at lumabas si Sasha. Na para bang kanina pa ito nasa lobby at talagang hinihintay siya. Mabilis nitong hinila pabukas ang pinto ng passenger’s seat at pumasok sa loob ng sasakyan niya.
“Hi,” nakangiting bati ni Sasha. “I’m glad you’re free tonight. Gutom na ako.”
Napatitig si James sa magandang mukha ng babae bago pinagmasdang maigi ang ayos nito. Tennis shoes, maong shorts, maluwag na plain white t-shirt at itim na baseball cap. Nakalugay din ang mahaba nitong buhok at walang kahit anong make-up sa mukha maliban sa lipgloss. Papasa pa itong college student lalo at natatakpan ng maluwag na t-shirt ang malusog nitong dibdib at makurbang katawan. She looks so young and fresh but still awfully sexy. Maybe because she’s wearing her seductive perfume. Kinailangan tuloy niyang higpitan ang hawak sa manibela para pigilan ang sariling isubsob ang mukha sa leeg nito.
Inalis ni James ang tingin kay Sasha at binuhay uli ang makina ng kotse niya. “Saan mo gusto kumain?”
Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata na umayos ng upo si Sasha, naging komportable na para bang palagi itong sumasakay sa kotse niya. Pagkatapos kaswal itong sumagot, “Sa UP Diliman.”
Gulat na napalingon si James sa dalaga. “What?”
Sinalubong nito ng tingin ang kanyang mga mata at ngumiti. “Gusto ko kumain ng isaw.”
Tumaas ang mga kilay niya, hindi inaasahan na iyon ang gusto nito kainin. Pero hindi na siya nagkomento at binilisan na lang ang takbo ng sasakyan.