Return of the Groom Chapter 29

Kabanata 26: Mick

Mick's Point of View

Pinagmamasdan ko si Mama Judy habang umiiyak siya sa labas ng kwarto nila ni Papa Manuel. Nakasandal si Mama sa pintuan habang nakaupo sa sahig.

Ilang metro ang layo ko ngunit rinig na rinig ko ang mga ungol ni Papa at ng kanyang babae mula sa loob ng kanilang kwarto.

"Ahh. Ahh." si Papa at ng kanyang babae. Nagpatuloy lamang si Mama sa pag-iyak, hindi alam na pinapanood ko siya dahil nagtatago ako sa likod ng isang malaking vase sa may hallway.

I was too young to understand it all. But I knew that my mom's heart was breaking. And so was mine.

Labing isang taong gulang na ako. At simula noong nagkamalay ako, kung hindi man ito ang nasasaksihan ko ay ang pagtatalo naman nilang dalawa.

Sa panahong iyon, dahil sa batang pag-iisip, hindi ko lubos maunawaan ang lahat. Ang alam ko lang ay pinakasalan ni Papa si Mama dahil nabuntis si Mama sa akin. Both of them came from powerful families at ayaw ng pamilya ni Mama na hindi siya pakasalan ni Papa.

They did not marry for love. They married for the reputation of my mom's family. They married because of me.

Inabot ko ang gilid ng aking labi at marahan iyong pinisil.

"Aray." daing ko nang makaramdam ng kirot. Kaya ako may sugat at pasa sa gilid ng aking labi ay dahil sa suntok ni Papa sa akin kagabi. Hindi ako makakain nang maayos simula pa kaninang umaga.

"Ahhh. Lalabasan na ako!" ungol ni Papa. Dali-daling tumayo si Mama mula sa sahig at tumakbo patugong kusina ng aming malaking bahay, takot na maabutan ni Papa.

Naunang lumabas ang isang sexy at magandang babae na halatang batang-bata pa at sumunod sa kanya si Papa na inaayos ang kanyang sinturon.

Naikuyom ko ang aking kamao sa galit. Maliit man dahil eleven years old pa lang ay sinugod ko si Papa upang komprontahin siya.

"Why are you doing this to Mama?" sigaw ko sa kanya. He motioned the girl to leave at agad niya naman iyong nakuha. Naiwan kaming dalawa ni Papa sa labas ng silid.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi na halos ikabingi ko. Naramdaman ko ang sakit doon ng ilang segundo bago iyon namanhid. Napahawak na lamang ako roon.

"You disrespectful child! Hindi ka ba tinuruan ng Mama mo ng magandang asal?" his voice thundered inside the house. Nanliit ako dahil sa kanyang sigaw. Ngunit nangibabaw sa akin ang galit at tapang kaya nanginginig man at natatakot ay ipinakita kong matapang ako.

Hindi iyon ang unang beses na sinampal ako ni Papa. Hindi iyon ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay. Kagaya ng nasabi ko kanina, sinuntok niya ako kagabi. Maraming beses na iyong nangyari. Medyo nasanay na nga ako eh. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay hindi na ako natatatakot at hindi na ako nasasaktan.

"Bakit mo sinasaktan si Mama?" Halo-halo ang emosyong aking nararamdaman kaya hindi ko na napigilan ang umiyak.

He reached for my neck, choking me. Nagawa niya akong buhatin sa ere gamit ang kanyang kamay at isinandal ako sa pader. Sinubukan kong tanggalin ang kanyang kamay.

Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Mistula siyang halimaw.

"Huwag kang makialam sa relasyon namin ng Mama mo! Dahil kung hindi ka sana dumating, hindi kami ikinasal sa isa't isa!"

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakasakal sa akin kaya halos hindi na ako makahinga. Sigurado akong pulang-pula na ang aking mukha habang patuloy ang pagdaloy ng aking luha.

"I can't breathe, Papa." mahina kong sambit, nauubusan na ng hangin. I can feel the cold concrete wall pressing against my back.

Dahil sa aking edad ay maliit pa ang aking pangangatawan. Nagawa niya akong ihagis kaya naman ay tumilapon ako at nauntog ang aking ulo sa sahig. Nang hawakan ko ang aking noo ay nakita ko ang dugo sa aking kamay.

"You're crying like a baby. Bakla ka siguro tangina!" Hindi nakuntento si Papa kaya sinipa niya ako sa tiyan.

Lumabas ang dugo sa aking bibig ngunit hindi manlang siya nabahala. "Huwag kang babakla-bakla! Dahil wala akong anak na bakla!" sigaw njya.

He pulled my hair as I continued to cry. Gamit ang libreng kamay ay hinawakan niya ang aking mukha at iniangat ako. Mariin ang kanyang pagkakahawak sa mukha ko kaya muli kong naramdaman ang sakit dahil sa pasa na inabot ko sa kanya kagabi.

"Manuel bitiwan mo si Mick!" sigaw ni Mama at agad kaming nilapitan. Sinubukan niyang itulak si Papa.

"Sa susunod, huwag kang makikialam sa mga ginagawa ko!" ani Papa sa akin bago ako pakawalan.

Naiwan akong nakadapa sa sahig, umiiyak dahil sa sakit.

"At ikaw," hinarap ni Papa si Mama at siya naman ang sinabunutan. "Huwag ka ring makialam sa akin!"

Hindi ko na nasaksihan pa ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.

I remember my mom telling me that I was unconscious for three days. At sa loob ng tatlong araw na iyon, hindi manlang naghilom ang pasa ko. Pati si Mama ay may pasa rin sa mukha na hindi rin bago sa paningin ko.

My mom could not seek help from her parents. Tila inabandona siya noong nagpakasal na sila ni Papa. My grandparents had so many plans for her. At labis ang kanilang pagkadismaya nang nabuntis siya na hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral. Pinilit nila ang kasal dahil ayaw nilang madungisan ang pangalan nila. Even if it meant that their daughter would not be in good hands.

Hindi nila kami tinulungan ni Mama. Kaya wala kaming magawa kundi manirahan sa puder ni Papa. Kailanman ay hindi ako nagtangka na humingi ng tulong sa aking lolo at lola sa side ni Papa. I just thought that they would only believe my dad, dahil syempre, anak nila iyon. At nag-assume ako na galit sila sa amin ni Mama dahil pinilit sila ng pamilya ni Mama na ipakasal ang dalawa dahil sa akin.

I was so helpless. Wala akong mahingan ng saklolo. Lingo-lingo akong ginugulpi ni Papa. Lingo-lingo akong pinagbubuhatan ng kamay.

My father was a spoiled kid. Lasinggero at babaero dahil mayaman. Sobrang galit siya sa akin dahil ipinagkait ko raw sa kanya ang buhay na sana ay maeenjoy niya pa kung hindi nabuntis si Mama dahil ss akin.

When I was twelve years old, I was bullied at school. I was in Grade 6 back then. Umuwi akong may pasa sa mukha dahil sinuntok ako ng aking kaklase. Pag-uwi ko sa bahay ay labis ang galit ni Papa. Ngunit nagalit siya hindi sa aking kaklase na nambully sa akin. Sa akin siya nagalit.

"Bakit hindi mo inunahan?" hinawakan niya ang aking kwelyo sanhi kaya napaangat ang aking paa mula sa sahig.

Hindi ako nakasagot dahil pinangunahan ako ng takot. Nanginig ang aking mga labi at namuo ang aking mga luha.

I tried to hold back my tears but I was so afraid. Nag-unahan sila sa aking mukha.

"Bakla ka talaga!" sigaw ni Papa at hinigit ako gamit ang aking kwelyo patungo sa isang napakaliit na kwarto rito sa aming mansyon. I never knew that this room existed until now.

"Diyan ka matutulog ng isang linggo! Hindi ka pwedeng lumabas diyan ng hindi ko sinasabi!" aniya bago ilock ang pinto.

Sinubukan kong buksan iyon ngunit nakapadlock iyon mula sa labas.

Walang ilaw sa loob ng maliit na kwarto. Ngunit kahit anong iyak ang ginawa ko ay hindi ako pinalabas. Kahit anong pagmamakaawa ko ay hindi ako pinalabas.

I slept there in the darkness with no one to talk to. Niyakap ko ang aking tuhod habang umiiyak. Ngunit wala akong nagawa. I spent an entire week there.

Nakakakita lamang ako ng liwanag sa tuwing hinahatiran ako ni Mama ng pagkain. Kahit anong pakiusap ko sa kanya ay wala siyang magawa. Dahil kagaya ko, wala siyang kapangyarihan laban kay Papa.

Nakakabaliw ang isang linggong iyon. Maghapon lamang akong nakaupo sa dilim. At dahil bata pa ay sobrang takot ang naramdaman ko. I was too young for all of it. But I was so helpless. Wala akong magawa. Hindi ko magawang tulungan ang sarili ko.

Sa puntong iyon ay nasabi ko na lamang sa aking sarili na wala akong ibang kakampi kundi sarili ko lang din. I had no one else but myself.

There was this one time when I was comatosed for a week. Isang buong linggo dahil nasobrahan sa bugbog ni Papa. Nang makauwi sa bahay ay akala ko magbabago na ang lahat. Dahil syempre, agaw-buhay din ang pangyayaring iyon.

Wala akong malay sa loob ng isang buong linggo at nakahilata lamang sa ospital. Akala ko ay natakot si Papa na wala ako. O di kaya ay tuluyan ng napuno si Mama sa mga ginagawa sa akin ni Papa. Ngunit nagkamali ako. Dahil pagkauwi ko sa bahay, parang wala lamang nangyari. Nagpatuloy ang mga ginagawa sa akin ni Papa. At nagpatuloy rin ang kanyang pambababae.

Because of my experiences, labis na naapektuhan ang buhay ko. Pati asal at pag-iisip ko naapektuhan na rin. Nahirapan akong magtiwala sa ibang tao. I also had anger management issues. Nahirapan akong kontrolin ang sarili lalo na kapag nagagalit.

Sobrang hirap ng pinagdaanan ko. I lived a very toxic life. Nagpatuloy iyon hanggang tumungtong ako ng senior high school kung saan nakilala ko sina Bright, Pete, Kao, Dean, at Sining.

They were my closest thing to a family. Dahil sa bahay, hindi ko maramdaman na may pamilya ako. Itinuring akong kapamilya ng aking mga kabarkada. Sa kanila ko nakuha ang respeto na hindi ko makuha sa bahay. Dinamayan nila ako. At tinulungan. Sa kanila ako nakaramdaman na may karamay ako. Sa kanila ko naramdaman ang pagmamahal. Sa kanila ko naramdaman na hindi ako nag-iisa.

May mga pagkakataon na ayaw kong umuwi sa bahay. And I would stay at their houses. Isang linggo ako titira kina Dean. Isang linggo ako titira kina Pete. At isang linggo rin kina Bright pati kay Kao. And without even noticing, isang buwan na pala akong hindi umuuwi sa bahay.

But my father did not want it. Aniya ay nakakahiya raw ang ginagawa ko. Hanggang sa dumating sa puntong pinagbantaan ni Papa ang kanilang mga pamilya na guguluhin ang kanilang mga buhay kung patuloy nila akong patitirahin sa kanilang mga bahay. Kaya naman ang naging resulta ay walang nagawa sina Pete, Kao, Dean at Bright dahil sa banta ni Papa.

Tanging pamilya lamang ni Sining ang hindi natakot sa kanyang mga banta at patuloy na kumupkop sa akin. That is why among them, si Sining ang pinaka close ko.

Dahil sa mga kaibigan ko, unti-unti akong nakaramdam ng saya. They were my escape from my miserable and painful life. Kaya labis ang pagtitiwala ko sa kanila.

There was this one time when I had an argument with my father again about my grades. I was in Grade 12 back then. At gaya ng nakasanayan, napagbuhatan ako ng kamay ni Papa.

Umalis ako ng bahay at naglasing sa isang bar kung saan may nakasuntukan akong lalaki. Nagsasayaw ako sa gitna ng bar nang bahagya akong nabangga ng lalaki at dahil sa galit ay binugbog ko siya.

It was a very small issue. But because I was a damaged person, traumatized with my experiences at home, hindi ko nakontrol ang aking sarili. Hindi ko napigilan ang sunod-sunod na suntok sa kanya hanggang sa dumudugo na ang kanyang buong mukha.

Dahil sa mga karanasan sa bahay, labis akong naapektuhan. Kinain ako ng trauma. At nailabas ko iyon sa ibang tao. Nagising na lamang ako kinabukasan sa loob ng prisinto. At si Sining kasama ang aking mga kabarkada ang nagpyansa sa akin. Hindi manlang nag-abala sina Mama at Papa na magpyansa para sa akin. At kung wala pa akong mga kaibigan, malamang ay nakakulong pa rin ako ngayon.

May mga gabing umiiyak lamang ako sa aking kwarto dahil sa sobrang bigat na aking nararamdaman, kinukuwestyon ang Maykapal kung bakit ko pinagdadaanan ang lahat ng ito.

Bakit sobrang miserable ng buhay ko? Bakit puro sa sakit? Ano ba ang kasalanan ko?

At dahil sa pagkakakulong ko ay bugbog na naman ang inabot ko mula kay Papa. Sa sobrang galit niya ay muli akong naospital. But this time, it was longer. Dalawang linggo iyon. Tanging si Mama at ang aking mga kabarkada lamang ang nagbantay sa akin sa ospital.

Sa puntong iyon, hindi na nakayanan pa ni Mama. Pagkauwi namin sa ospital ay agad kaming umalis. At tanging pamilya lamang ni Sining ang tumulong sa amin.

A week before college, my father died in a car accident. Kasama niya sina Lolo at Lola sa aksidente kaya ako ang naiwang tagapagmana ng Dela Merced Construction at lahat ng negosyo ng mga Dela Merced.

Sinungaling ako kung hindi ko sasabihin sa inyo na hindi ako natuwa sa nangyari kay Papa. Tawagin niyo na akong demonyo ngunit wala na akong pakialam. What I went through inder his roof was simply too much to bear. I was traumatized. At a very young age.

Sinong biktima ang hindi matutuwa kapag malaman niyang namatay na ang taong paulit-ulit na nanakit sa kanya?

Naiwan kaming dalawa ni Mama. I never blamed my mother for everything that I went through. Dahil kagaya ko, alam kong wala rin siyang choice. We were both stuck in a very toxic relationship that we did not want.

Habang nag-aaral ng Management ay si Mama muna ang humawak sa kompanya. But upon graduation, I immediately took over all the family businesses.

Years later, I met Goob.

Kung dati, masaya ako kasama ang aking mga kaibigan, sa piling ni Goob mistula akong nasa langit. With Goob, I was the happiest.

Finally, I found another reason to continue living.

I did not only love Goob. I adored him. I adored him like a god. He was perfect. Mula mukha hanggang ugali. He was beautiful inside and out. Ibinigay ko sa kanya ang lahat.

I met Goob while I was at a fashion show by one of Sining's friends. Nagsisimula pa lamang siya sa kanyang karera bilang modelo, ngunit sa kanya ipinasuot ang damit na pinakahighlight ng show.

Goob graced the runway just like a god. Sa mismong unang hakbang niya pa lang ay hindi ko na natanggal ang aking paningin sa kanya.

Habang nililigawan ko siya, hindi ako mapakali. Palagi akong balisa at kinakabahan dahil baka may makauna sa akin sa kanya.

"Hindi mo ako madadala sa mga mamahaling regalo, Mick. Prove your worth." aniya pagkatapos ko siyang bigyan ng mamahaling relo mula sa isa sa pinakatanyag na brand sa buong mundo. This is I think his tenth modelling project na sinadya kong daluhan dahil nililigawan ko pa lang siya.

My heart sank at his statement. Ngunit hindi ko siya sinukuan. I found out that he doesn't really like the material things. So I had to improve my tactics.

Dinala ko siya sa mga lugar kung saan kadalasan nagdedate ang mga magkasintahan. I took him to museums, parks, and malls. At sa bawat lugar na pinupuntahan namin, sinisigurado kong espesyal.

I wanted him. I wanted him so bad. I never wanted anything in my life as much as I wanted Goob.

Pakipot pa naman siya at hard to get. Ngunit determindado ako. Kahit anong pagtataray niya sa akin ay hindi iyon dahilan upang sukuan ko siya.

"Hintayin mo ako. Huwag ka munang aalis." aniya pagkatapos ko siyang ihatid sa kanilang practice para sa isang fashion show.

As far as I know, buong araw ang practice nila. I have a lot of things to do in my office ngunit dahil request iyon ng aking nililigawan ay syempre hindi ako tatanggi.

I guess the sweetest thing I ever did for Goob was that time when I sang at his condo building's garden. Bago siya tumira sa bahay noong naging kami, sa isang condo sila nakatira ng kanyang kapatid na si Gabo.

I set-up a stage at the garden of the building where they live and sang The Way You Look at Me by Christian Bautista.

Sinasabi ko sa inyo, sobrang nakakahiyang umawit sa harap ng napakaraming tao, ngunit ginawa ko iyon para kay Goob sa pagbabakasakaling sagutin na niya ako. They lived the 23rd floor kaya sinigurado kong makikita at maririnig niya ako mula sa unit nila.

Mabuti na lamang at nagbunga ang effort ko sa gabing iyon. Goob became my boyfriend. And after a month of being together, he moved in to my house. Bumili pa talaga ako ng bagong bahay dahil ayaw kong tumira sa dati naming bahay na punung-puno ng masasakit na alaala.

Goob and I were so happy.

He was like a god to me. And loving him was like my religion.

Kaya naman kahit walong buwan pa lamang kami bilang magkasintahan, nagpropose na ako sa kanya. I was so certain that it was Goob whom I wanted to spend the rest of my life.

I proposed to him while we were skydiving. Nasa ere kami pareho nang ilabas ko ang singsing sa aking bulsa.

It was a very dangerous gimick. But we both landed safely, with the golden ring now on his ring finger. Sa araw na iyon, ako yata ang pinakamasayang tao sa mundo kaya pinag day-off ko lahat ng empleyado ko sa kompanya.

We were so excited for the wedding. Akala ko tuloy-tuloy na ang saya. Ngunit nagkamali ako.

Pagkatapos makabalik mula sa isang business trip abroad ay nakatanggap ako ng isang video mula sa aking mga kaibigan.

Goob was seen entering a room with another guy. Naghalikan pa sila bago pumasok. Sobrang galit ang naramdaman ko. Paano niya nagawa sa akin iyon?

I gave him everything. Trinato ko siya nang maayos. Halos sambahin ko na siya. Pero bakit niya ako niloko?

May parte sa akin na gustong maniwala sa kanya na hindi totoo ang binibintang sa kanya. But there was evidence. At mga kaibigan ko ang nagbigay sa akin ng ebidensya. I had to trust my friends. Because they were like family to me. Naniwala ako na hindi sila magsisinungaling sa akin pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin. Pagkatapos ng lahat ng naitulong nila sa akin. They were with me during my darkest of time.

Dahil sa sobrang galit, hindi ko na napigilan ang sarili na saktan si Goob. Dahil hindi ko matanggap na niloko niya ako pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa kanya.

Hindi ko namalayan na unti-unti na akong natulad sa aking ama. Years of trauma and pain made me a monster. Hindi ko gusto ang saktan si Goob, lalo na at mahal ko siya. Ngunit siguro ay nagawa ko ang mga iyin dahil sa sinapit ko sa aking ama. Ginusto kong makaganti sa kanya. Dahil winasak niya ang aking puso.

I never purposely cheated on Goob. Nagdala ako ng mga lalaki sa bahay at kunwari nakikipagsex ako sa kanila. But they were all just acting. Kailanman hindi ako nakipagsex sa kanila. Hanggang halik lamang at sa tuwing nakikita lamang ni Goob. Pinakiusapan ko rin si Sining kung pwede niya ba akong tulungan sa pananakit kay Goob emotionally at pumayag naman siya. Sinadya kong magbanggit ng ibang pangalan habang nagsesex kami

I kept telling myself that my feelings were valid. Na tama lang ang ginagawa ko dahil nasaktan ako. But I was wrong. My feelings were valid. But my actions were not. Kahit gaano pa ako nasaktan, dapat hindi ako nananakit ng ibang tao. Lalo na ang taong pinakamamahal ko.

But my trauma ate me. At sa panahong iyon, hindi ko pa alam na dahil iyon sa mga karanasan ko noon. Pisikal kong nasaktan si Goob hindi dahil gusto ko siyang saktan. Nasaktan ko siya dahil kinain ako ng masasamang karanasan dahil sa aking ama. I was growing up with violence. Hindi ko namalayan na namubay sa akin ang dahas.

Sa mga araw na nasasaktan ko si Goob, sinasaktan ko rin ang aking sarili. Nilalatigo ko ang aking sarili sa loob ng aming banyo kaya naman ay punung-puno ang aking likod ng sugat. Gabi gabi ko iyong ginawa. Kaya naman noong unang beses kaming nagsex ni Goob pagkatapos ng gabing niloko niya ako, sinadya kong lagyan siya ng takip sa mata upang hindi niya makita ang aking mga sugat sa likod.

Sa gabi bago ang aming kasal, naglasing ako dahil labis ang aking pagsisisi sa mga ginawa ko kay Goob sa mga nagdaang araw. I felt so bad and guilty. Paano ko nagawang saktan ang lalaking gusto kong makasama habang-buhay? Bakut ko pa naisip na gumanti?

Sa sumunod na araw, araw ng aming kasal, handa na akong patawarin siya at handa na rin akong humingi ng tawad sa mga ginawa ko sa kanya.

But he left me on our wedding day. I was so devastated. Hindi na niya nakayanan pang tiisin ang lahat ng paghihirap na ipinaramdam ko sa kanya. Labis akong nasaktan sa araw na iyon. At labis kong sinisi ang aking sarili. Kung sana ay pinatawad ko na lamang siya. Kung sana ay hindi ko na naisipang gumanti pa.

Noong tuluyan akong iniwan ni Goob at umalis siya patungo sa ibang bansa, sobrang nalugmok ako. Ngunit wala akong ibang sinisi kundi ang sarili ko.

My experiences with my father had a great impact on me. I was a damaged glass waiting to break into pieces. At sa puntong nabasag ako, nasugatan ko ang mga taong nakapaligid sa akin, lalo na si Goob.

At dahil doon, napagdesisyunan kong kumonsulta sa isang propesyunal. I regularly talked to a therapist. Because I know that I should not pursue Goob until I am better. I always knew where he was. Ayaw ko lang gambalain siya dahil hindi ako sigurado na hindi ko na siya masasaktan ulit.

Dr. Love was my therapist. Pinsan siya ni Sining kaya naging kaibigan ko rin siya sa paglipas ng panahon. Kaya naman wala ng salitang "Dr." sa nakaphonebook na number niya.

Hindi ako sigurado kung okay na ba talaga ako. Kaya hindi ko muna hinabol si Goob kahit ang sabi ni Love ay okay naman na raw ako. Limang taon rin iyon. But I was so afraid that I would hurt Goob again so I decided to give myself a longer time to heal.

Ngunit noong bumalik si Goob sa Pilipinas, hindi ko na napigilan ang aking sarili. I wanted to have him back as soon as possible.

Labis ang tuwa ko noong nalaman kong may anak kami, si Elliot. Sa una ay nangibabaw sa akin ang galit dahil ipinagkait niya sa akin ang anak namin. Pero naintindihan ko naman si Goob. Nasaktan ko siya physically at emotionally kaya natural lang na ayaw niyang makilala ako ng anak namin.

But I wanted to be a part of my son's life. Hindi naman talaga ako magfafile ng custody kay Elliot. I knew that it would be a painful experience for all of us. At ayaw kong pagdaanan namin iyon. Sinabi ko lang iyon kay Goob upang hindi niya ako iwanan ulit. Gusto ko lang na mapalapit ulit sa kanilang dalawa. I wanted to a part of Goob's life again. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makuha lang ulit si Goob. At sa oras na mangyari ulit iyon, hinding-hindi ko na siya ulit sasaktan.

Labis akong nasaktan noong nalaman ko ang ginawa ng aking mga kaibigan kay Goob. Mas lalo tuloy akong naguilty sa mga ginawa ko. Mas pinaniwalaan ko sila. I treated them like my family and I thought that they treated me as their family too. Paano nila nagawa iyon sa akin? Paano nila nagawa iyon kay Goob? Wala silang awa! Mga hayop sila!

Sa sobrang galit ko ay ipinabugbog ko sila sa aking mga tauhan. Kaya naman ay nasa ospital silang lahat ngayon maliban na lamang kay Sining na hindi naman kasali sa video. Pero nasisiguro kong may kinalaman rin siya sa nangyari. At ngayong alam ko na ang totoo, hinding hindi ko hahayaang saktan nila ulit si Goob. Kulang pa iyong ginawa ko sa kanila. Hindi pa ako tapos.

Ngayon ay kailangan ko munang muling makuha ang loob ni Goob. Alam kong magiging mahirap, ngunit hindi ko siya susukuan.

Galit na galit pa rin ako sa aking sarili dahil imbes na si Goob ang paniwalaan ko noon, mas pinaniwalaan ko ang mga traydor kong kaibigan. Imbes na kampihan si Goob, ako pa mismo ang nanakit sa kanya.

May parte sa akin na hindi iyon matanggap, kaya ngayon ay nararamdaman ko na unti-unti na naman akong nababasag. At natatakot akong muli ko na namang masugatan ang mga taong mahalaga sa akin. Mas lalo akong nagalit sa aking sarili. I should have been there when Goob was having his pregnancy. Siguradong nahirapan siya. Lalo na at dinadala niya pa ang sakit na dinanas niya sa akin at ang sakit ng panggagahasa sa kanya.

I am once again falling apart. But I am trying my very best to keep myself together, in order not to hurt others.

Muli kaya akong tatanggapin ni Goob? Sana. Dahil hindi ko kakayanin na tumanda na hindi siya kasama. Na hindi buo ang pamilya namin kasama si Elliot.

Alam kong hindi sapat na dahilan ang aking mga pinagdaanan kung bakit nagawa ko siyang saktan. Ngunit sana, sana ay mangibabaw sa puso ni Goob ang pagmamahal niya para sa akin. Dahil nararamdaman ko. Nararamdaman ko na mahal niya pa rin ako.

Kagaya ng isang salamin, nabasag na ako noon pa. Ngunit nakayanan kong pagtagpi-tagpiin ang mga piraso ng aking sarili. Umaasa akong muli akong tatanggapin ni Goob. Na siya ang magsisilbing pandikit. Na kahit masaktan man siya habang tinutulungan niya akong ayusin, sana ay subukan niya pa rin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.