Kabanata 33: Monster
Goob's Point of View
Sa sobrang lala ng traffic ay alas tres na ng hapon nang makarating ako sa eskwelahan ni Elliot. Tapos na ang kanilang klase ngunit nasabi sa akin ni Mick na kanina pa sila sa headmistress' office kasama ang parents at ang bata na sinuntok daw ni Elliot.
Bumabagabag rin sa aking isipan ang ginawang pagpapasunog ni Mick sa mga gusali na ang iba ay hindi pa rin naaapula hanggang ngayon. Isama mp pa ang pagtatalo namin ni Techno na ramdam ko pa rin ang bigat ng aking dibdib at ang sakit sa aking pisngi. Ngunit mas nangingibabaw ngayon ang pag-aalala sa ginawa raw ng aking anak.
Nang pumasok ako sa opisina ng headmistress ay nagsimulang magsalita ang headmistess. I sat beside Mick. Nakakandong si Elliot sa kanya at hindi makatingin sa akin. Sa kabilang bahagi ng silid ay ang pamilya ng batang nakaaway niya.
"Elliot, would you like to tell us what happened?" si Headmistress Helen.
Hindi nagsalita si Elliot. I reached for his face and cupped it gently. Nag-angat siya ng tingin ngunit iniiwas din kaagad.
"Hey, baby. Please tell us what happened." I said gently. "Papa is not mad at you. No one is. So please tell us."
"Anong wala? Kami, galit kami." ang ina ng batang lalaki na sinuntok ni Elliot. "Your son punched our precious Liam!"
"Let's listen to their explanation first." sinubukan kong panatilihing kalmante ang aking boses dahil kahit paano, nahihiya ako kung sakaling totoo man ang paratang nila sa anak ko. "Huwag nating pangunahan ang mga bata." I faced Elliot once again who did not look apologetic at all. "Baby is it true that you punched your classmate?"
Umaasa ako na hindi totoo na ginawa iyon ni Elliot. Ngunit naiisip ko na baka nga namana niya ang pagiging bayolente sa ama. Huwag naman sana. Ngunit kung ganoon nga ang nangyari, siguro ay maaari pa naman siyang madisiplina at bata pa naman siya. Hays.
"Yes, I did it." pag-amin niya.
My heart sank at his words. Dinapuan ako ng lungkot at pangamba.
"Elliot, would you like to say sorry to Liam for what you did?" ang headmistress.
"I am sorry, Liam." si Elliot. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinalikan ko ang kanyang ulo.
Ipinatawag ng headmistress ang guro ng mga bata upang kunin sila sa loob ng opisina kaya naiwan ang mga magulang na lamang para sa karagdagang pag-uusap.
"Hindi sapat ang sorry. We want him out of this school." ang ina ng bata na hindi pa rin humuhupa ang galit.
"I think you're overreacting." si Mick. "My son already said sorry. We know that it does not make up for what he did, but at least he acknowledges that he did something wrong."
"Still, we want him out of this school. He is a threat to all the other kids. Paano kung mangyari ulit ito?" ang ama naman ng bata ang nagsalita.
"Hindi naman yata tama na tanggalin agad si Elliot sa school. This was only his first time. We cannot promise that this won't happen again. But we will try our best to make sure this will be the last time. Elliot is a good kid. He's still young. Kids make mistakes." I said calmly.
Tumango ang headmistress sa akin bago magsalita. "Mr. Mansell is right. This is still Elliot's first attempt. I would not say that this is normal, but I would say that things like this are common among kids. Let's give Elliot a chance."
"No! We want that kid out of this school." pagmamatigas ng ina ng bata.
Huminga ako nang malalim upang panatilihing kalmado ang sarili. Dahil sa kaloob-looban ko, gusto ko na lamang makipag-away sa kanya ngunit hindi ko iyon gagawin lalo na at si Elliot ang may kasalanan.
"I'm sorry, Mrs. Dela Peña but we will not expell Elliot just because of one mistake. Like I said, this is common in children." ang headmistress.
Ngunit tila hindi pa rin kumbinsido si Mrs. Dela Peña. "I will tell the PTA President for a PTA meeting. I cannot believe that you are siding with a bully. We will deal with this problem together with the other parents."
"Mrs. Dela Peña, don't make things worse." si Mick. Tila nagbabanta ang tono ng kanyang boses.
"Are you threatening my wife?" galit na sambit ng asawa ng babae.
"Yes, I am threatening you all. I will give you two options. You can expell my son and tell the Parents Association that I will take back all of my company's previous donations and future donations or you can forgive my son about what he did and your kids will enjoy the new playground, new school bus, and new classroom. Inyo ang desisyon!" mariin at determinado ang boses ni Mick.
Ikinagulat naming lahat iyon, kasama na ang headmistress at ako. Gusto ko sanang magsalita ngunit naunahan ako ni Headmistress Helen.
"Mrs. Dela Peña, I will schedule another meeting with your husband. Mr. Dela Merced, this meeting is over. We will not expell Elliot. I am sorry for the incovenience."
"Good. My fiancé and I will now take our exit and pretend this argument never happened." ani Mick na seryoso pa rin ang boses.
Fiancé? Baliw ba siya? Naunang lumabas si Mick sa akin.
"Thank you, Headmistress Helen. At pasensya na rin po sa abala. Mr. and Mrs. Dela Peña, I apologize for what happened. I will talk to my son about it." paghingi ko ng paumanhin saka iniwan sila roon sa loob.
Nang makarating sa parking lot, nadatnan ko si Mick na nakasandal sa kanyang sasakyan. Elliot is already at the backseat of his car playing on his iPad. Nasa tabi ng sasakyan ni Mick ang sasakyan ko.
I am angry with Mick for so many things.
Una, inamin niya kanina na siya ang nagpasunog sa mga gusali. Sigurado akong ginawa niya iyon upang ipaghiganti ako. But I am skeptical about it. Siguro ay ginagawa niya lang ito para mabawasan ang konsensya na nararamdaman niya dahil hindi niya ako kinampihan noon.
Pangalawa, binantaan niya ang headmistress at ang mga magulang ng bata na babawiin niya ang mga donasyon ng kompanya niya! He is once again playing with power and violence! Which was not a nice thing to do, honestly!
I gave him an angry look. Ngunit marami na akong iniisip ngayon kaya imbes na komprontahin siya ay hindi ko na muna gagawin. My priority right now is Elliot. And he is my only priority.
"I need to speak with Elliot."
Tumango lamang siya sa akin kaya naman dumiretso na ako sa backseat.
"Can we talk, baby?" tanong ko sa bata nang maisarado ang pintuan ng sasakyan.
Pinatay niya ang iPad at itinabi iyon.
"Why did you punch your classmate?" marahan kong hinaplos ang kanyang buhok. Ngunit hindi siya nagsalita. Nag-iwas lamang siya ng tingin na tila hindi ako narinig.
"Hey, baby. Please talk to me." pakiusap ko.
He looked me in the eye. Now he looked apologetic and sad. "I'm sorry, Papa. I just felt sad and angry." he murmured.
"Being sad and angry does not mean we will hurt other people, baby." mahina kong sambit. I traced his eyebrows as I looked him in the eye. "Why were you angry anyway?"
"You told me that you will come for lunch but you did not. And yesterday, you went out with Tito Bright instead of coming with me and Papa. You have no more time for me. You are always busy with work. And when you're not busy, you go out with other boys." malungkot ang tinig ng kanyang boses habang sinasabi niya iyon. Nag-iwas siya ng tingin at yumuko upang pagmasdan ang kanyang kamay ngunit paminsan-minsan ay sumusulyap sa akin.
Agad akong tinamaan ng konsensya at lungkot. I did not know that he was feeling this way until last night.
"I'm sorry, baby. Papa and Tito Techno had a problem earlier so I could not come here for lunch."
Tumango siya. "But what about the times when you go out with other people?"
"Papa will deal with it. I promise that I'll spend more time with you now, okay baby?"
"Pinky promise?" he lifted his pinky finger so I quickly reached for it using my pinky finger as well.
"Pinky promise, baby." I said before kissing his forehead. "I love you."
"I love you too, Papa."
It looks like I have to show Elliot that he is my priority. Ayaw kong nararamdaman niya na hindi ko siya inuuna. Kaya siguro ay oras na upang patigilin si Apo at Bright sa panliligaw nila sa akin. Dahil tama si Elliot. Imbes na igugol ko ang oras sa kanya tuwing wala akong trabaho ay sa halip umaalis ako ng condo kasama si Bright o di kaya ay si Apo.
Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya. Bumukas ang pinto sa kabilang bahagi ng sasakyan at pumasok si Mick.
"Pwede bang sumali?" biro niya.
"Yes, Daddy. Join us for a hug."
I rolled my eyes. Mabuti na lamang at hindi kita ni Elliot ang mukha ko.
Kung wala lang dito si Elliot baka pinayakap ko na si Mick sa gulong ng sasakyan. Para-paraan din eh! Hindi niya ba alam na galit ako sa kanya? Hindi ba halata?
Mick enveloped us in a hug. Hindi ko alam pero naramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente mula sa aking batok pababa sa aking mga daliri sa paa. Ang simpleng pagdikit ng kanyang balat sa akin ay nagpabilis sa tibok ng aking puso. Hindi ko iyon maipaliwanag. Hindi ko maintindihan.
Amoy na amoy ko ang panlalaking pabango ni Mick. He still uses the same perfume from before when we were still together. Kaya naman ay maraming alaala ang pumuno sa isipan ko.
I wanted to break away from the hug dahil hindi na ako natutuwa sa inaasta ng katawan at puso ko ngunit wala akong magawa dahil si Mick ang nakayakap sa amin.
"Why can't we just be a family?" Elliot asked out of nowhere.
Dahil sa tanong na iyon ay napahiwalay sa yakap si Mick. Hindi namin mabigyan ng sagot ang anak kaya binalot ang sasakyan ng katahimikan. Mick and I could not look at each other's eyes.
"I-it's complicated, baby." sagot ko. "See you later when you finish hanging out with your Dad."
"Or maybe you can come with us?" suhestyon ni Mick sa isang seryosong tono.
"Yeah. Maybe you should join us, Papa Goob. Let's swim in Daddy Mick's swimming pool."
I need a few seconds to think about it. Sa huli, pumayag na lamang ako sa gusto nilang mangyari sa takot na magtampo ulit si Elliot. Wala naman akong trabaho mamaya. Iiwasan ko nalang si Mick dahil galit pa rin ako sa kanya.
Labis ang tuwa ni Elliot nang pumayag ako na halos magtatalon pa sa backseat at hinalikan ang pisngi ko ng ilang beses. Nang pasadahan ko ng tingin si Mick na nasa driver's seat na ngayon ay nakita ko ang multo ng ngiti sa kanyang labi.
Lumipat ako sa passenger's seat at nagsimula ng magmaneho si Mick. I informed the driver that he can take the day-off.
Habang patungo sa bahay ni Mick ay tahimik lamang ako habang busy sa paglalaro si Elliot sa iPad. Napansin ko naman ang madalas na pagsulyap ni Mick sa akin.
I distracted myself by watching outside the window. Sampung minuto ang lumipas at naramdaman ko ang kamay ni Mick sa aking hita.
Kumunot ang noo ko at mabilis na tinanggal ang kanyang kamay.
"Sorry, akala ko kambyo." nangingiti siya.
'Kung kambyuhin ko yang mukha mo at itutok sa tambutso?'
Syempre hindi ko iyon sinabi dahil nasa likod si Elliot. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin at hindi na sinagot pa. I moved farther away from him to make sure that he doesn't do it again.
Tumunog ang stereo ng sasakyan dahil may tumatawag sa cellphone ni Mick. Walang pagdadalawang-isip na sinagot niya iyon bago ko pa man makita kung sino ang tumawag.
"Boss, nandito na." ani ng isang lalaki sa kabilang linya.
"We're on our way." sagot ni Mick.
Hindi ko na rin iyon pinansin. Ngunit muling kumunot ang noo ko nang tumigil ang sasakyan sa harap ng isang warehouse. A cute guy probably a little younger than me was waiting outside. Lumapit siya sa aming sasakyan nang makitang si Mick na ang dumating.
"Let's go, Goob." he motioned me to go out. Hinarap niya si Elliot. "Stay here, buddy. We'll only be gone for a few minutes."
"Okay, Daddy."
"Where are we? And what are we doing here?" angal ko.
"You'll see when we get inside." aniya.
Umiling ako. "I am not going there with you!"
"Huwag matigas ang ulo, Goob. You'll find out when we get there. I promise you'll be safe." He said assuringly.
"Go on, Papa. Daddy Mick will take care of you." singit ni Elliot.
I glared at Mick. Sa huli, wala na naman akong nagawa kundi sumunod kay Mick papasok ng warehouse kahit labag iyon sa kalooban ko. Naiwan si Elliot sa loob ng sasakyan kasama ang lalaki na tauhan ni Mick.
The warehouse was a dark place. Only small fractions of sunlight could enter the insides. Walang mga kagamitan sa loob kaya malawak iyon. Sa malayo ay kita ko ang iilang lalaki na malalaki ang katawan. Ngunit napukaw ang atensyon ko sa tatlong lalaking nakaluhod sa sahig.
Patuloy ang paghakbang namin ni Mick palapit roon. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang tatlong lalaki na nakaluhod.
I needed to be in close proximity to them in order to know who they were. Sa labis na pamamaga ng kanilang mukha at sa dami ng dugo na dumadaloy mula roon ay halos hindi ko na sila nakilala.
They were Mick's friends. Sina Pete, Kao, at Sining. Pare-parehong putok ang kanilang mga labi at puno ng sugat ang kanilang mga mukha, halatang binugbog.
Lumakas ang kabog ng puso ko. Imbes na magalit sa mga dating nang-api sa akin ay awa ang bumalot sa puso ko.
Their faces were hardly recognizable. Halos hindi na rin sila makadilat at pare-pareho silang tulala. Nakatali ang kanilang mga kamay sa likod. Kao fell to the floor. Ngunit mabilis at marahas siyang itinayo ng isa sa mga lalaking nakaitim.
"Goob, please let us go." umiiyak na pakiusap ni Pete.
"W-what is this Mick?" sigaw ko.
"I am teaching them their lesson for what they did to you." He answered in gritted teeth. Nilapitan niya si Pete at sinuntok ito sa mukha. Natumba si Pete at lumabas ang dugo sa kanyang labi. Ngunit kagaya kay Kao ay mabilis siyang ibinalik sa pagkakaluhod.
"Stop it!" pigil ko kay Mick. "Let them go!"
Ngunit tila hindi niya ako narinig at sunod na binanatan ng suntok si Kao.
Sinubukan kong hawakan ang braso ni Mick ngunit hinawi niya lamang ang aking kamay.
"You traitors! Pinagkatiwalaan ko kayo! Pero kayo lang din ang sumira sa tiwala ko!"
Mick rushed towards Sining and landed an even stronger punch. Umalingawngaw sa loob ng warehouse ang tunog ng malakas na suntok.
"Stop it Mick! Tangina tumigil ka!" pigil ko sa kanya. Tila hindi siya nakuntento sa isang suntok kay Sining kaya sinuntok niya ulit.
Umagos ang dugo sa bibig ni Sining. Napahawak na lamang ako sa aking bibig dahil sa sobrang awa at gulat.
Nang makabawi ay sinubukan ko siyang pigilan at pumagitna sa kanila.
Hinigit niya ang kamay ko at pinaharap ako sa kanila. I harshly pulled my arms away from his bloody hands. Galit niya akong tinitigan bago hinarap ang tatlo.
"Now say fucking sorry to Goob." mariin niyang utos.
"Sorry Goob. I'm sorry." Pete cried. "I regret everything. Please forgive me."
"Goob, I am so sorry. I'm sorry for what I did to you." hirap na hirap si Kao magsalita ngunit pinilit niya ang kanyang sarili.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napaiyak na ako dahil sa awa sa kanila. Hindi ko maitatanggi ang kagustuhan kong maghiganti sa kanila noon. Pero ngayong nakikita sila sa ganitong kalagayan ay hindi ko mapigilan ang maawa.
This is too much. Hindi ko kayang sikmurahin.
I am not that cruel. Siguro ay hindi pa akong handang patawarin sila kaya hindi ko pa maibibigay ang kapatawaran sa kanila. The least I can give them now is my sympathy.
Nilapitan ko si Pete at sinubukang tanggalin ang tali sa kanyang kamay. Ngunit pinigilan ako ng mga tauhan ni Mick at inilayo mula roon.
Mick motioned his men to do something. Habang hawak ako ng dalawang lalaki ay pinatayo sina Sining at pinatungtong sa mga monobloc chairs. Tinalian sila sa kanilang leeg, tila bibitayin.
"Oh my god! Let them go!" I cried.
"Beg harder!" utos ni Mick kina Pete, Kao at Sining.
Pete and Kao both cried. Samantala si Sining ay seryoso lamang ang mukha.
Hindi ko na kayang patuloy na manood. Pakiramdam ko bibigay ang aking katawan.
Kinagat ko ang kamay ng isang lalaki at nang mabitawan niya ako ay sinuntok ko naman ang isa. Nang makawala ay tumakbo ako paalis roon.
Hinabol ako ni Mick at naabutan niya ako sa labas.
"Bitiwan mo ako!" sigaw ko sa kanya.
"Why are you acting like this? I am doing this for you! To avenge you!"
I slapped him as I cried. "You are not doing this for me! You are doing this for yourself! Huwag mo akong idamay sa kasamaan mo! Gusto mo silang pagdusahin dahil hindi mo matanggap na niloko ka nila! At gusto mo akong idamay para maibsan ang konsensya mo dahil sa mga ginawa mo sa akin!"
Sinubukan kong kumawala sa kaniyang hawak ngunit mahigpit ang hawak niya sa braso ko.
"I just want to make up for the things I did to you." tumaas ang kanyang boses.
"This is your way of making up for the things you did? By burning down buildings and putting the lives of innocent people at risk? By beating your friends who betrayed you and hanging them to death? Palagi nalang dahas ang ginagamit mo, Mick! You always use violence to deal with things! What the fuck is wrong with you?!"
Nagsimulang lumuwag ang hawak niya sa akin. I harshly pulled my arm away. Nagsalita siya. His eyes are telling me that he's hurting.
"I'm sorry. It's just that I only know violence. I grew up with violence. It seems like violence is my bestfriend." malungkot niyang saad.
"You are a monster, Mick. That's what you are! Halimaw! Hayop! You only care about yourself! Porket naghihirap ka, gusto mo na ring pahirapan ang iba! If you want to take revenge on your friends, stop making me as an excuse! Sinabi ko na ito noon pero sasabihin ko ulit ito ngayon dahil hindi ko alam kung hindi mo ba maintindihan or you refuse to understand." nanginig ang boses ko. "I don't need you to fight my battles. I never needed you to do it for me. What I needed was for you to fight my battles WITH me! But that was years ago. But you did not! Mas pinili mong maging kaaway ko! Kaya tumigil ka na sa mga ilusyon mo na gusto mo akong ipagtanggol ngayon! Dahil kaya kong ipagtanggol ang sarili ko!"
"I'm sorry." he whispered. Tumulo sa kaniyang mata ang luha.
"Sorry na naman? Tangina para kang sirang plaka! Wala kang kwentang kausap! At wala ka ring kwentang tao! You are a bad influence to Elliot. Kung pwede lang ay ilalayo ko talaga siya sa'yo! It was a wrong move coming back here. And I cannot undo things just how you cannot undo things as well. Hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Kaya gustuhin ko mang bumalik at kumbinsihin ang dati kong sarili na huwag na lamang bumalik ng Pilipinas ay hindi ko magagawa. At kahit gustuhin ko mang ilayo si Elliot sa'yo ngayon, wala na rin akong magagawa. Dahil gagamitin mo na naman ang dahas upang pigilan ako. Because like I said, you are monster! Sasabihin ko ulit sa'yo to kahit sinabi ko na rin to noon. Tumigil ka na sa kakaasa na magkakabalikan pa tayo. The only person that is keeping us connected right now is Elliot. I will never want to be with you again. You are a monster, Mick! At kailanman hindi ko na gugustuhin ang makasama pang muli ang isang halimaw na katulad mo!" punung-puno ng galit ang bawat salitang binitawan ko.
"You just hit my spot. You hurt me in every possible way with your words, Goob. You must really hate me, huh?" His eyes were bloodshot.
"Huwag kang mag-alaala. That only makes us even. Because you hurt me in every possible way years ago too. Anong gusto mo? Maawa ako sa'yo? Bakit? Naawa ka ba sa akin noon tuwing sinasampal mo ako? Hindi ba hindi? Who would not hate you? Anyone who knows you probably hates you! Who would not hate a monster like you?"
"I'm sorry." he cried.
"Kung ako sa'yo, pakasalan mo yang sorry mo. Dahil hindi ko tatanggapin ang sorry mula sa isang halimaw na kagaya mo." walang emosyon kong saad.
"I have cancer, Goob." aniya sa isang mahinang tinig. "And I only have a few months left to live." dagdag niya.