Return of the Groom Chapter 30

Kabanata 27: Missing

Goob's Point of View

"I wasn't mentally stable back then. I was traumatized by my experiences in the past. I'm so sorry, Goob. I'm sorry. I'm so sorry if I hurt you."

I gathered all my strength and harshly removed his hands wrapped around me. I successfully removed them.

Hinarap ko siya habang siya naman ay napaluhod na lamang sa aking harapan. I must admit, kahit paano ay nakakaramdam ako ng awa sa kanya. Pero sa tuwing naaalala ko ang paghihirap na dinanas ko sa kanya, nawawala iyon at napapalitan ng galit.

"I have no idea why you are traumatized because you never told me about it. Even when we were still together. And I don't think it's my fault that you never told me. But I am telling you, being traumatized is not a valid reason to hurt other people, Mick. It's neither a ticket nor a free pass. Hindi porket naghirap ka, pahihirapan mo na rin ang iba. Lalo na ang mga taong hindi naman nanakit sa'yo." malamig kong saad.

"Goob, please. Can we start over?" he begged like his life depended on it. "Alam ko ang mga pagkakamali ko. I have reflected on them. I will make sure not to do them again. I will protect you this time from everything that will try to hurt you."

"You will protect me? I needed your protection before! Pero ikaw mismo ang nanakit sa akin! I don't need your protection. I can protect myself. Kaya huwag ka ng umasa na magkakabalikan pa tayo. Because even if I do need your protection, hindi kita babalikan para lang doon."

"I still love you. I still love you very much." nagpatuloy siya sa pag-iyak habang nakaluhod. Sinubukan niyang yakapin ang aking mga binti. "Please. Please. Please. I am begging you. Please, Goob. Please."

Muli ay pinilit kong tanggalin ang mga kamay niya mula sa akin. "This is a waste of time, Mick."

Matagumpay kong nagawa ang pagtanggal sa kanyang mga kamay at nagsimula akong humakbang palayo mula roon.

"I am not giving up on you." determindado ang kanyang boses habang nagpapahid ng mga luha.

"I don't care. Basta ako, matagal ng sumuko sa'yo."

Pagkatapos maisuot ang aking mga damit ay mabilis akong umalis doon. Iniwan ko siyang umiiyak. Nagtawag ako ng taxi at nagpahatid sa isang mall. I was so stressed out with all the drama that I needed time for myself. Gusto kong magrelax dahil umaapaw ang emosyon sa akin. Kaya naman ay namili na lamang ako ng mga kagamitan para sa condo. I bought a few baking and cooking tools.

Alas sais na ng gabi nang makarating ako sa condo. Kanina sa byahe ay tinext ko si Apo at inimbitahan na sa condo na magdinner. Nahihiya ako dahil nasira ang lahat ng plano niya para sa amin dahil kay Mick. Gusto kong bumawi kaya inimbitahan ko siya sa paraang hindi kami magugulo ni Mick.

Naabutan ko si Gabo at Elliot sa sala kasama ang isang lalaki na kaedad ni Gabo. Elliot ran towards me. Ibinaba ko ang aking mga pinamili at binuhat siya bago hinalikan ang kanyang pisngi. Ganoon din ang ginawa niya sa akin.

"How was your day, Papa?" magiliw na tanong ng aking anak.

"It was alright, baby. But now that I've seen you again, you just made it special. Love you."

"I love you too, Papa Goob. What should we have for dinner?"

"Anything you want, baby."

"Can we have chicken nuggets? And can we invite Daddy Mick?" his eyes almost sparkled.

"No baby, we can't. Someone else will be coming over."

Sumimangot siya saglit bago tumango-tango. Ibinaba ko siya at bumalik siya sa couch upang ipagpatuloy ang panonood.

Mabilis na tumayo si Gabo at ang lalaking kasama. I eyed them closely.

Nagkamot ng ulo si Gabo bago magsalita. "K-kuya, this is P-Pietro. My..."

Kumunot ang noo ko. "Your?"

"My b-boyfriend."

"Hello po." the cute looking guy smiled at me. Mukha siyang mahinhin at mahiyain. Or is it just me? Ginawaran ko siya ng isang tipid na ngiti.

"This is my Kuya Goob." pakilala sa akin ni Gabo. "Pietro is also a model, Kuya. Here in the Philippines."

"I see. Can I talk to you for a second, Gabo? Sa kusina." saad ko. Mabilis siyang napalunok at si Pietro naman ay mukhang kinabahan.

"S-sure, Kuya."

Naiwan si Pietro at Elliot sa sala samantala ay sinundan ako ni Gabo sa kusina.

I crossed my arms and faced him.

"I didn't know you were into guys." Nagtaas ako ng kilay. Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang aking ngiti.

"Well, I didn't know I was either. Until a few days ago." Hindi siya makatingin sa akin.

"Where did you meet him? Ilang araw pa lang kayong magkakilala?"

"Well, he's been messaging me on Instagram months ago. Nagkita lang kami noong dumating tayo rito. I didn't really like him back then. Pero noong nakita ko siya sa personal, hindi ko na napigilan ang sarili ko." He scratched the back of his head.

"Walang problema sa akin kung bisexual ka. My only concern is that you've only known each other for days. But he's your boyfriend already? At dinala mo na agad dito?"

"Relax, Kuya. Pietro is nice. At hindi pa naman kami magpapakasal. You don't need to worry."

"Siguraduhin mo lang ha. Just take things slow. Huwag kayong magmadali. Don't tell me you guys fucked already."

"Well, about that." Muli ay nagkamot siya ng kanyang ulo. "We already did."

"Gosh, Gabo. Ang bilis mo talaga." Hinampas ko ang kanyang braso. "Just tell me you used protection!" natatawa kong saad.

"Of c-course, Kuya." Ngayon ay nahihiya na siya.

"Good. Always practice safe sex. So who's who?" tanong ko.

"Anong who's who?" kumunot ang kanyang noo.

"Nevermind. Anyway, sabihin mo na dito na siya magdinner. Your Kuya Apo will also be coming."

"Are you dating Kuya Apo?"

"Well, not really dating. I just think he's courting me. Sila ng Kuya Bright mo."

"Wow, maraming manliligaw. Siguro naman sa dami ng manliligaw mo wala ka ng rason para balikan yung ex mong tarantado?"

"Let's not talk about him, okay? Masisira lang ang araw natin pareho."

"You're right, Kuya." aniya.

"O siya. Magluluto na ako ng dinner natin. Si Elliot bantayan mo ha!" paalala ko.

"Okay."

Pagkatapos noon ay umalis na siya at nagsimula naman akong maghanda ng hapunan.

Isang oras akong naging abala sa kusina ng condo/penthouse dahil marami akong niluto. I wanted Pietro to feel at home kaya sinadya kong lutuin ang mga specialty ko.

Habang piniprito ang chiken cordon bleu ay tumunog ang aking cellphone dahil tumatawag si Techno.

"You won't believe what I'm about to tell you!" bungad niya nang sagutin ko ang tawag.

"What?"

"Dean tried to escape from the hospital! My gosh! He's so pathetic! Hindi na nahiya."

"Pero hindi naman nakatakas?"

"Syempre hindi! Pinagsabihan ko ang mga pulis na bantayan nang maigi. Nagpanggap na gusto raw ng preskong hangin kaya nagpalipat sa wheelchair. May plano na palang tumakas. Pero syempre, nabigo siya. Bebeboy ko kaya iyong nagbabantay na pulis kaya sinigurado niyang hindi makakatakas. Hihihi."

"Baliw ka talaga! Ang dami mo lang bebeboy."

"Hoy! Akala mo hindi ko alam ang chismis? Trending ka kaya sa Twitter dahil sa post ni Apo. Hindi ka naman kagandahan. Ewan ko ba bakit maraming nagkakagusto sa'yo."

"Nagsalita ang saksakan ng ganda!"

"Che! Anyway, hinahanap ka ni Bright sa akin kanina. Sinabi ko lang na hindi ko alam dahil wala naman talaga akong alam at wala akong pakialam kung sino na namang hinaharot mo. Sinabi ko nalang na sa manager mo magtanong."

"Baliw ka talaga. Sige bye. Make sure hindi makatakas yung si Dean ha!"

"No need to remind me. Dahil sisiguraduhin nating diretso kulungan yon kapag gumaling."

Natapos ang tawag kaya nagpatuloy ako sa pagluluto. Nagvibrate ang aking cellphone at nakita ko sa screen na may bagong mensahe si Apo.

From Apo: I'm sorry, Goob. A VIP client just called and wants to meet right now. I can't make it for dinner. Can we do it next time? Maybe tomorrow night?

Ako: Sure, Apo. No problem. I'm just not sure if we can have it tomorrow.

From Apo: Thanks, Goob. Sayang at gusto ko pa namang matikman ka.

Kumunot ang noo ko.

From Apo: *matikman ang luto mo.

From Apo: Sorry for the typo. Hehehe.

Ako: Baliw. HAHAHA. Sige. Next time na lang.

From Apo: What are you doing right now? Cooking, I guess.

Ako: Yeah.

From Apo: Can you send a selfie? Just badly wanna see you in an apron.

Napangiti ako nang mabasa ang kanyang mensahe. Agad naman akong nagselfie kasama ang aking niluluto at pinadala iyon sa kanya.

From Apo: Damn. Maybe I should just cancel my meeting.

Ako: Baliw. Next time na lang.

From Apo: Okay babe 😉

Ako: Babe?

From Apo: Yes babe?

From Apo: HAHAHA

Ako: Baliw!

Hindi ko alam pero naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha. Itinabi ko na ang aking cellphone bago pa man masunog ang aking niluluto.

Nang matapos ay nagtungo ako sa sala ngunit napansin na walang tao roon. Naka-on pa ang TV.

I headed to Gabo's room. Pinili kong kumatok nalang at hintayin na buksan ng aking kapatid ang pinto imbes na pumasok ako dahil may kutob akong nagsesex sila at ayaw ko namang makita silang hubo't hubad.

Ngunit nang isang minuto na ang nakalilipas at hindi pa rin binubuksan ang pinto ay pumasok na ako. Ngunit walang tao roon. Lumabas ako ng kanyang kwarto at napansin na bukas ang pintuan patungo sa terrace. Doon ko nakita si Gabo at Pietro na pinagmamasdan ang syudad.

"Dinner is ready." bungad ko sa kanila.

Pareho silang napalingon sa akin at sabay na tumango.

Kumunot ang noo ko nang mapansin na wala roon si Elliot. "Where is Elliot?" tanong ko sa kanila.

"He's not in the living room?" kumunot ang noo ni Gabo.

"Wala."

"We left him there. Nanonood lang iyon ng cartoons kanina eh." mabilis naming tinungo ang sala ngunit wala pa rin doon si Elliot.

"Maybe he's in his room?" suhestyon ni Pietro.

Nakaramdam ako ng kaba. Mabilis ang aking lakad habang papunta sa aming kwarto. Mas lalo lamang akong kinabahan nang hindi siya nakita roon. I checked the comfort room but he was not there either.

"Check your room, Gabo." hindi ko na naitago ang pag-aalala sa aking boses.

"I already did, Kuya. But he's not there."

"Oh my god! Where is he? Di ba sinabi ko sa'yo na bantayan mo siya?" tumaas ang aking boses. "What the hell, Gabo?"

Muli kong chineck ang aming kwarto ngunit wala talaga. Hinalughog ko ang lahat ng banyo pati ang kusina ngunit hindi ko siya nakita. Nagsimula akong magpanic.

"Wala bang may pumasok o lumabas habang nagluluto ako?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Wala, Kuya."

"Oh god."

Pumasok sa isipan ko si Mick. Baka kinuha niya? Unti-unti akong nakaramdam ng galit kaya tinawagan ko siya sa Instagram. Mabilis niyang sinagot iyon.

"Hey." bungad niya.

"Dud you take our son?" napalakas ang aking boses.

"What? What is this all about?" nalilito niyang tanong.

"Stop pretending, Mick! I know you have Elliot!"

"What? I have no idea what you're talking about! What about Elliot? He's supposed to be with you!" ngayon ay nag-aalala na ang kanyang boses. "Please tell me he's with you!"

"You're lying! I know you took him! Ibalik mo siya rito!" sigaw ko.

"The fuck? Elliot is missing!?"

"Yes! And I know he's with you!"

"He's not with me!"

"Liar!"

"For Fuck's sake Goob, I'm not lying! Papunta na ako riyan. Wait for me. Fuck!"

Nang matapos ang tawag namin ay tinawagan ko naman ang security ng building.

"You're fucking kidding me!" galit kong sigaw nang marinig na hindi raw gumagana ang security cameras sa floor namin.

"We apologize, Mr. Mansell." napayuko na lamang ang babaeng head ng security team.

Labis na kaba na ang nararamdaman ko at sobrang bilis ng kabog ng puso ko. Pati si Gabo ay hindi na rin mapakali at ngayon ay sinisisi na ang kanyang sarili.

"Fuck!" mura niya.

My son. Elliot is missing. My precious Elliot! Hindi ko yata kakayanin. Halos maiyak na ako sa sobrang pag-aalala.

Saan naman kaya siya nagpunta?

Makalipas ang tarlumpung minuto ay dumating si Mick. There are a lot of men in our living room because of the security team.

"Where is Elliot?" Mick held my shoulders. "Where is my son?"

Nang makita ang kanyang nag-aalalang mukha ay hindi ko na napigilan ang pag-iyak.

"I don't know. I was cooking dinner and left them in the living room. Gabo and his friend went to the balcony and they left Elliot. Now we couldn't find him." I cried. "Please find him, Mick. Please find our son."

Naramdaman ko ang kanyang pagyakap sa akin. Hinawakan niya ang likod ng aking ulo at marahan iyong hinaplos. Ipinatong ko ang aking ulo sa kanyang bakikat at doon umiyak.

"Shhh. We're gonna find him. Shhh. Don't cry. We'll find him, okay?" He tried to console me. But it did not make me feel better.

Natatakot ako na baka may masamang nangyari na kay Elliot.

Humiwalay siya sa yakap at kinuha ang kanyang cellphone.

"Ben, tell all our men to search for my son. I want all of them looking for him. And hire more. I want him found as soon as possible. Notify all police station." seryoso ang kanyang mukha habang kausap ang tao sa kabilang linya.

Agad niyang ibinaba ang tawag pagkatapos ng mga bilin na iyon.

"Have you checked the CCTV footage in the lobby?" tanong niya sa akin.

"Ang sabi ng security team ay hindi raw gumagana ang CCTV cameras sa floor na ito."

"Are you serious?" hindi-makapaniwala ang kanyang tono. "Useless security team! Don't worry, Goob. My men will be looking for him. They'll be checking all CCTV footages to find Elliot."

Nagsilabasan na ang mga miyembro ng security team upang hanapin ang aking anak.

Si Pietro ay pilit na pinapakalma si Gabo na kanina pa paikot-ikot dito sa sala. Gabo headed to the door.

"Where are you going, Gabo?" tanong ko sa kanya.

"Tutulong ako sa paghahanap, Kuya. Fuck! This is my fault!"

"Sasama ako!" pigil ko sa kanya.

"Let's go." hinawakan ni Mick ang aking kamay at iginiya ako palabas ng condo.

---

Elliot's Point of View

"Please go away." I said softly as I closed my eyes. I'm still so scared. I'm inside a dark place. I want to go out but I'm so scared.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.