Kabanata 2: Food
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa gabing iyon. Basta ang alam ko lang ay sobrang bigat ng aking nararamdaman habang pinipilit ang sarili na kalimutan ang lahat.
Nagising ako nang maramdaman ang pagkabasa ng aking katawan.
May nagsaboy ng tubig sa akin upang ako ay magising. At walang iba ang may gawa noon kundi si Mick.
Ramdam ko ang pamumugto ng aking mga mata ngunit wala akong oras upang isipin pa iyon. Because right now, I have to attend to Mick's demands.
Napabalikwas ako sa aking higaan at dali-daling tumayo.
Nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan at hawak-hawak ang pitsel na pinaglagyan niya ng tubig.
Bakit kinailangan niya pa akong buhusan? Puwede namang kinalabit niya na lang ako. Ngayon ay basa na tuloy ako.
I couldn't look him in the eye. Dahil nahihiya ako sa itsura ko ngayong namumugto ang aking mga mata. Sigurado rin akong malala ang dark circles sa ilalim ng aking mukha dahil ilang araw na akong hindi nakakatulog nang maayos.
And here he is in front of me, looking fresh.
"Bakit ba kailangang lagi ka pang ginigising? Sa susunod gumising ka nang maaga! Walang kwenta!" sigaw niya sa akin.
Napayuko na lamang ako at tumango.
"Magluto ka na ng almusal!"
Mabilis kong sinunod ang kanyang utos sa takot na mas lalo siyang magalit at kung ano pa ang gawin sa akin. Nagtungo ako sa kusina ng bahay upang magluto.
At dahil medyo masakit ang aking ulo sa kadahilanang puyat ako, aksidente kong nahawakan ang handle ng frying pan na walang gamit na potholder kaya naman ay napaso ako.
"Aray!" tanging nasabi ko dahil sa aking katangahan.
Mabilis akong nagtungo sa lababo at pinadaluyan ng tubig ang aking kamay. Ang hapdi!
Ang tanga mo Goob!
Ngunit kahit sobrang hapdi noon, kailangan kong ipagpatuloy ang aking mga niluluto. Tapos na ako sa sunny-side up. Bacon naman ngayon. Mamaya ay ang fried rice na paborito niyang almusal.
I glanced at the wall clock inside the kitchen. Alas siete y media na ng umaga. He usually leaves the house at 8:30 am for work.
Alas otso nang ako ay matapos, sakto naman ang kanyang pagbaba. Basa pa ang kanyang buhok, halatang katatapos lamang maligo.
Suot niya ang kanyang usual work outfit- his longsleeved polo na tinupi hanggang siko na tinernuhan ng necktie. Itim ang kanyang slocks at brown naman ang leather shoes.
Seryoso ngunit may bahid ng galit ang kanyang tingin sa akin nang maupo siya sa hapag kainan. Sana lamang ay hindi niya ulitin ang ginawa niya kahapon.
Naninikip na naman ang dibdib ko tuwing naaalala iyon.
Ilang segundo niyang tinitigan ang mga pagkaing nasa kanyang harap, mistulang my kasalanan ang mga iyon sa kanya. Nagsandok siya ng fried rice at kumuha ng bacon at itlog.
"Baka naman may lason ito." aniya sa isang galit na tono.
Umiling ako bago magsalita. "Hindi ko magagawang lasunin ka, Mick."
"Really?" He scoffed. "Come here then. You should try it first."
Kung kanina ay galit siya, ngayon naman ay wala ng emosyon ang mababakas sa kaniyang mukha.
Napalunok ako dahil sa utos niya. Ano ang ibig niyang sabihin?
Gayunpaman, sinunod ko pa rin siya at lumapit sa kanya.
"Upo." utos niya na agad ko namang ginawa.
Hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa.
Gamit ang kanyang kamay ay mabilis niyang dinala sa aking bibig ang kanin. Wala akong nagawa kundi ibuka ang aking bibig. Marahas ang kanyang pagkakalagay kaya halos mabilaukan ako. Ngunit hindi pa siya nakuntento. Hindi ko pa nga nangunguya at nalulunok ang unang subo ng isang kamay ng kanin ay sinundan niya na agad iyon. Kaya naman ay punung-puno ang aking bibig.
Ang sakit. Unti-unti ay nag-unahan ang mga luha sa aking mga mata. But he did not seem to mind.
I almost choked because there was simply too much food on my mouth.
Paano niya nagagawa sa akin ito?
May mga kanin na nahulog mula sa aking bibig at nahulog iyon sa mesa. Ngunit pinulot niya iyon isa-isa at dinala sa aking bibig. Mas lalo akong naiyak habang sinusubukang nguyain at lunukin iyon.
Bakit ganito?
Natigil lamang siya sa kaniyang ginagawa nang sumulpot ang isang lalaki sa may pintuan ng dining area.
Iyong lalaking dinala niya kagabi. Ang akala ko ay umalis kaagad siya kaninang umaga. Mali pala ako.
Nakakahiya lang at nakita pa niya ako sa ganitong itsura.
Sa sobrang kahihiyan dahil sa itsura ko ay halos itago ko ang aking ulo sa ilalim ng mesa. But it was too late for that. Nakita na niya ako.
Wala akong nagawa kundi yumuko na lamang habang umiiyak.
"I need to go." paalam ng lalaki. Linapitan niya si Mick at ginawaran ng isang mabilis na halik sa labi. Hinayaan iyon ni Mick.
I closed my eyes. Fuck! Ikinuyom ko ang aking mga kamao ngunit ako lang din ang nasaktan dahil nakalimutan kong napaso ako kanina.
Patuloy pa rin ang pagdaloy ng aking mga luha ngunit pinigilan ko ang paghikbi.
Pagkatapos ng mabilis na halik ay umalis naman agad ang lalaki.
I excused myself. Hindi ko na hinintay ang permiso niya at tumakbo na ako patungo sa cr dito sa dining area.
Doon ay iniluwa ko ang pagkaing hindi ko na kayang nguyain. Pagkatapos noon ay umiyak ako. Napaupo na lamang ako sa malamig na sahig ng cr at niyakap ang aking mga tuhod.
Gustong-gusto kong sumigaw. Sobrang sakit! Durog na durog ang puso ko.
Ngunit pinanatili ko ang tahimik na pag-iyak.
I cried silently. Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak doon.
Hanggang sa matulala ako. Pinagmasdan ko lamang ang bumbilya sa kisame ng cr.
"May tao sa labas! Puntahan mo!" narinig kong sigaw ni Mick.
I quickly wiped my tears away and stood up. I took a moment to take deep breaths and calm myself down.
Nang maramdaman na okay na ang sarili ay lumabas ako mula roon. Napansin kong kumakain na siya ngayon. Nagtungo ako sa gate.
"Ano po iyon?" tanong ko sa lalaki.
Hindi na ako nangahas na alalahanin ang aking itsura nang makitang rider iyon ng isang Food delivery service.
"Order po Sir para kay Dave Demetri. Three thousand pesos po lahat." sagot ni Kuyang nagdedeliver.
Kumunot ang noo ko.
"Hala kuya, wala pong Dave Demetri na nakatira rito. Sigurado po ba kayong tama ang address?"
"Opo sir. Ito raw po ang tamang address."
"Nako kuya pasensya na hindi po yata yan para rito. Wala po kaming inorder na mga pagkain."
Tiningnan ko ang kanyang mga bitbit. Limang box ng donut at dalawang buckets ng fried chicken.
"Hala sir. Kailangan niyo po itong kunin. Ako po kasi ang nagbayad dito. Bilang policy ng company namin." nag-aalalang saad ni Kuya.
Naisip kong kunin na lamang ang mga pagkain at bayaran. Ngunit naalala kong wala pala akong pera sa wallet ko ngayon. I have a few thousand pesos in my bank account ngunit hindi pa ako nakakapagwithdraw dahil hindi ako pinapayagang umalis ng bahay ni Mick.
Paano kaya kung humingi ako ng pera sa kanya? Tsk tsk. Masamang ideya yata yun Goob. Baka masaktan ka lang niya.
Napayuko na lamang ako dahil wala akong magagawa.
"Kuya, pasensya ka na talaga. Hindi po talaga sa amin yan." malungkot kong saad.
"Hala sir. Kunin niyo nalang po please. Mababaon na naman ako nito sa utang." pagmamakaawa ng lalaki.
Umiling na lamang ako. Gustuhin ko mang tulungan siya ay wala akong magagawa.
"Pasensya na Kuya."
Isinarado ko ang gate. Nakakakonsensya. Mangiyak-ngiyak na si Kuya. Bakit naman kaya rito ang address gayung hindi naman kami nag-order. If it was Mick, hindi naman siguro siya gagamit ng ibang pangalan.
Bumalik ako sa loob ng bahay.
Nagulat ako nang bigla akong dinala ni Mick sa may pader ng sala at doon ay sinubukang sakalin.
He was so furious that his lips were trembling. Nag-aalab sa galit ang kanyang mga mata.
Hindi ako makahinga. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking leeg.
"Sino yun ha? Bakit ka natagalan?" galit niyang tanong.
"De-delivery man. Ma-mali ang address kaya hindi ko tii-tinanggap." sagot ko kahit nahihirapang magsalita.
"Sinungaling! Yung ex mo yun ano?!" sigaw niya. His grip on my neck tightened.
Muli ay naiyak na lamang ako habang umiiling.
"Hindi. Hi-hindi ako nagsisinungaling, M-Mick!"
I cried. Ngunit hindi siya naniwala.
"Puta! Malandi ka talaga!"
Wala akong nagawa kundi hayaan siya. Nang mapansin na unti-unti na akong nawawalan ng hininga ay binitawan niya ako. I fell to the floor.
And there again, I cried. I cried so hard and hugged my knees.
It hurts so fucking much!
Narinig ko ang pagbukas at muling pagsara ng pintuan. Umalis na siya para sa trabaho.