Kabanata 1: Pain
Isang linggo na ang nakalilipas simula nang mangyari ang isa sa pinakamasakit na gabi ng aking buhay. Ang gabing pinagsamantalahan ako. At sinundan iyon ng isang nakapanlulumong araw. Ang araw na imbes ay kampihan ako at tulungan ng aking nobyo, mas pinaniwalaan niya ang kaniyang mga kaibigan at hinayaan ang sarili na kainin ng galit.
At simula rin sa araw na iyon, nakalimutan na ni Mick na itrato ako bilang isang tao.
Nagising ako sa aking tulog nang bumagsak ako sa sahig mula sa kama. I groaned in pain as I scratch my eyes.
Masakit ang aking ulo. What happened to me that night is still haunting me. How I was forced to do something against my will.
I want so bad to file a case. But I am without power.
In a country where justice is only for the rich, I simply have no ability to fight for it.
Hindi pa ako nakakatulog nang disente mula ng gabing iyon dahil pilit kong naalala ang masakit na alaala. Idagdag mo pa na palagi rin akong napagbubuhatan ng kamay ni Mick.
Kagaya na lamang ng nangyari ngayon. He pushed me out of the bed, the reason why I fell down the floor. Puwede niya naman akong gisingin na lamang ngunit mas pinili niya pang gawin iyon.
I sighed as I tried to stand up.
"Magluto ka na ng almusal!" sigaw niya.
Tahimik akong tumango upang sundin ang kanyang utos.
Gaya ng sabi ko, dalawang bagay lamang ang pumipigil sa akin upang iwanan si Mick. Una ay ang pagmamahal ko para sa kanya. Ikalawa ay ang kadahilanang wala akong pera pangsustento sa mga gamot at medikal na mga pangangailangan ng aking kapatid.
Tulala ako habang nagluluto ng pagkain.
Sa nakaraang linggo lang ay mayroong dalawang kasambahay dito sa bahay ni Mew.
But because of his promise to make my life a living hell, he fired the two househelps and made me do all the household chores. Ganoon siya kalupit.
At ang mas malala pa roon, he called my agency to fire me. And that was just the end of my beginning career. Nakakalungkot lang na hindi pa nga ako sumisikat, pinutulan na agad ako ng mga pakpak.
Hindi ko napansin na nasusunog na pala ang aking niluluto. Nabalik lamang ako sa aking huwisyo nang maamoy iyon.
"Shit!" mura ko.
Bumaba mula sa grand staircase ng bahay si Mick, ang aking magiging asawa sa susunod na buwan.
"Putangina!" sigaw niya nang maamoy ang nasusunog. "Kung may balak kang lasunin ako sa mga niluluto mo, siguraduhin mo lang na di ko malalaman." paratang niya.
It pains me so much. Ang taong mistulang mamahaling dyamante ang turing sa akin noon, ngayon ay itinuturing na lamang akong basura.
It hurts so much. To think na dapat ay dinadamayan niya ako, dumadagdag pa siya sa sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib.
Tapos na siyang maligo at nakabihis na ng damit pang-opisina.
His eyebrows are crossed as he waits for me to finish cooking the eggs and bacon. Tapos ko ng lutuin ang fried rice.
Sanay ako sa gawaing bahay. My parents died in a fire accident. Maswerte kami ng aking kapatid at nasa eskwelahan kami nang mangyari iyon. Grade six si Gabriel at nasa first year college naman ako. It was five years ago. Masyadong mabilis ang paglaki ng apoy na kahit maliwanag pa ang araw, natrap sila sa loob ng aming bahay. Kaya naman nang maulila ay kinailangan kong maging malakas para sa amin ng aking kapatid.
We did not come from a rich family. Sakto lang. Kaya naman nang mamatay ang aming mga magulang, iyong savings lamang ang natira para sa amin at ang lupa ng aming bahay. My parents had no insurance. Pati na rin ang bahay. Ang naiwang pera ay ginamit ko sa pagpapatuloy sa pag-aaral ngunit natigil din naman agad pagdating ng ikalawang taon sa kolehiyo dahil nadiagnose ang aking kapatid ng kanyang sakit ngayon.
I had to prioritize his health. Kaya naman, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. At bilang responsable sa paghahanap-buhay, kinailangan kong magtrabaho.
I have worked as an English tutor, bilang iyon ang subject kung saan pinakamagaling ako. I also worked full time as a service crew sa isang fastfood. Hanggang sa maging isang modelo ako.
Mayroong mga araw na nagtratrabaho ako sa loob ng labing-anim na oras upang kumita ng pera. Lahat tiniis ko para sa aking kapatid. At ngayon, magtitiis pa rin ako.
I met Mick last year sa isang commercial photoshoot. Doon kami nagkakilala. Nagkamabutihan. Niligawan niya ako at sinagot ko siya.
We were inlove. Until he acted like this last week.
Halos mapatalon ako sa gulat nang tumilapon ang pinggan na naglalaman ng mga pagkain na inihain ko sa kanya.
Ibinato niya sa akin ang kanyang kutsara at tumama iyon sa aking noo. Napapikit ako sa sakit at hinawakan iyon. Nang tingnan ang aking kamay ay may dugo iyon.
"Walang kwenta! Walang lasa!" sigaw ni Mick na nakaupo sa kabisera ng lamesa. "Wala ka talagang kwenta!" umalingawngaw ang kanyang sigaw sa malawak na bahay.
Sana lamang ay hindi siya marining ng aking kapatid na siguro ay natutulog pa.
I closed my eyes because of the pain. Pati ang aking dibdib ay naninikip.
"Tanginang buhay to!" muli niyang sigaw at inihulog ang mga pinggan na naglalaman ng aking mga niluto.
Ibinato niya sa akin ang kanyang baso na naglalaman ngmainit na kape ngunit hindi ako tinamaan noon dahil nakailag ako. The sound of the broken glass echoed.
Kung nagkataon ay talagang masusugatan na naman ako.
"Huwag kang aalis ng bahay kundi ay malilintikan ka sa akin!" banta niya at tumayo na mula sa pagkakaupo.
Tahimik na lamang akong tumango habang pinipigilan ang sarili na umiyak.
Natatandaan ko pa iyong mga araw na siya ang magluluto ng aking agahan. May mga kasambahay man ay gusto niyang siya ang magluluto. He was that sweet. Now that sweet Mick is gone.
Pinagmasdan ko mula sa bintana ang paglabas ng kanyang sasakyan mula sa garahe.
The moments that he would kiss me before he leaves for work are now all just memories. Dahil simula noong nakaraang linggo, basura na ang trato niya sa akin.
Muli ay hinawakan ko ang aking kumikirot na noo. Time to treat another wound.
Right now, it isn't the biggest wound in my body. Because the biggest one is on my heart. I am in so much pain.
Umiiyak ako sa cr ng aming kwarto habang ginagamot ang sariling sugat.
Maybe you just need to give him more time, Goob. Marahil ay labis lamang siyang nasaktan. At sigurado akong may parte sa kanya na gustong maniwala sa akin. Kailangan niya lamang ng oras. Pilit kon kinumbinsi ang aking sarili na ganoon nga.
Kinailangan kong bilisan ang paglinis sa sugat dahil kailangan ko ring linisin ang nagkalat na mga pagkain at bubog sa dining room bago pa man bumaba si Gabriel upang mag-almusal.
Mabuti na lamang at natapos na ako sa paglilinis at hindi pa siya bumababa.
Muli akong nagluto ng pagkain para sa aming dalawa.
"Kuya Goob, anong nangyari sa noo mo?" malungkot na tanong ni Gabo habang kumakain kami ng almusal.
"Tumama lang sa pintuan, Gabo. Katangahan ni Kuya." I smiled fakely.
Katangahan kay Mick? I wouldn't really say that. Because this is my choice to fight for our love. To sacrifice for my brother.
Dahan-dahan siyang tumango kahit kita sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
Pagkatapos ng aming almusal ay umakyat siya ng kanyang kwarto. I cannot leave the house. Kaya naman nagdesisyon na lamang ako na maglinis ng bahay.
Nang matapos ay pinili kong manood ng tv sa sala. Ngunit nabagot din ako pagsapit ng alas onse kaya tinawagan ko si Techno. I asked him if he could come over ngunit ang sabi niya ay hindi talaga siya puwedeng mag-out sa kaniyang work.
He's been coming over for the past days, trying to give me strength and convince me to just leave Mick. But in his every try, he failed. Dahil matigas ang aking ulo at hindi ako sang-ayon sa desisyon niya.
Marahil ay dahil sa dalas ng pagpunta niya rito noong mga nakaraang araw ay natambakan na siya ng paperworks sa kanilang kompanya.
I sighed when I realized that I have no choice but to spend the day alone. Si Techno lamang ang pinapayagan ni Mick na dumalaw sa akin.
Sabay kaming kumain ng tanghalian ni Gabo. Pagsapit ng hapon ay nilibang ko naman ang aking sarili sa kga halaman.
Habang dinidiligan sila ay napaisip na lamang ako. Ang sarap sigurong maging halaman. Walang problema. Sikat ng araw at tubig lamang ang kailangan.
Hays.
Natapos na lamang kami ng hapunan ni Gabo ay hindi pa umuuwi si Mick. He's been like this the past days. Bukod sa pananakit sa akin, inilalabas niya rin ang kanyang galit at sinusubukang kalimutan ang nangyari sa pamamagitan ng pag-inom.
Kagaya ng mga nagdaang araw, siguro ay mamayang hatinggabi ulit darating iyon. Kaya naman ay nagdesisyon akong mauna nang matulog.
Sa katahimikan ng gabi ay muli kong naisip ang aking mga pinagdadaanan. Sobrang bigat ng aking nararamdaman.
It is like torture. To all parts of my body. My brain. And especially my heart.
Tuwing naaalala ko na pinagsamatalahan ako at hindi ko manlang naramdaman iyon ay nandidiri ako sa katawan ko. Idagdag pa ang pagtrato sa akin ngayon ni Mew.
This is a living hell, kagaya ng pangako niya sa akin.
Bukod kay Techno ay wala akong ibang mapagkwentuhan noon. Pati kay Gabo ay hindi ko iyon masabi. Dahil ayaw kong maapektuhan ang kalusugan niya.
I have to fight this battle silently. After all, I think we all do. We all have battles we silently fight. Masaklap lamang dahil masyadong masakit ang sa akin.
Marahil ay isa akong masamang tao sa nakaraang buhay ko.
And that night, like all the other nights this week, I tried to cry myself to sleep. But I failed. Natuyo na lamang ang aking mga mata dahil naubos na ang aking mga luha ay hindi pa ako nakakatulog. At hindi pa rin dumarating si Mick.
Napahiga ako sa kama nang marinig ang mga hakbang sa labas ng aming kwarto. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa pintuan sa tapat.
Nasa kabilang hallway ang kwarto ni Gabo. Kaya marahil ay si Mick na iyon.
Will he not sleep in our bed tonight? Siguro ay nandidiri pa rin siya sa akin dahil pilit siyang naniniwala na nakipagtalik ako kay Louis.
But it is not true! At ilang beses ko ng sinubukang ipaliwanag iyon sa kanya ngunit ayaw niyang maniwala.
Natahimik ang paligid kaya bumalik ako sa paghiga.
Ngunit naramdaman ko ang unti-unting pagpiga sa aking puso.
"Ahhh. Mick!" narinig ko ang pag-ungol ng isang lalaki mula sa kabilang kwarto. "Faster!"
Kasabay noon ay ang muling pagdaloy ng aking mga luha. Akala ko ay natuyo na ang aking mga mata. Mali pala ako.
It was so painful to hear. Hindi ko yata kakayanin.
Imbes na gamiting pampahid sa aking mga luha, mas pinili kong gamitin ang aking mga kamay upang takpan ang aking mga tenga. Ngunit gaano ko man subukang takpan, naririnig ko pa rin ang mga ungol nila sa kabilang kwarto.