ROXY CITY BOOK 4 (STRANGERS AND LOVERS) Chapter 12

CHAPTER ELEVEN

“Kalokohan ang sinasabi mo, Cleo.” Gusto niyang haluan ng galit ang tinig niya upang mabuwal ang pag-asang mayroon ito. Ngunit kinakain siya ng galak dahil sa sinabi nito.

‘She loves me.’ Wala pang babae o kahit sino ang nagsabi sa kanya na mahal siya. Kahit sa sarili niyang magulang na hindi naman niya nagisnan. Oo nga’t marami nang nagpahayag ng pag-ibig sa kanya na mga babae. Lahat iyon ay hindi niya pinaniwalaan. Wala siyang naramdaman sinseridad sa ibang babaing nagpahayag noon. Hindi tulad ngayon. Cleo was offering like forever. Akala niya ay hindi mararamdaman iyon.

“Hindi ito kalokohan.” Mariin na din ang tinig nito. “Go home.” Aniya at tumayo siya. “Eeli!”

Sabay na lumingon sa kanila sina Eeli. Lumakad siya palapit sa mga ito. Ayaw niyang makipag-usap pa kay Cleo. Baka hindi mapigil ang sarili at maamin dito ang nararamdaman niya. He hated that. Mas gugustuhin pa niyang hindi ito nakikita at kayanin ang hirap kaysa harapin niya ang damdamin niya. Wala siyang maipapangakong kaligayahan dito. He loves her. Iyon lang sigurado niya. Ngunit maaari lamang manganib muli ang buhay nito kung siya ang mamahalin nito.

“Umuwi na kayo. Gabi na.” Aniya kay Eeli. Lumampas ang tingin nito sa kanya. Alam niyang nasa likod niya si Cleo.

“Ate, bakit ka umiiyak?” takang tanong nito saka muli siyang hinarap. “Anong ginawa mo sa ate ko?”

Nilapitan ni Eeli si Cleo. Hindi siya natinag. Ni hindi niya ito nilingon. Lumapit sa kanya si Basty.

“Anong nangyari? LQ?” Anito.

“Wala.” Sabi niya at muling lumakad palayo.

“Gago ka talaga!” anang tinig ng galit na si Cleo. Natigil siya sa paglalakad. “Bakit hindi mo harapin ang totoo! Harapin mo ang nararamdaman mo! Alam ko. Mahalaga ako sa’yo. Bakit ayaw mong maging parte ako ng buhay mo?”

Mariin siyang napapikit. “Umuwi ka na. Wala na tayong dapat usapan.” “Duwag! Wala kang kwenta! Duwag!”

“Oo!” ganti niyang sigaw. Saka marahas na bumalik at hinarap ito. Hawak ito ni Eeli sa baywang. Nakasunod naman sa kanya si Basty.

“Duwag na kung duwag. Pero hindi ko kayang paniwalaan ang sinasabi mo. Hindi mo ‘ko kilala, okay? Hindi mo alam kung anong buhay meron kami. At ‘yang sinasabi mong pagmamahal na ‘yan. Walang patutunguhan ‘yan! Anong klaseng buhay ang ibibigay ko sa’yo? Patapon?”

“Gavin.” Si Basty. Nakahawak na ito balikat. Tinabig niya ito.

“Wala akong trabaho. Walang matinong bahay. Walang pangarap sa buhay. Don’t waste your time on those crappy things you said. Mahal? Geez. Find someone else.” Aniya at muling tumalikod. Muli siyang lumakad palayo. Kung kinakailangang saktan niya ito ay gagawin niya.

“Gavin, wait.” Ani Basty na sinundan siya. “Kausapin mo s’ya. ‘Wag mo namang ipagtabuyan si Cleo.”

“Huwag mong sabihing naniniwala ka sa kanya?” Sita niya.

Basty snorted that seemed that he doesn’t believed him. “Bakit hindi mo subukan? Spend time with her. Open up.”

Siya naman ang suminghal. “Alam mong hindi pwede ‘yan. Professional bum tayo, right?

Nagsasayang tayo ng buhay. Bakit ka magsasama ng sabit?”

Hindi ito kaagad nakasagot. At hindi na niya itong hinintay pa. Iniwan niya ito at lumayo. Narinig pa niya ang pagtawag nito ngunit hindi na niya ito pinansin. Ayaw niyang pakinggan ang dahilan upang manatili doon at pakinggan ang puso niya.

“Halos lumaking walang magulang si Gavin.” Panimula ni Basty. Naiwan silang tatlo sa court at talagang binalewala na siya ni Gavin. Hantaran nitong ipinakita at sinabing hindi na dapat masundan ang kung anumang nagsimula sa kanila.

Her heart was dying. Sana’y naging malumanay naman sana ito. Hindi iyong parang walang puso itong umatake sa kanya na parang may nakakahawa siyang sakit.

“Patay na ang parents n’ya?” Si Eeli.

Umiling ito. “Mother niya namatay no’ng twelve years old. Nasa Iloilo pa s’ya. Baker ang nanay n’ya. May bakery sila dati. Kaso, ‘yon nga. Nang mamatay ang mama n’ya naisara na rin ‘yon. Wala rin namang magagawa si Gavin do’n kasi hindi namna s’ya marunong mag-bake. Napilitan s’yang lumawas dito sa Maynila para hanapin ang tatay niya. Pero…hindi naging madali para sa kanya. Hindi n’ya kasi kilala. Hindi naman sinabi ng mama n’ya kasi nga galit ito sa tatay n’ya. Tapos itinakwil pa ang mama ng pamilya n’ya. Kaya there’s no way para makilala n’ya ang tatay n’ya.

“Nagplabuy-laboy s’ya dito sa Maynila. Sa kalye natutulog. Tumatambay sa palengke para makakain. Naubos na kasi ‘yong naipong pera nang mamatay ang mama n’ya. Kaya…ang ginawa n’ya nagkargador s’ya sa palengke. Sa pwesto ng nanay ko. Noon ko s’ya nakilala. Tapos…naging close kami.”

“Pa’no kayo naging agent?” Si Eeli pa rin ang nagtatanong. Siya ay tahimik lang na nakikinig habang lumuluha.

“Pulis ang tatay ko. Tapos si tiyo Samuel ang nagpa-aral sa kanya. Pumasok kami sa PMA. That time, AFP chief na si tiyo Samuel. Nakatapos kami. Na-assign kami sa ilang fields. Pero pinaka naging trabaho namin ay NICA.”

“NICA?” aniya.

“National Intelligence Coordinating Agency. Field agent kami. Investigator, spy and guard na rin. Trabaho naming mag-gather ng information. Nakikipag-coordinate kami sa NBI, PNP para magkaroon ng kaso ang mga natutuklasan namin. Ah…hanggang do’n lang ang pwede kong ikwento tungkol sa agency. It’s a protocol.” Paliwanag ni Basty.

“That’s okay. Pa’nong nauwi kayo sa racing?” Tugon ni Eeli.

“Umalis kasi sa agency si Gavin nang…makilala n’ya ang tatay n’ya.”

Pareho silang nagtaka magkapatid. Si Eeli ang nakabawi. “Anong connect? Sa agency rin nagtatrabaho ang tatay n’ya?”

“No. Hindi naman n’ya hinanap ang tatay n’ya para makasama. Hinanap n’ya para sumbatan. Gusto n’yang ipamukha sa tatay n’ya ang naging kapabayaan nito. Pero since, tumagal na nang sampung taong nasa Maynila s’ya kaya nawalan na s’ya ng pag-asang makikilala pa pero mapaglaro ang tadhana.”

“Sinong tatay n’ya?”

Nanahimik si Basty. Tila ayaw nitong sagutin ng tanong ni Eeli. Nagbuntong-hininga ito dahilan upang isipin niya na maselan ang bahaging iyon ng buhay ni Gavin.

“Basty, sinimulan mo na rin lang. Sabihin mo na.” tila nairitang sabi ni Eeli. “Ipinakilala ni tiyo Samuel kay John Benedict Pelicer si Gavin.”

“Kay Mr. President?”

“He was still the vice-president at that time. Na-assign kay Gavin ang terrorism case sa Davao. Hinawakan ng bise presidente noon kaya kailangan n’yang mag-report sa kanya. ‘Yon na. Nalaman ni President kung sino si Gavin. Nalaman n’ya ‘yong pangalan ng nanay ni Gavin. Do’n nalaman ni Gavin na nagkakilala pala si President at ang nanay kasi tubong Jaro si Mr. Presindent. Nagkaroon ng tracing sa past. Nalaman n’ya na nagkaroon ng relasyon ang nanay n’ya at ang presidente.”

Lubha niyang ikinakagulat ang mga sinasabi ni Basty. Ngayon ay naniniwala na siyang hindi nga naging madali ang buhay ni Gavin. Hindi rin simple ang pagkatao nito. He grew up alone. He strived to live and have life. Pagkatapos ay malalaman nitong hindi simpleng tao ang ama nito?

“W-what?” mangha si Eeli.

“Okay. To cut the story…he is a presidential son. S’ya ‘yong natsitsismis na illegitimate son ng presidente. S’ya ‘yong sinasabing anak sa labas.” Ani Basty.

“So the rumors are true.” Sa wakas ay nagsalita na siya.

Kontrobersyal kasi ang kasalukuyang presidene ng bansa dahil sa kumakalat na balitang may anak ito sa labas ng hindi magawang ipakilala ng pangulo sa publiko. Anak daw ito sa pagkabinata ng pangulo at tumatayong panganay sa mga anak nito. Na hindi totoong tatlong babae ang anak nito.

Tumingin si Basty sa kanya. “Ang katotohonan sa pagkatao n’ya ang pumipigil sa kanya para maging masaya s’ya. Umalis s’ya sa agency dahil iniisip n’ya tinutulungan n’ya ang tatay n’ya. Na nagiging instrumento pa s’ya para maging maganda ang imahe nito. Ginusto n’yang mawala ang lahat sa buhay n’ya at sirain ang buhay n’ya para mahirapan ang tatay n’ya.”

“Pero hindi ba nag-eexert ng effort ang papa n’ya para magka-ayos sila? Ang sama naman ni Mr. President kung gano’n. S’ya na nga itong may pagkukulang sa anak n’ya. Suportado pa naman ni Mama ang gobyerno n’ya.” Si Eeli ulit.

“Hindi sa gano’n. Hindi kasi alam ng pangulo na nabuntis noon ang nanay ni Gavin. Kaya hindi n’ya alam na may anak s’ya dito. The president did everything that he can. He even asked for Gavin’s forgiveness. Pero si Gavin ang matigas. Hindi naman magawa ng pangulo na ipakilala siya sa public dahil panahon ng pangangampanya noon. Untimely, kung gagawin iyon noon. Pwedeng ikatalo ni Pelicer ‘yon.”

“How ‘bout now?” tanong niya habang nasa isip si Gavin. Gusto niyang itong hanapin.

Gusto niya itong samahan at yakapin.

“Si Gavin ang tumatanggi.” Anito. “Ginagawa naman ni Mr. President ang lahat. Inalok s’ya ng kung anu-ano. Ng bahay, ng trabaho. Binalak din n’ya na ipakilala sa pamilya si Gavin. Pero ayaw ni Gavin eh. Binigyan pa nga trust fund si Gavin noon eh. Na winawaldas lang ni Gavin ngayon. He is wasting everything now. Kahit nga yata kay Kamatayan eh, ibebenta n’ya buhay niya. He was so hurt. Hindi pa n’ya kayang tanggapin ang tatay n’ya. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin n’ya tinatanggap ang pangalang gustong ibigay ng tatay n’ya sa kanya.”

“Ate…” untag ni Eeli sa kanya. Tumingin siya dito. “Okay ka lang? Maga na ‘yong mata

mo.”

Pilit siyang ngumiti. Pakiramdam niya ay nasasaktan din siya para kay Gavin. Kung sana ay bigyan lamang siya nito ng pagkakataon.

“Okay pa ‘ko.” Matamlay niyang tugon.

“Ikaw, Basty. Ba’t umalis ka rin sa agency?” tanong ni Eeli.

“Nauna akong umalis kaysa sa kanya. Na-assign kasi ako sa presidential security. Pero no’ng nabalitaan ko na umalis si Gavin bigla akong pinatawag ni Mr. President. Nalaman n’ya na magkaibigan kami kaya ako ang inatasan n’ya para bantayan s’ya.”

“Really?”

“Yup. I’m being paid para samahan s’ya sa mga kalokohan n’ya. I’m not just here as a friend. I’m also his protector. Maraming kaaway ang presidente. Hindi s’ya pwedeng mag-isa.”

“Wow.” Hindi na yata titigil si Eeli na mamangha. “Alam ba n’ya?”

“Hindi ko sinasabi pero…alam kong alam naman n’ya eh. Hindi lang n’ya ako dinidispatiya kasi kaibigan n’ya ‘ko.”

“Cleo.” Nilingon niya si Basty. “Huwag ka sanang sumuko. Alam ko mahal ka n’ya. Sa unang pagkakataon ay pinakinggan n’ya ‘ko at kinausap n’ya ang ama n’ya.”

“Tungkol saan?”

He sighed. “Para mailigtas ka. We were running out of time at that time. Matagal bago namin napagtagni-tagni ang mga inpormasyong nakukuha namin. Kaya nagawa ni Darren na kumilos. Nakuha ka n’ya.

“Ang gobyerno mismo ang tumulong sa’min kaya nahuli sina Darren. S’ya mismo ang humingi ng tulong sa mismong pangulo. Akala ko kamamatayan na n’yang hindi pupuntahan ang tatay niya. Pero dahil sa’yo nagawa n’ya ‘yon. Gano’n ka kahalaga sa kanya. Ikakamatay n’ya at baka napatay n’ya si Darren kung may nangyaring masama sa’yo. He was so furious no’ng nagkita kami. Gustung-gusto na n’yang patayin si Darren. It was the first time I saw him like that. He cared so much about you. Binantayan ka n’ya nang ilang buwan nang magtago si Eeli dahil alam n’ya ikaw ang pupuntahan ni Darren. Nawaga n’yang makisama kay Darren dahil alam n’ya na iyon ang tanging paraan at dahilan n’ya para palagi ka n’yang puntahan o makita.

Hindi n’ya sinasabi pero alam ko. He fell in love with you the first time he saw you. Ayaw lang n’yang aminin sa’kin.”

Muling napaluha si Cleo. “Bakit ikaw ang nagsasabi ng mga bagay na sa’kin?”

“Kaya pilitin mo s’ya. Make him believe in love. Alam ko nararamdaman na n’ya. Ayaw lang n’yang paniwalaan ang nararamdaman n’ya. Marami na s’yang pinagdaanan. At sa tingin ko dapat na s’yang sumaya. At alam kong kayang mong gawin ‘yon.”

Niyakap siya ni Eeli nang lumakas ang pagluha niya. She wanted to run after him. Parang sasabog ang puso niya sa sakit.

“Let it out, Ate.” Ani Eeli. Tumingin siya dito. “Baka gumaan ang pakiramdam mo.” Pinahid niya ang bumubulusok niyang luha. Saka tumayo at nilakad ang gitna ng court.

Nilingon niya ang paligid. How she wished Gavin was around.

Huminga siya nang malalim saka, “I love you, Gabriel Vincent! Mahal na mahal kita! Wala akong pakialam kahit kanino kang anak! Kahit na anong pinagmulan mo! Mahal kita! Kahit ngayon pa lang kita nakilala! Hindi ako susuko. Mamahalin mo rin ako! Gabriel Vincent! Hayup ka, mahal na mahal kita!”

Nagbuga siya ng hangin. Taas-baba ang dibdib niya sa sobrang emosyon. Naramdaman niya ang pagyakap ni Eeli sa kanya. Muli siyang napaluha.

Parang lulundag mula sa dibdib ni Gavin ang puso niya dahil sa naririnig na tinig ni Cleo. Nagpapahayag ito ng pagmamahal at nagsisikip ang dibdib niya. Nasasaktan siya kahit na masaya siya.

Hindi siya lubos na lumayo. Nagtago lamang siya sa isang tagong parte ng court parang lamang makalayo kay Cleo. Gusto niyang ipakita dito na galit siya dahil sa ginawa nito. Gusto niyang mabuwal ang pag-asa nito at ito na mismo ang lumayo.

Alam niyang sinabi na ni Basty ang lahat. His friend may even provoke Cleo to go after him. Na sinabi nitong suyuin siya kung kinakailangan. Ngunit ang hindi niya sigurado ay kung kaya nitong tanggapin ang pagkatao niya. Ang tungkol sa pangit na katotohanan tungkol sa kanya. He grew up alone. He struggled without a family. Kaya paano siya magmamahal kung naipagkait iyon sa kanya nang matagal na panahon.

“Cleo…” he felt so devastated. “Paano kita mamahalin nang hindi kita masasaktan?

Hindi ko alam kung paano. You are too perfect for me. Too good for someone like me.”

Hindi na nasundan ang pagsigaw ni Cleo. Mula sa siwang ay sinilip niya ito. Nakita niyang niyakap ito ni Eeli. Iyak ito nang iyak. Parang piniga ang puso niya. Hindi pa man ay nasasaktan na ito dahil sa kanya. Paano pa ang mga susunod na araw?

Nakita niyang lumakad ang mga ito. Nakapanood pa rin siya. He wanted to run to her. Gusto niyang siya ang magpatahan dito. He would kiss her until she felt good. Ngunit napipigilan siya ng takot at pride.

“Huwag kang susuko, Cleo. Huwag mo ‘kong sukuan. Darating ako. Darating ako.” Ani Gavin sa sarili habang nasa isip ang isang pagtanggap.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.