ROXY CITY BOOK 4 (STRANGERS AND LOVERS) Chapter 13

CHAPTER TWELVE

She made her decision. Niligawan niya si Gavin. Sinuyo niya ito at ipinakita niya dito kung paano magmahal. She sent flowers to him. Dinadalaw niya ito kung nasaan man. May pagkakataong nagugulat na lang ito dahil nasa kalagitnaan ito ng racing ay susulpot siya. He never showed likeness sa tuwing makikita siya. Madalas ay si Basty ang kakausapin nito at sasabihang iuwi na siya. Kung wala daw ba siyang ibang pwedeng pag-abalahan kaysa mag- aksaya ng oras kabubuntot dito.

Mahirap at masakit ang ginagawa niya. Ngunit exiting naman para sa kanya. Masaya siya sa kanyang ginagawa. Umaasa siyang mari-realize din ni Gavin na mahal siya nito. Alam niya iyon. Nararamdaman niya. Kahit sina Eeli at Basty ay naniniwalang pinipilit lang nitong itago ang pagtingin sa kanya. That he was only had fear to love.

Nagpunta siya sa Roxy City noon araw na iyon. May usapan daw silang magkakaibigan at may mahalagang pag-uusapan. Nagtaka siya kaya dali-dali siyang nagtungo sa club.

“Hi!” kaagad niyang bati nang makita sina Amber, Cassie, Thia at Geri na tila nagdidiskusyon.

“Anong ganap?” tanong niya habang lumalapit sa mga ito. Nakipag-beso ang mga ito sa kanya. Ngunit hindi sumagot ang kahit sino sa kanya.

“Hey.” Aniya nang makaupo. Tumikhim si Amber. “There’s changes.” Anito.

“Ano? Saan? Taka niyang tanong. Palipat-lipat ang mga mata niya sa mga ito. She sensed that they were tensed and worried.

“Papalitan na tayo.” Si Geri ang tumugon. Lalo siyang naguluhan. “Papalitan?”

“Roxanne decided to organized audition for new members of-”

“’Xquizit? Pumayag kayo?” hindi nasisiyahan niyang agap dito. Kanya-kanyang iling ang mga ito.

“Kaya nga pinatawag ka namin. Papayag ba tayo?” Ani Cassie. “Bakit daw?” tila biglang sumakit ang ulo niyang tanong muli.

“Eh kasi nag-asawa na daw ako at umalis na sa grupo. Si Cassie naman ikakasal na.

Tapos ikaw-”

“Hindi ako magpapakasal.” Mabilis niyang agap. “Eh di’ba nanliligaw ka?” Si Amber.

“Oo nga.” Segunda naman ni Thia. “Sino nga ‘yon?”

“Si Gavin. ‘Yong kumidnap sa kanya.” Nakaismid na saad ni Geri. “Hindi s’ya ang gumawa no’n.” pagtatanggol niya.

“Pero nililigawan mo.” Si Cassie.

Inismiran niya ang mga ito. “Pinagdududahan n’yo ba intensyon ko?” Nanunuyang tumawa si Amber. “You’re crazy.”

“Crazy mo mukha mo.” pikon niyang sabi.

Nagtawanan ang mga ito. Lalo siyang napikon. Ang buong akala niya ay susuportahan ng mga ito ang desisyon niya. Na naiintindihan siya ng ito dahil kaibigan ang mga ito. Ngunit tila pinagtatawanan lamang ng mga ito ang nararamdaman niya para kay Gavin.

“Ganyan ba talaga kayo?” aniya na himig nagtatampo.

“Pikon.” Si Cassie at muling nagtawanan ang mga ito. Nabuga siya ng hangin saka nakasimangot na sumandal sa upuan. Hindi siya umimik.

“We want to meet this guy.” Ani Amber.

“At para ano? Para laitin n’yo?” tugon niya.

“Hindo ‘no. Ikaw naman pikon agad. Natutuwa lang kami sa’yo kasi hindi namin inakala na gagawin mo ‘yon.” Si Cassie. “Cristina Leonor Rubio, sought after dancer, choreographer suing her abductor. Ang kulit di’ba?”

“Hindi n’yo s’ya kilala.” Saad niya.

“Kaya nga.” Sansala ni Thia. “Kaya nga gusto namin s’yang makilala. We’re you’re friends, right? We deserve to meet him. Gusto namin kilala namin ang lalaking kauna-unahang nagpaiyak sa’yo.”

Natameme siya. She felt guilty. Hindi niya magawang ipakilala sa mga ito si Gavin dahil walang pagkakataon. Wala siyang makitang paraan upang maisama sa Roxy ito. Ni ayaw nga siya nitong harapin. Hindi pa sila nagkakapag-usap nang maayos simula nang puntahan niya ito sa court. Hindi rin konektado sa kahit sino sa mga ito si Gavin.

“Mabuti s’yang tao. I promise.” Nangungumbinsi niyang saad. Sabay-sabay nagbuntong-hininga ang mga ito. Napagaya siya.

“Any information na pwede mong ishare tungkol sa kanya.” Si Amber.

She sighed heavily. “Eto, sasabihin ko pero promise ha, wag OA ang reaksyon. Okay?” “Bakit? Ex-con ba?” Ani Geri. “Sabi ko na eh. Rapist ‘yan.”

“Hindi.”

“Eh ano? May asawa?” Si Amber naman. “Hindi ‘no.” mapikon-pikon niyang agap. “Ah alam ko na.” Si Cassie. “Drug addict?” “God! No!”

“Baka nga.” Si Thia.

“Stop!” sigaw niya at iniangat ang mga kamay sa gitna nila. Natahimik ang mga ito. She breathed out.

“Anak s’ya ng presidente.” Mabilis niyang sabi at pinalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito. Nais niyang makita ang reaskyon ng mga ito.

“Presidente ng?” naka-angat ang kilay ni Thia. Tumikhim siya. “Ng Pilipinas.”

“Weh?” hindi naniniwalang pang-aasar ni Geri. “Sabi ko na eh.” She said almost defeated.

“Really?” biglang sumeryoso si Amber. Balewala siyang tumango. “What?”

“Oh my God!” “Wow!” “Anak ng…”

Napangiwi siya sa sabay-sabay na bulas ng mga ito.

“So, totoo pala ang tsisimis.” Patangu-tangong saad ni Amber. “Hoy, Cristina. Marami kang utang na kwento sa’min ha.”

Nagkibit-balikat na lang siya.

“Okay. Naniniwala kami sa’yo. But you have to promise us na ipapakilala mo s’ya sa’min.” Ani Cassie.

“Alright, I promise.” She said.

“Okay.” Si Geri na lumapat ang mga palad sa mesa. “Cleo, goodluck sa panliligaw. Sana sagutin ka n’ya. Pero kailangan pa nating mag-usapan ang tungkol plano ni Roxanne.”

“Ano bang sabi ni Lourd?” Aniya na nakatingin kay Cassie.

“Tayo daw ang dapat mag-decide do’n.” “And?”

“It’s an option.” Si Thia. “And?”

Malakas na nagbuntong-hininga si Amber. “Let’s give it a try. Tutal titigil na si Thia. Kulang na rin naman tayo. And…siguro makakatulong na rin tayo ibang may potential. Basta ba sa’tin dadaan lahat ng bagong members.”

Sandaling walang nagsalita. Malalim na pinag-iisipan ang mga sinabi ni Amber. Hindi biro ang gustong mangyari ni Roxanne. Lalo na marahil sa kanya. Mahal na mahal niya ang grupo. Hindi lang dahil sa magagaling ang mga kaibigan niya. Minahal na niya ang ‘Xquizit dahil ito na ang nagpakilala sa kanya sa mundo ng pagsasayaw.

Hindi naman mabubuwag ang grupo. Iyon nga lamang ay may mga bagong papasok. Ibig sabihin ay hindi na niya makakasama ang mga kaibigan nang madalas. Paano nila iha-handle ang ganoong pagbabago sa buhay nila gayong sa Roxy City na halos umikot ang mundo nila.

“Sa tingin ko kailangan nating kausapin si Roxanne tungkol sa arrangement.” Aniya kalaunan. Hindi iyon kinontra ng mga kaibigan niya ngunit hindi rin naman kinakitaan ng tuwa ang mga ito. But they have to decide. Kailangan din nilang intindihin si Roxanne at ang kinabukasan ng Roxy City.

“For new beginnings?” Si Cassie. Malungkot silang tumango.

“Aww, don’t be sad. Tayo pa rin naman ang magkakasama. Except fot Thia. Pero magkakaibigan pa rin naman tayo. Talagang dumadating sa buhay ang pagbabago. And ours is this.” saad ni Amber na pinasasaya sila.

“Xquizit, forever.” Sabi niya at nginitian ang mga ito. Sinunod siya ng mga ito at ngumiti na rin. Saka sila nagyakap.

“Hello, Basty. Andito na ‘ko sa baba.” Sabi ni Cleo habang nasa tainga ang cellphone

niya.

“Okay. Palabas na kami. Salubungin mo kami.” Sagot nito at nawala na ito sa linya.

Kinakabahan niyang ibinalik sa bag niya ang cellphone saka malakas na nagbuga ng hangin. Inayos niya ang kanyang buhok. Ipinusod niya iyn upang maitago ang afro vibe. Baka kasi magulat ang kakausapin niya kapag nakitang malaki pa sa mukha niya ang buhok niya. Kailangan niyang maging pormal. Nakasuot siya ng itim skinny slacks at pulang chiffon top. Pinatungan niya iyon ng itim din corporate blazer. She put a light make up. A corporate look.

Masyado nang ini-enjoy ni Gavin pagpapakipot. Ilang beses na siya nitong tinanggihan.

Kaya kailangan na niya ng desperate move. Dadaanin na niya sa paspasan.

Nagpabalik-balik siya sa hallway ng hotel. Mabuti na lang at binigyan siya ni Basty ng passes kaya siya nakapasok. May event na ginaganap na roon sa naturang hotel ang Pangulo. At ito ang tamang timing upang kausapin.

Napatuwid siya ng tayo nang makita ang malaking kumpol ng mga tao naglalakad palapit sa lobby. Napaligiran ng malalaking tao ang pakay niya. Hinanap ng mga mata niya si Basty. Nasaan na ito?

Nabuhayan siya ng loob nang makita ito. Kaagad siyang napansin nito kaya nilakad ang distansya palapit sa mga ito.

“Mr. President.” Sabi niya.

“No press allowed, Miss.” Kaagad na harang ng isang lalaki sa kanya. Napatingala siya

dito.

“H-hindi po ako press. May sasabihin lang po ako kay Mr. President.” Sagot niya at lumipad ang tingin kay Basty.

“I’m sorry. The president is in a hurry.” Anang lalaki at pinatuloy na sa paglalakad ang entourage. Napilitan siyang tumabi. Nataranta siya. Makakalayo ang Pangulo!

“Gabriel Vincent!” our of desperation na. Iyon lang naisip niyang paraan upang harapin siya nito. Alam niya kung gaano ka-busy ang pangulo ng bansa. Ngunit kaligayahan ng anak nito ang pakay niya.

Natigilan ang Pangulo dahilan upang mapatigil din ang mga nakapaligid dito. Lumingon ito sa kanya. Sinamantala niya iyon at muling lumapit dito. Hinarangan siya muli ng lalaki ngunit pinigilan ito ng Pangulo. Seryoso itong tumingin sa kanya.

“Ano ‘yon, hija?” anang barito nitong boses. He looked intimidating. Tulad din ni Gavin.

He was the older version of her love.

“Ahm, pwede ko po ba kayong makausap?” tanong niya. Nakita niyang lumapit si Basty dito at may ibinulong. At habang pinakikinggan ito at nakatingin ito sa kanya.

Tumango ito nang makalayo si Basty. Tumingin ang huli sa kanya. “A-ako po si Cleo.” Pakilala niya sa sarili.

Sandaling hindi ito tumugon.

“Nasabi nga sa’kin ni Basty.” Anito at ngimi siyang napangiti. “S-Sir-”

“Come with me. We’ll talk.” Sabi at mataktika siyang inalalayan ni Basty. Saka muling lumakad ang buong entourage.

Tila mabigat ang loob na iniabot ng lalaki ang pera kay Basty. Nanalo sila sa dalawang round ng race. Nasa Laguna sila at panay ang halok sa mga underground drag racing.

“Salamat, pare.” Ani Basty sa lalaki at pakamut-kamot ang ulo na lumayo sa kanila.

Iniabot nito ang pera sa kanya.

“Sa’yo na ‘yan.” Sabi niya. Taka itong tumingin sa kanya. “Anong gagawin ko dito?” tanong nito.

Nagkibit siya ng balikat. “Ibigay mo kay tita Delia. I-treat mo sila sa labas.” Natawa ito. “Hindi mahilig lumabas si Mama.”

Tinalikuran niya ito at sumakay sa kotse. Sumunod ito sa kanya. Pagod na rin siya at nakailang laban na sila. Gusto na nilang umuwi ng Maynila. He felt so exhausted.

“Ipang-chicks mo.” sabi niya at ini-start ang kotse. Tumingin siya sa likod habang iniaatras ang sasakyan.

“Hanggang kailan ba natin gagawin ‘to?” biglang tanong ni Basty. “Hangga’t gusto ko.” Sagot niya. Tumatakbo na sila noon.

“Sa’n tayo?” muli nitong tanong. Nakita niyang tiningna nito ang hawak na pera. “Ang dami nito. Sa’n ko naman gagastusin ‘to?”

“Akina.” Inagaw niya ng kanang kamay ang pera mula dito. Inilipat niya sa kaliwang kamay niya at iniumang sa nakabukas na bintana. Nagliparan ang mga iyon.

“Whoa! Ano ‘yon?” bulas ni Basty habang walang magawang pinapanood ang paglipad ng mga pera. “Sira-ulo ka talaga.”

Hindi siya kumibo. Muli niyang ipinasok ang kamay sa inabala ang sarili sa pagmamaneho. Saka nababagot na nagbuntong-hininga. Hindi niya masabi kung pagod na ba

siya kaya gusto na niyang umuwi o hindi lang niya na-enjoy ang race nila. Either way, he wasn’t happy. Parang may mali. Parang may kulang.

Nang lingunin niya si Basty ay tulog na ito. Nangingiti siyang napailing. Mukhang ito ang napagod. Mabuti na ring tulog na ito. He needed some silence. Gusto niyang mag-isip. Pagtantuin ang bagay-bagay na hindi niya alam kung ano. He knew he missed something. No. Not something. It’s someone. Someone too special for him para magawa nitong baguhin bigla ang pananaw niya. Ang nararamdaman niya.

Marahil ay nababaliw na siya. Sinabi niya sa sarili na hindi na niya pahahalagahan ang buhay niya. Unti-unti niyang sisirain ito dahil naniniwala siyang hindi sinasadya. Hindi inaasahan. Hindi pinagplanuhan. He never even experienced a warm welcome. Itinago siya at hanggang ngayon ay itinatago pa rin. But Cleo did different. Tinanggap siya nito. Minahal at ipinaglaban. Ngunit sinasaktan lamang niya ito. Lalo niyang naramdaman ang pagkawalang kwenta. Kung pwede lang ibalik ang panahon. He would went after her. It’s too late now. Dahil ang totoo ay mahal na niya ito.

“Damn it!” napasigaw siya sabay kabig sa manibela nang biglang humarang sa harap nila ang isang dapat ay makakasalubong lamang na kotse. At ang isa ay nadagdagan ng isa pa. Nagulat siya. Mabuti na lang at nakapagpreno siya.

“D-dude, anong nangyari?” tanong ni Basty nang magising. Hindi na niya ito nasagot dahil bumaba na siya ng sasakyan. Sumunod ito sa kanya at bumaba rin.

Ang balak niya ay sisitahin niya ang panghas ngunit naging mabilis ang mga pangyayari.

Bigla ay may humawak na sa braso niya patalikod. Kaagad ay naposasan siya nito.

“What the…sino kayo?” nagngangalit niyang tanong dito. Ngunit hindi ito tumugon.

“Gavin!” Ani Basty at akmang lalapit sa kanya ngunit pinigilan ito ng isa sa mga lalaki. Naalarma siya. They were all wearing black. May suot na maskara ang mga ito.

“Bitawan mo ko!” Pasigaw niyang sita sa lalaki. Pinilit pa niyang pumiksi ngunit sadyang mahigpit ang hawak nito. Nang mapansin marahil na nagpupumiglas siya ay lumapit ang isa pa.

“Sa’n n’yo ba ako dadalhin?” galit niyan tanong nang hinila siya patungo sa nakaparadang sasakyan. “Basty!”

“Gavin!” sagot naman nito ngunit wala naman itong magawa dahil pinipigilan ito ng iba pang lalaking humarang sa kanila.

“Sakay.” anang isa at hinawakan ang ulo niya. “Ano ba?” pinilit niyang magpumiglas.

“Sumakay ka na lang sabi eh.” tila napikon na rin sabi nito at bigla na lang bumaligawas ang kamao nito. Napangiwi siya nang tumama iyon sa sikmura niya.

“I’m sorry, Sir. Napag-utusan lang po.” narinig pa niyang sabi nito at namimilipit na napasakay siya sa kotse.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.