Kabanata 32: Betrayal
Goob's Point of View
Kanina ko pa tinatawagan si Techno ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Kanina pa ako hindi mapakali dahil maraming bagay ang bumabagabag sa pag-iisip ko.
Una ay ang pagkamatay ni Dean. Hindi ko mapigilan ang aking konsensya. He was here the other day asking for my forgiveness. Ngunit ipinagkait ko iyon sa kanya. The initial investigation says that he did it on purpose. Sinadya niyang ihulog ang sasakyan niya sa bangin at magpakamatay.
Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil may parte sa akin na nanghihinayang at sinisisi ang sarili. Sana pala pinatawad ko nalang siya. I remember him begging me because his conscience kept messing with his mind. Nahihirapan daw siyang matulog. And to think that we took his career away from him. Sinira namin ang buhay niya. Ngayon ay winakasan na niya ang sariling buhay.
Ngayon ay ako naman amg nakokonsensya. But should I really blame myself? I had my reasons. He molested me. God knows what they did to me that night. Kahit wala naman akong kasalanan sa kanila.
Maybe I should not blame myself. Dean made his choice. It was not my call. Kung may dapat mang sisihin, siguro ay hindi ako dahil hindi ko naman ginusto ang nangyari. Biktima lang din ako.
Because even if he asked for forgiveness, I still wasn't ready to do it. I just can't.
Ang isa pang bumabagabag sa isipan ko ay ang pagkakasunog ng mga restaurant at shopping malls. The fire began at around midnight. At ngayong alas onse na ng umaga, sinusubukan pa ring patayin ng mga bumbero ang apoy. The buildings and establishments were simultaneously lit. But so far, wala namang naiuulat na casualties.
I did a little research and found out that the chain of shopping malls was owned by Pete's family and the restaurant's are owned by Kao's family.
Kagat-kagat ang aking mga kuko ay nanonood ako ng news sa TV kung saan ibinabalita ang mga sunog. The authorities are still deciding whether or not to consider the cases as terrorism.
Muli kong dinial ang numero ni Techno ngunit hindi pa rin siya sumasagot.
Sa ngayon, wala akong ibang tao na naiisip na gagawa nito kundi si Techno lamang. We talked about it noong nakaraang gabi. Hindi ko mapigilang magalit dahil maayos ang usapan namin na hindi niya iyon itutuloy. I feel betrayed. Dahil kahit sinabi ko sa kanyang ayaw ko, ipinagpatuloy niya pa rin.
My phone vibrated.
Bright: Have you seen the news? Those are the businesses of the families of Pete and Kao.
Hindi ko iyon mareplyan dahil balisa pa rin ako at marami ang iniisip.
To Techno: Why the fuck are you not answering your phone?
Techno: I am at a court trial. I'll talk to you at lunch.
To Techno: What branch?
Techno: RTC.
I quickly changed into a casual outfit and asked our driver to take me to the regional trial court. Dahil sa traffic ay pasado alas dose na nang makarating kami roon.
I found Techno at the lobby talking to some other lawyers.
Nakakuyom ang aking mga kamao dahil sa galit. Magkasalubong ang aking kilay nang harapin ko siya.
"Why did you do it!? Hindi ba maayos ang usapan natin na hindi mo iyon itutuloy?"
Nagulat siya pati na rin ang iba niyang kasamahan at ang iba pang tao sa paligid. Ngunit wala akong pakialam. Sa oras na iyon ay hinayaan kong maghari ang galit. Techno gave me a confused look.
"What are you talking about, Goob? Where is this coming from? Let's talk somewhere else." aniya na naguguluhan pa rin.
"Don't give me that confused look, Techno! Alam kong ikaw ang nag-utos! Ikaw ang nagpasunog sa mga mall at restaurant! How could you?!" paratang ko.
Ngayon ay mas lalo lamang siyang nagulat at naguluhan. Nagkatinginan ang mga kasama niya pati ang mga tao sa paligid. Hindi nagtagal ay nagbulung-bulungan sila.
"What the hell? Are you serious? I did not do it!" depensa niya sa kanyang sarili.
"Bullshit!" umalingawngaw ang sigaw ko roon. "Of course you did not do it! May inutusan kang ibang tao!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sumabog na ako sa galit dahil sa totoo lang, para niya akong trinaydor. Bakit niya iyon ginawa? Hindi ba ay nangako siya sa ma iisip siya ng ibang paraan?
"Let's talk outside!" marahas niyang hinawakan ang aking braso at hinila palabas ng building. Dinala niya ako sa may fountain na makikita sa labas.
"Let me go!" angal ko.
Marahas ang pagkakabitiw niya nang makarating kami roon.
"Ngayon mo ilabas ang galit mo!" sigaw niya pabalik.
Mas lalo lamang akong nagalit.
"Ikaw pa ang may ganang magalit! You betrayed me, Techno! Bakit mo ipinagpatuloy ang pagpapasunog eh maayos iyong usapan natin!"
Nanatili siyang tahimik. Ngunit pulang-pula ang kaniyang mukha na halatang dahil sa galit.
"I did not do it!" tanggi niya.
"Huwag kang magsinungaling sa akin, Techno! Kilala kita! Ikaw mismo ang nagsabi sa akin kung paano mo gagawin iyon! Kaya huwag mong itanggi!"
"I said I did not do it! I never order anyone to carry out the plans!"
"Paano kung may mamatay, Techno? Edi konsensya ko na naman! Dean committed suicide with what we did! Dean killed himself because of us! Because we ruined his life! And it was all your idea!"
Dumapo ang isang malakas na sampal sa aking pisngi. Bahagyang nahawi ang aking mukha at umigting ang aking panga. A high pitch sound resonated inside my ear before my hearing went back to normal. Naramdaman ko ang hapdi sa aking pisngi ngunit kalaunan ay namanhid iyon.
Nang harapin si Techno ay natigilan ako nang makita siyang umiiyak. Ngunit nanatili ang galit sa aking sistema.
"Pumunta ka rito para akusahan ako ng bagay na hindi ko ginawa! Ang kapal ng mukha mo, Goob! Hindi mo manlang ako tinanong kung ginawa ko ba iyon! Siguradong sigurado ka! Hindi mo nagawang tanungin ako! Inakusahan mo agad ako! Tangina mo!"
Muli niya akong sinampal ngunit nahirapan akong iproseso ang kanyang sinabi.
"Noong mga panahong sinasaktan ka ni Mick, palagi kitang dinamayan! Sinubukan kitang tulungan! Dahil kaibigan kita! Kaibigan kita! At noong panahong tuluyan mo siyang iniwan, sino pa rin ang tumulong sa'yo? Hindi ba ako pa rin?! Ako lang, Goob! Ako lang ang tumulong sa'yo! Kahit si Apo, hindi! Kahit si Bright, hindi! Putanginamo ako lang ang tumulong sa'yo!"
Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya dahil totoo ang lahat ng iyon.
"Noong umalis kayo upang magtungo sa France, kinalimutan ba kita? Hindi! I never had any other bestfriend! I never replaced you with anyone! I worked hard to become a lawyer because I wanted to represent you in court someday! Na kahit hirap na hirap ako sa law school, pinilit ko dahil gusto kitang matulungan! Ginawa ko iyon para sa'yo! Dahil hindi lang kaibigan ang turing ko sa'yo! I treated you like family! I treated you like a brother! When was the last time that you helped me? Never! Because you never helped me! Nagreklamo ba ako? Hindi!"
Tila nalunok ko ang aking dila dahil hindi ako makapagsalita.
"When you came back, all I wanted was to help you! Dahil bilang kapatid ang turing ko sa'yo, gusto kong ipaghiganti ka! Kaya tuwang-tuwa ako na naging matagumpay tayo kay Dean! Ilang araw kong inisip kung paano tayo makakaganti kina Pete at Kao! Amd yes, sinubukan kitang kumbinsihin na pumayag sa plano! But I respected your decision! Sa tingin mo ba madali ring sikmurahin yung naisip kong plano? Hindi! But I was willing to take that risk for you! Because you are a brother to me!"
Ngayon ay nahagulgol siya sa iyak. Nag-unahan ang kanyang mga luha sa kanyang mukha. Nanantili lamang akong nakatayo.
"Wala akong inutusan na isagawa ang plano! I cancelled everything! Dahil alam kong hindi ka magiging masaya kung gagawin natin iyon! Sinunod kita! Tapos pupunta ka rito at pararatangan sa harap ng mga katrabaho ko? Sa harap ng maraming tao? Eh tangina ka pala eh! I risked my life for you! I risked my career for you! Tapos ito ang igaganti mo sa akin? Fuck you! Hindi mo ako tinanong! Inakusahan mo agad ako! You never gave me the benefit of the doubt! Tapos sasabihin mong trinaydor kita? Hindi ako ang traydor, Goob! Ikaw! Ikaw ang traydor!"
"I'm sorry." napayuko na lamang ako dahil napagtanto kong tama ang mga sinabi niya.
"You don't get to say sorry to me, Goob! Wala kang kwenta! Wala kang kwentang kaibigan!" pinahid niya ang kanyang mga luha. "Huwag mo na ulit akong kakausapin!" itinulak niya ako bago umalis sa aking harapan at bumalik sa loob ng building.
Naiwan akong tulala habang nakayuko. Nahirapan ang aking utak na iproseso ang lahat ng sinabi ni Techno. Tila hindi ko maramdaman ang init ng tirik na tirik na araw dahil tila namanhid ang buong katawan ko.
Ngunit limang minuto ang lumipas ay saka lamang naproseso ng aking utak ang lahat. Doon ko naramdaman ang lahat ng sakit.
My heart felt like it was breaking. It was breaking for a friend I just lost. Tama si Techno. My first words for him where 'Why did you do it?'. Agad ko siyang tinanong kung bakit niya iyon nagawa imbes na tanungin siya kung siya ba ang nag-utos o gumawa.
I am such an idiot. Pakiramdam ko ay sobrang sama kong tao. I just lost a friend. My best friend. Kitang-kita ko sa mga mata ni Techno kanina kung paano siya nasasaktan. How his heart was breaking.
At base sa ipinakita niyang reaksyon, masasabi kong hindi siya nagsinungaling. He was telling the truth. Hindi niya ipinag-utos ang pagpapasunog sa mga gusali.
Sa ngayon ay wala akong ibang maisip na tao na kayang ipagawa iyon kundi si Mick.
Hindi ko na matandaan kung ilang minuto ako nanatili roon. Nabalik lamang ako sa aking huwisyo nang tumunog ang aking cellphone dahil may tumatawag roon.
Sinagot ko iyon nang makitang si Mick.
I did not want to create the same mistake I did with Techno. So I tried to start the right way.
"Did you do it, Mick? Ikaw ba ang nag-utos na sunugin ang mga negosyo ng pamilya nina Pete at Kao?" tanong ko.
"Now is not the right time to talk about it. You need to come to Elliot's school!"
"Answer me! Did you do it?" tumaas ang aking boses.
"Yes, I ordered someone to do it!"
"How could you? Bakit mo iyon ginawa?" sigaw ko.
"Hindi ngayon ang oras para magtalo, Goob! Now get yourself here because our son needs you!"
Kumunot ang noo ko. What about Elliot? My heart began to race.
"You need to come to Elliot's school! He got so upset that you did not come for lunch. Naghintay ang bata. At iniwan ko lang saglit pero may sinuntok daw na ibang bata."
"What? Elliot would not do that. He's not violent!"
"Just please come here baby." pakiusap niya.
Sa buong biyahe patungo roon ay wala akong ibang ginawa kundi ang mag-alala. Natatakot ako na baka namana ni Elliot ang pagiging bayolente sa kanyang ama.
---
Someone's Point of View
Kawawa naman si Dean. Mahina kasi siya. Ayun tuloy, nagpakamatay. Ooops. Hindi pala nagpakamatay. Pinatay ko pala.
I smiled wickedly as I watch the news about his death. Hindi ko hahayaang may makasira sa plano ko. Kahit sino pa yan. Papatayin ko kung kailangan.